Friday, June 27, 2014

Si Mokong at Ako

By: Alj

                Isang sorpresa ang natanggap ko mula sa aking mga kaibigan at mahal sa buhay sa aking ika-dalampu’t isang kaarawan. Isang sorpresang hindi ko malilimutan hanggang sa ngayon. Ang huling birthday party ko ay noong ako ay walong taong gulang pa. Makalipas ang labing tatlong taon, nasundan ito. Ito ay sa pangunguna na aking matalik na kaibigang si Aaron John Coronel.
                “Happy kaarawan tol!” bati ni Aaron sa akin sabay abot ng isang kahong kulay blue na may note pa sa ibabaw. “Sa kwarto mo na buksan.” Bulong niya sa akin matapos ang isang mahigpit na yakap.
                “CENSORED!” nakasulat sa note.
                Nang tinignan ko si Aaron, binitiwan niya lang sa akin ang isang nakakalokong ngiti. Yung ngiti na kapag nakita mo, alam mong may pangtri-trip na ginawa ang taong nagbitaw ng ngiting ganoon. Ganun na ganun ang ngiti niya. Ako naman, mapagpatol. Napailing na lang ako at naglagitik ng dila. “Ano kayang balak ni mokong?” isip-isip ko.
                Nagtagal din yung party na iyon. Umabot ng hanggang alas dos ng madaling araw dahil nasundan ng inuman ang balak na hapunan lang. At siyempre, ang inuman ay humantong sa pakikitulog ni mokong. As usual, tulad noon, sa kwarto ko siya natutulog. Magkatabi kami sa foam na inilalatag ko sa sahig. At dahil alam kong hindi nakakatulog siya ng walang yakap-yakap na unan, ipinagamit ko sa kanya ang regalong hotdog pillow ng aking pinsan. Kahit sanay na akong katabi siya, hindi ko hinayaang yakapin niya ako kahit minsan habang natutulog. Ano ako? Bading!?

                Bago ako matulog, naalala ko yung regalo niya sa akin. Habang nakaupo sa tabi niya at naka-sandal sa malamig na sementadong pader, binuksan ko ang lamp shade upang makita ang laman ng regalo. Puro CD ang laman, lima to be exact. Dahil may dvd player ako sa aking kwarto, isinalang ko ang CD. May mga bilang pala ang CD, numbers one to five, kaya yung number one ang inuna ko. VCD pala ang mga ito nang mag-play. Nalaman ko kasi nakakabit ang dvd player siyempre sa TV. Mukha ni mokong ang lumabas na kumakanta-kanta sa aking kaarawan.
---
                “Happy Kaarawan! Two and one, twenty one.” Sa tono ng isang komersyal ng ice cream. Napatawa ako ni mokong sa una pa lang. Hindi ko akalaing magseseryoso ito matapos ang pagkanta. Hininaan ko ang volume ng TV upang hindi marinig sa kabilang silid at upang hndi din magising si mokong sa kanyang mahimbing na pagkakatulog dahil sa kalasingan.
                “Tol, naalala mo pa ba nung una tayong magkakilala? Ang dugyot-dugyot mo pa noon na naglalaro sa kalsada sa tapat ng bahay namin sa subdivision sa Alabang.” Panimula niya dahilan upang magbalik tanaw ako sa aking kabataan.
                “Bata! Bata! Anong ginagawa mo diyan?” tanong sa akin ng batang nasa loob ng isang magarang bahay habang nakahawak ito at pilit dumudungaw sa maliit na siwang ng kanilang gate.
                “Naglalaro. Bakit?” pambarang tanong ko sa kanya.
                “Anong nilalaro mo? Sali ako.” Mahina niyang tugon. Marahil ay natatakot na mahuli ng kanyang yaya.
                “Ito o!” sabay taas ko ng aking kanang kamay na may hawak ng iba’t ibang balat ng candy wrappers at tansan.
                “Basura?” tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot kaagad. Muli kong tinignan ang aking hawak. Tama nga siya sa kanyang pagturing dito. Mga basura ang hawak ko.
                “Pera ko ‘to!” pasigaw ko sa kanya na may halong galit na din.
                “Gusto mo dito ka sa loob? Dito tayo maglaro!” yaya niya sa akin. Pilit pa din niya akong sinisilip.
                “Bawal! Mayaman ka at mahirap lang ako. Tsaka sisigawan lang ako ng yaya mo kapag nakita ako.” Pagdadahilan ko sa kanya dahil sa tuwing nakikita ako ng yaya niya, itinataboy ako at sinasabing “Yu ar derty! Gu awey tu may alaga!”
                “Akong bahala sayo!” sigaw niya. Bigla siyang nawala sa maliit na siwang. Lumapit ako sa gate upang silipin siya mula doon sa siwang na din na iyon. At pagsilip ko, nagulat ako ng bigla siyang napasilip din. Na-out of balance ako at bumagsak patalikod dahil  na din slanted ang harapan ng gate.
                “O? Anung nangyari sayo? Pasok ka na sa gate!” tanong at utos niya sa akin. Nilingon ko naman yung isang maliit na pinto sa gate. Hindi na ito nakalapat dahil nakabukas na ito. Muli ko siyang tinignan sa siwang bago ako tuluyang pumunta sa gate. Pagpasok ko, nabighani akong tunay sa laki ng bahay sa likod ng gate na iyon. May tatlong palapag at malawak na hardin. Nakakalat sa hardin ang iba’t ibang klaseng laruan at may maliit ding inflatable pool dito. Napa-wow na lang ako sa aking mga nakita.
                “Sa iyong lahat ng ito?” tanong ko sa kanya. “Wow! Ang gagara!” dagdag ko pa.
                “Laro tayo!” yaya niya sa akin. Tumango lang ako  bilang pagsang-ayon. Dumiretso ako sa isang seesaw na nasa hardin mismo nila. Tinawag ko siya upang sumakay.
                “Tara! Seesaw tayo!” at nginitian ko siya.
                “Nah! Ayaw ko.” Iwas niya sa akin.
                “Hala! Akala ko ba gusto mong maglaro?” nagsalubong ang kilay ko sa kanya.
                “Oo nga, nang hawak mo!” sabay turo niya sa supot na dala ko.
                “A ito ba?” naalala kong bigla. “Di ba basura ito? Bakit gusto mong laruin ito?” tanong ko sa kanya.
                “Nakikita ko kasi kayong naglalaro niyan sa labas palagi. Masaya kayong naglalaro niyan.” Seryoso niyang sabi.
                Dahil naantig naman ako at naawa sa pagmumukha ni mokong, umalis ako ng seesaw at lumapit sa kanya. Niyaya ko siyang maupo sa isang upan sa kanilang hardin at ibinuhos ang laman ng supot sa damuhan.
                “Mga balat yan ng kendi. Kunwari pera namin iyan. Yung kulay green ay limang piso, yung orange ay bente, yung strawberry ay fifty at …” naputol ako sa sinasabi ko dahil bigla siyang sumingit.
                “Yung blue ay one hundred, five hundred yung gold at one thousand yung silver. Yung tansan naman, tig-pipiso.” Sabay ngumiti si mokong. Yung ngiti niya ay abot tainga. Nakakagago, nakakaloko.
                “Alam mo naman pala e!” reklamo ko sa kanya.
                “Oo, yun yung palagi kong naririnig mula sa inyo e.” ngumiti na naman si mokong.
                “Sige, dahil alam mo na, maglaro na tayo!” yaya ko na sa kanya.
                “Wala naman akong pera e.” saad niya.” Sandali lang, hintayin mo ako dito ha, wag kang aalis.” Bilin niya sa akin. mabilis na pumasok si mokong sa loob at paglabas niya, punung-puno ang kanyang bibig ng tsokolate. Alam ko dahil kitang-kita ang dungis pa sa kanyang mga labi. Hawak hawak niya ang maraming silver na candy wrappers at ipinakita niya iyon sa akin.
                “Wow! Ang dami niyan ha!” sabi ko sa kanya. Mas nanakam ako sa kinakain niya. Mamahaling tsokolate na lahit kalian ay hindi ko pa natitikman.
                “Sige, umpisahan na natin.” Siya na ang nagyaya sa akin.
                Ginamit namin ang kaniyang ibang laruan. Kunwari ay bibili ako sa kanya at siya din ay bibili sa akin. Parang wala ng katapusan ang larong iyon. Nakakapagod at nakakatuwa. Natapos lang yung laro namin ng marinig niyang kumalam ang aking sikmura.
                “Gusto mong kumain muna tayo?” ngiti ulit si mokong.
                “Uuwi na ako. Sa bahay na lang ako kakain.” Pagdadahilan ko kahit alam kong wala namang pagkain sa bahay noon.
                “Wag na, dito ka na lang.” at pumasok si mokong sa bahay nila. Paglabas ay may dalang mga tsokolate, biskwit at bottled juice na nakalagay pa sa isang tray.
                “Wag na, wala akong pambili niyan.” Sabi ko sa kanya.
                Tinuro niya sa akin lahat ng candy wrappers ko. “Lahat yan kapalit nito.” Sabi niya. Nung una ay nagdadalawang isip ako. Hirap kaya maghanap ng candy wrappers. Pero pumayag na din ako. Minsan lang o bihirang bihira lang kaya ako  makakain ng mga ganoong pagkain.
                Matapos namin kumain, nagpahinga ako sandali.
                “Ito o!” abot niya sa akin lahat ng candy wrappers.
                “Sa iyo na yan di ba?” takang tanong ko sa kanya.
                Ngumiti si mokong sa akin. “Balik ka sa isang linggo ha? May pasok na kasi ako bukas e. Laro ulit tayo!”
                Kitang-kita ko sa mata niya ang kasiyahan. Sa palagay ko ay unang beses niyang magkaroon ng kalaro. Ipinangako ko na lang sa kanya na babalik ako. Tuwang-tuwa naman siya. Maya-maya ay lumabas na ang yaya niya. Kinabahan na ako dahil alam kong galit na galit ito sa tulad kong sa squatters area nakatira. Sakto ding dating ng mommy at daddy niya na naka-magarang kotse pa. Mas kinabahan ako lalo. Parang kinakalampag ng puso ko yung dibdib ko para kumawala.
                “Yu agen! Yu get awt!” sigaw sa akin ng yaya ni mokong na nanginginig ang mga panga sa galit. Papalapit na ito sa akin ng biglang harangin ni mokong.
                “Sige, labas ka na! Dali!” sigaw sa akin ni mokong habang hinahatak niya ang damit ng kanyang yaya. Hindi ko alam kung paano ako lalabas dahil nasa gate na ang mommy at daddy ni mokong. Natatakot akong hulihin nila at hindi na makauwi pa sa aming bahay. Dahil mas takot ako sa nanay ko, kahit na nakaharang sila sa pintuan sa gate, tumakbo ako na para bang isang toro na sumusugod sa matador. Nasagi ko ang kanyang daddy at natumba ito. Hindi ko na nilingon ang daddy niya at mabilis na sumingit palabas sa gate.
                “Hay! Salamat!” hingal kong sabi nung makalabas na ako. Narinig ko na lang na nagtatawanan ang mommy at daddy niya matapos kong lumabas. Hindi ko alam kung bakit kaya umuwi na lang ako ng diretso.
---
                Hindi ko namalayan na tapos na ang kwento ni Aaron sa video. Natawa na lang ako nung may pahabol ito sa dulo.
                “Tawa ng tawa sina mommy at daddy nung lumabas ka. Natumba pa nga si daddy noon. Tinatawanan nila si yaya sa itsura nito. Pinagsabihan nga nila si yaya na hayaan ka na lang na makipaglaro sa akin. Hindi na umimik si yaya nun. Natuwa ako noon sa sinabi nila mommy at daddy. Nung time lang kasi na iyon nila ako nakitang sobrang saya. Kaso …” nagbago ang mood niya sa video. Nalungkot ito at may pagkabitin pa ang pagsasalita.
                “… kaso hindi ka na muling bumalik noon. Yun ang una at huli kitang nakalaro at nakita. Hindi ko man lang naitanong ang pangalan mo o kung saan ka nakatira.” Biglang may kirot sa dibdib ko nung marinig ko iyon. Hindi ko akalain na gusto pala ng magulang niya ako para sa kanya. May luhang namuo at pumatak mula sa aking mga mata. Pinigilan ko na lang ang sarili ko sa paghikbi at baka magising ko siya.
                Ika-walong kaarawan ko kasi isang linggo matapos ang pagkikita at paglalaro namin ni Aaron. Hindi ko akalain na pinaghanda pala ako ng ninong kong may kaya. Yun na yung huling birthday party na naalala ko hanggang sa masundan ito nung ika-dalawmput isa ko.
                Iniayos ko na ng higa si mokong. Inurong ko siya upang makaporma na ako sa paghiga. Papatayin ko na sana ang tv at dvd player ng muling magsalita siya sa video.
                “Naalala mo pa ba yung nasa college tayo kung saan kita nakabangga?” pasimula niya ng kwento at muling bumalik sa akin ang alaalang iyon.
---
                Dala-dala ko ang ‘sang katerbang makakapal na libro habang naglalakad sa maliit naming hallway ng biglang may bumangga sa akin.
                “Sorry!” mabilis niyang paghingi ng paumanhin at nagmamadali itong umalis.
                “Alam namang maliit lang ang hallway, nagmamadali pang makipagsiksikan!” parinig ko sa nakabangga sa akin habang nagdadampot ako ng mga libro ko. Sinadya ko talagang lakasan ang pagsasalita upang marinig ng mga nakakita ang sinabi ko. Hindi ko naman akalain na narinig din niya iyon dahil ang alam ko, umalis na siya agad.
                “Babawi na lang ako sayo next time! Sorry ulit!” sigaw niya dahil malayo na siya sa akin. Hindi ko na lang inintindi dahil ayaw kong masira ang unang araw ko sa aming all-boys college school.
                Dahil sa aking magandang high school background, inatasan ako upang pamahalaan ang isang mini-bulettin board. Sa mini-bulletin board na iyon, kailangan kong i-update ito araw-araw kung saan kailangan kong i-post dito ang isang pangyayari sa aking pananatili sa aming eskwelahan na dapat ay makaka-relate ang kapwa ko estudyante at makapagbibigay ito ng aral sa bawat isa. Ginamit ko ito upang makapaghiganti na din sa simpleng pagpaparinig sa nakabangga sa akin.
                “Sa kapwa ko mag-aaral, iwasan po sana natin ang pagmamadali sa hallway upang makaiwas tayo sa di kanais-nais na pangyayari dahilan para makasira ng araw ng iba. John Baron Perez.” Ganyan na ganyan ang una kong post sa mini-bulletin board.
                Bumalik ako sa aking mini-bulletin board at napukaw ng atensyon ko ang isang papel na naka-pin sa tabi ng post ko. Kinuha ko ito at napag-alaman kong isa itong sulat.
                “Hindi mo naman dapat ipangalandakan pa ang mga simpleng di pagkakaunawaan tulad ng pagkakabangga ko sayo kanina. Humingi naman ako sayo ng pagpapatawad at dapat pa nga na ikaw ay humingi din sa akin ng tawad dahil kung hindi nakaharang ang mga makakapal na libro sa iyong mukha, e di sana ay nakita mo na paparating ako. Aaron John Coronel.” Yan ang nakasulat sa papel. Medyo nag-init ang ulo ko sa nabasa ko kaya sumulat din ako. Inilagay ko ito sa lugar kung saan niya inilagay ang kanyang sulat upang makita niya ito agad.
                “Sa susunod kasi, mag-ingat ka.Hindi sa lahat ng oras ay mapagbibigyan ka.” Sabi ko sa sulat.  Pagkabalik na pagkabalik ko ulit sa mini-bulletin board, may panibagong sulat dito. Kinuha ko ito at binasa.
                “Main building, third floor, library at 4pm.” Sinilip ko ang aking relo. Pagkatapos na pagkatapos ng huli kong klase sa araw na iyon, sakto sa oras akong dumating sa napag-usapang lugar. Lumipas ang lima, sampu at trenta minuto ay wala pa din dumadating. Dahil may kalakihan ang library, nilibot ko muna ito. Napahinto ako sa bandang dulo kung saan naroon ang mga libro patungkol sa anger management. Sa pagbabasa, napagpasiyahan ko na lang na palipasin na lang ang mga nangyari at huwag ng mag-expect na darating ang kausap. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagbabasa.
                “Are you Mr. Perez?” pang-iistorbo ng lalakeng may kalakihan ang pangangatawan, mas matangkad siya sa akin ng kaunti, one sided long back style ng buhok, makapal na kilay, nangungusap na mga mata na kung makakatitigan mo ay para kang matutunaw, di katangusang ilong at labing mapupula ng kung magbitiw ng ngiti ay tiyak na ikakikilig ng mga babaeng makakatanggap nito. Kitang kita ang magandang pangangatawan sa suot nitong jersey na basa ng pawis. Isang third year student base na din sa print ng jersey.
                Ibinaba ko ang librong tumatakip sa aking mukha. Itinanggal ko ang likod ko na nakasandal sa bookshelf at iniayos ang sarili sa pagkakatayo. “If I am?” may paghahamon kong tanong sa kanya.
                Inilahad niya sa harapan ko ang kanyang kanang kamay na naghihintay sa kanan kong kamay na mai-lock dito. “I am Aaron John Coronel.” Pagpapakilala niya.
                Hindi ko na siya pinansin upang hindi na masundan at mapahaba pa ang usapan tungkol sa nangyaring insidente sa hallway. Ibinalik ko ang sarili ko sa pagkakasandal sa bookshelf. Muli kong binuksan ang libro at iniharang uli ito sa aking mukha. Akala ko ay umalis na siya. Hindi ko naramdamang lumapit pala siya, itinuon ang daliri sa itaas na bahagi ng librong hawak ko at pwersang ibinaba ito. Mas inilapit niya sa akin ang kanyang mukha nang tuluyan ng maibaba ang librong hawak ko.
                “Do you mind?” saad ko sa lalaking isang dangkal ang layo ng mukha sa akin.Ttinignan ko na lang ang libro upang ipabatid sa kanya na nagbabasa ako.
                “Laro tayo!” sambit niya. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon at sundan pa ng matamis niyang ngiti. Wala pang naglakas loob na yayain akong makipaglaro sa kanino man maliban na lang sa batang nakalaro ko nung bata pa ako.
                “I am reading, can’t you see?” sarakastiko kong tanong sa kanya. Nakaramdam na ang mokong kaya tumalikod na siya sa akin at sinimulang igalaw ang paa papalayo ng biglang bumalik ito sa akin.
                “Sorry!” sabay abot ng isang tsokolateng candy at sundan ulit ng nakakalokong ngiti. Mas lalo kong ikinagulat ang sumunod na eksena. Hindi dahil binigyan niya ako ng kendi as his peace offering, kundi dahil sa candy wrapper nito. Naalala ko bigla ang batang kalaro ko nung bata pa ako na punung-puno ng tsokolate ang bibig habang hawak-hawak ang napakaraming candy wrappers.
                Napansin ni mokong ang reaksyon ko. “Why?” tanong niya sa akin na may misteyosong ngiti.
                “Nothing.” Tipid kong sagot. Umalis na siya at iniwan akong nagbabasa ng libro.
---
                “Tumagal ng ilang taon ang pagpapahanap sayo ni mommy at daddy dahil na din sa kagustuhan kong makita kang muli. Nagbunga ito at nalaman naming dun sa all-boys college school ka nagkolehiyo. Pinakiusapan ko sina mommy at daddy na mag-transfer sa school na iyon upang hanapin ka.Hindi ko akalaing makakabangga kita.” Habang pinapakinggan ang mga iyon ay mas lalo pang umagos ang mga luha ko. Lalo na ng masundan pa ito ng iyong panibagong pagbubunyag.
                “Yung nasa library tayo, napansin ko ang kakaiba mong reaksyon nung yayain kitang maglaro. Alam ko kasing maalala mo ako sa mga salitang iyon. Idagdag mo pa yung sa candy wrapper. Kitang-kita ko sa mukha mo yung kakaibang kasiyahan at pagkalito. Nagkunwari na lang akong hindi ko alam ang iniisip mo. Pag-alis ko, ang saya saya ko ng makita kitang muli.” Dugtong niya sa unang pahayag.
                “Paano ba yan? Hanggang dito na lang muna dahil alam kong mag-uumaga na…” sabay tingin ko sa orasang nasa kwarto. “... sa mga oras na ito ay himbing na himbing akong natutulog sa tabi mo. Hehe. Plinado ko ng lahat ng ito kaya dinamihan ko ang inom. At tungkol pala sa ibang video, bubuksan mo lang iyan kapag sinabi ko sa iyo. Ise-celebrate natin ang birthday mo ng buong taon. tulog na po.” Huli niyang nasabi sa unang video.
                Pinatay ko na ang tv at dvd player. Nahiga na ako sa tabi ni Aaron kung saan nakapagitan sa aming dalawa ang hotdog pillow. “Loko ka talaga!” tanging nasabi ko na lang habang pinagmamasdang maigi ang mukha ni Aaron habang natutulog. Hindi ko na namalayan at nakatulog na din pala ako.
---


    Naglalakad ako sa tabi ng dagat ng salubungin ako ng isang lalaking hubad ang pang-itaas na katawan habang tumatakbo papalapit sa akin. Kahit malayo ay tanaw ko kung paano bumabakat ang bawat yapak ng kanyang malalapad na paa sa basang parte ng buhanginan. Nang makalapit na siya sa akin, isang metro ang pagitan sa aking tantiya, buong pwersa niya akong tinalon at ibinagsak sa pinong buhangin at mamasa-masa pang dalampasigan. Nang maglapat ang aming katawan sa isa’t isa, nagpagulong-gulong kami hanggang sa mapadpad kami sa parteng nasisinagan at naiinitan ng araw. Pumailalim ako sa kanya sa aming paghinto. Dama ko ang init ng buhangin sa aking likuran at ang init ng katawan niya sa aking dibdib. Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko at paulit-ulit ko ding sinusuklian ng tanong na “bakit” ito hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Nakakasilaw na liwanag mula sa araw ang ngayong bumubulag sa aking paningin.
                “Gising na kumag!!!” sigaw sa akin ni mokong matapos hawiin ang blinder ng bintana. Tama! Nagising ako mula sa liwanag ng araw at pawang panaginip lang ang eksenang naiwan sa aking isipan.
                “Tsk! Aga mo yata nagising?” tanong ko sa kanya habang tinatakpan ko ang aking mga mata ng aking kanang braso. Hindi pa din ako natitinag sa aking higaan at sa halip ay pumaling ako sa kabilang direksyon ng bintana.
                “Sabi ng gumising na e! Uhm!”
                “Arekup!” napasigaw ko. Tulad ng dati, ibinabagsak niya ang mas malaki niyang katawan kumpara sa akin sa aking katawan. Para niya akong ginagawang practice dummy na akala mo ay sasali siya sa wrestling.
                Ilang sandali mula sa pamamaluktot ko. Isang tawag ang di ko inaasahang matanggap. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone na nasa ulunan.
                “Hello?” parang musmos na tanong ni Aaron ng maunahan akong damputin ang cellphone at sagutin. Biglang nagseryoso ang mukha nito at tumalikod sa akin. Hindi ko na narinig pa ang boses nito. Kinuha ko ang isang unan at ipinukol sa kanyang likuran.
                “Mokong, tawag ko yan!” sigaw ko sa kanya. Bigla siyang lumingon matapos ko siyang sigawan at ipaalalang akin ang teleponong hawak niya. Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi senyales na ako ay tumahimik.
                “Sorry, there is a kid in this room who wanted some attention. Proceed.” Sa malakas niyang boses na ang layunin ay paringgan ako. Kumuha muli ako ng unan at ibinato. Tapul sa mukha si mokong nang bigla itong humarap matapos ang tawag. Kahit di ko sinasadya, halata ko sa mukha niya ang pagkapikon. “Patay!” sigaw ko sa isipan. Inihanda ko na ang aking sarili sa isang giyera na siguradong ikakatalo ko.
                “Uhm!”
                “A-areku! A-arekup!” sa pigil kong boses matapos ang ilang beses na pag-wrestling niya sa akin.
                “Kapag may kausap ako sa telepono, tumahimik ka!” utos niya sa akin habang nakadapa ako at hawak niya ang kaliwa kong kamay sa likuran ko at nakataas naman ang kanan kong paa.
                “Opo… opo…” sagot ko na humihingi ng kaunting awa. Pinakawalan naman niya ako agad matapos ng aking pagsagot, humiga sa tabi ko at inunan ang kanan niyang braso sa ulunan.
                “Sa isang linggo, pupunta tayong Tagaytay. Mag-ayos ka dahil magtatagal tayo ng tatlong araw at dalawang gabi. Ihanda mo na din ang laptop at camera mo.” Sunod-sunod niyang sabi sa akin habang nakatingin sa kisame.
                “Bakit?” takang tanong ko naman. Tumagilid ako para masulyapan ko ang reaksyon ng kanyang mukha.
                “Tumawag yung head ng tourism ng Tagaytay. Nabasa nila ang blogs mo sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan natin. They want you to make a blog about their place.” Seryoso pa din siyang nakatitig sa kisame.
                “Ha? Alam mo naman na wala pa akong budget sa biglaang lakad.” May pagkairita kong sabi sa kanya.
                “Don’t worry. All is free.” Sabay lingon sa akin ni mokong na nakangiti. Napabalikwas naman ako at bumangon. Para kasi siyang tanga sa bigla-bigla niyang reaksyon. Minsan nga ay natatakot na akong tumabi sa kanya at baka bigla na lang niya akong kagatin.
                “At kasama ako. Sabi ko kasi na ako ang manager mo at kailangan na kasama mo ako.” Dugtong pa ni mokong.
                “Ha!? Hindi ba nakakahiya yung pagpresinta mo sa sarili mo sa kanila!?” taas kilay kong pagpuna sa kanya.
                “They said that it is ok. Actually, it is much better daw, kasi kung mag-isa ka lang, hindi ka mag-e-enjoy and at the same time, lahat ng pinupuntahan mo, kasama ako di ba? Kung ikaw lang ang mag-isa ang lalabas sa blog mo, sabi nila, maiisip daw ng mga followers mo na ginawa mo ito dahil sa request of the government of Tagaytay and not by your own choice.” Paliwanag niya sa akin. sumang-ayon na lang ako kay Aaron.
---
                Matapos ang anim na araw, handa na kaming umalis ni Aaron bukas ng umaga. Pinagpaalam ko na din si Aaron sa kanyang mommy at daddy. Pumayag naman ang kanyang mga parents dahil aalis din silang mag-asawa upang magbakasyon for their 25th year anniversary. Tuwang-tuwa naman si mokong. Sa totoo lang, pangalawang gabi na niya ngayon matulog sa bahay mula kahapon. Kahit may isang araw pang-pagitan ay nagpumilit na dito na lang hihintayin ang pagdating ng nasabing petsa. Dalawang gabi tuloy akong puyat dahil sa lakas niyang humilik dahil na din sa pagod sa kakatulong sa  mga gawain sa bahay.
                “Dalhin mo yung mga CDs bukas ha! Pwede mo na din panoodin mamayang gabi yung pangalawa.” Bulong ni mokong nung makasalubong ko siya sa kusina. Matapos magsalita ay iniwan na lang ako na parang hindi man lang nakita o nakasalubong. “Loko ka talaga!” bulong ko sa sarili ko.
                Kinagabihan, maagang nakatulog si mokong sa pagod sa kakalabas-pasok ng gamit sa bag. Akala mo ay isang buwan kaming mawawala sa dami ng bitbit na damit. Biniro ko nga kung sa bahay na siya titira at isang konyat lang ang isinagot niya sa akin. Naalala ko ang sinabi niya sa akin sa kusina. Muli kong kinuha ang kahon na kulay blue at inilabas mula ditto ang CD#2. Isinalang ko sa dvd player at inumpisahang panoorin.
---
                “Mic Test! Test 1 and 2 and 1! Tok tok tok!” paunang mga salita at tunog na maririnig mo na halatang hindi handa si mokong sa mga technicalities.
                Paulit-ulit na paalis-alis si Aaron sa kanyang kinauupuan na para bang may pinipihit o inaayos. Sa pangalwang video na ito, kitang-kita ko ang kalakihan ng kwarto niya. Di katulad ng unang video na naka-zoom in ang camera. Nakahubad siya ng damit at tanging tapis na tuwalya lang ang suot.
                “Aaron, mamaya-maya ay aalis na tayo. Nasa garden lang kami ng daddy mo.” Rinig kong boses ng mommy niya.
                “Sige, ma!” sigaw niyang sagot.
                “Hello! Graduation day namin ngayon! Pasensiya ka na kung palagi kitang kinakalaban sa mga speeches mo sa school at post mo sa bulletin board ha. Kapag napanuod mo itong video na ito, wag ka sanang gumanti sa akin. Hahaha! Anyway, naalala mo pa ba yung sumunod na araw na nagkita tayo?” patawa-tawang panimula ni mokong sa video.
---
                “ANGER MANAGEMENT – isa sa mga natutunan ko kahapon. Ang matutong kontrolin ang ating emosyon upang makaiwas sa mga di pagkakaunawaan.” Sa pagkakatanda ko, yan yung pangalawang post ko sa bulletin board na tinabla ng post ng third year student sa kanilang bulletin board.
                “SORRY – simpleng salita na kapag sinabi ng may sinseridad sa taong nagawan ng isang pagkakamali ay tiyak na ikaw ay patatawarin. Sana ganyan yung mga tao sa paligid. Aaron John Coronel”
                Nag-alboroto ang mga laman-loob ko ng mabasa ko ang post na ito. Ang mga bagay na akala ko ay ayos na ay hindi pa pala. Ang nabasa ko patungkol sa Anger management ay tila bula na naglaho sa aking isipan. Wala akong ibang naririnig sa paligid ko kundi ay sigaw ng utak ko na “Go! Fight! Go!”.
                Nilibot ko ang campus at nakita ko ang lalakeng bumangga sa akin sa gym. Kasama niya ang mga  kapwa basketball players at miyembro ng parehong kuponan. Nakatayo sila paikot habang pinapasa-pasa ang bola pakanan. Kasabay ng pag-ikot ng bola ay ang pagpasa-pasa ng aking tingin sa bawat makakahawak nito. Nang huminto ang pasahan, huminto din ang tingin ko at napagtanto kong si mokong nga ang may hawak ngayon ng bola. Sa ingay ng bawat hakbang ko ay napukaw ko ang atensiyon nilang lahat. Nagsilingunan sila sa aking direksyon, maya-maya ay may sinabi ang isang miyembro upang simulan ng nakakabinging tawanan. Mas lalo nitong pinag-init ang ulo ko. Ang mga kamay ko na kanina ay nakalatag ay tumiklop ng kusa at para bang naghahanap ng malalapatan.
                “Go! Go! Go!” sabay-sabay sigaw ng mga nakapalibot maliban kay mokong na nakatingin sa akin at ngingisi-ngisi. Kahit may katangkaran sa akin, sa aking paglapit ay agad kong pinadapo ang kanang kamao ko sa kaliwang pisngi niya. Hindi natinag si mokong sa kanyang kinatatayuan at sinundan pa ito ng “cheers” ng kanyang mga kagrupo.
                “Aaron! Aaron! Aaron!”0
                Sa pagkakalihis ng kanyang ulo ay dahan-dahan niya itong binalik sa pagkakatingin sa akin. nakaramdam ako ng takot ng makita kong nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit. Doon lang ako natauhan at napag-isip-isip na hindi ko dapat ginawa iyon lalong lalo na na mas malaki at malakas siya sa akin. Mabilis niyang hinuli ng kaliwa niyang kamay ang kanan kong kamay at inilagay ito sa aking likuran. Sinunod niyang kuhanin ang kaliwa kong kamay upang pagsamahin sa kanan kong kamay. Pareho ng nasa likod ko ang aking mga kamay habang hawak ito ng kanang kamay ni mokong. Naisin ko mang kumawala ay hindi ko magawa dahil na din sa lakas niya. Ipinihit ko ang aking ulo pakanan upang tignan ang kanyang mukha. Namalayan ko na lang ang init ng kanyang hininga na pumupuno sa aking bibig.
                Hindi ako makahinga sa mga oras na iyon gawa na din ng kanyang kaliwang kamay na pumipigil sa ulo ko na bumalik sa normal nitong puwesto. Kumalas lang siya sa aming posisyon ng magsimula na siyang kantiyawan ng  kanyang mga kasamahan. “Frenck kiss! French kiss!”
                Itinulak niya ako ng marahan pero masasabi kong may pag-iingat upang hindi ako masubsob. Nilingon ko siya upang ipakita ang mga mata kong napupuno ng luha. Ang luha mula sa kahihiyan, kawalan respeto at galit. Imbes na magdamdam sa ginawang iyon sa akin, ako pa ang nabagabag ng makita ko sa mga mata niya ang lungkot. Hindi ko alam kung saan nagmula iyon.
                “Sorry!” basa ko sa labi niya ng baybayin niya ang katagang ito. dinudurog ng mga tingin niya ang galit sa puso ko. Napapalitan ito ng pagkaawa, pagpapatawad at pakikidalamhati. Hindi na ako umimik pa.
                “Okay!” baybay ko sa aking mga labi at matapos ay naglakad palayo. Hindi ko na ininda ang mga kantiyawan nila patungkol sa nangyaring eksena. Hindi ko na nagawang lumingon pa para kamustahin ng aking mga mata ang kanyang kalagayan sa aking paglisan. Ang sa akin, dapat siguro ay kausapin ko siya ng maayos sa susunod namin na pagkikita.
---
                “MUUUWWWAAAHHHH!!!” ang kanyang pag-dedemonstrate ng nangyaring paghalik niya sa akin sa video. Napahawak na lang ako sa labi habang pinapanuod ko siya sa kanyang pinaggagagawa. “Ang first kiss ko, sa matalik kong kaibigan pala nakalaan pero sa di inaasahang bagay.” bulong ko sa sarili ko. Napapangiti na lang ako lalo na sa paulit-ulit niyang ginagawa iyon sa video na naka tapis lang siya ng tuwalya. Lalo na ng maisip ko yung panaginip ko nung araw na may tumawag para sa aming libreng pamamasyal.
                “Tulala ka na naman ba? Siguro naiimagine mo pa din yun!?” dugtong niya sa video sabay tawa. “Hanggang ngayon ba tulala ka pa din tulad nung mahuli kita sa locker room namin?”
---
                Nilibot ko ang buong campus at nang hindi ko siya makita ay nagpasya akong puntahan si mokong sa kanilang locker room para humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Pasado alas singko ng hapon ng marating ko ang locker room ng mga basketball players. Tulad ng inaasahan, nakakalat sa paligid ang napag-gamitang tuwalya. Ang ibang underwear pa nga ay nasa sahig. At ang mga jersey at shorts ay halatang ibinato na lang sa isang basket dahil nakausli pa ang mga laylayan ng damit sa lalagyan.
                “Mr Coronel!?” marahan kong sigaw upang hindi na din marinig kung meron mang ibang tao sa paligid. Tumawag muli ako ngunit wala pa ding sumasagot.
                Mula sa bukana ng locker room, dumiretso pa ako papasok kahit alam kong bawal ang isang outsider doon. Isang larawan ng isang lalake sa tarpaulin ang bumulaga sa akin. Suot ang royal blue na jersey at ang ternong basketball short. Nakatuntong ang kanang paa sa unahang upuan at nakaipit sa kaliwang braso ang bola. Bawat detalye ng larawan ay sinuri ko mula ulo hanggang paa. Nung nasa parteng shorts na  ako, biglang may nagsalita sa aking likuran na siyang iknagulat ko.
                “Baka matunaw yan!” sabay pigil ang tawa. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Kahit pamilyar ito, ninais ko pa ding siguraduhin ang aking hinala.
                Isang lalakeng nakatapis ng tuwalya ang kaharap ko ngayon. Kahawig ng lalakeng nasa tarpaulin maliban na lang sa nakalabas nitong dibdib at abs. May dalang ngiti ang mga labi at pang-aakit ang pigura.
                “Ha!? E hindi!” utal kong sabi sa kanya. Ang lalakeng makakasuntukan ko sana ay pinamumukha ngayon sa akin ngayon na wala akong binatbat lalo na kung katawan ang pinag-uusapan.
                “Hinde!? E kitang-kita ko kung paano tumulo ang laway mo!” pang-aasar pa nito.
                “Nandito ako para humingi ng… sorry!” biglang diin ko sa huling salita sabay yuko na aking ulo. Naramdaman ko na lang na lumapit siya at sa takot ay napaihi ako sa aking pants.
                “Hahaha!” pigil pa din siya kung tumawa. “First year ka na umiihi ka pa sa suot mo!” pang-aasar niya ulit na para bang sinusukat ang aking pagtitimpi.
                “Sorry.” Sambit ko ulit habang nakayuko pa din. Namumuo-muo man ang luha sa aking mga mata, pinili kong magpakatatag upang wala na siyang mapang-asar sa akin. Mula sa kinatatayuan, dahan-dahan akong humakbang, naglakad at tumakbo papalabas ng locker room.
                “Wait!” sigaw niya sa akin matapos niyang mahuli at kabigin ang braso ko. “Take a shower first and I’ll let you borrow my shirt and short.” Mahinahon niyang pag-alok ng tulong.
                Itinaas niya ang nakayuko ko pa ding ulo. Nagpaubaya na lang ako sa nais niyang gawin. Nang magkasalubong na ang aming paningin, nagbitaw siya ng isang ngiti. Ngiti na para bang nagbibigay pag-asa. Sinuklian ko naman ang ngiti niya ng ngiti din na kahit pilit dahil nahihiya ay ginawa ko pa din.
                Itinuro niya sa akin ang kanilang shower room sa loob mismo ng locker room. Nung una ay nagdadalawang isip akong gamitin ang lugar, pero nung sabihin niya sa aking walang ibang tao na, doon ay pumasok na ako at nagsimulang mag-shower.
                “Dalian mo lang at baka masaraduhan na tayo ng school.” Paalala niya sa akin.
                Matapos mag-shower ay nakatapis akong lumabas ng shower room. Nakita ko si mokong na nakaupo sa isang bench sa loob na nakabihis na. Nakahanda sa tabi niya ang mga damit na aking isusuot pansamantala. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Nginitian ko din siya. Lumapit ako sa kanyang puwesto upang kuhanin ang isusuot. Pabalik na sana ako sa shower room para magbihis ng pigilan niya ako.
                “San ka pupunta?” tanong niya sa akin habang naka-kunot-noo.
                “Sa shower room, magbibihis.” Taas-kilay ko namang sagot.
                “Dito ka na magbihis, pass six na!” habang turo niya ang relo sa kamay, cellphone at wall clock. Hindi na ako makatanggi dahil pansin kong hindi na din siya mapalagay. Kahit nahihiya, wala din akong nagawa kundi magbihis ng patalikod sa kanya. Ramdam ko ang pagngisi at pigil na tawa niya. Hindi ko na lang pinansin upang hindi na din magkainitan.
                Matapos magbihis ay tinungo na namin ang daan palabas ng locker room. Malayo pa man ay tanaw ko na ang isang hugis parisukat na nakabitin sa bukasan ng gate. Pilitin ko mang lokohin ang sarili ko na hindi ito naka-padlock ay wala ding magagawa.
                Tumakbo ako palapit sa gate at nagsisisigaw. “Hello! May tao pa ba diyan? My tao pa dito!”
                “Tsk! Stop shouting!” sigaw niya sa akin, siguro ay ay natataranta. Sinunod ko naman ang utos niya at ibinalik ang tingin sa kanya.
                “Pa’no na ‘to?” tanong ko sa kanya na parang batang nakagawa ng kasalanan.
                “Let’s stay at the locker room til tomorrow. We don’t have any choice.” Diin niyang sabi. Dahil nasa loob ng building ang locker room, hindi ito nadadaanan pa ng mga sekyu kung sila ay magpapatrolya.
                Bumalik na kami ng locker room at doon nag stay. Ipinagdikit namin ang mga bench at naglatag ng mga tuyong twalya upang mahigaan ng maayos. Presto! May higaan na kami.
                Hindi ako makatulog ng mga oras na iyon, hindi ako sanay matulog katabi ang isang lalake tulad ni mokong. Hindi ko na din namalayan ang oras. Habang naghihintay dalawin ng antok, may kung anong mainit na bagay ang naramdaman ko. Yakap mula kay Aaron John.
                “Sorry!” bulong niya sa akin. “Payakap! Hindi kasi ako nakakatulog ng walang yakap-yakap e.” rason niya. Dahil gusto kong makabawas ng utang na loob ay hinayaan ko na lang. Nakatulog siya ng nakayakap sa akin at nakatulog ako dahil sa nakakaantok na init na singaw ng kanyang katawan. Quits!
---
                “May ipagtatapat sana ako sa’yo…” panimula ni mokong matapos ikwento ang mga naalala niya. “… yung tungkol sa paghalik ko sa iyo, dare kasi iyon kung kanino mahihinto ang bola. Kung sino ang sasapak sa akin, siya ang hahalikan ko at hindi ko expected na ikaw yun.” Seryoso sa mukha niyang sabi.
                “At yung tungkol sa pagtulog natin sa locker room noon…” bitin niya ulit kasabay ng kasunod na malakas na pagtawa. Ipinakita niya sa akin ang isang keychain kung saan may nakasulat na salita. “LOCKER ROOM KEYS of AARON JOHN CORONEL”. Nanlaki ang mata ko sa nakita kong iyon. “… lahat ng member ng basketball team ay merong susi ng locker rooms at ng building na iyon kaya possible pa din tayong makalabas ng mga oras na iyon.” Sabay ngiting nakakaloko.
                “Paano ba yan? Walang gantihan ha!” masaya niyang sabi.
                “Aaron, dalian mo! Ma-le-late na tayo niyan!” sigaw ng mommy niya.
                “Dyan na ma!” sagot naman ni mokong.
                “Hanggang dito na lang, Bye!” huli niyang sabi sa video. Sa kanyang pagtayo mula sa kinauupuan ay biglang natanggal ang nakataling tuwalya sa bewang niya dahilan para makuha ng cam ang kanyang kaselanan. Mabilis siyang tumakbo palapit sa cam upang takpan ito ngunit sa kanyang paglapit ay lalong nakita ito.
---
                “Loko ka talaga!” sabay ng walang humpay kong pigil na tawa. Ibinaling ko ang aking paningin sa natutulog na si mokong. Ang mukha ay di na tulad ng dati. Mas matured na pero hindi pa din nawawala ang angking kagwapuhan o sabihin na natin na mas gumwapo pa siya. Napansin kong hindi niya yakap ang aking hotdog pillow kaya lumapit ako upang ilapit ito sa kanya. Bigla niya akong niyakap at napahiga sa tabi niya. “Tulad ng nasa locker room tayo.” Bulong ko sa sarili hanggang makatulog sa tabi niya.


---


                Alas siyete na ng umaga ng magising si mokong at ako. Ang planong alas singko ng umagang paggising ay hindi natupad. Pareho kaming nagkukumahog sa paghahanda ng aming mga bitbitin. Nang maiayos na namin sa harapan ng pintuan ng bahay ang mga gamit ay nag-uunahan kaming bumalik sa aking kwarto upang maligo at magbihis. Para kaming mga batang naghahatakan ng damit upang pigilan ang isa’t isa sa pareho naming gustong gawin. Hinatak ko ang damit niyang suot upang makauna sa kanya. Mabilis naman niyang nahawakan ang balikat ko at pwersahang ibinaba ako sa sahig at laktawan. Nauwi ang aming gantihan sa pag gulong-gulong namin sa sahig ng aking kwarto ng mapansin kami ni nanay.
                “Abay ang mga batang ire, dalian ninyo at baka mahuli kayo sa biyahe!” panenermon ni nanay sa amin sa kabila ng ngiting gumuguhit sa kanyang mga labi sa pagkakakita sa posisyon namin naghahatakan ng damit. “Bakit di na lang kasi kayo magsabay sa paliligo tutal naman ay pareho kayong lalaki!” dugtong at sabay alis ni nanay sa silid.
                Tinignan ko ang mukha ni mokong para makita ang magiging reaksyon nito sa sinabi ni nanay. Napatingin din siya sa akin matapos marinig iyon. Parang isang sirang plakang paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko ang salitang “… maligo kayo ng sabay…”. Kita ko sa mga mukha ni mokong ang isang ngiting nakakaloko. Alam kong may pinaplano siya o naiisip na kalokohan. Tinanggal niya ang pagkakakapit sa damit ko at tumayo. Nanatili naman ako sa pagkakahandusay sa sahig.
                “Tara!” sabay abot niya ng palad niya sa akin. Sa halip na abutin ay tinabig ko ito.
                “Mauna ka na, moks!” at tumayo ako ng mag-isa. Wala akong balak na sumabay sa kanya sa paliligo sa isang banyo lalo na sa aking maliit na banyo. Napikon yata si mokong ng marinig niyang tinawag ko siyang moks. Ramdam ko ang inis niya ng makita ko ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ko pinansin ang reaksyon niyang iyon. Pakunwari akong walang alam sa nagpupuyos niyang damdamin. Kinuha ko ang nakasukbit na tuwalya sa likod ng pintuan ng kwarto ko kasabay na din ng paglalapat ng pinto na iyon. Dahil hindi ako nakaharap sa kanya, ibinato ko patalikod ang tuwalya na dapat ay iaabot ko sa kanya. Kinabahan ako ng hindi pa din naririnig ang tunog ng tubig sa banyo. Dahan-dahan akong lumingon at nakita kong nasa mukha ni mokong ang tuwalyang ibinato ko.
                “Sorry! Sorry tol!” sabi ko matapos ko siyang lapitan at tanggalin ang tuwalya sa mukha. Nag-iba ang reaksyon nito mula sa inis sa mukha ay ngiting nakakaloko muli ang aking nakita. Inihakbang niya paisa-isa ang kanyang paa palapit sa akin. Napaatras naman ako at biglang napatumba sa sahig. Ipinansalag ko ang dalawang hintuturo na pinag-krus na para bang nagtataboy ng isang masamang espiritu.
                “Ano bang palagay mo sa akin, demonyo?” kasunod ng tawa niyang panggagaya sa tawa ng demonyo. Ipinasok niya ang kanang bisig sa ilalim ng pareho kong tuhod at hinawakan ng kaliwa niyang kamay na dumaan sa aking likuran ang aking kaliwang balikat. Para akong isang bride na katatapos lang ikasal sa mga oras na iyon.
                “Tol, ibaba mo nga ako!” utos ko sa kanya hanggang sa napakapit na ang dalawa kong kamay sa kanyang batok sa kanyang paulit-ulit na pananakot na ibagsak ako sa sahig.
                Bigla siyang naglakad patungo sa banyo ng aking silid. Gamit ang paa ay binuksan niya ang pinto ng banyo. Nang makapasok na sa loob ay tsaka lamang niya ako ibinaba. Sa inis sa ginawa ni mokong sa akin, tinabig ko siya upang makadaan palabas ng banyo ngunit agad niyang ni-lock ang pinto.
                “Bading ka ba!?” paratang ko sa kanya. Hindi siya nakaimik sa bigla kong nasambit sa kanyang pagmumukha. Dahan-dahan siyang pumapaibaba at hindi ko na nagawang tignan pa ang reaksyon niya. Sa puntong iyon, pakiramdam ko ay nasaktan ko siya sa aking sinabi. Sinubukan ko siyang alu-aluin upang gumaan ang kanyang pakiramdam.
                “Tol, sorry! Kasi naman ikaw e, ang kulit mo. May nasabi tuloy akong hindi maganda.” Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Iniyuko ko ang aking ulo upang makita ang kanyang reaksyon. Nakayuko pa din si kumag habang nakaupo at hinahalo-halo ang tubig sa timba na nasa tabi niya. Umupo ako sa inodoro upang tapik-tapikin ang balikat niya ng bigla siyang tumayo hawak-hawak ang isang tabo ng tubig at ibinuhos sa kanyang katawan. Sa akin tumilapon ang tubig mula sa kanyang katawan. Ang mga damit namin ay parehong basa na ng tubig.
                “Whoa! Lamig ng tubig, kumag!” bigla niyang sigaw. Binuksan niya ang gripo at muling sumalok ng tubig at nagbuhos.
                “Piste naman!” inis kong sambit. Napansin niya sigurong napipikon na ako sa kanyang pinaggagagawa kaya lalong binuhusan niya ako ng tubig.
                Hinubad ni mokong ang suot niyang damit at pambaba. Walang pakialam na makita ko ang kanyang pag-aari lalo na at nakaupo ako. Kinilabutan ako ng mas lumapit siya sa akin at halos tumama na ang kanyang kaselanan sa aking mukha.
                “Tang na naman!” sigaw ko sabay tayo. Humigop ako ng hangin at pinanatili sa aking dibdib upang umusli ito at para bang naghahamon ng away.
                “Bakit? Papalag ka!?” tanong hamon niya sa akin. Kung makatingin siya sa akin, akala mo ay napakaliit kong tao. Dalawang pulgada lang naman ang tangkad niya sa akin. Bigla kong hinubad ang aking damit at pambaba tulad ng ginawa niya. Pareho kaming nakahubad sa isang masikip na banyo. nagkikiskisan ang aming mga balat at maging ang aming pag-aari. Ramdam ko ang matigas niyang dibdib lalo ng nang maggirian kami. Ramdam ko din ang pagtigas ng ari ko na siyang kinatalo ko sa pakikipagtitigan sa kanya. Ayaw kong maramdaman niyang may nararamdaman akong init sa katawan sa mga oras na iyon upang hindi magbago ang tingin niya sa akin bilang lalake, bilang lalakeng kaibigan.
                “Puro ka yabang!” sigaw niya sa akin na may halong pagkagalak. Bigla siyang natawa ng tumalikod ako sa kanya at sinimulang lagyan ng shampoo ang aking buhok at nagsabon ng katawan. Hindi ko na lang pinansin ang mga nakakalokong tawa ni mokong. Isang katok mula sa pintuan ng aking silid ang kumuha ng atensyon naming dalawa ni mokong.
                “Mga anak! May sundo pala kayo? Bakit di ninyo sinabi? Aba’y dali-dalian ninyo ng hindi nakakahiya sa magandang babaeng nandito.” Sigaw ni nanay.
                “Sundo?” bulong ko sa sarili ko.
                “Kumag, may sundo ba tayo?” biglang seryosong tanong ni mokong. Nakakunot-noo itong kinuha ang sabon na hawak ko.
                “Moks, hindi ko alam. Di ba ikaw ang kausap nila?” balik kong tanong sa kanya.
                “Magandang babae daw , kumag! Dali-dalian na natin at baka maka-jackpot tayo nito!” pabiro nitong sambit habang nagbubuhos ng katawan. Kahit nakatalikod ay alam kong masayang-masaya si mokong sa narinig mula kay nanay. Kahit ako masaya ako ng marinig kong magandang babae ang sundo namin. Inagaw ko kay mokong ang tabo at mabilis na nagbanlaw. Kinuha naman ni mokong ang buong timba, dumikit sa likuran ko at ibinuhos ang lahat ng laman nito. “Tang na naman!” sigaw ng utak ko nang maramdaman ko ang pag-aari ni mokong.
                Matapos magbanlaw ay nag-unahan ulit kami palabas ng banyo. dahil maliit lang ang pinto at nasa gawing pintuan si mokong ay agad siyang nakalabas. Hindi muna ako lumabas dahil gamit pa ni mokong ang tuwalya.
                “Moks, yung tuwalya!” sigaw ko sa kanya ng mapansin kong medyo may katagalan na siya.
                “Kumag, ayan sa sahig, kanina pa!” sigaw naman ni mokong. Lumabas ako ng banyo ng walang kahit anong saplot. Nakita ko nga ang tuwalya sa sahig at nang dadamputin ko na ito ay tinawag ako ni mokong.
                “John Baron Perez, meet Ellaine Aquino. Ellaine Aquino, meet our blogger slash stripper slash macho dancer, Mr. John Baron Perez! Tantananan!” nakakahiyang pagpapakilala ni mokong sa akin sa harapan ng isang magandang babae. May mahabang itim na buhok na kulot ang bawat dulo, maputing kulay na nangingibabaw sa suot na black body-fitted dress na hanggang hita lang ang haba, kitang-kita ang kaseksihan, at ang mapang-akit nitong titig at ngiti sa labing natural na mapupula.
                Napasigaw ako sa kahihiyan ng makita ko si Ellaine sa bukana ng pintuan ng kwarto. Nakatitig lang siya sa hubad kong katawan. Mabilis kong dinampot ang tuwalyang nasa sahig at ipinantapis sa katawan.
                “S-sorry and nice meeting you!”  pautal-utal kong sabi. Napatingin ako kay mokong upang senyasan itong isara ang pinto ngunit ngiti lang at kindat ang ibinigay niya sa akin. Natinag din sa wakas ang babaeng nakatulala. Biglang naglapitan sila nanay at tatay sa aking silid.
                ““Anong nangyari!?”” sabay nilang tanong habang humahangos sa pagmamadali.
                “Wala naman po nay at tay. Na-shock lang po si Baron sa pagkakakita kay Ms. Ellaine.” Mahinahong pagpapaliwanag ni mokong. “Di ba Ms. Ellaine?” dugtong pa ni mokong na halatang pinipigilan ang tawa sa labi sa pamamagitan ng pagkagat sa babang parte nito.
                “A… Yes, ma’am, sir!” biglang sagot naman ni Ms. Ellaine. Nabigla din siya sa paglipat ng tanong ni mokong sa kanya.
                “Ganun ba? Akala namin kung ano na.” mahinahon ng sabi ni nanay.
                “Sige, balik na kami sa aming mga trabaho ng nanay mo. At ikaw Baron, magbihis ka nga muna, nakakahiya sa bisita.” Sermon naman ni tatay. Umalis na sila tatay at nanay. Gayun din si mokong at si Ellaine na kapwa nasa labas na ng bahay na naghihintay sa akin. Mabilis akong nagbihis at lumabas. Ikinarga na pala ni mokong ang mga gamit namin sa likuran ng sasakyang dala ni Ms. Ellaine.
                “Sorry po pala kanina!” paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
                “Don’t worry! Hindi ko naman nakita ang magandang hugis ng katawan mo at ang pagkalalake mong nakalabas.” Sarkastiko nitong pahayag kasabay ng mahinang pagbungisngis nilang sabay ni mokong.
                “Anyway, bakit ninyo pala kami sinundo?” tanong ko upang maiba ang usapan.
                “Actually, I am the one who called you a week ago and this guy in here,” sabay turo kay mokong na nakasandal sa magarang saaskyan, “was the one I’ve talked to. And I decided to come over here today para sunduin kayo. Nakakahiya naman kasi kong bibiyahe pa kayo at gagastos ng pamasahe since ako ang nag-invite sa inyo.” Sabay ngiti naman nito.
                “Ah, Ms. Ellaine Aquino –“
                “Ellaine na lang, maliit lang naman ang age gap natin. I am 22 and you are 21 and this guy is 23.” Paliwanag niya.
                “Ah, sige po! Ellaine, salamat po sa pag-iinvite sa amin. I can’t promise you a best blog about your town but surely, I will do my best for it.” Sabi ko sa kanya sa masayang tono.
                “Nah! Don’t think about it. Let’s go!” yaya niya sa amin.
                Si Ellaine ang aming driver sa pag-iinsist niya. Si mokong ay nakaupo sa front seat habang ako ay nasa backseat. Hindi ko na namalayang ako ay nakatulog ng mga oras na iyon. Hindi ko na din namalayan na nakarating na pala kami sa aming destinasyon.
                “Kumag, gising na!” sigaw niya sa akin habang tinatapik-tapik ang aking pisngi. Napalakas yata siya ng tapik sa mukha ko kaya nagising ako sa sakit.
                “Aray!” sigaw ko habang hinihimas-himas ang aking pisnging mahapdi.
                “Sorry, sorry!” kita ko sa mga mukha ni mokong ang pag-aalala.
                “Okay ka lang ba, Mr. Perez?” sinserong tanong naman ni Ellaine.
                “Ah, wala ito, wala!” sabi ko na lang ng mapansin kong parang may mali sa mga oras na iyon. Masyado silang concern sa isang simpleng bagay pero hindi ko na lang pinansin. Inayos ko ang aking sarili at nung bubuksan ko na ang pinto ay mabilis na bumaba si mokong at pinagbuksan ako.
                “May sakit ka ba?” idinampi ko ang kanan kong kamay sa noo ni mokong at kaliwa ko sa akin upang ipagkumpara. Nakangiti lang si mokong habang ginagawa ko iyon sa kanya. Napansin kong hindi siya nakangiti sa akin kundi kay Ellaine ng lingunin ko ang direksyong kanyang tinitignan. Ngumiti lamang si Ellaine sa akin ng madako ako sa pwesto niya. Ipinihit naman ng pilit ni mokong ang mukha ko paharap sa kanya.
                “Gusto mo pa bang ituloy ito?” napakunot-noo ako sa tanong na iyon ni mokong. May pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit. Bigla namang lumapit sa amin si Ellaine at isinukbit ang kanyang kaliwang braso sa kanan ko na para bang magkaprehang magpo-prusisyon.
                “May problema ba?” tanong naman ni Ellaine.
                “Wala naman, Ellaine. Ito kasing si mokong –“
                “Tayo na at buhatin na natin ang mga gamit natin!” yaya sa akin ni mokong ng bigla niyang kapitan ang braso kong pinagsusukbitan ng braso ni Ellaine. Parang may kung anong tensyon sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung may nangyari ba sa biyahe nung papunta kami sa Tagaytay. Basta, may kakaiba talaga!
                Humigpit ang pagkakakapit sa akin ni Ellaine at ganoon din ang kapit ni mokong. Para may kung anong boltahe ng kuryente ang namamagitan sa kanila. Kusa na akong bumitaw kay Ellaine at kinabig paalis ang pagkakakapit ni mokong.
                “Tara na nga!” yaya ko kay mokong. Batid ko sa mga mata niya ang kasiyahan sa mga oras na iyon na hindi ko mawari kung bakit.
                “Tara!” masayang tugon ni mokong.
                Si Ellaine na ang kumuha ng silid para sa amin ni mokong. Unang beses kong makapasok sa ganoong kagandang hotel. Maliwanag ang buong paligid at magagara ang kasangkapan. Hindi ko maitago ang kagalakang nararamdaman ng ilibot ko ang mata ko sa paligid.
                “Nagustuhan mo?” tanong sa akin ni Ellaine na hindi ko namalayang nasa tabi ko.
                “Ang ganda dito, Ellaine!” tugon ko sa tanong niya.
                “Kumag, tara na sa taas ng makapagpahinga muna sandal!” galit na tono ni mokong sa akin. Nagpaalam na ako kay kay Ellaine. Inihatid kami ng isang roomboy sa aming kanya-kanyang silid. Room 143 ako at 144 si mokong magkatapat lang ang aming silid na matatagpuan sa ika labing apat na palapag ng hotel.
                “Dito na ako.” Paalam ko kay mokong. Tanging tango lang ang isinagot niya.
                Mag-iisang oras na din siguro akong nasa loob ng aking silid pero hindi pa din ako mapakali. Ilang beses ko ng binubukas-sara ang telebisyon. Kahit gaano kaganda ang tanawin sa bintana ay kinasawaan ko na din. Nagluto ako pero hindi ko kinain. Hindi ko naman magawang alukin si mokong na kumain dahil baka maistorbo ko siya sa kanyang pagpapahinga. May isang bagay pa din kasing naglalaro sa utak ko. Ang mga kakaibang kinikilos ni mokong at ni Ellaine.
                Nagpasya akong maligo muna upang makatanggal init sa katawan. Muling bumalik sa isip ko yung nangyari kaninang umaga sa bahay. Sa isang banyo, pareho kaming nakahubad ni mokong. Kahit sabihing normal lang ang ganoon, hindi pa din mawaglit sa isipan ko ang pagkabalisa sa ganoong uri ng pakikitungo sa kaibigan.
                Matapos maligo ay nagbihis. Isinuot ko ang puting sando at boxer short. Hindi ko ininda ang lamig ng klima ng Tagaytay sa suot kong manipis dahil iyon ay gusto ko. Naisip kong sumilip sa katapat ng pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking silid upang magkaroon ng maliit na siwang. Nagulat ako ng makita kong ganoon din ang ginagawa ni mokong. Nakasilip siya mula sa kanyang silid na para bang may hinahanap o hinihintay. Bigla kaming nagtawanan ng magkatitigan. Binuksan niya ng mas malaki ang siwang sa kanyang pintuan at sumenyas sa akin na pumunta ako doon.
                “Huwag na! Pwede naman tayong mag-usap ng ganito e.” sagot ko sa kanya. Bigla niyang binalibag ang pinto ng kanyang silid. Rinig sa buong hallway at napansin ko na lang na nagbukas ang ibang pintuan sa hallway na iyon at hinanap ay pinagmulan ng ingay. Nagkunwari na lang din akong hinahanap ang ingay. Tumingin sa kanan at tumingin sa kaliwa. Matapos tignan ang magkabilang direksyon, nagkibit balita na lang ako at isinara muli ang pinto. Kinuha ko ang cellphone ko upang itext si mokong.
                “Gawa  u?” text ko sa kanya.
                “Tara d2!”
                “Bkt? (^^,)?”
                Hindi na siya nagreply. Sa isip-isp ko, para talagang bata si mokong. Binuksan ko ang pinto at lumabas sa kwarto ko. Kinatok ko ang silid niya at walang pang sampung segundo ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni mokong. Kitang-kita ko ang sobrang kasiyahan niya ng makita ako. Bigla niya akong hinatak sa loob sabay tinuro ang nakasalang na pagkain. Amoy sunog ang buong silid. Nilapitan ko ang kanyang itinuro at nakita kong sunog ang piniprito nitong isda.
                “Anong nangyari dito!?” kunot noo kong tanong sa kanya.
                “Sige na, pleaseeeee!” pagmamakaawa ni mokong. Itinapon ko na ang nasunog niyang lutuin at nagluto ng panibago habang siya ay palipat-lipat ng channel ng telebisyon. Bigla akong napatawa ng makita ko ang reaksyon ng dismayado niyang mukha ng walang mapanuod na kanyang kakainteresan.
                “Moks, kain na!” yaya ko sa kanya. Sabay kaming kumain ni mokong. Sa gitna ng aming pagkain, pansin ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Bigla siyang napalingon sa akin at napansin niyang tinititigan ko siya. Muli na lang akong sumubo ng pagkain.
                “Bakit?” tanong niya sa akin.
                “Wala. Nakakatuwa ka lang tignan.” Sabi ko sa kanya habang napapangisi sa tuwa.
                “Bading!’ bulong niya na akala niya ay hindi ko narinig. Gamit ang kutsarang hawak, pinukpok ko ulo niya ito. Bigla akong nakaramdam ng takot ng hindi na umimik si mokong sa kanyang upuan. Wala ng pagsubo ng pagkain at ang tunog ng mga kubyertos ay hindi ko na din narinig.
                “Moks, sorry!” bigla kong sambit upang mapawi ang nakaambang panganib. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan dala ang plato at pumunta sa kusina. Narinig ko na lang na inilapag niya ang plato sa lababo. Sa halip na sa kabilang parte siya ng lamesa dumaan ay sa likod ko siya dumaan. Biglang kumabog ang dibdib ko. Isang batok mula sa kanya ang natanggap ko.
                “Ikaw ang maghugas at pagkatapos ay kunin mo yung CD#3.” Mahinahon niyang sabi. Natuwa naman ako sa narinig.
                “Yes, moks!” kasabay ng pagsaludo tulad ng isang pulis opisyal. Iniligpit ko ang pinagkainan at hinugasan na din.
                “Kuhanin ko lang yung CD ha?” paalam ko kay mokong. Tumango lang siya bilang pag-sang-ayon. Lumabas ako ng kanyang silid.
                “Huh?” gulat ko ng mapag-alamang hindi ko nai-lock ang doorknob ng kwarto ko. Hinayaan ko na lang at inisip na hindi ko talaga ito nai-lock. Mabilis kong tinungo ang bag kong nasa tabi lang ng aking higaan at inilabas mula doon ang blue box. Binuksan ko ito at napansin kong kulang ng isang CD. Inilabas ko ang laman ng blue box at nalaglag mula dito ang isang sulat.
                “Room 125. 3am.”
                Muli kong tinignan ang mga CD. Nawawala ang CD#4. May kaunting kaba akong naramdaman at panghihinayang na din dahil hindi ko pa napapanuod ang CD na iyon. Bago ko tuluyang isipin ang tungkol sa nawawalang CD, bumalik ako sa kwarto ni mokong dala ang CD#3. Sinigurado kong naka-lock ang pinto ng kwarto ko bago ako tumuloy sa kabilang silid.
                “Panoorin natin iyan!” sabay turo ni mokong sa bitbit kong CD.
                “Ha? Kasama ka?” taas-kilay namang tanong ko.
                Tumayo si mokong at walang sabi-sabing hinablot ang CD sa aking kamay at isinalang sa dvd player na inihanda na niya. Matapos isalang ay hinatak niya ako sa paanan ng kama at naupo sa sahig na magkatabi. Hindi ko akalaing isang pelikula pala ang laman ng CD iyon.
                “One More Chance”
                Kahit ilang beses ko ng pinanuod ang pelikulang iyon, may boltahe pa ding dala sya sa akin. kita ko sa mga mata ni mokong na kahit lalakeng lalake siya tignan ay kinikilig din pala siya. Pasimple ko siyang pinapanuod sa tuwing may parte ng pelikula na alam kong nakakakilig. Namalayan ko na lang na dumampi ang mainit niyang kamay sa mga palad ko. Nagtaasan ang balahibo ko lalo na ng bigla niyang ilapat ang labi niya sa labi ko.
              
---

                Ang kakaibang init mula sa kanyang labi ay parang bagong lutong kanin na kay sarap kainin. Hindi ko maipaliwanag ang kakaiba kong nararamdaman sa mga nagdadaang segundo na nakalapat ang labi ni mokong sa labi ko. Nais kong sundin ang ibinubulong ng isip ko na itulak si mokong ngsilid mas pinakikinggan ng aking kaluluwa ang pinagsisigawan ng puso kong magpaubaya. Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Pamilya, kaibigan, kapaligiran at ang aking katauhan. Gaano ko ba kakilala ang sarili ko?
                Pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakalapat sa aking mga kamay. Sa pagdampi ng labi ni mokong ,na tumagal lamang ng wala pang isang minuto, ay natauhan ako sa katotohanang pareho kami ng kasarian. Itinulak ko siya at natumba siya sa kanyang pagkakaupo.
                Napabuntong hininga ako matapos ang ginawa kong aksyon. Ang aking mga mata namilog sa pagkagulat at pagtataka sa ginawang iyon ni mokong. Napatingin ako sa kanya matapos ko siyang itulak.
                Nakatukod ang siko ni mokong at kunot noong nakatingin sa akin na para bang nagbabato ng katanungang “BAKIT”. Ang mga mata ay nagungusap, nagsasabing siya’y nabigla. Ramdam ko ang kasabikang kinahantungan ay pagkabitin. Lumipas ang ilang segundong pakikipagtitigan at siya ay nagsalita.
                “Bakit?” tanong ni mokong habang iniaayos ang sarili para umupo. Hindi nagtagal ang tingin niya sa aking mga mata. Matapos umupo sa ayos ay ibinalik niya ang mga tingin sa telebisyon.
                “Bakit?” balik kong tanong sa kanya. Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko kay mokong. Hawak ko ang ibabang labi ko at pinakikiramdam si mokong.
                Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip, pinatay na niya ang TV at tumayo. Kinapitan niya ng mahigpit ang kanang braso ko nang kaliwa niyang kamay at ako’y itinayo. Pilit niya akong itinulak sa pintuan ng kanyang silid. Binuksan ni mokong ang pinto at dinala ako palabas.
                “Bakit!?” tanong niya sa tonong mataas. Salubong ang kilay niya pataas na wari ko’y pinahihiwatig niyang alam ko ang sagot sa tanong ko.
                “Moks!?” magulo pa din ang utak ko. Naguguluhan sa kanyang ikinikilos. Pumasok na si mokong sa kanyang silid at nang bigla niyang isasara ang pintuan ay iniharang ko ang aking kanang kamay para pigilan ito.
                “Arekup!” pigil kong sigaw upang hindi marinig ng mga katabing silid. Napapikit ako sa sakit pero binalewala ko ito para makausap pa ng mas matagal si mokong.
                “Kung hindi mo aalisin yang kamay mo diyan, dudurugin ko yan!” nanlilisik ang kanyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyan. “Bakit di mo kaya panoorin yung CD#4 para malaman mo ang sagot sa tanong mo!” at pwersahan niyang ibinalabag muli ang kanyang pinto. Hindi ko pa din inalis ang kamay ko.
                “Arekup!” pigil ko uli. “Kausapin mo nga ako ng maayos!” sigaw ko na sa kanya ng mapuno na ako. Kumuha muli siya ng pwersa para ibalibag ang pinto. Sobrang sakit na ng kamay ko kaya tinanggal ko na lang ito kaysa kumuha muli ng  panibagong pitpit mula sa pinto. Tuluyan ng naputol ang usapan namin ni mokong.
                Gamit ang kaliwang kamay, kinuha ko ang susi ng pinto ng silid ko sa bulsa ko. May katagalan din bago ko mahugot ang kaliwa kong kamay mula sa kanan kong bulsa. Nanginginig pa ang kaliwa kong kamay habang ipinapasok ang susi sa doorknob at pihitin ito hanggang sa magbukas.
                Kinabig ko ang pinto at naupo sa kaliwang parte ng kama. Inilaylay ko na lang ang kamay ko kaysa itukod ito sa higaan gaya ng pagtukod ko ng kaliwa kong kamay. Naisip ko ang CD#4 at bumalik sa isip ko ang sulat mula sa kahon. May pumasok sa silid ko ng walang paalam at kinuha ang isa sa regalong CD ni mokong sa akin. Kinuha ko mula sa kahon ang sulat at muling binasa.
                “Room 125. 3am.”
                Nilingon ko ang wall clock at hindi ko na pala namalayan ang oras simula ng manuod ako sa silid ni mokong. Menos diyes bago mag alas tres ng madaling araw.
                Lumabas muli ako ng silid at muling tumambad sa harapan ko ang silid ni mokong. Kakatukin ko sana upang ipaalam ang pagkawala ng CD, nagdalawang isip ako. Baka lalo siyang magalit sa akin at tuluyang masira ang aming pagkakaibigan. Iniwas ko ang sarili ko sa kanyang pintuan at bumaba sa ika-labindalawang palapag kung saan matatagpuan ang nasabing silid. Pagkadating na pagkadating ko ay hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kinatok ko ito agad upang makuha na din ang CD.
                “O? Ikaw pala!” nagulat din ako sa reaksyon ng babaeng nagbukas ng pinto. Si Ellaine na nakasuot ng pantulog na damit na hapit sa kanyang katawan at nakalugay ang kanyang buhok na basa pa. Amoy ko ang shampoo niya at ang pabango. Matamis ang amoy ng pabango na parang kending nagpapatakam sa mga batang makakalanghap nito.
                “Ikaw!?” tanong kong bigla sa kanya.
                “Halika, pasok ka!” anyaya niya sa akin na walang hinihintay na kasagutan. Hinablot niya ang damit ko sa parteng dibdib. Ramdam ko ang kuko niyang kumalmot at nag-iwan ito ng hapdi sa aking balat.
                Agad ko siyang kinompronta. “Ikaw ba ang pumasok sa silid ko?”
                “At kinuha ang isa sa mga CD mo.” Dugtong niya sa tanong ko.
                “Bakit?” maang na tanong ko sa kanya.
                “Tara, gusto lang kitang makasabay na kumain at ibabalik ko na lang sayo mamaya pagkatapos.” Sagot niya habang hinahatak ako sa paanan ng kanyang higaan kung saan nakalatag sa sahig ang isang mat kung saan nakalagay ang isang bucket ng san mig light. Itinulak niya ako paupo at bumalik sa pintuan upang ilapat ito.
                “Akala ko ba kakain?” kunot noo kong tanong matapos kong pagmasdan ang alak sa lapag.
                “Birthday ko ngayon! Wala kasi akong maka-celebrate.” Saad niya ng may kagalakan sa mukha ang saya sa mga labi habang binubuksan ang dalawang bote ng alak. Iniaabot niya sa akin ang isang bote pero hindi ko ito kinuha.
                “Wag ka namang KJ.” Nagmamakaawang tono ni Ellaine. Kinuha niya ang kanan kong kamay upang ipanghawak sa boteng inaabot niya. Pilit niya isinara ang mga daliri ng bugbog at maga kong kamay dahilan upang mabitawan ko ang bote ng alak at tumapon sa suot kong damit pantaas at pambaba.
                “S-sorry… sorry…” sabi niya. Kumuha siya ng tissue mula sa tissue box sa side table ng kanyang higaan at walang anu-ano ay pinupunasan niya ang damit kong natapunan. Hindi ko alam kung sadya niyang pinatatama ang kanyang mga kamay sa aking pag-aari kung kayat medyo umumbok ito.
                “Ako na, Ellaine.” Pakiusap ko sa kanya ng makaramdam ng paglaki ng aking alaga. Itinigil naman ni Ellaine at pinagmasdan na lang niya akong nagpupunas.
                “S-sorry… sorry talaga! Ano bang nangyari diyan sa kamay mo?” pag-uusisa niya ng mapansin na namamaga ito.
                “Ah, wala! Tara, inom na!” pag-iba ko ng usapan. Gamit ang kaliwang kamay, tinungga ko ng diretso ang isang bote ng alak kahit alam ko sa sarili kong madali akong malasing. Nais kong matapos na ang inuman upang makuha na din sa kanya ang CD.
                “Sige, sabi mo e!” pagsang-ayon naman niya sa akin. Nagbukas siyang muli ng alak. Binuksan na niya ang nalalabing apat na bote at hinayaang nakalagay sa bucket ng yelo upang manatili ang lamig.
                “Bakit mo kinuha yung CD?” tanong ko ulit sa kanya habang hawak-hawak ang panibagong bote.
                “Dahan-dahan lang ang inom.” Pagpapaalala niya sa akin. “Hindi naman kailangang magmadali e.”
                Tinungga ko muli ang boteng hawak ko kahit hindi niya pa nababawasan ang boteng hawak niya. “Nasaan ang CD?”
                Napansin niya sigurong nagmamadali ako sa pag-inom. Kinuha niya ang cellphone niya at may kung anong pinindot doon. Matapos magpipipindot ay ibinaba niya muli. “Nasa akin.”
                “Mahalaga sa akin iyon. Akin na!” may tonong pagkainip na pagkasabi ko. Nahihilo na ako sa mga oras na iyon at alam kong sandali na lang ay babagsak na ang mga mata ko dahil na din sa pagod at puyat.
                Tumayo si Ellaine at lumapit sa side table ng higaan niya. Binuksan ang ikalawang drawer at inilabas mula doon ang CD. Inihagis niya iyon sa kama. “Ayan na nga!”
                “Salamat!” sabi ko. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Ang paningin ko ay nagsimula ng gumalaw ng di normal. Mula sa paanan ay tumungo ako sa gilid ng higaan upang abutin ang CD. Isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Ginamit ko ang kanan kong kamay pang-abot dahil mas makakaabot ito kaysa tumagilid ako at ipang-abot ang kaliwa kong kamay. Na-out of balance ako at naitukod ang masakit kong kamay.
                “Arekup!” sigaw ko. Hindi ko na alintana kung may maiistorbo akong katabing silid. Napatihaya ako. Kapit ng kaliwa kong kamay ang kanan kong kamay na pumipilipit sa sakit. Bigla akong inupuan ni Ellaine sa aking kaselanan at nagsimula punitin ang pantaas kong damit gamit ang maliit na gunting tulad ng sa mananahi na pantanggal ng sobrang sinulid. Agresibong gumalaw ang aking pag-aari. May sarap akong nararamdaman lalo na ng simulan ni Ellaine na gumiling.
                “Huwag!” sigaw ko ngunit parang bingi ang kapaligiran. Patuloy pa ding kumikirot ang kanan kong kamay. Ninais kong kumawala sa pagkakapiit sa dalawang hita ni Ellaine. Itinukod ko ang kanan kong siko sa halip ng kanan kong kamay upang makabwelo patayo. Gamit ang libre kong kaliwang kamay, sinubukan ko siyang tabigin ngunit nahawakan niya ito. Mula sa kanyang likuran, binuksan niya ang unang drawer sa itaas ng side table ng higaan. May kinuhang isang bagay at itinusok sa kaliwa kong braso. Nagsimula itong mamanhid hanggang sa di ko maigalaw.
                “Nagmamaka—“ huling mga katagang malinaw na maririnig mula sa akin. Mula sa ginupit na damit ko, ibinusal niya sa bibig ko ang gula-gulanit na tela. Hinawakan niya ang kanan kong kamay at pinisil. Pakiramdam ko ay huling araw ko na. Ramdam ko ang kirot, sakit at hapdi. Inihilig niya ang buo kong katawan sa kanyang higaan. Ibinaba hanggang hita ang aking suot pambaba at panloob upang tuluyan niyang maangkin ang aking kinatatagong parte ng katawan.
                “Sandali na lang, Baron, sandali na lang!” sabi niya sa malumanay na boses. Biglang may kumatok sa pintuan. Sabay kaming napalingon ni Ellaine. Matapos ang ikatlong pagtawag, dahan-dahang pumihit ang doorknob. Pinunit ni Ellaine ang kanyang suot at ginulo ang buhok. Hindi pa nakuntento ay sapilitan niyang pinasok ang akin sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang sakit na kanyang iniinda habang ginagawa niya iyon. Inilapat niya ang kanyang nakalabas na dibdib sa aking dibdib at tinakpan ng kanan niyang kamay ang ilong at bibig ko kahit pa may nakabusal dito. Unti-unting nanlabo ang paningin ko. At nang bumukas na ang pinto, kusa na niyang tinanggal ang kamay sa pagkakatakip sa ilong at bibig ko. Kasabay ng pagtanggal ng kanyang kamay ay ang pagtanggal ng nakabusal din sa bibig kong tela. Pinaikot-ikot niya iyon sa kanyang ulunan habang patuloy na gumigiling. Hingal-kabayo akong nahimasmasan. Daig ko pa ang nakipagkarerahan sa tunay na kabayo. Iniluwal ng pintuan si mokong.
                Suot niya pa din ang suot niya ng magkita kami sa silid niya. Bakas sa mukha ang pawis marahil sa pagmamadaling pagtakbo. Kita mo sa kanyang taas-babang balikat ang paghingal. Ang mga mata niya ay namimilog at puno ng galit sa nadatnang posisyon namin ni Ellaine. Tila sumasabay naman sa paghugot niya ng hininga ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Tuloy-tuloy. Walang tigil.
                “O? Aaron!” bungad ni Ellaine. Nakangiti pa ito na para bang nang-iinsulto. Itinigil niya ang paggiling at pagpapaikot ng retaso ng damit ko. Ipinakita pa niya kay mokong kung paano niya dahan-dahang tinatanggal ang aking laman sa kanyang kaselanan.
                Nakahiga pa din ako. Tulala sa mga pangyayari. Tulad ni mokong, hingal na hingal din ako hindi dahil sa kasarapan, kundi dahil sa kamatayang muntik ko ng kalagkan. Unti-unti kong naikikilos ang kaliwa kong braso pero patuloy pa din ang kirot ng aking kanang kamay.
                “M-mo-oks… m-moks… “ tangi kong nasambit. Pautal-utal pa. Alam ko ang iniisip ni mokong sa mga oras na iyon. Ang paghugot ko ng hininga at pautal-utal kong pananalita. Ang gulagulanit kong damit at nakababa kong damit pambaba at panloob. Nakailalaim sa isang babaeng nagpapaikot ng damit kong pinunit, sira-sirang damit na suot ni Ellaine at ang nakakalokong ngiti niya. Lahat nang iyan ay isang puwebang mahirap itanggi sa isip ng isang lalaking puno ng galit ang isipan at pagkabigo.
                Lumapit kay mokong si Ellaine. Hinatak siya nito at isinara ang pintong nakabukas sa kanyang likuran.
                “Grabe, pala itong si Baron!” saad ni Ellaine matapos akbayan si mokong. Walang imik na tinanggal ni mokong ang mga brasong nakaakbay sa kanyang balikat. Lumapit siya sa akin at sapilitang itinayo. Mahigpit niyang kinapitan ang kanan kong braso.
                “Uminom kang kumag ka!” sarkastikong sigaw niya sa akin. Itinaas niya ang nakababa kong suot at tinanggal ang nakasabit pang damit sa katawan ko. Pinuwesto niya ako sa kanan niya dahil alam niyang hindi ko maigagalaw ang kanang kamay ko.
                “Akbay.” Sa mahina niyang boses sabay tingin sa kaliwa kong braso.
                “H-hin-di ko k-kaya. N-na m-man-hid.” Utal kong sabi. Humihigal pa din. Hindi na siya nagtanong pa. Siya na ang nagsukbit ng kaliwa kong braso sa kanya. Dahan-dahan niya akong inilakad patungo sa pintuan palabas ng silid ni Ellaine.
                “Sa susunod na may gagawin ka sa taong mahal ko, hindi ako magdadalawang isip na balikan ka!” pananakot ni mokong kay Ellaine.
                Ngumiti lamang si Ellaine. Lumapit siya sa kanyang higaan at kinuha ang CD na sinadya ko.
                “C-cd!” pilit kong sigaw at pilit kong turo gamit ang kanan kong kamay. Lumapit sa amin si Ellaine at walang kagatol-gatol na ipinasok niya ang CD sa suot na pantulog ni mokong. Kinapa pa niya ang kaselanan ni mokong bago niya alisin ang kamay sa loob noon.
                “Pwe!” sabay dura ni mokong sa mukha ni Ellaine. Magiliw namang tinanggap ni Ellaine iyon at ngumiti pa siya. Binuksan ni Ellaine ang pinto at hinayaan kaming makalabas.
                Narinig ko na lang ang pagkabig ng pinto ng silid ni Ellaine. Hindi ko na napansin pa kung lumingon si mokong sa aming pinanggalingan. Tinungo namin ang elevator at doon na sumakay. Imbes na ihatid ako sa aking silid, sa silid niya ako ipinasok at inihiga sa kanyang higaan. Marahan niya akong binaba at hinubaran ng damit. Ibinaba niya ang CD sa tabi ng dvd player at isinentro ang sarili sa akin.
                Matapos linisin ni mokong ang aking katawan at gamutin ang kanan kong kamay, naupo siya sa paanan ko habang nakahiga pa din ako. Binuksan niya ang Tv at dvd player. Isinalang ang CD#4 at hinayaang mag-play.
                Hindi tulad ng naunang mga CD, mukha ng malalapit naming kaibigan ang bumungad sa amin. Iba’t ibang lugar ang pinagkunan ng video at masasabi kong lahat ng ito ay ambush interview.

---

                “Hi Baron! Hindi ko na siguro dapat magpakilala sayo!” bati ni Marco. Pinsan ni mokong. Marco Dave Coronel. Ang mommy nila ay magkapatid at gayun din ang kanilang daddy kaya ganoon na lang ka-close ang kanilang pamilya.
                “Alam kong hindi pa nasasabi sayo ni Aaron kung mahal ka niya kaya nga nandito ako ngayon sa harap mo para sabihin iyon. Mahal ka ng pinsan ko. Mahal na mahal. Wala siyang bukambibig kundi pangalan mo sa tuwing magkwekwento siya about sa future niya. Nung una, hindi ko pa alam na lalake pala ang gusto ng gwaping ng school natin. Sana sa akin na lang niya pinamana yung kagwapuhan niya. Haha. Anyway, nung una talaga, wala pa akong idea kung sino yung kumag na binabanggit niya. Puro ‘Si kumag ganito… si kumag ganoon… si kumag!’ ang lagi niyang entrada hanggang sa una niya akong pagsabihan tungkol sayo. Isa lang ang masasabi ko tungkol sayo. Para kang isang droga, nakakaadik! Kaya kung okey lang sana, sagutin mo na itong si Aaron bago ko pa maparehab!” walang hinto-hinto niyang sabi. Habang pinapakinggan ko si Marco, may kung ano akong saying nararamdaman. Hindi ko namalayan na gumuguhit nap ala ang ngiti sa aking mga labi.
                Sumunod na nagsalita ay si Joyce. Ex-girlfriend ni mokong. Naging close kami ni Joyce matapos ang kanilang break up. Hindi ko alam kung bakit sila nag-break at kung bakit niya ako kinaiibigan. Joyce Stephanie Maries. Hindi siya popular sa aming school maliban na lang nung matuto siyang mag-ayos nang maging sila ni mokong. From geek, na suot ay de gradong salamin at mala-losyang na damit, into Ms. Beauty and Brain.
                “Baron Perez! Una sa lahat, nagpapasalamat ako at napatino mo ang katulad ni Aaron.” Pansin ko agad ang hawak niyang panyo na ibinigay ko sa kanya nung kaka-break lang nila ni mokong noon.
                “Hirap kaya niya patinuin at hindi ko kalian man nagawa iyon. Ikaw lang! haha!”. Dugtong niya.
                “Ngayon ko lang sasabihin ito sayo. Kaya ako nakipag-break sa kanya dahil sayo. Bakit kasi dumating-dating ka pa sa maayos naming buhay. Hehe, jokes lang yun pero totoo! Haha! Simula ng makilala ka niya ay nawalan na siya ng oras at panahon sa akin at wala na siyang ibang ikwento kundi ang “kalaro” niya. Palagi niya akong binibigyan ng chocolate candies at itinatago ang wrapper. Akala ko nga nung una, remembrance ng masaya naming memories, yun pala nag-iipon siya para sa muli ninyong pagkikita. Past is past sabi nga di ba? Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nakipagkaibigan sayo. Lalo na nung abutan mo ako ng panyo ng makita mo akong umiiyak sa library. Pakiramdam ko nga, ikaw ang prince charming ko. Yun pala hindi din! Hahahaha! Sa matagal nating pagsasamahan nila Aaron at sinabi din niya sa akin, na mahal ka niya! Obvious ba? Kaya nga siya nakipagbreak sa akin e. hahahaha! O siya, bye! May date pa kami ni Marco. Bye!” sabi naman ni Joyce.

---


                Marami pang sumunod na nagsalita. May dalawang oras din ang CD. Nakatulog na pala si mokong sa paanan. Nilingon ko ang digital clock niya sa tabi ng lampshade. Alas singko y media na pala. Hinawi ko ng kaunti ang bintana. Tanaw na tanaw ko kung paano pumaitaas ang araw mula likuran ng mga bundok na makikita mula sa bintana ng silid ni mokong. Kahit pagod at masakit pa ang katawan, kumilos ako para lapitan si mokong at kumutan. Nakita ang mukha ni mokong na nakakunotnoo habang natutulog. Wari ko ay nananaginip ng masama. Natuon ang atensyon ko sa dvd player upang patayin na ito upang hindi maistorbo si mokong sa pagtulog.

---

                Nagulat ako ng lumitaw ang mga magulang ni mokong. Ang mommy at daddy niya na magkatabi pa sa video.
                “Mommy, Daddy, Go!” sigaw ni mokong na maririnig mo kahit hindi siya kita sa video.
                Mommy ni mokong, “ Magandang araw sayo, Baron! Nandito kami ngayon ng tito mo upang ipaalam sa iyo na tanggap namin kung ano man ang anak namin. Well, walang problema sa amin kung anong maging desisiyon ninyo balang araw. Basta, nandito kami para sa inyo.” Naluluha-luha pang sabi ni tita.
                Daddy naman ni mokong, “ Tama ang sinabi ng tita mo. Mahal namin ang anak namin at sana, sagutin mo na siya nang hindi na kami kinukulit nito. Hehehe! Tsaka na natin problemahin ang ibang tao. Hanggang dito na lang.” pagtatapos ni tito.

---

                “Mahal din pala ako ni mokong?” bulong ko sa sarili ko. “E di kung dati ko pa pala napanuod itong video na ito e di sana dati pa ay kami na at masaya sa piling ng bawat isa.” Dugtong ko pa.

---

                Biglang nagpakita si mokong sa video. Sa likod niya ang isang drawing ng dalawang bundok kung saan pasikat ang araw.
                “John Baron Perez, gusto ko sana na gawin ito habang sumisikat ang araw kaya nagpadrawing na lang ako.” Bungad niya sabay turo sa drawing sa likod. Napatingin ako sa bintanang binuksan ko ngayun-ngayon lang. Pasikat ang araw at pumapasok sa loob ng silid ang mainit na sinag nito at tumatalo sa lamig ng klima ng Tagaytay.
                “Will you be my ‘kalaro’ in my life ?” sabay pakita ng isang singsing.

---

                “Loko ka talaga!” bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang pagkakakumot sa kanya. Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya at bumulong. “Laro tayo, habang buhay!”. Biglang ang kunot-noong mukha ay napalitan ng mahinahon at puno ng saya. Bakas sa labi ang ngiti na nagsasabing siya ay masaya.
               
---

                Matapos kong mapanuod ang video, hindi pa din ako makatulog. Pinagmamasdan kong maigi ang mukha ni mokong. Himbing ang pagtulog at ang mga labi ay may guhit pa din ng ngiti. Naupo ako sa tabi niya habang nakasandal sa kama. Biglang pumasok sa isip ko ang pangyayari kagabi lang. Nahihiya ako ng sobra kay mokong.
                Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at dahan-dahang naglakad palabas ng kanyang silid. Bago ko tuluyang isinara ang pinto, muli kong sinulyapan ang mukha ni mokong. Nakapagdesisyon na akong itigil na ang pagsusulat sa aking blog at tuluyan na ding lisanin at hindi na magpakita pa kay mokong. Ipinangako kong iyon na ang huling beses kong makikita si John Aaron Coronel.
                Nang makapag-impake na, hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa. Iniwan ko ang CD#5 at isang sulat sa aking higaan upang madali niyang makita ito sakaling pumasok siya sa aking silid. Inilapat ko na ang pintuan ng aking tinuluyang silid. Dahan-dahan akong humarap upang paghandaan na din sakaling nasa bungad ng pintuan ng katapat na silid si mokong. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakasara pa din ang pinto.
                Hindi na din ako nagpaalam kay Ellaine. Nagpasabi na lang ako sa receptionist at tuluyan ng nilisan ang Tagaytay.
                Hindi ko na din inisip na umuwi sa aking kinalakhang tirahan at pamilya dahil alam kong doon ang unang pupuntahan ni mokong upang ako ay hanapin. Sa halip ay sumakay ako ng bus nang hindi ko man lang tinitignan ang karatulang nakapaskil sa harapang bintana nito. Naupo ako sa bandang dulo sa tabi ng bintana. Isinara ang kurtina sakaling mabilis na nakasunod si mokong upang hindi ako makita.
                Nagsimula ng umandar ang bus at sa pagod at puyat na din, ako ay nakatulog.
                May kung sino ang tumatapik sa balikat ko. Dahil antok pa din ako, ilang beses ko itong hinawi pero nagpatuloy pa din siya. Sa inis ko, binulyawan ko ang nang-iistorbo sa pagtulog ko.
                “Ano ba! Nakikita mong natutulog yung tao, tapik ka pa din ng tapik!” kunot-noo kong sabi. Napalakas yata ang boses ko kaya nagsitinginan ang mga kapwa ko pasahero.
                “Nandito na ho tayo, boss.” Sabi ng konduktor.
                Hinawi ko ang bintana at bumungad sa akin ang tindi ng sikat ng araw. “Anong oras na ho ba?” biglang baba ng boses ko.
                “Pasado alas tres na ho ng hapon.” Mahinahon namang sumagot ang konduktor sa kabila ng pagsigaw ko sa kanya.
                Kung kanina ay antok na antok pa ako, namulat at namilog ang mga mata ko. Kinapa ko ang aking bulsa upang kumuha ng pambayad. “Shit!” sabay ng paglagatik ng dila ng mapansin ko ding wala sa tabi ko ang gamit ko.
                “Manong, may nakita ho ba kayong bag –“
                “Yung kasama mo, siya na daw ang magbitbit at pinakiusap na lang sa akin na gisingin ka. Kakababa lang din.” Sa pagsagot ng konduktor, alam kong naguguluhan siya sa reaksyon ko. Hindi na ako kumibo pa at tumayo na lang sa aking kinauupuan at tuluyan ng bumaba ng bus.
                “Saan ako pupulutin nito?” panenermon ko sa sarili ko. Nakalimutan ko na ding tanungin ang konduktor kung sino at ano ang itsura ng kumuha ng gamit ko. Bumalik ako sa sinakyan kong bus ngunit nakagarahe na pala ito at umuwi na ang drayber at konduktor nito.
                “Badtrip!” gigil ko sa sarili. Halos wala na din ang mga pasaherong nakasabay ko sa bus na iyon. Ilang beses ko nang iginala ang paningin sa paligid at nilibot paikot-ikot ang bus terminal na iyon pero wala talaga. Hindi ko kilala ang lugar. Para akong isang alien mula sa ibang planeta. Sinubukan ko na ding magtanong pero iba ang wikang binabanggit nila at sa kamalas-malasan naman, ni-isa sa mga tinanungan ko, hindi marunong magtagalog.
                Naupo ako sa babaan ng pasahero upang maghintay ng mga pasaherong darating. Naisip kong may marunong magtagalog na maaaring bumaba mula roon at posibleng makahingi ako ng tulong dahil kumakalam na din ang sikmura ko.
                “Iho?” sambit ng isang matandang babae nang lumapit ito sa akin.
                “Bakit ho?” tanong ko naman tsaka ko lang naisip kong nakakaintindi ba ang matandang ito ng tagalong.
                “John? Kaw na ba yan?” tanong niyang maluha-luha. Kahit may pagtataka ako sa emosyong ipinapakita ng matanda, natuwa ako dahil nakakapagtagalog siya.
                “Ako nga ho, lola, kilala nyo ho ako?” magkasalubong na kilay kong tanong sa kanya.
                “Abay, siyempre naman apo ko!” sabay yakap niya sa akin. niyakap niya ang ulo ko at paulit-ulit na ginulo ang buhok ko.
                Tumayo ako mula sa kinauupuan ko matapos alisin ang nakalingkis na kamay ng matandang babae sa akin. Kinilatis kong maigi ang itsura ng matanda. Nakatitindig pa ng maayos ang matanda na sa tingin ko ay nasa pagitan ng sisenta at sitenta ang taon. Ang kanyang buhok ay kinakikitaan na ng mala-abong kulay na ang haba ay hanggang batok palibot. Naisip ko tuloy na pasyonista si lola kahit sa edad niyang iyon dahil sa style ng buhok. Ang suot ay purong puti mula itaas hanggang baba. May dala pang pamaypay na tumerno sa suot niya. Ang kutis niyang mapuputi din ay mas lalong tumitingkad dahil sa kanyang damit. Pamilyar ang detalye ng mukha niyang iyon pero hindi ko maisip kung saan ko ito nakita.
                “Lola, pasensiya na po. Hindi ko ho kayo kilala, baka nagkakamali lang kayo.” Paliwanag ko sa kanya.
                “Kahit kailan, apo, hindi ako maaaring magkamali!” mula sa bulsa niya ay may dinukot siyang larawan. Ipinakita niya iyon sa akin at namilog ang aking mga mata. Isang larawan ko sa grotto sa Baguio.
                “Saan ninyo nakuha iyan!?” tanong ko sa kanya na sa sobrang kaguluhan ng utak ay nawalan na ng paggalang. “Saan ninyo po nakuha iyan!?” tanong ko ulit at ngayon, may paggalang na.
                Mabilis niyang niyapos ang kanan kong bisig at niyakag. “Sa bahay na tayo mag-usap. Marami tayong mapag-kwekwentuhan.” Sabi niya. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni lola. Bakas sa mukha niya ang kasabikan sa isang apo at hanggang ngayon ay nalilito pa din ako. Kusa na akong sumama sa kanya dahil siguro gutom na ako nung mga oras na iyon, dahil din siguro gusto kong malaman kung bakit may kopya siya ng larawan ko at marahil na din siguro sa awa ko sa kanya.
                Simula sa terminal ng bus, sumakay kami ng isang pampasaherong traysikel. Di tulad ng sa siyudad, ang traysikel ay luma at halatang napaglipasan na ng panahon. Bakas pa ditto ang mga putik na nanuyot na maaaring tumatahak sa daang mapuputik kung tag-ulan. Mahigit isang oras ang aming nilakbay sa hindi konkretong daan. Kitang-kita ang mga bakas ng mga gulong ng mga sasakyang dumaan sa daanang iyon na nanuyot mula sa pagiging putik dahil sa tindi ng sikat ng araw. Matapos bumaba, nakita namin ang isang kalabaw at may-ari nito na naghihintay ng kanilang pasahero. Kalahating oras lang ang biyahe. Hapon na kami dumating sa bahay ng matandang kasama ko.
                “Iho, dumini ka muna ha. Ituring mong sayo ang bahay na ito.” bilin ng matanda sa akin ng matapat kami sa kaniyang bahay. Simple lang ang bahay. Gawa sa kahoy at may dalawang palapag. Ang pambungad na pintuan ay isang dipa ang laki at mga apat na metro ang taas. Ang bintana ay gawa sa kapis tulad ng mga bahay noong panahon ng mga kastila. Purong kahoy ang mga kagamitan na sa wari ko ay gawa sa mga punong-gubat. Tumuloy kami sa sala at isang lalake ang sumalubong sa amin.
                “Magandang Hapon, Lola!” bati niya sa matandang kasama ko. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. “Kamusta po ang biyahe?” tanong niya.
                “Okay naman ako, iho. Siya nga pala, iho, si John!” sa masayang tinig ng matanda.
                “J-john!?” sabay yakap sa akin ng mahigpit ng lalaki. Hindi ko magawang gantihan siya ng yakap dahil wala pa din akong ideya kung bakit parang kilalang kilala nila ako. Hindi pa man nagtatagal ang pagkakayakap niya sa akin, bumitaw siya at hinawakan ang magkabila kong balikat. Sinuri niya ang aking mukha at pangangatawan. Nag-iba ang emosyon niya matapos akong suriin. Yumakap siyang muli at bumulong.
                “Hindi ko alam kung sino ka. At bakit kamukha mo si John. Pero kailangan kita, namin kaya sana dumito ka muna kahit sa maikling panahon lang.” sabay kalas niya ulit sa pagkakayakap at nag-iwan ng isang ngiti.
                “Anong –“ magtatanong sana ako kaso naunahan ako ng matanda sa pagsasalita.
                “Kaw talaga Waqui! Sabi ko naman sayo, babalik ang apo ko e!” pagyayabang na tono ng pananalita ng matanda.
                “Sige lola, magpahinga na kayo at ako ng bahala k-kay John.” Nauutal na pahayag ng lalaking si Waqui.
                Si Waqui ay maihahalintulad ko sa isang lalaking taga-siyudad. Clean-cut at walang kahit ano mang bigote o balbas na makikita sa kanyang mukha. Disente ang kasuotan with matching coat and tie at black shoes. Matangos ang ilong at manipis lang ang labi. Pangahin na lalong nakadagdag sa kanyang pagkalalake at halos kasing puti ko ang kutis.
                Iniwan na kami ni lola sa sala at tinungon na niya ang ikalawang palapag. Hinintay lang ni Waqui na makaalis ang matanda bago niya ako kinompronta.
                “Maupo ka.” Alok niya sa akin. bago ako umupo, inilibot ko muna ang aking paningin sa buong paligid. Malaki ang sala nila. Malayang nakakapasok ang malamig at preskong simoy ng hangin dahil na din sa malalaking bintanang nakabukas. Hinubad niya ang kanyang coat and tie at isinabit sa sandalan ng isang upuan. Pumuputok na ang panloob niyang polo sa laki ng kanyang dibdib at mga braso. Naupo siyang pa-de-kuatro.
                “Sino ka?” maikli niyang tanong sa akin. kinabahan ako bigla ng magtanong siya. Pakiramdam ko ay unang beses kong sasalang sa interview sa pag-aapply ng trabaho. Hindi agad ako nakapag salita at sinundan niya agad ng mga tanong ang tanong niya.
                “Saan kayo nagkakilala ni John? Magkano ang ginastos ninyo sa pagpapa-plastic surgery ng mukha mo para lang maging magkamukha kayo? At magkano ang binayad niya sa iyo para magpanggap!?” pataas ng pataas ang tono niya sa pagtatanong. Nag-init ang ulo ko sa mga katanaungan niyang ipinukol sa akin.
                “Excuse me!!! Una sa lahat, never ko pa nakita ang John na sinasabi ninyo ng matandang iyon. Pangalawa, plastic surgery? Saan mo nakuha iyan!? Kahit anong pitpit at pisil mo sa mukha ko, natural yan!!! At ang pinaka importante sa lahat, hindi ako mukhang pera tulad ng inaakala mo! Bigla na nga lang sumulpot yung matanda sa bus terminal e. Naawa ako at tinulungan ko lang siya umuwi. Kung sa tingin mo ay kayamanan ang habol ko sa inyo, pwes, nagkakamali ka!!!” galit kong tono sa pagpapaliwanag ng part ko kay Waqui.
                Tumayo siyang bigla at tumayo din ako. Naghahanda sakaling i-force ako ng security paalisin sa maaaring eskandalong magaganap.
                Natahimik si Waqui sa reaksyon ko. Naginginig naman ako sa galit. Pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko anumang oras. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay nananatiling nakatayo. Bigla niya akong tinulak paupo at ikinapit ang kanyang mga kamay sa sandalan ng upuan. Nakakulong ako sa pagitan ng kanyang dalawang braso. Nakatitig ako sa mga mata niya. Unti-unting niyang nilapit ang mukha niya sa akin at nang wala ng isang dangkal ang pagitan ng mukha nya sa akin, inilagay ko ang dalawa kong palad sa kanyang dibdib upang itulak siyang palayo. Ramdam ko ang tigas ng dibdib ni Waqui. Parang monay na toasted ang pagkakaluto. Napabitaw siya sa kanyang pagkakakapit at nawalan ng balanse sa pagkakatayo. Tumayo ako at mabilis na tinungo ang pinto palabas ng bahay ng bigla siyang sumigaw.
                “John!”
                Huminto ako upang lingunin siya. Nakangiti si Waqui habang nakasalampak sa sahig. Doon ko lang napansin ang kagwapuhan niya. May naaalala ako sa ngiti niya, si mokong.
                “Malayo ang bayan mula dito at alam kong alam mo iyan. Mag-gagabi na at masama ang maabutan ng dilim sa daan.” Paliwanag niya sa akin. inalalayan iya ang sarili upang tumayo. May punto siya sa sinabi niyang iyon pero nagmatigas pa din ako.
                “Kaya ko ang sarili ko!” sigaw ko sa kanya. Ibinababa ko na ang kanang paa ko sa unang baitang pababa ng biglang kumulog at kumidlat ng pagkalakas-lakas. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Bigla akong napakapit sa hawakan ng hagdan dahil sa takot. Napapikit ang aking mga mata na para bang ayaw ko nang imulat pa.
                “Baka abutin ka ng bagyo sa daan. May palapit na bagyo, narinig ko sa balita. Dumito ka muna at magpalipas ng gabi.” Sa malumanay niyang boses, sinabi niya iyon sa akin. Naramdaman ko na lang ang pagkapit ng kanyang kamay sa aking mga kamay na nakahawak sa hagdan. “Takot ka ba sa kulog at kidlat?”
                Idinilat ko ang aking mga mata at tinanggal ang kanyang kamay na nakakapit sa akin.
                “H-hin –“ napatigil ako sa pagsasalita ng kumulog at kumidlat ulit. Napapikit na naman ako at biglang napakapit sa braso ni Waqui.
                “Hindi pala a!” sabay tawa niya sa akin. Nahihiya man ako sa pagkakakapit sa kanya, binalewala ko ito kaysa mamatay sa takot, tatanggapin ko na lang ang kahit anong kahihiyan.
                Inalalayan niya ako sa paglalakad na para bang isang batang paslit na ayaw mawalay sa tabi ng kanyang ama. Tinungo namin ang isang silid kung saan ako magpapalipas ng gabi. Nasa unang palapag lang ito ng bahay katapat din ng sala. May isang higaan na nakaayos ang kumot at unan. Sa tabi ay may isang lampshade na kulay luntian at sa gilid nito ay may isang larawan na nakalagay.
                “Dito ka na muna matulog. Silid namin ito ni John. Mas mabuting dito ka matulog para hindi maghinala si lola.” Sabi niya sa akin. Nahiya ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Nakalimutan kong nakakapit pa din pala ako sa kanya. Mabilis kong tinanggal ang pagkakalingkis ng braso ko sa braso niya.
                “Sorry, pasensiya ka na sa akin.”
                “Okay lang yun! Kumain ka na ba? Gusto mo paghanda kita? Nasaan ang mga gamit mo?” sunud-sunod niyang tanong sa akin. “Nag-iba yata ang mood ng loko.” Bulong ko sa sarili.
                “Salamat na lang. Busog pa ako.” Biglang kumalam ang sikmura ko. Ubod ng lakas. Bigla na lang siyang natawa at agad na lumabas ng silid.
                “Sandali lang at dadalhan kita.”
                Makalipas ang ilang minuto, dala niya ang isang tray ng pagkain. Pinaupo niya ako sa kama at hinatak ang isang lamesita upang paglagyan ng tray.
                “Salamat!” sinsero kong sabi sa kanya. Agad akong kumain dahil ramdam ko na talaga ang gutom.
                “Nasaan ang gamit mo?” muli niyang tanong sa akin.
                “Hindi ko na nakita. Pagkagising ko sa bus, wala na ito. May kumuha pero di ko kilala.” Biglang napatigil ako sa pagsubo ng maibaling ko ang aking paningin sa kaliwa. Napansin ko ang larawan sa tabi ng lampshade. Kitang-kita ko ang kamukha kong nakayakap sa lalakeng katabi ko ngayon sa larawan. Muli akong napatingin kay Waqui. Tinignan ko ang kanyang mga mata upang ipahiwatig ang aking katanungan.
                “Yaan ba?” turo niya sa larawan. “Si John Harold yan.” Pagpapakilala niya. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain habang nagkukuwento siya.
                “Si John Harold ay ang aking matalik na kaibigan. Magkasabay kaming lumaki dito sa lugar na ito na kung tawagin ng mga taga dito ay Casa Milagrosa. Siguro dahil sa dami ng mga batang milagrong napapadpad dito. Ayon kay lola, hindi lang isa o dalawang bata ang iniiwan dito sa tapat ng kanyang bahay. Higit pa ang bilang. Tinaguyod kaming lahat ni lola at ni lolo. Marami na ang nasa ibang bansa pero patuloy na sumusuporta ngayon kay lola matapos mamatay si lolo. Di tulad ng ibang ampon nila lolo at lola, madalas akong namamalagi dito upang alagaan si lola. Hindi ko kayang iwanan si lola dahil nag-iisa na lang siya. Palagi kong naaabutan dito noon si John kaya naging matalik kaming magkaibigan. Pareho kaming ampon pero di lahat ng ampon nila lola, magkakakilala. Minsan nga, mapagkakamalang manlalakabay o magnanakaw kapag bago sa mata ng kapwa ampon. Pero kapag nariyan na si lola, tsaka pa lang maliliwanagan ang lahat.” Seryoso niyang pagsasaad sa akin. Nakatingin ang mga mata sa kawalan at ramdam ko kung anong emosyon ang nararamdaman niya. May kasiyahan at kalungkutan na minsan ay namamalagi sa kanyang pananalita. Hinayaan ko pa din siyang magsalita upang mas lalo kong maintinfihan ang lahat.
                “Isang araw, napansin kong bigla na lang nahimatay si John. Nung una, pagod lang daw. Tapos naging madalas ang pagkawala ng malay niya. Hindi ko na ipinaalam kay lola dahil baka lalong mag-alala siya. Pinasuri ko si John at nalaman namin na may sakit siya. Simula noon, nagkukulong na siya ditto sa silid na ito. Minsanan na lang siyang naglalalabas ng kwartong ito hanggang isang araw, hindi ko na siya nakita pa. Araw-araw nagpupunta si lola sa terminal ng bus upang salubungin si John sakaling bumalik.”
                “At dahil kamukha ko si John at kapangalan pa, sa kasabikan ni lola, mabilis niyang siniguradong ako nga ang nawawala niyang apo na matagal na niyang hinahanap.” Dugtong ko sa sinabi ni Waqui.
                “Tama ka dyan! Kaya dapat, matuto ka ng mga bagay-bagay patungkol kay John dahil di sapat ang itsura mo para madaling linlangin si lola.” Dugtong naman niya sa sinabi ko.
                “At kung ayaw ko?” pabalang kong tanong sa kanya.
                “Mapipilitan kong ikadena ka sa bahay na ito hanggat hindi umuuwi dito ang totoong John.” Pananakot niya sa akin.
                “Kailangan bang maging ganoon ka-harass?” parang batang takot na sabi ko.
                “Kung kinakailangan.” Sabay ngiti niya sa akin. “At oo nga pala, patawad sa sinabi ko sayo kanina. Nagulat lang talaga ako kung bakit kamukhang-kamukha mo si John.” Kita ko sa mga ata niya ang paghanga pa din sa kanyang nadiskubre.
                “Ganun ganun na lang ba iyon?” pambawi ko.
                “A, e, may gusto ka ba?” tanong niya sa akin na para bang nagdadalawang isip kung itatanong niya o hindi.
                “Pag-iisipan ko.” Sagot ko sa tanong niya na walang kasiguraduhan.
                Biglang kumulog at kumidlat. Natakot na naman ako at napakapit sa braso ni Waqui.
                “Ganyan-ganyan na lang ba iyan?” nakangisi siya matapos ang mabirong tanong niya.
                “Sorry, e di quits na lang pala tayo!” sagot ko matapos kalkulahin ang mga bagay-bagay.
                “Pag-iisipan ko…” pauna niya, “tabi na lang tayo matulog!” kalokohang ideya niya na para bang gusto ng utak ko.
                “Sa baba ka na lang matulog o kaya ako na lang.” pagdadahilan ko. Biglang kumulog at kumidlat na naman.
                “Ayaw mo pa din?” panggigipit ni Waqui sa akin. Pumayag na din ako upang matapos na ang usapan.
                Matapos kong kumain ay iniligpit na ni Waqui ang aking kinainan. Nakakatuwa kung paano niya ako pagsilbihan na para bang isang hari. Nang bumalik siya, agad niyang tinungo ang aparador sa kwartong iyon at kumuha ng ilang damit at ibinato sa akin.
                “Ano bang problema mo!?” pasigaw kong tanong sa kanya.
                “Maligo ka kaya muna! Hindi ako natabi sa hindi naliligo!” pang-iinis niyang epektibo dahil sa ngiti niyang parang aso.
                Matapos kong maligo, kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa sabitan sa loob ng banyo na para bang hinanda para sa akin. Pinantaklob ko sa ulo ang tuwalya upang patuyuin ang aking buhok bago itapis sa katawan. Nang matapos, bumalandra sa harapan ko si Waqui na tanging brief lang ang suot, nakangiti, at para bang nang-eenganyo pa. Ibinato ko sa mukha niya ang tuwalya upang panandaliang matakpan ang kanyang mga mata dahil wala akong suot ng mga oras na iyon. Mabilis akong tumakbo palabas ng banyo upang doon na sa kwarto magbihis.
                Makalipas ang ilang minute ay nakapagbihis na ako. Natapos na ding maligo si Waqui. Pumuwesto na ako sa kanang parte ng higaan at siya ay sa kaliwa. Tumalikod ako sa kanya upang hindi tamaan ang mga mata ko ng liwanag mula sa lamp shade. Bigla siyang yumakap ng pagkahigpit-higpit kung saan ay nagkakadikit na an gaming mga katawan. Ramdam ko ang mainit na singaw ng katawan ni Waqui. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga at bumulong.
                “Pasensiya na, sa totoo lang, hindi ako nakakatulog ng walang kayakap.” Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin kasabay ng pagkulog at pagkidlat.
                “Ok lang. Goodnight!” sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ay pinoprotektahan niya ako mula sa kulog at kidlat. Nakaramdam ako ng basang pagdaloy sa aking pisngi. Naalala kong muli si mokong at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
                Lumipas ang ilang araw, buwan at maging taon. Natutunan ko ang bawat detalye tungkol kay John at maging ang kanyang mga kilos. Natutunan ko din ang mga paboritong mga bagay-bagay ni lola at maging ang paboritong ginagawa sa kanya ni John, ang pagbabasa sa kanya ng mga kwento tungkol sa pag-ibig. Napalapit na ng husto ang loob ko kay lola at Waqui. Itinuring ko na silang kamag-anak. Pero kahit tatlong taon na ang lumipas, naiisip ko pa din ang pamilyang kinalakhan ko at maging si mokong.
                Isang umaga, tulad ng nakasanayan, si Waqui ay aalis upang hanapin at magbabaka sakaling makita si John. Makulimlim ang panahon at nagbabadya ng pag-ulan. Tanging kami lang ni lola ang naiwan sa bahay. Pareho kaming nakaupo sa sala at parehong nakatutok ang aming mga mata sa direksyon ng bintana. Pinagmamasdan ang paggalaw ng maiitim na ulap.
                “Apo?” tawag ni lola sa akin habang nakatingin pa din sa labas ng bintana.
                “ ’La?” napatingin naman ako kay lola. “May gusto po ba kayo lola?”
                “Apo, alam ko na. Matagal na.” pahiwatig ni lola. Bigla akong kinabahan at nakaramdam ako ng panginginig sa aking mga kamay.
                “Ang alin po?” mangmang kong tanong.
                “Na ang tunay kong apo…” napatigil si lola. Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa mga oras na iyon ng biglang lumingon sa akin si lola. “… ay hindi ikaw.”
                “P-po?” utal kong patanong na para bang walang alam. Iniiwas ko ang paningin ko kay lola at biglang tumayo ng maramdaman kong paapaw ang aking mga mata. “Teka lang lola ha, i-ipagtitimpla ko kayo ng k-kape.” Pagrarason ko. Nang paalis na ako sa kinatatayuan ko, hinawakan ni lola ng mahigpit ang kamay ko. Hindi ko kayang humarap kay lola ng may tumutulong luha sa aking mga mata.
                “Maupo ka apo.” Mahinahon niyang sabi sa akin. “Ilapit mo sa akin ang iyong mukha at hayaan mong punasan ko ang iyong mga luha.”
                Mas lalo akong lumuha sa sinabing iyon ni lola. Hindi ko na kinaya pa ang tensyong nararamdaman. Biglang bumuhos ang malakas na ulan na rinig sa buong kabahayan. Hindi ko magawang magsalita para humingi ng tawad kay lola. Ni hindi ko magawang hawakan ang kanyang mga kamay o tignan siya ng harapan.
                Kinuha niya ang paborito niyang panyo na iniregalo ko noong kanyang nakaraang kaarawan. Pinahid niya ang aking pisngi at mga matang basa ng luha. Matapos ay hinawakan ang aking baba at pinihit ang aking ulo upang makaharap sa kanya. May ngiti ang mga labi ni lola at ang kanyang mga mata ay para bang nang-aamo.
                “Apo, noong una pa lang, alam ko ng hindi ikaw ang apo ko. Nagpanggap akong ikaw ang apo ko upang mapagtakpan ang sikretong tinatago ko.” Panimula ni lola. Kapit-kapit ni lola ang aking kanang  kamay at ipinatong ko naman ang isa kong kamay sa kanya ring kamay. May kung anong kaba akong naramdaman. Kabang kakaiba kong maituturing. Kabang hindi ko maipaliwanag. “ Naalala mo pa ba nung nagkita tayo sa terminal ng bus?”
                “Opo.”
                “ Nakasabay mo kami sa bus na sinakyan mo.” Pag-amin ni lola.
                “Ha? Paano pong nangyari iyon?” gulat ko naman sa natuklasan.
                “Kasama ko ang apo kong si John nung mga oras na iyon. Galing kaming Tagaytay mula sa isang kilalang manggagamot upang mas lalong mapasuri ang apo ko. Nalaman namin na may malubha siyang sakit na kung tawagin ay Alzheimer’s disease.”
                “Pero, imposibleng magkaroon ang apo ninyo sa edad niyang iyon. Masyado pang bata.” Paglilinaw ko kay lola.
                “Apo, kahit kami ay hindi makapaniwala. Pero yon ang totoo! Pauwi na kami noon nang makita ka naming himbing ang pagkakatulog sa dulong upuan ng bus. Kamukhang kamukha mo ang apo kong si John. Isang lalake ang biglang nagkakalampag sa pintuan ng bus. Bago pa man siya pumasok, kinuha ni John ang gamit mo ng marinig niyang ikaw ang hinahanap ng lalakeng iyon ayon na din sa paglalarawan niya sa konduktor. Umakyat ang lalake at maagap siyang sinalubong ni John. Walang pag-aalinlangang hindi siya namukhaan ng lalakeng iyon. Pinauna niyang pinababa ang lalakeng iyon at bumalik sa akin para ako’y kausapin…” ang kahihiyang nararamdaman ko kanina ay unti-unting napapalitan ng galit matapos marinig ang katotohanan. Napag-pasiyahan kong patapusin si lola sa kanyang pagsasalita.
                “Ang sabi niya sa akin, ‘La, kailangan hindi malaman ni Waqui ang lahat ng ito. Ayaw kong mag-alala siya sa akin kaya mas mabuti pang lumayo na lang ako. Tatawag ako sa inyo paminsan-minsan kapag may oras. Bye lola! Salamat!’ at mabilis na siyang nanaog pababa ng bus at hindi ko na siya muling nakita pa.”
                Napabitaw ako sa pagkakakapit kay  lola. Biglang napatayo at muling naglabas ng luha ang aking mga mata. Kita ko sa mga mata ni lola ang pagkagulat sa ginawa kong iyon. Napansin kong umaagos na din ang luha sa kanyang mga mata. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata at patuloy niyang binibigkas ang ‘Patawad apo, patawad!’”
                “Paano niyo po nagawa sa akin ito!? Paano!” napasigaw ako kay lola. Dahil sa bugso ng damdamin kaya ko nagawa ito. Matapos kong malaman ang lahat ng kalokohang tatlong taong itinago sa akin, hindi ko masabi kung ano bang dapat kong gawin.
                “Apo, p-pata – “ napatigil si lola sa pananalita. Natulala ako. Bigla na lang siyang bumagsak sa sahig mula sa kinauupuan niya. Hawak niya ang dibdib at naghahabol ng hininga.
                “La? La! Ano ba La! Anong nangyayari sa’yo La!!!” sigaw ko kay lola ng lumapit ako sa kanya. Hindi na nakapagsalita pa si lola at tuluyan ng nawalan ng malay. Tinawagan ko agad si Waqui at nagsabing ‘Dalhin mo siya sa ospital at ako’y papunta na diyan’ na agad ko naman ginawa.
                Mabuti na lamang at may kaliitan si lola. Isinukbit ko ang dalawa niyang hita sa aking kanang bisig at nakaalalay naman sa likuran ang kaliwa ko. Kahit hindi pa natigil ang ulan, tinahak ko ang daan palabas ng bakuran ng bahay habang may talukbong na tuwalya si lola sa kanyang ulo. Sinasabayan pa ng kulog at kidlat ang pangyayaring iyon pero tiniis ko pa din at nilabanan ang takot. Wala ng kalabaw pang masasakyan o kapitbahay na mahihingan ng tulog. Nakalimutan ko ng magsuot pa ng sapin sa paa kaya nakayapak akong nagtatatakbo.
                Mabilis ngunit walang ingat kong tinakbo ang madamo at maputik na daan. Patuloy akong sumisigaw at humihingi ng tulong ngunit tinatalo ng kulog ang boses ko.
                Malayo-layo na din ang aking tinakbo ng makatapak ako ng tinik ng halamang aroma. Matigas, malalim at masakit ang naramdaman ko ng pumasok ito sa aking talampakan. Napaluhod ako sa sakit. Nilingon ko ang aking talampakan at kitang-kita ko kung paano bumaon ang tinik ditto. Ang bawat patak ng ulan ang siyang naghuhugas sa dugong dumadaloy mula sa malalim na sugat. Panandalian kong tinanggal ang aking kanang braso sa pagkakahawak sa binti ni lola upang hugutin ang tinik upang mas maayos akong makatakbo. Muli kong binuhat si lola, tumayo at nagsimulang magtatatakbo ng paika-ika.
                Pinagmasdan kong maigi ang mukha ni lola. Sa haba ng tinakbo ko ay hindi ko na namalayan ang oras ng umagang iyon. Randan kong lumalamig na ang balat ni lola. Sabayan pa ng malamig na klima dahil sa ulan.
                “La!”
                “La, gising!”
                “Gising, La!”
                “Tulong!!!”
                Nadapa ako habang tumatakbo pero hindi ko hinayaang mawala sa aking mga braso si lola. Mahigpit ko siyang kinapitan upang hindi siya bumagsak sa lupa. Unti-unti na ding nanlalabo ang mata ko. Kasabay nito ang pamamanhid ng talampakan kong nasugatan. Sa luhang dumadaloy sa mga mata ko at ulang bumabagtas sa mukha ko, ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko mula sa lason ng halamang aroma. Wala na akong nagawa pa hanggang sa mawalan na ako ng malay.
                Muli akong nagkaroon ng malay. Nasa isang silid akong napapaligiran ng puting mga dingding. May kung anong mga nakakabit sa aking kamay at dibdib. Nakahiga ako habang ang isang lalaki ay nakayuko at natutulog sa aking tabi habang hawak ang aking mga kamay.
                “Waqui?” tanong ko sa sarili ko. Iginalaw ko dahan-dahan ang aking mga daliri ar isinunod ang buong kamay. Isinuklay ko ang aking mga daliri sa buhok niya. Napaka sarap suklayin ng paulit-ulit ang buhok niya. Bigla siyang gumalaw at dahan-dahan iniangat ang ulo.
                “Sorry, sige, matulog ka lang.” saad ko. Namilog ang aking mga mata sa pagkagulat. Isang bagay ang hindi ko inaasahang mangyari.
                “Baron? Baron!” sigaw niya ng marinig ang boses ko.
                “M-mokong!? Gulat kong tanong sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Paanong nangyari ang bagay na ito. inalala kong maigi ang pangyayari bago ako mawalan ng malay. “Si Lola? Kamusta na si Lola?” tanong kong pabigla kay mokong.
                “Mamaya ko na –“ napatigil si mokong ng bigla akong napasigaw sa kanya.
                “NASAAN SI LOLA!!!”
                “M-matagal ng wala si Lola.” Mahinang niyang sagot sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Natulala ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makapagsalita at hindi ko na din namalayang tumutulo nap ala ang luha ko.
                “Sandali lang at tatawag ako ng nurse.” Paalam niya sa akin ng bigla niya akong iwan sa silid. Habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha, nanginginig naman ang mga labi ko.
                “P-patawad lola, patawad!” paulit-ulit kong binabanggit habang ang aking mga kamay ay nakatiklop sa aking magkabilang gilid. Biglang pumasok ang dalawang nurse at lumapit sa akin.
                “Just take a rest, sir, just take a rest!” sabi ng isang nurse habang may kung anong tinutusok sa isang tube na nakakabit sa aking kamay. Unti-unti akong tinamaan ng antok habang patuloy na umiiyak hanggang sa makatulog.
                Sa muli kong pagmulat ng aking mga mata, nakaupo sa mahabang upuan dalawang lalaki habang si mokong naman ay nasa tabi ko at hawak-hawak ang aking mga kamay.
                Napatayo ang dalawang lalaking nakaupo sa mahabang upuan at napatingin naman si mokong sa akin.
                “Kamusta ka na, John?” tanong ng isang pamilyar na mukha. Ngumiti siya sa akin at nilingon naman ang katabi niyang lalaki. Nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa kanya. Nakakagulat at nakakamangha.
                “W-waqui? Kaw ba yan?” tanong kong may pagkautal pa. “S-siya ba s-si J-john?” nabubulol kong tanong. Ngumiti lang sa akin si Waqui pagkatapos ay itinaas ang kanyang kaliwang kamay. Hawak nito ang kamay ng lalaking kamukha ko at kita ko sa mga mata nilang dalawa ang saya.
                “Baron, ayos ka na ba?” biglang singit na tanong ni mokong.
                “M-mokong, so-sorry!” sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko. “P-patawarin mo ako, h-hindi ko sinasadya!” hanggang sa humahagulgol na ako.
                “Shhhhhhh!” habang nakamuwestra pa ang hintuturo ni mokong sa nakanguso niyang labi. “Tahan na, Baron, tahan na!” pagpapakalm ni mokong sa akin habang hinihimas-himas ang aking mga kamay.
                Nang mapansin nilang pilit kong itinatayo ang sarili ko mula sa pagkakahiga. Tinulungan nila akong tatlo upang makaupo. Habang ang kamukha ko ay tinatapik-tapik ang likuran ko, pinupunasan naman ni Waqui ang mga mata ko. Si mokong naman ay nakatitig sa akin habang hinihimas-himas ang kamay ko.
                “Waqui, sorry din! Sorry talaga!” paghingi ko naman ng tawad kay Waqui. Bigla niyang isinalpak ang pinamumunas niya sa aking bibig upang pigilan muling magsalita. “Pwe! Sige, kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako!” paghingi ko ng pabor kay Waqui.
                “Talaga? Kahit ano?” nakangising aso si Waqui. Naguguluhan ako sa nakikita ko. Pareho ding nakangisi si mokong at John.
                “Oo! Kahit ano!” pagpapatibay ko sa pangakong binitawan.
                “Pwes, una sa lahat, making ka muna sa akin! Si Lola ay –“ napahinto si Waqui sa pagsasalita ng bigla akong napasigaw.
                “Patay na!?”
                “Gago! Hindi!” kasabay ng tawanan nilang tatlo. May saya akong naramdaman sa kabila ng pagkalito sa mga pangyayari. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. “Matagal ng wala sa Pilipinas si Lola! Nasa Amerika na siya! Kinuha na siya ng kapwa namin ampon ni John. Mas mababantayan kasi si lola doon lalo na at marami pa lang ampon si lola na nasa Amerika na!”
                “Talaga!?” sigaw ko ng pagkamangha.
                “At pinapasabi pala ni lola na maraming salamat sa pagsagip mo sa kanya.” Dugtong ni John. Iniabot niya sa akin ang isang maliit na papel. “ipinabibigay ni lola ang address at contact number niya sa Amerika. Tawagan mo daw siya agad-agad para kamustahin ang isa’t isa. Mga anim na buwan ka ding nasa koma.”
                “anim na buwan!?” gulat kong tanong sa kanya.
                “Oo! Halos mamatay na nga si Aaron kakabantay sayo e.” sabi naman ni Waqui. Nilingon ko si mokong, bahagya itong nakayuko upang hindi ko makita ang nahihiya niyang mukha.
                “At malaki ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi kami magkakabalikan ni Waqui.” Si John.
                “Tama ba ang narinig ko?” paglilinaw ko kay tukayong John. Tumango lang ang dalawa. Nakangiti at ramdam ko ang saya sa tinginan nila sa isa’t isa. Lalo na ng bigla silang maghalikan sa harapan ko. “Ehem!” banat ko.
                “Sorry! Kaw kasi e.” sisi sa akin ni Waqui. Nagpaalam muna ang dalawa na lalabas lang at kami na lang ni mokong ang natira.
                Sinuri kong mabuti si mokong. Malaki ang pinagbago niya matapos ang tatlong taon at anim na buwan kong hindi siya nakikita. May bigote at balbas na siya. Ang buhok ay mas lalong humaba. Nakahilig ang mahabang kumpol ng buhok sa kanyang harapan samantalang ang pinagupitan ay nanatiling nasa likuran. Mas matured na siyang tignan ngayon at pakiramdam ko ay hindi na din siya pikunin.
                “Mokong?” tawag ko sa kanya sa malumanay na boses. “Masaya akong nakita kitang muli, alam mo ba yon?” tanong ko sa kanya. Itinaas na niya ang kanyang ulo para ako’y tignan.
                Nakangiti ang kaliwang bahagi ng kanyang labi na para bang binatang nagpapa-cute. Ang mga mata niya ay kay gandang pagmasdan.
                “H’wag mo nga akong ngitian ng ganyan. Lalo akong napapamahal sa iyo e.” di ko sinasdyang banggitin.
                “Pakiulit nga ang sinabi mo?” biglang nagbago ang itsura ni mokong. Nagkasalubong ang kilay at biglang napatayo sa kanyang kinauupuan. Tinanggal niya ang pagkakakapit ng kamay niya sa kamay ko at dahan-dahang lumalapit sa akin.
                “ANONG SABI MO!!!” sigaw niya sa akin. ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Nanlilisik ang mga tingin niya sa akin. hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya. Naalala ko kung paano niya pitpitin ang mga kamay ko sa pintuan noon. Ibinaling ko ang tingin ko pakaliwa upang iwasan ang mga tingin niya sa akin. kinapitan ng kanan niyang kamay ang kaliwa kong kamay ng sobrang higpit. Pakiramdam ko ay madudurog ang mga buto sa aking mga daliri. “ANONG SABI MO!!!”
                “S-sa-sabi ko, n-na… napapamahal na ako sayo!” pautal-utal kong sagot sa nangangalit niyang tanong. Bigla niyang hinawakan ang leeg ko na para bang sasakalin. Ngunit ang mga kamay na nakakapit sa leeg ay unti-unting gumapang papunta sa batok. Hawak pa din niya ang kaliwa kong kamay samantalang hindi ko pa maigalaw ang kanan kong kamay. Planado ang lahat simula’t sapul. Hawak niya ang batok ko ng bigla niyang idinampi ang kanyang nag-iinit na labi sa labi ko.
                Iniisip siguro ni mokong na papalag ako kaya niya ginawa iyon. Sa unang halik pa lang namin sa Tagaytay ay gusting-gusto ko na talaga iyon. Sadya lang talagang di pa ako handa para sa isang tulad ni mokong. Natatakot akong mawala siya sa akin at mawala ako sa kanya. Natatakot akong maraming buhay ang maapektuhan lalo na kapag dumating yung oras na maging kami. Masyadong mapanganib ang mundo sa mga tulad namin, sa mga tulad ko. Ang kinatatakot ko ay ang hindi pagtanggap ng pamayanan ang ganitong uri ng pagmamahalan. Noon iyon at hindi na ngayon.
                Napakapit ang kanan kong kamay sa isang kuwadradong bagay ng mahigpit sa sarap ng nalalasahang temptasyon. Napapaungol pa kaming pareho sa sarap n gaming paghahalikan. Biglang bumukas ang pintuan ng silid na kinakalagyan ko. Parang wala namang narinig si mokong at patuloy siya sa pagnamnam sa labi ko. Pasimple akong sumilip upang masuri ang pinanggalingan ng ingay ng pinto. Nakita ko ang aking ina’t ama, ang ina’t ama ni mokong, si Waqui at John at ang doktor at ilang nurse na humahangos. Lahat sila ay nakatitig sa aming dalawa ni mokong. Pinilit kong magsalita sa pagitan ng paghalik ni mokong sa labi ko.
                “Mo – m – mok – mokong.”
                “M-mamaya na! Minsan lang ito!” sabi ni mokong. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa kaliwang kamay ko ng maramdaman niyang pilit ko itong tinatanggal sa pagkakakapit niya ditto. Idiin niya ang batok ko papunta sa kanya upang maglapat ng maigi an gaming mga labi.
                “M – moks, m – may tao!” pilit kong sabi sa kanya sa pagitan ng kanyang paghalik at pagkagat sa ibabang bahagi ng aking labi. Bigla siyang bumitaw nang maintindihan niya ang nais kong ipahiwatig. Lumingon siya sa kanyang likuran at napangiti na lamang siya sa kanyang nakita. Pumalakpak sina Waqui at John at sinundan ito ng kapwa namin mga magulang. Ang doktor at mga nurse naman ay tulala pa din sa kanilang nakita. Ang isa ay hinimatay pa. sino ba namang hindi hihimatayin kung makakakita ka ng dalawang gwapong lalake na naghahalikan sa isang ospital pa!
                Makalipas ang ilang araw na pagpapagaling ay nailabas na ako sa ospital. Isang bagong pag-asa, isang bagong simula. Si mokong ang nagsundo sa akin sa ospital.
                “Papara na ako ng taxi.” Paalam k okay mokong.
                “Kumag! Bakit ka papara kung may sasakyan naman tayo!” sabay turo niya sa isang nakaparadang trak ng basura.
                “E bakit hindi na lang ikaw ang sumakay diyan!?” sabi ko sa kanya na may halong pagkabanas.
                “Kung ayaw mo, huwag mo!” sigaw sa akin ni mokong at naglakad na siya sa direksyon ng trak. Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at nag-abang na lang ng masasakyang taxi pauwi. Ilang minute akong naghintay at may isang Hyundai Getz na color blue ang huminto sa harapan ko. Tinted ang salamin kaya hindi ko makita kung sino ang drayber. Hindi ko na lang pinansin at umabante ako ng kaunti upang hindi maharangan ng kotseng iyon.
                “Kumag ka talaga! Sakay na!” sigaw ni mokong sa akin. nakasilip sa bintana at nakasalubong ang mga kilay.
                “Carnap yan no!?” pambibintang ko sa kanya.
                “E kung carnap ito e di sana matagal na akong nakakulong simula ng mawala ka!” sigaw sa akin ni mokong.
                “Ibig sabihin, sayo yan?” namulat ang aking mga mata. “Wow! Asensado na ha!”
                “Buti nga nawala ka noon e, bigay sa akin ni mommy at daddy para hanapin ka! Sakay na!”
                Sumakay naman ako. Naka-lock ang backseat kaya sa front seat ako umupo. Pinagmamasdan kong maigi si mokong. May gusto akong itanong sa kanya ngunit natatakot akong baka magalit na naman siya.
                “Anong tinitingin-tingin mo sa akin?” tanong niya sa akin nang hindi inaalis ang mata sa kalsada.
                “A e, anung nangyari nung wala ako?” halos pabulong ko ng tanong kay mokong.
                “Malamang, nag-alala kami! Lalo na ako!” kinilig naman ako sa sinabing iyon ni mokong. Kaso biglang pumasok sa isip ko ang tungkol kay John na katukayo ko.
                “Si John?” pambasag ko ng kilig moment.
                “Ayun, nung una ko siyang nakita, akala ko ikaw talaga iyon. Niyakap ko siya nung bumaba na siya ng bus at nalaman kong hindi ikaw iyon. Umamin naman agad siya sa akin pero di niya sinabi kung taga-saan talaga siya. Tinuruan ko siyang maging ikaw. Kilos, pananamit at pananalita. Pero kahit anong perpekto niyang gawin ang mga natutunan niya sa akin, dumating yung time na hinimatay siya at nang magising ay ibang tao na. nung una ay hindi kami naniniwala kaya pina-check up namin siya and we found out that may record na pala siya sa ospital na pinagdalhan sa kanya. At may sakit siya.” Tuwid na paliwanag ni mokong.
                “Nakakalungkot ngang isipan na pagdating ng panahon, unti-unti niya tayong makakalimutan at hindi na muling maaalala pa. At si Waqui, mahal na mahal niya si John. Paano kaya kung ako ang may sakit na ganun?”
                Isang biglang preno ang ginawa ni mokong sa kabila ng mabilis niyang pagpapatakbo. Nauntog ako sa compartment sa harapan ng kotse dahil nakalimutan kong mag-seatbelt.
                “Arekup! Bakit mo ginawa iyon!?” sigaw ko sa kanya.
                “E di ba gusto mong malaman kung anong pakiramdam kapag nangyari sa iyo yun? Pwes! Bakit din a lang permanenteng pagkalaho ng alaala ang  gawin ko sa iyo!” pananakot sa akin ni mokong.
                “Sorry naman!” sabay bawi ko sa sinabi ko.
                Natahimik muli si mokong. Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa makauwi kami sa aming bahay. Nakasarado ang pinto at naka-lock pa. dumukot si mokong sa kanyang bulsa at nagulat akong may susi siya ng bahay.
                “Kelan ka pa nagkasusi ng bahay namin!?” sigaw ko sa kanya.
                “Simula ng makuha ko ang bag mo mula kay John.” Kampante niyang sagot sa akin. pinihit niya ang seradura at nagulat ako ng biglang magsigawan ang tao sa loob ng bahay.
                “SURPRISE!!!”
                Isang tarpaulin ang nakakabit sa dingding n gaming sala.
                “WELCOME BACK and HAPPY 24th BIRTHDAY JOHN BARON PEREZ”
                Birthday kop ala. Hindi ko na naalala pa! hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Ni wala nang palagyan sa puso ko ang sayang nag-uumapaw ditto. Sa ikatlong pagkakataon, nagdiwang ako muli ng kaarawan kong may handaan.
                “Salamat! Salamat ng marami!” pagpapasalamat ko sa kanila at lalong lalo na kay mokong.
                “Regalo ko!” mula sa likuran ni mokong, inilabas niya ang isang kahong kulay asul. Binuksan ko agad ito at laman nito and CD#5. Napangiti ako ngunit sa halip na ngiti ang isukli ni mokong, isang halik ng pagmamahal ang binigay niya sa akin. natahimik ang buong paligid at maya-maya lang ay nagsimula ng magkantiyaw ukol sa amin ni mokong.
                Matapos ang kainan at inuman, sa silid ko muli natulog si mokong. Isinalang ko ang CD#5 sa player habang himbng na natutulog si mokong. Hulaan ninyo kung ano ang kinalabasan.

I never believed in love
I was deceived by love
I never had much luck with lovers before
And I couldn't compete
I seemed just part of the street
To be walked on by everyone but then

Then I found a very special love in you
It's a feeling that's so totally new
Over and over, it's burning inside
I found a very special love in you
And it almost breaks me in two
Squeezing me tighter
But I'm never gonna let go

You're not like the rest
I know you're one of the best
You give more than you should
And take nothing in return
Stay always with me
And I always will be
The one person that you can count
On always to love you

And I found a very special love in you
It's a feeling that's so totally new
Over and over, it's burning inside
I found a very special love in you
And it almost breaks me in two
Squeezing me tighter
But I'm never gonna let go
But I...

Found a very special love in you
It's a feeling that's so totally new
Over and over, it's burning inside
I found a very special love in you
And it almost breaks me in two
Squeezing me tighter
But I'm never gonna let go

                Ang sweet di ba? Matapos ang awiting “A Very Special Love”, biglang bumangon si mokong. At isang awitin muli ang nagsimulang tumugtog at sinabayan niya ang pagkanta. “This I Promise You”
When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surround you
Are secrects and lies

I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith that is gone
The one you should call
I'm standing here all alone

And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you

I've loved you forever
In lifetimes before
And I promise you never
Will you hurt anymore
I give my word
I give you my heart (Give you my heart)
This is a battle we won
And with this vow forever has now begun

Just close your eyes (Close your eyes)
Each loving day (loving day)
And know this feeling wont go away (Nooo)
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you...

Over and over I fall (Over and over I fall)
When I hear you call
Without you in my life baby
I just wouldn't be livin at all

And I will take (I will take)
You in my arms (In my arms)
And hold you right where you belong (Right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you babe

Just close your eyes
Each loving day
And know this feeling won’t go away (Nooo)
Every word I say is true
This I promise you

Every word I say is true
This I promise you
Ooh I promise you

                Inilabas niya mula sa kanyang bulsa ang isang asul na kahon. Laman nito ang isang simpleng singsing. Kinuha niya ang aking kamay at nagsabing “Will you marry me?”
“The One Who Won My Heart”
I swore I'd let nobody in
Not that way again
I'd fixed it so they won't stand a chance
But you lessened the distance
I think you knew what this could be
You never gave up reaching for me

Chorus:
Because you hold me up so high
Give yourself with no condition
Because you guide me
When I'm stumbling in the dark
You hear what's deep inside
When I need you there to listen
You're the one who won my heart

And it's still a mystery
What you see in me
Coz you know I've never been an open book
But maybe I'm changing
Just a little less true
There's not a question
I owe it to you

Repeat Chorus

Bridge:
And I know you keep it safe
I trust in you that way
To keep with your possession
Every moment everyday

Repeat Chorus

The one who won my heart

                “Oo, kaso … “
                “Kaso ano?”
                “Hindi legal sa Pinas ang gusto mong mangyari! Kahit kailan hindi!” naiyak ako sa katotohang imposibleng mangyari ang gusto ni mokong para sa amin. Wala na akong magawa kundi ang humikbi sa kanyang harapan.
                “Huwag ka ng umiyak. Kita mo ito?” sabay kuha ng dalawang plane ticket papuntang Amerika.
                “S-saan mo nakuha iyan!?” tanong ko sa sobrang pagkabigla. Napahinto ng sandali ang luha sa aking mga mata.
                “Regalo sa atin ni Lola.” Sabay ngiti ni mokong. “Bukas na bukas ay aalis na tayo. Wala kang karapatang umangal pa!”
                “Wala pa akong –“
                “Passport? Ayos na lahat ng kailangan mo, ang mga kailangan natin. Nakahanda na lahat ng gamit sa kasal maging ang mga susuotin natin.
                Bigla kong niyakap si mokong nang napaka higpit. Humagulgol ako sa pag-iyak sa kanyang balikat. Hindi ko na napigilan pa ang sayang nararamdaman. At alam kong ganoon din si mokong. Isa na lang ang maihihiling ko, ang makasama siya habang buhay.
                Nang makarating na kami sa Amerika, dumiretso agad kami sa isang mansyon kung saan gaganapin ang kasalan namin ni mokong. Doon na din kami nagbihis ng aming susuotin. Pareho kaming naka black tuxedo ni mokong. Nauna na siya sa harapan habang ako ay nasa dulo pa. nagsimula ng tumugtog ang paborito kong awitin hudyat ng aking paglakad.
You Are My Song
You are the song
Playing so softly in my heart
I reach for you
You seem so near
And yet so far
I hope and I pray
You'll be with me someday
I know down inside
That you are mine & I'm your true love
Or am I dreaming...

How can I
Each time I try to say goodbye
You were there
You look my way and touch the sky
We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song

I know for sure
That we were meant to fall in love
I look in your eyes
I know what you're thinking of
I try not to say
The words that might just scare you away
I know down inside
That you are mine & I'm your true love
Please, no more dreaming...

How can I
Each time I try to say goodbye
You were there
You look my way and touch the sky
We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song

Maybe we can last until forever
And I know that we can make it through
With you in my heart, in my soul, you're my love
You're my song

You are my song

We can share tomorrow and forevermore
I'll be there
To love you so
You are my song!

                Nagsimula na akong maglakad. Kahit hilo pa mula sa biyahe, wala akong paki alam dahil araw ko ito, araw namin ni mokong. Ito ang pinapangarap ko at wala ng pipigil pa dito.
                Sinong makapagsasabing ang magkaibigan noon ay magiging mag-asawa ngayon. Nagsimula sa candy wrapper hanggang sa mga CD.
                Bumalik kami ng ‘Pinas. At maaaring isa na kami sa nakakasalubong mo.
                Paano ba yan? Hanggang dito na lang ang “SI MOKONG AT AKO”. Salamat sa pagbabasa ng aking buhay-pag-ibig. :)

---

                Ang pag-ibig ay mahiwaga. Walang nakakaalam kung saan ito nanggaling at kung paano ito nagsimula. Kumbaga sa isang bagay, isa itong painting, o picture, o awitin na maraming kahulugan. Isa lang ang alam ko…
                Ang pag-ibig, walang pinipili. Mapa-babae man o lalake o maging sa kapwa kaparehong kasarian. Walang bata o matanda. Walang mahirap o mayaman. Ang pag-ibig dumadapo kahit kanino man.
Matalabong Kwago



Wakas.

1 comment:

  1. maganda sana pero napakaraming butas ng kuwento... mga tanong na iniwang walang sagot

    ReplyDelete