Thursday, June 26, 2014

Chuck and Paul

By: Chuck

As I walk the corridor, I saw him on the first step of the stairs to the fourth floor of our building. He stood up and walked away from the place leaving me dumbstruck. The only thing I could do was stare at him and see him walk away. Para bang natulala ako sa bawat segundong nakasunod ang mga mata ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ako ka-attracted sa kanya. It was my worst day ever.

I was late in my first subject that morning. And I was not able to take the quiz which usually starts first thing in the morning. Bad trip. Nagpuyat pa naman ako kagabi just to review our previous lessons. Kainis kasi yung jeepney driver na yun eh. Ang bagal magdrive and nakakabanas pa kasi humihinto siya sa lahat ng kantong dinadaanan para lang makakuha ng sakay. Kahit na yung mga taong papalabas pa lang ng bahay, hinihintay na niyang lumabas ng gate para maisakay niya. Makita ko lang ulit ung driver nay un, makakatikim siya ng karate chop.

I have no choice but to stay at the school library. I just think na mas okay pang mag-absent and make an excuse letter than to come to class 30 minutes late. I’ll just make a letter containing a fat lie that would make me excused from being abset and force my prof to give me a special quiz. Sayang naman kasi yung nireview ko last night. I’ll just go to the library and get some sleep. Hintayin ko na lang yung lunch break then I’ll attend the remaining classes for the day.

Nagpunta agad ako sa 2nd floor ng school library and took a Harry Potter book from a shelf. Binasa ko ng konti at nakatulog na nga ako. For about half an hour, nagising ako and I found my head on the open book. And to my great surprise, I saw him. I saw Chuck right in front of me.
“Hindi mo dapat ginagawang unan ang aklat.”
Wala akong masabi kundi “Huh?” Nakakatulala talaga ung facial features niya.

Sobrang kinis ng face niya and wala ka man mabakas na oil. Ang tangos ng nose and ang cute ng manipis na bigote niya na nagbibigay sa kanya ng looks na may pagka-badboy. Kinikilig pa yata ako, kakahiya naman. Bagay na bagay talaga sa kanya yung nakapaloko, at ang brown eyes. Grabi. Nakakawala ng concentration. Asar talaga. Napapitlag ako ng bigla na naman siyang magsalita.

“Nakakatuwa ka talaga.” Aba’t mokong na ‘to, laughing material pala ang tingin saken. Batukan ko kaya? Kaasar.
“Magkakilala ba tayo?” Sabi ko, pakunwari pang hindi ko siya kilala eh no.

Pero ang totoo niyan, kilalang-kilala ko siya. I know he’s 19 and I’m 18 then. Sa Balibago siya nakatira and I’m from Pandan. Nursing student siya, and he’s 3rd year na. Kaya siguro niyayabangan ako, mas matagal na kasi siya dito sa school namin. 2nd year pa lang kasi ako nun. Plus, nasaken ang phone number niya, hindi ko lang magawang i-text dahil nahihiya ako. Baka kasi wala siyang time sa mga katulad ko. Hindi kasi ako marunong magsinungaling sa mga textmates ko. Hindi ko kayang manloko ng mga textfriends.

“Hindi kita kilala pero lagi kitang nakikita, hindi mo lang siguro ako napapansin.”
“Uh, ganun ba.” Shit, I feel stupid, wala akong masabe. Chance ko na nga ‘to diba. Bakit wala akong maisip na sabihin.
“Diba Bio student ka?”

Duh, parang gusto kong isagot na, “Obvious ba? Naka-uniform po ako, if you haven’t noticed.” Napatango na lang ako na feeling ko nagmumukha na naman akong tanga. Ano ba yan, Paul, get a grip.

“Anong year ka na?”

Kainis to ah, tanong ng tanong. Di pa nga namin alam ang name ng isa’t-isa eh. Well, yung name ko lang pala ang hindi niya alam. Medyo natauhan ako, “Excuse me, hindi ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kakilala.” Sabi ko habang kunwari ay papatayo na at sinasara yung libro.

“Ah, oo nga pala, ako si Chuck. Ehehehe. Nakalimutan ko.”
Umayos ulit ako ng upo, “Ako si Paul, 2nd year pa lang ako.” Sagot ko.
“Half past eleven na pala, kumain ka na ba?” Tanong niya.
“Hindi pa nga eh, kaw ba?” Tinitigan ko siya while he’s packing his things.
“Hindi pa rin eh, wala kasi akong kasabay. Ayaw ko kasing kumakain ng walang kasabay.” Well, pareho lang kami. Feeling ko engot ako pag kumakain ng mag-isa.
“Wala din akong kasabay eh.” Sabi ko na lang.
“Good, tayo na lang ang sabay kumain. Treat kita.”

Napaisip ako sa huli niyang sinabi, “Ano ba talagang kelangan mo sakin? At ite-treat mo pa ako ng lunch.”
Parang natulala siya, “Ano naman kaya ang masama kung ililibre kita ng lunch?” Ako naman ang natigilan. Wala naman talagang masama, parang kinakabahan kasi ako. Hahahaha.

I said, “Sige, sa McDo.” Medio nasipa ko ung paa ng mesa nung ngumiti siya.

Pagdating sa McDo, siya na yung pumunta sa counter at ako naman ang naghanap ng table, sa second floor ako naghanap. Medyo nagsisi pa ako ng makita kong andun ang mga classmates ko, bigla akong kinausap.

“Hi, bakit hindi ka pumasok kanina? Maglu-lunch ka pa lang ba?”
“Ah, eh, may pinuntahan kase ako kanina, maglu-lunch pa lang ako.”
Sumabat naman ang isa ko pang classmate na may pagkausisera. Ewan ko ba, I’m not that comfortable when I’m with her, her name is Kristine.
“Hala, kakatapos lang naming kumain, sayang naman, may kasabay ka ba? Bat wala ka pang food?” At right on cue, dumating si Chuck carrying a tray of spag, chicken, fries, McFloat, and burgers. Natahimik ang mga classmates ko. Siguro nagtataka kung bakit kasama ko ‘tong kumag na ‘to.

“Let’s eat na.” Sabi ni Chuck.

Nagmamadali naman akong umupo dun sa nireserve kong table for the two of us. Avoiding the suspicious looks of my classmates.
“Classmates mo sila?”
“Ah, oo. Wag ka na lang maingay diyan at baka kung ano pa isipin ng mga yan sa atin.” Ngumiti lang siya. Syeeet.

Maya-maya, dumaan sa table naming ang mga classmates ko.
“Oo nga pala Paul, yung written report mo sa Gen.Bio2 kelangan mo ng ipass.” Nakapagtataka sila. Bat concerned sila? Hahahaha! Parang gusto kong sabihin na, “Can’t you see we’re dating?”

Kunwari pa silang nagca-care sa akin. If I know, nagpapacute lang sila sa kasama ko. At nag-alisan na ang mga istorbong hitad.

Nakahinga ulit ako ng maayos, iniisip ko pa rin yung mga tingin at bulungan nila habang pababa ng hagdan. Nang mabaling ulit ang atensyon ko kay Chuck.

“Ang bait pala ng mga classmates mo, concerned sila sayo.” Medio sumimangot na lang ako at nasabing, “Naku ha, di mo lang alam, nagpapacute lang sila sayo.” Bigla siyang natawa.
“Ahahaha! Ganun ba?” Kainis, pati pagtawa niya cute.
“Oo kaya, yun lang di mo alam.” Tinapos namin ang pagkain naming at nagpasya kaming bumalik ng school.

Kinuha niya ang phone number ko na ikinagulat ko ng todo. “Bakit?” Sabi ko.
“Wala lang, para pag wala akong kasabay na mag-lunch, itetext na lang kita para sabay ulit tayo.” Hala, parang nahilo yata ako dun ah. Tama bang narinig ko? Grabe. Pero since then, lagi na kaming magkasabay maglunch.
Medio ipinagtaka naman yun ng mga ka-close kong friends. Hindi na daw ako sumasabay sa kanilang kumain. Well, hindi ko na lang sila pinansin as long as parati kong kasama si Chuck. Kinuha niya ung schedule ko, wala namang conflict sa lunch breaks. Lalo akong nagtaka sa kanya nang pati sa uwian gusto niya akong kasabay lagi.

Kakaiba kasi kahit na may 1 hour difference ang uwian namin every Thursday, he’ll wait for me para lang sabay kaming maglakad papunta sa terminal ng jeep. And he’ll text me right after naming maghiwalay. Kakasakay ko pa lang ng jeep may message na siya agad sakin. Ewan ko lang kung mukha akong engot pag nakangiti habang binabasa ung message niya. Simula nun, lagi na akong masaya. I always find myself looking forward for our next meeting.

One time, naglalakad kami sa park. Bigla siyang umakbay saken. Hala, nagulat talaga ako dun.
“Wag kang papalag.” Sabi niya. Sabay ngiti sakin. Ganyanan na lang ha, hinawakan ko yung kamay niya. Ahahaha. Gantihan na lang yan, “Wag ka rin papalag!” Ang saya, nakaakbay siya sakin habang holding hands pa kami!

One day, nung wala akong pasok due to absent yung prof ko for the whole day, tinext ako ni Chuck at tinanong kung aalis ba ako ng bahay, sabi ko hindi at sinabi ko pa na may tatapusin akong project. Well, dahil nainip din ako sa bahay kaya pinasya kong magpunta ng mall at maglakad-lakad, papauwi na ako ng makita ko si Justin at inaya niya akong manood ng sine at treat daw niya, tatanggi ba naman ako? Eh ang gwapo na niya at libre pa! Hahaha! Pinanuod naming ung pinakapatok na show nun kaya marami rin tao. Nag-enjoy naman ako sa kwento ng palabas, buti na lang at 1hour and 45 minutes lang yung movie. Masayang kasama si Justin, in fairness. Lumabas na kami ng sinehan at nag-goodbye sa isa’t-isa. Nginitian niya ako ng isang beses bago siya tumalikod sa akin.

Hinintay ko siyang mawala sa aking paningin bago ako gumalaw at pumunta sa isang branch ng mga damit para bumili ng bagong shirt. Nagulat ako ng makita kong andun si Chuck.

“Oh, buti lumabas ka ng bahay at may ka-meet ka pang iba.”
Hala, hindi ko alam ang isasagot ko, biruin mo sinabi ko sa kanya na hindi ako aalis ng bahay ngayon, tapos makikita niya akong lumabas sa sinehan with another guy, “Tinamad ako bigla sa bahay eh.”
Naglakad na ‘ko, tuloy-tuloy papunta sa labasan ng store nay un, wishing na hindi na niya ako sundan. Pero nasa likod ko pa rin siya eh.
“Sabi mo hindi ka lalabas ng bahay?” Halatang galit na siya sa boses niya.
“Bakit ka ba gumaganyan? Mag-ano ba tayo? Tatay ba kita?”
Hindi niya pinansin ung huli kong sinabi, “Makikipagdate ka na lang, kung anu-ano pang kasinungalingan ang sinasabi mo.”
Ang lakas na talaga ng boses niya habang nasa loob kami ng mall. Nagtitinginan na ung mga tao samin.
“Maaga kong natapos yung project ko.” Ang tanging nasabi ko, nakayuko kong nasabi.
“Talaga lang ha, bad trip naman. Kanina pa kita nakita dito.”
“Eh ano naman kung pumunta ako dito? Sino ba may sabing hintayin mo ako?” Kainis, feeling naman niya boyfriend ko siya. Bat siya gumaganun?
“Ah ganun, yun pa ang gusto mo di mo agad sinabi. Akala ko iba ka.” Sobrang ikinagulat ko yung sinabi niya.
“Umuwi na tayo, nakakahiya na dito.”

Pababa ako ng hagdan, mga 2 meters siguro ang layo ko sa kanya ng bigla niyang isigaw.
“Wala akong pakelam sakanila, badtrip ka! Mahal kasi kita!”
Nagulat ako sa huli niyang sinabi, nahulog tuloy ako sa punyetang stairs, buti nalang at 3 steps na lang ung stairs at medio napaupo lang ako. Pero super sakit ng paa ko, napilayan ata. Nilingon ko siya at nakita kong nahinto siya sa paglalakad. Lumapit siya agad sa akin at tinulungan akong tumayo.
“Are you okay?”

“Adik ka ba? Kung anu-ano sinasabi mo.”
Mahapdi na yung mata ko dahil sa pagpigil kong umiyak. Kumawala ako sa hawak niya at tuloy-tuloy naglakad papunta sa terminal ng jeep. Di ko siya nilingon, kahit na feeling ko pinuputol ang paa ko sa sakit. Hanggang makarating ako sa terminal at sumakay agad sa jeep. Mabilis kong sinulyapan si Chuck. Nakita kong nakatayo lang siya pero sumakay sa susunod na jeep. Sa loob ng jeep ako umiyak, syet. Tinginan sakin yung mga kasakay ko sa jeep. Di ko man kasi magawang kunin yung panyo ko sa bulsa ko. Nakakaasar, ang tagal pa mapuno ng jeep. Bigla kong naramdamang nagvibrate yung phone ko sa bag ko. Binasa ko yung message at nakita kong si Chuck ang sender.
“Sorry na, ang oa ko kanina… Nandyan ka pa ba? Baba ka nman, mag-usap tayo kahit sandali lang.”

Medio naguilty naman ako. Bumaba ako ng jeep habang nagta-type ngreply ko sa message niya. Sobrang bait ko talaga.
“Sige, baba na ako… Baba kana rin dyan.” Bumaba siya ng jeep at lumapit sa kinaroroonan ko habang kumakamot sa ulo at may alanganing ngiti. Nakaka-inlove talaga siya.

“Sorry, para akong tanga kanina.” Aww, parang gusto ko siyang yakapin.
“May kasalanan din ako, sorry din.”
“Ganun ba kasakit ang paa mo at naiyak ka pa?” Tanong ng mokong.
“Ang sakit kaya nun. Kung ikaw kaya ung paa at napilay ka? Hmmp!” Natawa siya dun sa sinabi ko.
“San tayo ngayon pupunta?” Tanong ko.
“Nood tayo ng sine.” Syet ayun na naman yung killer smile niya. Haha! At buti na lang at ibang movie naman ang pinanuod naming. Dumaan muna kami sa 7-Eleven para bumili ng food. 2 hotdog sandwiches, 2 siopao at 2 large green apple flavored slurpee. Ang saya ko naman. This is a date, no doubt.

Kinuha niya agad ung food namin; nung nasa loob na kami ng sinehan at buti na lang konti lang ang tao this time.

“Kanina pa ako gutom eh, kakahintay sayo.” Naguilty naman ako sa kanya. Binigyan ko siya ng hotdog sandwich at kinuha ko na rin ung sandwich ko, pero pinigilan niya ako sa pagkuha ng akin.
“Share na lang tayo dito. Hehe.” Parang kinilig ako dun ah.
“Ahahaha. Ano ka ba, ang corny.”
“Sige na, share na tayo para sweet. Hehe.”
“Sweet mo mukha mo, lakas din ng trip mo eh no?” Pero napilit nya rin ako na magshare kami sa lahat ng dala naming food. Pati sa slurpee, kaya ayun, natunaw lang ung isa. Pero may gumugulo sa isip ko.

“Yung sinabi mo sakin kanina…” Simula ko.
“Alin? Ung sinabi kong Mahal Kita? Totoo yun!”
“Sus.”
“Kung mahal mo rin ako, edi tayo na.” Hala parang nahilo yata ako dun ah.

Grabi, this is my happiest moment talaga. “Ngeh? Ganun lang yun? Ang chaka naman.”
“Ahahaha, sige. How about this?” Hinalikan niya ako ng napakatamis. Natulala ako, di ako makapaniwala sa nangyayari. Nang bumalik ako sa reality, humalik na rin ako sa kanya.
“Mahal din kita, Chuck.” Sabi ko sa mahinang boses. He then hugged me. Lutang ako sa sobrang saya.

---

Simula nun, everyday na akong masaya at everyday din kami magkasama. Naging routine namin ang pagkain ng lunch, tatambay sa isang kainan na malapit sa school. Dun din kami nagkikita, mabait din naman kasi ung owner nung kainan kaya pwede kami tumambay dun anytime we want. Dun din namin madalas makita mga friends niya at sina Kristine. Lagi ngang masama ang tingin sakin ni Kristine tuwing kasama ko si Chuck. Pagdating ko sa bahay, si Chuck parin ang katext ko. Mahal ko siya kaso mas okay sana kung hindi kami masyadong nagkikita. Minsan kase nakakasawa na, minsan tuloy napapaisip ako, parang mas kinikilig pa ako sa kanya nung time na hindi ko pa siya boyfriend. Haaay.

Naging mas regular ang paglabas namin. Pero hindi ko pa nasabi sa mga classmates ko na kami na, ewan ko ba kung bakit. Lagi na nga akong hinaharot ng mga classmates ko, lalo na si Kristine. Napansin ko rin kasi na may gusto din si Kristine kay Chuck. After a week, nalaman na rin ng lahat na kami na since pinagsabi ni Chuck sa mga classmates niya at madaling kumalat ang balita.

Nung week din na yun, lumipat si Chuck sa isang boarding house na malapit sa school. Mas lalo kaming nagkaroon ng maraming time nang kaming dalawa lang. Dun ako sa boarding house nagpupunta tuwing lunch break ko, nagdadala ako ng lunch namin. Minsan naman, nagluluto rin siya. Para tuloy kaming mag-asawa. Hahaha! Nagdala rin ako ng ilang sets ng damit pambahay ko dun. Sobrang saya.

Pero siyempre, may pagkakataon na masusubok ang pagmamahalan naminn ni Chuck. Minsan, kasama ko si Kristine sa school cafeteria, “Alam mo friend, kita kong super saya ninyo ni Chuck ah. Super perfect. Almost too perfect.” Sabi niya.
“Ganun ba, thanks ha.” Nasagot ko.
“Pero alam mo, tingin ko masyadong mabilis ang mga pangyayari ng love story niyo.”
“Hindi naman eh, tingin mo lang yun.” Sabi ko na lang.
“Naku friend, try natin yang si Chuck kung talagang mahal ka niya, ikaw rin! Pag ‘yan di ka mahal at iiwan ka lang, naku condolence na lang friend.” Sumakay na lang ako sa sinasabi ng haliparot na ‘to. Alam ko naman mahal ako ni Chuck at alam ko ring mahal ko siya.

“Pagselosin natin siya. Kakausapin ko na lang si Kiko para siya ung maging accomplice natin.” At magaling pa pumili itong si Kristine ng cast para sa pelikula niya. Super gwapo kaya ni Kiko, 18 years old din. Med Tech student at kasama sa isang banda. Magkaibigan naman ang aming mga bandmates, pero hindi kami masyadong close.

“What do you think?” Tanong niya. Napa-oo na lang ako. Parang wala ako sa sarili ko sa pagkaka-agree ko.

Makalipas ang isang lingo. Habang nasa school canteen kami ni Kristine at nakaupo sa isang table habang kumakain. Nasa isang table naman si Chuck at kasama ang mga kaibigan niya. Kumakain din sila. Katext ko siya kahit na abot tanaw lang namin ang isa’t-isa.

“Friend, galingan mo ang pag-arte ah. Tignan natin ang reaction ni Pretty Boy Chuck.” Bigkas sa akin ni Kristine.
“Sigurado ka ba sa gagawin, ha Kristine?” Parang gusto ko kasing magback-out.
“Oo naman no, basta hintayin lang natin si Kiko. Sakay ka lang sa sasabihin niya.” Walang five minutes, nandun na nga si Kiko, hinahanap kung saan kami naka-pwesto ng pinsan niya. Lumapit siya sa table namin ng nakangiti.

“Hi Cousin, Hi Baby.” Nakatingin siya sakin habang sinasabi niya ung salitang ‘BABY’. Shit, para akong na-iiskandalo. Siguradong narinig ni Chuck yun. Tumabi sakin si Kiko at umakbay sakin. Sabay sabing, “Namiss na kita. Bakit ba hindi ka na nagtext sakin kagabi?” Putek. Hindi ako makasagot at napatingin na lang ako kay Chuck, kitang-kita ko ang pagdilim ng itsura niya. Pinilit kong tanggalin ang pagka-akbay niya sakin pero nagsalita na naman siya, “Anong problema? Wala ka ba sa mood ngayon, Baby?” Noon ko nakuhang magsalita.
“Please, pakitanggal ang kamay mo.” Pero bigla ko na lang nakita si Chuck na tumayo at walang lingon na lumabas sa canteen.
“Very good, Paul.” Bulalas ni Kristine. “Thanks Cousin.” Sabay high five kay Kiko.

Hindi ko alam ang gagawin ko, dapat ba akong tumayo at habulin si Chuck para magpaliwanag?

Pinuntahan ko siya sa classroom nila pero di daw siya pumasok. Syempre, worried ako kaya di na rin ako pumasok ng klase ko at sinundan siya sa boarding hourse.

Nakita ko siyang nakahiga sa sofa, nakatakip ang kaliwang braso sa mata, parang natutulog.
“Chuck?” Lumapit ako at umupo ako sa sofa, sa tabi niya.
“Bakit andito ka, may klase ka pa ah.” Sabi niya habang nakatakip pa rin ang braso niya sa kanyang mga mata.
“Eh ikaw kasi eh, hindi ka pumasok sa mga klase mo.” Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay na awayin ako dahil dun sa eksena sa canteen. “Yung tungkol sa kanina…”
“Kung sasabihin mong hindi totoong kayo ni Kiko, maniniwala ako. Masama lang talaga ang pakiramdam ko.” Hindi pa rin siya kumikilos. Niyakap ko na lang siya habang sinasabing, “Hindi totoo yun, ikaw lang talaga.”

Napaiyak ako, hindi ko alam kung bakit. Medyo nagi-guilty siguro ako kase medyo kasalanan ko kung bakit nangyari yun. Inalis na niya ang pagkakatakip ng kanyang braso sa kanyang mga mata at yumakap na rin sa akin.
“May tiwala ako sayo. Mahal na mahal kita.” Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko, pinunasan niya ang mga luha ko sa mata at hinalikan ako sa noo. Hindi ko na alam kung hanggang saan ang pagmamahal ko sakanya, hindi ko masukat.

“Sa Friday night, sasabihin ko sa lahat kung gaano kita kamahal.” Sabi ko sa kanya pagbitiw naming sa isa’t-isa. Foundation Day kasi namin sa Friday at may party sa school ng 9:00pm.
“Talaga Mahal? Baka nabibigla ka lang?” Tanong pa saken ng mokong.
“Ngek, kung ayaw mo edi wag.”
“Hindi no, gusto ko nga yun eh.” Napakaswerte ko. May taong isang tulad niya na nagmamahal sa sakin.

Dumating ang Foundation Day. February noon at busy na ang lahat para sa taunang Foundation Day. Kasama ko si Kristine habang nagpe-prepare ako sa Battle of the Bands namin.
“Friend, kinakausap ka pa ba ni Pretty Boy Chuck?” Parang hindi ko na ma-take ang pagtawag sakin ni Kristine na friend.
“Ayos na kami, you don’t have to worry.” Medyo may pagka-mataray kong sagot.
“Talaga? Ang tanga din pala nung Chuck nay un eh no?” Wala nang preno ang pagsasalita ng demonyitang si Kristine.
“Alam mo, mas tanga ka sa pag-aakala mong masisira mo kami ni Chuck.” Mahinahon pa rin ako sa pagsabi. Dumating na rin si Kiko, kalaban ko sa Battle of the Bands.
“At in-love ka na talaga huh?” Hirit pa ng nang-aasar na bruha.
“Yes, at kung naiinggit ka, I’m sorry to tell you, but you’re no match in comparison to me.” Iniwan ko silang dalawa.

Dumating ang oras ng pagpunta namin sa school para mag-attend ng party. Nagbihis na kami ni Chuck sa boarding house niya at lumabas nang magkahawak ang kamay. Diretso kaming nagpunta sa school covered court at lumapit sa aming mga kakilala. Nakipagkumustahan kami sa mga friends at after ay umupo kami sa isang table na pang-apatan. Nagkukwentuhan kami ni Chuck ng biglang dumating si Kiko. Nasulyapan ko si Kristine na nakatingin sa gawi namin sa di kalayuan, mukhang gustong makita ang magiging eksena sa paglapit samin ni Kiko.

“Baby, nandyan ka na pala, kanina pa kita hinahanap ah.” Tumabi siya sa aking upuan. Napatingin ako kay Chuck para humingi ng tulong, di ko kasi alam ang gagawin.
“Pare, ako ang boyfriend ni Paul at hindi ikaw kaya please lang wag mo na siyang tawaging Baby.”
Tumawa ng medyo malakas si Kiko, “Pare, ikaw ang tumigil diyan dahil wala kang karapatan kay Paul.” At biglang umakbay sakin ang putang-inang Kiko. Pinilit kong tanggalin ang kanyang pagkaka-akbay ngunit mas malakas siya sakin at wala akong nagawa. Si Chuck ang nagpumilit na alisin ni Kiko ang braso niya sa balikat ko. Nang aktong hahawakan na ni Chuck si Kiko, ay bigla niyang sinuntok at tinamaan si Chuck sa kaliwang pisngi. Nagulat ang karamihan nang bigla na lang ako sumigaw, “Chuck!”

Agad sumugod si Chuck upang gumanti, sinapak ang bwiset na si Kiko sa panga… napaupo si Kiko sa pagkatanggap ng suntok. Tumayo siya sa aktong magbabalik ng suntok kay Chuck pero mas mabilis si Chuck at nasuntok ulit si Kiko sa punong-tena. Nakita kong dumugo ang labi ni Chuck, di ko na alam ang mga nangyayari. Nagkagulo na at marami na ang nagtatangkang umawat sa dalawang nagtatagisan ng lakas. “Tarantado ka pala eh, bakla lang yan, nagpapaloko ka!” Narinig kong sigaw ni Kiko. Medyo nasaktan ako sa narinig ko at nakaramandam ng sobrang hiya.

“Ikaw ang tarantado, ako ang boyfriend ni Paul kaya wag kang makisali!” Sagot naman ni Chuck. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at hinila siya sa braso dahil tangka na naman nitong sugurin si Kiko.

“Pare, ginagago ka lang ng baklang yan, nakipagsabwatan pa nga yan saming dalawa ni Kristine para lang pagmukhain kang tanga! Ako ang talagang gusto ni Paul at para tigilan mo siya ay pinagselos ka niya. Sinasaktan ka niya para lang pakawalan mo na siya at sakin na siya mapunta!” Napailing na lang ako habang dumadaloy na ang mga luha sa aking pisngi. Halo-halo na ang nararamdaman ko. “Bakit hindi si Paul ang tanungin mo ha, Chuck?” Sigaw pa ni Kiko habang inilalayo na siya ng mga lalaking umaawat sa kanya. Tumingin si Chuck sa mukha ko at nagtanong, “Talaga bang nakipagsabwatan ka sakanila, ha?”

Hindi ko alam ang isasagot ko, “Chuck…” Sabi ko sa mahinang boses.
“Nakipagsabwatan ka ba talaga sa kanila?!” Galit na siya at sumisigaw na sa pagtatanong sakin. Yumuko ako ng bahagya at tumango ng marahan bilang pag-amin. “Pero-….”
“Fine, ngayon alam ko na.” At mabilis siyang tumalikod. Dali-daling nilisan ang covered court. Naiwan akong basing-basa sa luha ang mukha ko. Di makapaniwala sa naging bunga ng mga nagawa ko. Nakatingin ang lahat ng mga schoolmates ko sa sakin. Mabilis kong nilisan ang lugar. Pumunta ako sa boarding house ni Chuck pero wala naman siya doon.

---


Dito na lang ba magtatapos ang lahat? Ang saya-saya ko pa bago ang gabing ito. Sinubukan kong tawagan si Chuck sa cellphone niya pero hindi niya iyon sinasagot. Hinintay ko siya doon hanggang sa mag-umaga ngunit hindi siya dumating. Nagpasya na lang akong umuwi samin at matulog buong maghapon. Lumipas ang maghapon, walang pasok kase kakatapos lang ng Foundation Day. Sobrang naiinip ako at gusto ko nang makausap si Chuck. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Susubukan kong sabihin sa kanya ang side ko. Kung hindi man siya maniwala, at least sinubukan kong isalba ang aking pag-ibig. Tinatawagan ko siya palagi pero out of coverage area lagi yung phone niya, or naka-off, talagang iniiwasan ang pagtawag ko.

Dumating ang lunes at pumunta ako ng maaga sa boarding house ni Chuck. Nakausap ko ang may-ari ng boarding house at nalaman kong hindi umuwi doon si Chuck simula pa nung sabado. Humingi ako ng duplicate at nakita kong andun pa ang mga gamit niya. Pumasok ako sa aking klase ngunit wala sa pag-aaral ang aking atensyon. Hinanap ko si Chuck sa mga kaklasi niya pero hindi daw siya pumasok. Lumipas ang dalawang araw at hindi pa rin siya pumapasok. Nag-aalala na ako, baka kase kung ano na ang nangyari sa kanya.

Maya’t-maya pa rin ang pagtawag ko sa kanya pero laging off ang phone niya. Makaraan ang isang linggo, hindi pa rin siya pumapasok. Nag-alala ako baka i-drop siya ng mga professors niya. Pumunta ako sa bahay nila. Di ko man magawang maibalik ang relasyon namin, pipilitin ko pa rin makapasok siya sa klase niya. Ayaw kong ako pa ang maging dahilan ng pagkakahinto niya ng pag-aaral. Pinapasok ako ng Tita niya sa salas at hinintay siyang bumaba mula sa kanyang kwarto, “Bakit nandito ka?”

Ngayon ko lang siya nakitang ganun ang ayos. Mukhang pinabayaan ang sarili. Nangilid agad ang mga luha ko, “Anong kelangan mo?” Tanong ulit niya.
“Pumasok ka na sa mga subjects mo, baka ma-drop ka.” Sabi ko at medio napayuko dahil sa tindi ng pagkakatitig niya sakin.
“Tingin ko, wala ka nang pakelam ano man ang mangyari sakin. Yan lang ba ang ipinunta mo dito?” Tanong niya na halatang walang balak maging pino man lang ang usapan naming dalawa.
“Gusto ko rin mag-sorry dahil dun sa nangyari.” Naiyak na talaga ako.
“Tapos?” Walang katono-tono ang boses niya.
“Hindi mo ba ako mapapatawad? Kahit ano gagawin ko. Matanggal lang yang galit mo sakin.” Humihikbi na ako habang nagsasalita.
“Sige, umalis ka na. wag kang mag-alala, papasok na ako bukas. Gaya ng dati, dun ka kakain at magi-istay sa boarding house ko.” Nag-angat ako ng tingin. Di makapaniwala sa mga sinabi niya. Di na ba siya galit sa akin? Back to normal nab a kami? “Sabi ko, pwede ka nang umalis.” At agad siyang tumalikod at bumalik sa taas, sa kanyang kwarto. Di ko alam kung dapat ba akong masaktan sa paraan ng pakikitungo niya sakin ngayon. Nagthank-you ako sa Tita niya at umalis na sa lugar na iyon.

Kinabukasan, sinubukan ko siyang tawagan pero naka-off pa rin ang phone niya. Nagpunta ako sa boarding house niya at nadatnan ko siyang nakaupo at nanunuod ng T.V. Ang lakas ng volume nun kaya medio nakakairita sa pandinig. Napakagulo ng bahay. Nagkalat ang mga newspapers at aklat. Nagkalat din ang mga wrappers ng candy. May maruming plato at baso na nakapatong sa study table. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ‘to na ganito kadumi.
“Nandyan ka na pala.” Sabi niyang hindi man lang ako nilingon.
“Anong nangyari dito? Bat ang dumi?” Tanong ko habang nagsisimula nang magligpit ng mga nakakalat na gamit.
“Hindi na ako nakapaglinis kagabi, nakatulog kase ako kaagad. Linisin mo na lang at gagayak na ako.”

Nagsimula na akong maglinis ng bahay. Pumunta siya sa banyo para maligo. Hindi man lang niya ako tinanong kung may pasok ba ako bago niya ako pinaglinis. Di na ako papasok sa umaga para maasikaso ko ang paglilinis sa bahay. Ayos lang naman sakin. Para na rin 'to sa pagbawi ko sa kanya sa nagawa kong kasalanan. Sobrang thankful pa nga ako at tinanggap pa niya ako ulit. Buong umaga akong nag-ayos ng mga gamit sa bahay. Dumating siya ng bandang 11:30am para matulog. May dala siyang papel na parang scratch. Ibinaba niya iyon sa center table. Aktong mahihiga na siya ng sofa ng tinanong ko siya.

“Kumain ka na ba?”
“Oo, kumain na ako kasama ang mga kaibigan ko.” Hindi man lang niya ako tinanong kung kumain na ba ako. Hindi ko na lang pinansin at pumunta ako ng kwarto upang maligo at magbihis. Kakain na lang din ako sa 7-eleven. Kahit mag-isa. Papasok na din kasi ako sa mga afternoon classes ko. Paglabas ko ulit ng sala, nakaupo na siya sa sofa at binabasa ung mga papel na dala niya kanina.
“Paul, paki-type mo nga pala ‘to.” Utos na naman niya.
“Ano ba ‘to?” Tanong ko pagkakuha sa mga papel.
“Homework ko yan. Bukas ko na yan kailangan. Gamitin mo nalang yung computer diyan sa kwarto.” Nahiga ulit siya at tuluyan nang natulog. Bumalik ako sa kwarto para itabi yung mga papel. Mamaya na lang pagkatapos ng klase ko iyon aasikasuhin.

Pagkatapos ng mga klase ko, nagpunta na ako sa boarding house at tinrabaho ang homework ni Chuck. Ayos lang naman sakin. Hindi naman kasi ganun karami. Wala pa akong kaalam-alam na ito na pala ang simula ng lahat ng emotional burden ko. Ang simula ng halos araw-araw na kalungkutan. Buti na lang may jamming sessions kami every other day. Sa banda kasi, parang nawawala lahat ang mga problema ko. Oo nga pala, may isa kaming kabanda na super close sa akin. Si Ken. Lagi ko rin siyang nakakasama sa mga lakad. Siya rin ung nagtuturo sakin kapag hindi ako nakakapag-attend ng practice. Napakabait niya at open kami sa isa’t-isa. Sa kanya ko sinasabi mga problema ko at lagi naman siyang nagbibigay ng advice.

One day, kasama ko si Ken habang naglalakad sa tapat ng isang Church nang makita ko sina Chuck at Kristine na kumakain sa park na malapit doon. Nakita ako ni Kristine at tinawag ako. Di ko sila pinansin at patuloy pa rin kami sa paglalakad. Naintindihan naman ni Ken ang mga kinikilos ko. Of all the people, si Kristine pa ang napili niyang isama. Di ko naikaila sa aking sarili ang sakit na naramdaman ko sa aking dibdib. Hindi iyon ang huling beses na nakita ko sila na magkasama.

Kinabukasan naalala ko na malapit na nga pala ang birthday ni Chuck. Nagplano ako na ipagluto siya ng mga paborito niyang food. Pero, hindi naman talaga ako ganon kagaling magluto kaya humingi ako ng tulong sa best friend kong si Ken.

Two days after. Nalaman kong kasama na namin si Kiko sa banda, kusa daw siyang lumipat; at dahil magaling din naman siyang bassist ay agad siyang tinanggap ng aking mga kamyembro. Nasa auditorium kami nina Kiko at Ken. Nagpapractice kami ng mga kanta. Medyo gutom na ako noon kase kanina pa kami nagpapractice. Maya-maya lang ay nagkayayaan na kami na maglunch. Pababa na kami nina Ken ng hagdan nang makasalubong namin sina Chuck at Kristine. Tuloy-tuloy lang sila. Nagbaba ako ng tingin. Nang malapit na kami sa isa’t-isa, nag-angat ako ng paningin at nakita kong nakatitig si Chuck sakin. Nagmamadali akong bumaba habang hinila ni Ken. Nagpaka-martyr na naman ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang magksama. Di ko na lang pinahalata kay Ken na apektado ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa auditorium para ipagpatuloy ang practice. Nakasalubong ulit namin si Chuck at Kristine na mukhang masayang-masaya. Patay malisya na lang ako. Hindi ko na tinangka pang tignan sila.

The next day, nagulat ako nang sa practice namin ay kasama namin sila Chuck at Kristine. Nag-apply daw si Kristine para maging sub-vocalist namin, nagbackout din kasi yung isa naming sub-vocals dahil sa nakakaabala daw ang practice namin sa mga pag-aaral niya. Magaling din naman pala siya. Di nga ako makapagconcentrate sa pag-gigitara pag nakikita ko silang dalawa. Napaka-close yata talaga nila ngayon. Ayaw ko naman mag-isip ng iba.

After a few days, birthday na nga ni Chuck. Pumasok na siya sa school. Tinawagan ko naman si Ken para masimulan na namin ang pamimili at pagluluto. Wala nga pala akong pasok noon, buti na lang at absent si Mrs. Molina, birthday din daw ata ng anak niya. Si Ken naman ay hindi na pumasok sa dalawang subjects niya sa araw na yun. Before mag-5:00pm, tapos na kaming magluto at nakahanda na ang mga pagkain. Di ko na muna pinaalis si Ken at sinabihan ko na makisalo na rin sa handaan namin. Mga 6:00pm na dumating si Chuck. Sa salas muna nag-stay si Ken, naamoy ko si Chuck paglapit niya sakin, amoy alak. Agad ko siyang binati, “Happy Birthday!”

Ibinigay ko ang nakabalot na regalong binili ko kahapon. Silver bracelet yon. Tinanggap naman niya iyon at ipinatong sa mesa. Napansin niya ang mga nakahandang pagkain.
“Ano to?...” Tanong niya.
“Ah, niluto namin yan ni Ken. Birthday mo kasi. Tara, kain na tayo, sandali lang at tatawagin ko si Ken para sumalo na sa atin.” Papunta na ako sa kinaroroonan ni Ken nang bigla siyang magsalita.

“Kumain na ako. Kayo na lang kumain.” Aktong tatalikod siya nang ako naman ang nagsalita.
“Hindi mo man lang sinabi na kakain ka na pala sa labas.” May halong pagtatampo ang boses ko.
“Hindi ko sinabing hintayin mo pa akong kumain. Dapat masanay ka nang kumain nang hindi ako kasabay.” Napayuko na lang ako para maitago ang mga luhang unti-unting namumuo sa aking mga mata.
“Kung hindi kayo kakain, itago niyo na yang mga pagkain at baka langawin lang diyan sa mesa.” Tuloy-tuloy siyang tumalikod para pumunta sa kanyang kwarto. Naiyak na ako nang tuluyang pagkawala niya sa paningin ko. Agad naman akong dinamayan ni Ken.

Walang pagbabago ang mga pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Chuck sa paglipas ng mga araw. Napaka-inconsiderate niya sa nararamdaman ko. Di ko akalaing sa piling niya, kung saan nakaranas ako ng sobrang saya at ligaya, mararanasan ko rin ang sobrang pasakit ng kalooban.

Sumunod na araw, nauna akong nakarating kay Chuck sa boarding house. Galing kami pareho sa practice. Agad siyang nahiga sa sofa. Mukhang pagod na pagod. “Gusto mo ng massage?” Tanong ko, para lang maiparamdam ko pa rin ang pagmamahal ko sakanya. Okay na sakin yung ginawa niya sakin kahapon. Siguro hindi lang talaga maganda ang mood niya.
“Yes, please.” Pinadapa ko siya sa sofa at minasahe.

The next day, nagpunta ulit ako sa boarding house para daanan si Chuck bago umuwi samin. Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama. Iniabot niya sakin ang isang manipis na aklat. “Paki-summarize naman ‘to.” Hindi man lang siya tumingin sakin habang iniabot niya sakin yun.
“Ano ‘to?” Tanong ko.
“Project ni Toffee.” Parang wala lang sa kanya habang sinasabi niya pati project ng kung sino mang hudas na Toffee na yun, sakin pa ipinagawa. Sobra na talaga yung ginagawa niya sakin. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Matagal bago niya ako tinignan sa mata, “Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo? Gagawin mo ang lahat mapatawad lang kita.” Natulala ako sa huli niyang sinabi. Parang tinamaan ako ng kidlat.

Tumalikod ako sa kanya upang itago ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak sa aking mga pisngi. Binuksan ko ang computer niya at nagsimulang gawin ang book report na inutos niya sakin. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Hindi ko halos mabasa ang mga letra ng aklat na iyon. Unti-unti naman luminaw ang aking isipan kung bakit ganito na lang ang pakikitungo sakin ni Chuck ngayon. Gusto lang niyang gantihan ako sa kasalanang inaakala niyang ginawa ko sa kanya. Gusto niya rin siguro akong pagmukhaing tanga. Akala niya kasi ginago ko talaga siya. Sobrang sakit talagang tanggapin na nagagawa niya akong saktan dahil lang sa mga pangyayaring hindi ko inasahang magaganap. Ayos lang naman sakin. Mahal ko siya, at kung sa ganitong paraan lang siya liligaya. Sana lang ay malaman niya na nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sa kanya.

Another day, maaga akong nagpunta sa boarding house ni Chuck para asikasuhin siya. Pwede na talaga akong barilin sa Luneta sa ginagawa kong pagkaka-martyr. Naabutan ko siyang natutulog kaya naman ginising ko siya. Agad siyang pumasok sa banyo para maligo. Nagmamadali siya at baka mahuli siya. Agad ko siyang ipinaglabas ng uniform mula sa closet niya. Inilapag ko iyon sa kama. Napansin ko doon ang cellphone ni Chuck.
2 Messages Received.

Hindi ko ugaling pakialaman ang cellphone niya pero parang kinati ang mga daliri ko at nais kong malaman man lang kung sino ang sender ng mga unread messagees niya. Binuksan ko iyon at nakitang si Kristine pala ang nagtext sa kanya. Sumakit ang dibdib ko sa sandaling nakita ko ang pangalan ni Kristine. Magkatext sila. Hindi ko rin alam na nagpalit na pala siya ng number. Sun kami pareho dati pero Globe na si Chuck ngayon. Wala man lang siyang sinasabi sa akin. Di ko pa rin binuksan ang mga kararating lang na messages niya. Pero nakita kong maraming messages si Kristine sa inbox ni Chuck. Hindi ko napigilan ang sarili kong buksan ang iba doon.
First Message: Nasa bahay ka na ba? Nandyan ba si Paul?
Second Message: Talaga? Anong sabi nya? Umiyak ba?
Third Message: Ahahaha, Paul will be mad for sure!


---


Ibinaba ko na ang cellphone ni Chuck sa kama. Mabigat na naman ang kalooban ko. Lumabas si Chuck sa banyo at nagbihis. Tumayo naman ako para ayusin ang pinag-bihisan niya. Matagal siyang hindi kumikilos sa pagkakaupo at nakatitig lang sa cellphone.
“Baka male-late ka na nyan. Bilisan mo ng gumayak” sabi ko.
“Ginalaw mo ba ‘tong cellphone ko?”
“Ah, eh, tinignan ko lang kung sino yung nagtext sayo.” Sabi ko habang nagkunwaring walang namuong tensyon sa pagitan naming dalawa. Tumalikod ako para dalhin yung mga pinagbihisan niya sa lalagyan ng maruruming damit.

“Sino may sabi sayong pwede mong galawin ang cellphone ko at basahin ang mga messages ko?” Nagtaas na siya ng boses. Tumayo siya at hinarap ako. Napayuko lang ako upang iwasan ang matalim niyang tingin.
“Wala naman sigurong masama kung aalamin ko kung sino ang nakatext mo. Boyfriend kita.” Nautal pa ako sa pagsasalita. Hindi ko kasi alam kung boyfriend ko pa siya.
“Ayaw ko nang maulit ‘to.” Sabi niya sabay talikod. Nagpagtuloy siya sa pagbihis at kinuha ang school bag bago lumabas ng kwarto. Pag-iyak na lamang ang nagawa ko.

Another day, nagpunta ako sa auditorium para magpractice. Naabutan ko dun sina Kiko, Kristine at Chuck. Actually, alam na namin ang kantang ‘to. Polishing na lang ang kailangan. Medio nagiging close na kami ni Kiko this time, parang wala na lang sakin ang ginawa niya dati. Masaya naman siya kausap eh. Magaling siya sa bass at enjoy. Iniiwasan ko na lang na mapadako ang tingin ko sa sweet na sweet na sina Chuck at Kristine.

Sumunod na araw, sa boarding house ni Chuck. Kasama ko si Ken habang nagre-review kami para sa exam namin bukas. Dumating si Chuck. Kasama niya ang mga kaibigan niya, at ikinagulat ko nang todo ay nang makita ko rin si Kristine. May dala silang alak at pulutan. Agad na pumunta ang lahat ng kasama ni Chuck sa likod ng bahay para doon magset-up ng pwesto nila para sa inuman. Tumuloy naman si Chuck sa kusina. Tinawag niya ako at pinaghanda ng mga gagamitin nila para sa pag-iinuman. Ibinigay niya sakin ang isang bote ng alak para ilagay iyon sa isang pitchel. Dinala ko iyon sa likod ng bahay. Gusto akong tulungan ni Ken pero sabi ko na kaya ko na ‘to. Pinatawag ako ni Chuck sa pinakamalapit na kainan para magpa-deliver ng pagkain. Napaka-ingay nila habang nag-iinuman. Inilabas ni Chuck ang CD player para may music sila. Nandoon lang ako sa kusina para kung kakailanganin nila ng kung ano, ako na ang magbibigay sa kanila.
“Napaka-maasikaso naman ni Paul, ang sweet mo talaga sa kanya.” Narinig kong sabi ni Kristine. Alam kong gusto niya lang akong inisin. Di ko na lang siya pinagtutuunan ng pansin.

“Alam na ba niya, Chuck?” Tanong naman ng isa pa nilang kasama. Si Toffee. Kilala ko na siya ngayon. Medyo napapadalas na kasi ang punta ni Toffee sa boarding house nitong mga nakalipas na araw.
“Anong sinasabi mo diyan? Uminom ka na nga lang diyan.” Sagot naman ni Chuck. Agad akong pumasok ng bahay dahil dumating na ang pinadeliver ko. Agad ko iyong inihanda para sa mga nag-iinuman. Naglabas din ako ng mga baso para na rin magamit nila. Papalabas na ako nang marinig ko na lalong napalakas ang sigawan nila. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Gusto ko na puntahan si Ken. Nakakahiya kasi sa kanya, iniwan ko siya sa loob ng bahay. Malapit na ako sa mga nag-iinuman nang makita ko ang pinakamasakit na tagpo ng aking buhay. Nakatayo sina Chuck at Kristine habang naghahalikan. Parang wala lang sa kanila ang ginagawa nila. Nagkakantyawan ang kanilang mga kainuman. Hindi ko kinaya ang nakita ko. Nanginig ang aking kamay mula sa pagkakahawak ko ng tray. Agad ko iyong nabitawan at nalaglag sa semento at lumikha ng malakas na ingay ang pagkabasag ng mga baso. Nakita ko na napapikit ng mariin si Chuck pagkarinig ng mga nabasag.
“Ano ba yan?! Ang laki-laki mo na, nakakabasag ka pa ng mga gamit!” Sigaw sakin ni Chuck habang umupo ako para ligpitin ang mga naibagsak ko. Tumahimik silang lahat habang nakaupo ako doon. Nakibibinging katahimikan.

Tumutulo na ang luha ko sa halo-halong emosyon. Napakabigat ng pakiramdam ko. Binasag ng boses ni Kristine ang katahimikan.
“A real loser. That’s what you are Paul.” Sinundan pa niya iyon ng malakas na pagtawa. Hindi ko na lang siya pinansin. Wala yung sinabi niyang yun sakin kumpara sa nakita kong paghahalikan nila ni Chuck. May humawak sa braso ko at pinilit ako patayuin. Di ko na nagawa pang kilalanin kung sino iyon. Dinala niya ako sa sala ng boarding house. Pinaupo niya ako sa sofa at binigyan ng baso ng tubig. Medyo nahimasmasan ako sa pagkakainom ng tubig. Si Ken pala.

“Paul, bakit mo hinahayaang gawin ni Chuck sayo ang lahat ng iyan? Maawa ka naman sa sarili mo!” Yumakap ako kay Ken sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at paghagulgol.
“Well, ano ka ngayon ha, Paul?” Narinig kong sabi ni Kristine habang papalapit sa amin ni Ken. “Nakakalungkot naman ang nangyayari sayo, friend. Dapat kasi, hindi mo na ako kinalaban noon.”
“Ano pa bang kailangan mo!” Tanong ko, nagtitimpi lang ako para hindi mapatulan ang isang walang kwentang tao na katulad niya.
“Ikaw ang may kailangan, kailangan mo nang maghanda para umalis sa lugar na ito.” Napatingin ako sa mga mata ni Kristine. “Sa napapansin mo, hindi ka na siguro dapat pang magtagal dito. Di ka kailangan ni Chuck. Ako na ang papalit sayo dito.” Nakataas ang noo niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko, takot sa maari niyang isagot sa akin.
“Mag-impake ka na. Sinabihan ako ni Chuck na dito na mag-stay.”

Ngayon alam ko na, naalala ko yung text ni Kristine kay Chuck, “Ahaha! Paul will be mad for sure! Kawawa naman siya.” Hindi ko pa matanggap ang katapusan ng lahat ng ito.

The next day, pumunta ako sa boarding house. Alam kong wala si Chuck dun kasi may klasi siya nang time na yun. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimulang ilagay iyon sa malaking bag na dala ko. Nagpasya na akong umalis. Pagka-impake ko, itinago ko muna ang bag sa ilalim ng kama para hindi makita ni Chuck. Ayaw kong malaman niya na aalis na ako ngayon. Bumalik ako sa school para magpractice ng kanta. Nakausap ko si Ken. Sinabi ko sa kanya ang balak ko. Sinuportahan naman niya ang aking desisyon. Dapat daw noon ko pa ginawa yon. Gabi nga pala ako makakauwi nun dahil sa mga projects at journals na ginagawa namin kay Mrs. Molina, ilang linggo rin akong hindi makakauwi samin. Pero since aalis na nga ako sa bahay na lang nina Ken ako makikitulog. Payag naman siya.
“Sige, pagkaalis mo sa boarding house text mo lang ako. Sabay na tayong umuwi samin.” Sabi ni Ken. Ang laki na talaga ng utang ng loob ko sa kanya.

Inisip kong pagbigyan ang sarili kong makasama siya nang isang gabi pa bago ako umalis nang tuluyan. Naligo siya habang namimili ako ng damit na isusuot. Nagmamadali akong mamili ng damit na nasa bag kong nasa ilalim ng kama. Paglabas niya, tumapat agad siya sa salamin at nag-ayos ng buhok. Ako naman ang naligo. Habang naliligo, iniisip kong sana ay maging maganda ang aking gabi. Ito na kasi ang huli. Paglabas ko ng banyo, nakita ko siyang nakabihis na, nakaupo sa kama at nakatulala. Naupo ako sa tapat ng salamin at nag-ayos ng sarili. Napansin kong nakatingin siya sakin, parang may gustong sabihin. Tumayo at humarap sakanya.
“Anong nangyari sa’yo? May problema ba?” Tanong ko. Nakatingin parin siya sakin.
“Ah… Wala.” At nagsimula na siyang magsuot ng sapatos.

Kumain muna kami sa McDo. Wala pa rin siyang imik. Tuwing titingin siya, sinusuklian ko siya ng tipid na ngiti. Masaya ako ngayon kasi hindi kami nag-aaway. Okay na talagang umalis ako sa kanya bukas. Sumakay kami ng tricycle papuntang school. Sa covered court gaganapin ang College Night. Bago kami bababa ng sasakyan, bigla siyang nagtanong.
“Aalis ka ba?” Hindi man lang siya nakatingin sa akin. Pero mukha siyang malungkot.
“Huh?”
“Uh, wala. Manong diyan na lang po sa gate.”
Kinabahan ako habang bumaba ng tricycle, nakita kaya niya ung mga bag ko sa ilalim ng kama? Pero bakit siya malungkot? Wala rin akong balak pumunta ng College Night pero niyaya lang ako nitong si Chuck dahil wala daw siyang partner, may pasok si Kristine.

Pumunta agad kami sa covered court. Sinalubong kami ng tugtugan at masasayang estudyante. Sandali kaming naghiwalay ni Chuck dahil bigla na lang kaming sinalubong ng grupo ng mga tao. May biglang umakbay sakin. Si Kiko. Nasulyapan ko si Chuck habang nagpupumilit naman kumapit sa braso niya si Krstine. Syempre, mawawala ba naman ang demonyitang bruha na yun. Magkakabit ang paningin namin ni Chuck habang papalayo siya. Kumuha ako ng wine sa tray ng nagdaang waiter. Kumalas ako sa pagkaka-akbay ni Kiko. Umikot-ikot ako upang maghanap ng mauupuan. Nakita ko si Kiko na papalapit sa mesa ko. Umupo siya sa harapan ko.

“Kumusta?” Tanong niya sa akin.
“Ayos lang, sinong kasama mo?”
“Kasama ko kanina si Toffee, kaya lang biglang nawala. Mukhang nag-iisa ka yata? Nasaan si Chuck?”
“Pumunta dun sa gitna, kasama si Kristine.” Wala akong emosyon habang nagsasalita. Naubos ko ang wine sa baso ko at humingi pa sa papalapit na waiter.
“Mukhang maglalasing ka ha, sige, sasamahan kita.”
Nagulat ako dahil hindi ko na maramamdamang galit ako kay Kiko. Kahit na kasali siya sa naging dahilan kung bakit kumplikado na ang relasyon namin ni Chuck.
“Paul, sorry pala sa mga nagawa ko sayo. Di ko sinasadya. Di ko inakalang hahantong sa ganito ang lahat.”

Nag-angat ako ng tingin para tignan siya sa mga mata. Nakita ko ang sincerity niya sa mga sinabi niya.
“Wala yun, nangyari na eh. Pero nahihirapan na talaga akong maibalik yung dating kami ni Chuck.”
“Salamat at pinatawad mo ako. Oo nga pala, matagal na kitang gusto, hindi ko lang masabi sayo.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita. Wala akong maisip na sabihin.
“Bakit natahimik ka diyan. Baka hindi ka naniniwala sakin?”
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. Sa totoo lang wala akong naramdaman kahit konting saya nang malaman kong gusto pala ako ni Kiko.
“Ang totoo niyan, ang cute ng personality mo. Simple pero may dating.”
Medyo nakaramdam ako ng konting hiya sa sinabi niya, hindi ko alam kung nambobola lang siya.

Nagkwentuhan lang kami ni Kiko habang nag-iinuman. Medio nainip na ako at gusto ko ng umuwi. Hindi man lang ako binalikan ni Chuck. May dalawang oras na kami ni Kiko sa mesa at medyo nahihilo na ako dahil sa iniinom namin.
“Tama na kaya yan, baka hindi mo na kaya.” Sabi ni Kiko. “Bakit ka pumapayag na ginaganyan ka ni Chuck?” Tanong pa niya. Napayuko ako at tuloy-tuloy naming dumaloy ang mga luha ko. Masyado na akong nasasaktan. Tumabi si Kiko sakin at hinagod ang likod ko. “Basta kung hindi mo na kayang pakisamahan siya, andito lang ako.”

Nanghihinayang talaga ako sa lalaking ito. Masaya na akong may isang katulad niya na masasabi kong kaibigan ko.
“Sayaw tayo sa gitna.” Aya niya sakin.
Ngayon ay tumutugtog ang isang sweet na kanta. Nakita kong nagsasayaw sina Chuck at Kristine. Nakakapit si Kristine sa batok ng hinayupak. Sobrang naiinis na ako kaya sumama na ako kay Kiko sa gitna para sumayaw. Ang lintek na Kiko naman ay sa tabi pa nina Chuck at Kristine pumwesto! Pinilit kong wag mapatingin sa gawi nila Chuck habang nagsasayaw kami ni Kiko. Maya-maya lang ay nagkakatinginan kami ng kasayaw ko.

“Pag ayaw mo na kay Chuck, sabihin mo agad sakin ha.” Sabi ni Kiko. Hindi ako sumagot, di ko alam ang dapat kong sabihin. Mga dalawang songs na ring nag nasasayaw namin ni Kiko nang biglang lumapit si Chuck samin dalawa.
“Pwede bang makasayaw ang boyfriend ko?” Matigas na boses niya habang nagsasalita.
“Sure.” Sabay abot ng kamay ko kay Chuck. Pinisil ni Kiko ang kamay ko at agad tumalikod saming dalawa. Humawak si Chuck sa waist ko. Napilitan naman akong ipatong ang mga kamay ko sa balikat niya. Nagsimula kaming magsayaw pero nakayuko lang ako. Ayokong magtama ang aming mga paningin.

“Sino ang may sabing pwede kang makipagsayaw kung kani-kanino?” Hindi ako sumagot. Sumosobra na talaga siya at baka maubusan ako ng pasensya. Pinipigilan ko ang sarili ko para hind imaging emosyonal.
“Huwag kang magsasayaw kung hindi rin lang ako ang kapareha mo.” Hindi pa rin ako umimik. Sobrang unfair ang niyang magyari. Nakikipagsayaw siya kani-kanina lang kay Kristine, tapos bawal akong makipagsayaw kahit na kanino? Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Gusto ko talagang maayos ang paghihiwalay namin. Huling gabi ko na 'tong kasama siya at ayaw kong masira ito nang dahil lang sa isang away.

Sweet pa rin ang music. Parang ang sarap ng feeling kapag in-love ka at mga ganitong kanta ang pinakikinggan mo. Pero iba iyon sa nararamdaman ko. Masakit para sa aking makinig ng love songs dahil sa nalalapit namin paghihiwalay ni Chuck. Tumugtog ang isang kantang nagpabigay sa aking damdamin.

[Minsan Lang Kita Iibigin by Juris Fernandez]

[Mahal, pangako sayo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na di maglalaho]

Kainis naman yung song. Pang-asar, parang nananadya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Baka kasi bigla akong maiyak. Naramdaman kong medyo humigpit ang hawak ni Chuck sa bewang ko.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman,

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

“Huwag kang aalis.” Narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa mukha niya pero wala siyang kaemo-emosyon. Hindi ko tuloy masiguro kung sinabi niya talaga iyon. Nagbawi ulit ako ng paningin at pinagmasdan ang mga makukulay na ilaw na paikot-ikot sa mga nagsasayaw.

[Minsan, lamang sa buhay ko
Ang sang katulad mo,
Ako rin ba’y iniibig mo
Dinggin, puso’y sumasamo
Sinusumpa sayo,
Ikaw ang tanging dalangin ko.]

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Marahang umiikot sa dance floor. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko nang dahil sa kanta. Lumalim ang aking mga paghinga, tanda ng nagsisimulang pag-iyak.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman,

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

Niyakap na ako ni Chuck. Naitago ko ang aking mga luha sa kanyang paningin. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang mga balikat at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

Pinilit kong itago sa kanyan aking pagluha. Kinalma ko ang aking sarili. Ito na ang aming huling gabi. Ang huling gabing magkasama kami.

[Minsan lang kita iibigin.]

Nanatiling nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Nagtuloy-tuloy ang aking pag-iyak hanggang sa nabasa ang kanyang polo. Hinawakan niya ang aking mga pisngi at hinarap ang aking mukha sa kanya. Nakita niya ang aking mga mata na basang-basa sa mga luha.

Pinunasan niya ng kanyang mga daliri ang aking pisngi. Nahirapan akong basahin ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Nanatili ang aming pagtitinginan. Hindi ko na muli pang makikita ang mukha niyang malapitan simula bukas. Mami-miss ko siya nang sobra, hindi ko man aminin sa sarili ko. Hindi ko na naman napigil ang mapaiyak. Unti-unting bumaba ang kanyang mukha papalapit sa akin. Hinalikan niya ako sa mga labi.

[Minsa lang kita iibigin.]

Lumipas ang gabi at sabay na kaming umuwi ni Chuck sa boarding house. Medyo mabigat ang pakiramdam ko at hindi na ako komportable kaya naman nagtuloy-tuloy ako sa banyo para maligo. Medyo nakainom ako kanina at talagang nahihilo ako. Naiwan si Chuck na nakaupo sa salas. Matagal din bago ako lumabas ng banyo. Presko na ang pakiramdam ko at gustong-gusto ko nang matulog. Wala pa rin si Chuck sa kwarto nang humiga ako sa kama. Itinabi ko sa aking unan ang aking cellphone na ini-alarm ko nang 4:30am. Bukas na talaga ako aalis at pipilitin nang wag magpakita kay Chuck. Maaga akong gigising para hindi na niya ako makitang umalis. Well, hindi naman niya ako siguro pipigilan kung makikita niya ako. Sa house nalang nina Ken ako tutuloy. Hindi na muna ako uuwi sa bahay hanggang hindi ko pa natatapos ang mga projects at journals.

Marami pa akong aasikasuhin bukas tulad ng pagre-resign sa banda namin kaya kelangan kong matulog na. Magre-resign na talaga ako, hindi dahil sa ayaw ko nang tumugtog. Kelangan lang. Para tuluyan ko nang maiwasan si Chuck. Matagal na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sobrang nalulungkot ako. Sobrang hirap umalis sa tabi ng taong napakahalaga sayo. Nagtataka na ako kung bakit hindi pa rin pumapasok si Chuck sa kwarto. Lumabas ako para puntahan siya sa salas. Nakita ko si Chuck na nakadukdok sa center table. Hawak pa niya ang isang baso na may lamang alak. Halos kalahati na lamang ang laman ng binuksan niyang bote ng alak. Itinuloy pala niya ang kanyang pag-iinom. Nakakaawa ang kanyang itsura sa pwesto niyang iyon kaya naman pinilit ko siyang ginising pero sobrang lalim na ng kanyang tulog. Wala akong choice kundi ang akayin sa papasok sa kwarto. Iniakbay ko ang kanyang braso sa aking balikat at inalalayan siyang maglakad. Sobrang hirap kasi ang bigat niya. At di hamak na mas malaki siya sakin.

Masarap na ang tulog niya. Maya’t-maya maririnig ko ang mahina niyang paghilik. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod at pagkalasing. Maraming gumugulo sa aking isip. At di katagalan ay nakatulog na rin ako. Magkatabi kaming natulog. Walang away. Walang gulo.

---

Nagising ako nang dahil sa alarm ng cellphone ko. 4:30am. Dapat na akong umalis. Baka kasi pag nagpaabot pa ako ng liwanag ay makita pa niya ang pag-alis ko. Dahan-dahan akong bumangon. Maingat ang aking mga kilos dahil ayaw kong magising si Chuck. Nagpunta ako sa sala at tinawagan ko si Ken para magkita kami. Sa kanila muna talaga ako tutuloy habang hindi pa tapos ang mga projects at journals namin kay Mrs. Molina. Matapos kong makausap si Ken ay bumalik ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko sa ilalim ng kama.

Papalabas na ako ng pinto ng nakaramdam na naman ako ng sobrang kalungkutan. Muli kong sinulyapan si Chuck. Napakalalim ng tulog. Hindi ko napigilang lapitan siya at mag-iwan ng isang marahang halik sa kanyang kanang pisngi. Aalis ako dahil kailangan. Tumutulo na naman ang aking mga luha habang nililisan ko ang lugar na iyon.

Pagka-ayos ko ng aking mga gamit sa kwarto ni Ken, nagpaalam na ako sakanya dahil kailangan kong pumunta sa school para mag-resign na sa banda. Naintindihan naman ako ni Ken kung bakit kinakailangan ko pang i-quit ang pagi-gitara ko. Agad kong tinungo ang auditorium para kausapin ang mga ka-banda ko. Tinanong nila ako kung bakit ako magqu-quit. Sinabi ko na lang na personal problems ang dahilan. Pumunta din ako sa locker rooms nang marinig ko ang boses ni Chuck at Kiko. Parang nag-aaway na naman ang mga mokong. Hindi muna ako lumabas para hindi nila ako makita, lalung-lalo na si Chuck. Galing din pala si Chuck sa mga ka-banda ko at malamang ay nasabi na nila sa kanya ang ginawa kong pagqu-quit.

“Nasan si Paul?”! Tanong ni Chuck kay Kiko. Galit na galit ang itsura.
“So umalis na pala sayo si Paul. Natauhan na rin pala siya.” Sagot naman ni Kiko.
“Alam kong alam ko kung nasan si Paul kaya mabuti pang sabihin mo na!”

“Hindi ko alam. At sana kung nasaan man siya, hindi mo na siya makita pa. Wala ka kasing kwenta!” Bulyaw ni Kiko kay Chuck.
Agad na sinuntok ni Chuck ang kausap sa mukha. Napaupo agad ito sa sahig.
“Ikaw ang gusto ni Paul kaya sigurado akong itinatago mo lang siya!” Sigaw ulit ni Chuck. Humihingal silang pareho.

“Sana nga ay tama ang sinasabi mo, dahil kahit kelan, hindi ako minahal ni Paul. Ikaw itong tatanga-tanga na hindi nalalamang ikaw lang minahal niya simula pa nung umpisa.” Mahabang sagot ni Kiko habang nakaupo pa rin. Umiling-iling pa si Kiko habang tumatawa. “Mabuti nga sayo at nilayasan ka na niya. Matagal na niyang dapat ginawa iyon!” Pagkarinig niyon ay patakbong umalis si Chuck.

Hinintay ko munang makaalis si Kiko bago ako lumabas ng locker room. Hindi ko maisip kung ano pa ang kailangan ni Chuck sakin. Bakit kailangan pa niya akong hanapin. Dahil ba sa pag nawala ako wala rin siyang katulong sa bahay? Wala na rin siyang mapaglalaruan? Wala nang aapihin? Wala nang sasaktan? Nakakainis talaga siya. Hinding-hindi na ako lalapit pa sa kanya. Hanggang dito na lang talaga kami. Hindi ko na siya hahayaan pang masaktan ako.

Pagkauwi ko, sinabihan ko si Ken na huwag sabihin kay Chuck na sa bahay niya ako tumutuloy. Um-oo naman siya kaya hindi ako natunton ni Chuck hanggang sa natapos ko ang mga projects at journals. Okay naman ako ngayon pero hindi ko pa rin mapigilan ang maging malungkot sa tuwing maaalala ko yung past namin ni Chuck. Siguro ay si Kristine na ang kasama niya ngayon sa boarding house niya. Syempre, sa hilatsa ng mukha ni Kristine na yun ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon. Matagal na niya ring gusto si Chuck at ito na ang opportunity niya para mapasakanya si Chuck.

“Paul, alam mo lagi ka na lang mukhang malungkot. Ano ka ba, kalimutan mo na siya no.” Sabi ng kaibigan kong si Ken kinabukasan.
“Oo nga, pero hindi naman agad-agad nakakalimutan ko yun no. Bigyan mo lang ako ng ilang araw at back to normal na ulit ako, promise.” Sabi ko sa kanya.
“Good. Ganyan dapat. Hehehe.”
“Ganyan dapat ka pang nalalaman diyan, batukan kita diyan eh.” Si Ken talaga, maaasahan mo lagi pag may problema ka. Papasayahin ka pag nalulungkot at makiki-join sa saya mo pag masaya ka. The best talaga.

Tamang-tama naman at end na ng semester kaya hindi na talaga kami nagkita ni Chuck hanggang sa mag-sem break. Nagpalit na rin ako ng cellphone number para hindi ako matawagan ni Chuck. Well, kung may balak pa siyang i-contact ako. Si Ken lang ang nakakaalam ng number ko at ang mga kabanda ko.

Pero sinabi sakin ni Ken na nakuha ni Kiko ang number ko nang hiramin nito ang cellphone niya. Kaya naman nakakatext ko rin ngayon si Kiko. Inubos ko ang aking oras sa mga textmates at callmates. At si Kiko panay ang sabi niya na siya na lang daw ang boyfriend ko. Kainis, ang ganda ko ba para maadik sakin ang lalaking ‘to? Sa totoo lang, wala ka nang hahanapin pa kay Kiko, gwapo na, super bait pa. Lalo pa kaming naging close dahil nga sa lagi kaming magkatext at magkausap sa phone. Nung pasukan, kami agad ni Kiko ang magkadikit. Magkasabay sa pagkain at pag-uwi. Masaya naman talaga siyang kasama pero wala pa rin talagang namamagitan saming dalawa. Ewan ko, pero parang medyo nahuhulog na ang loob ko sa kanya or guni-guni ko lang yun? Hindi ko alam eh. Iba pa rin kasi ung naramdaman ko kay Chuck kesa sa nafi-feel ko kay Kiko.

Panay pa rin ang bonding namin nina Ken at Kiko. Nalaman ko rin na hindi pala tumutuloy si Kristine sa boarding house ni Chuck. Medyo gumanda na ang pakiramdam ko nang malaman ko yun. Pero that doesn’t mean na babalik na ako sa kanya. Lelong niya no. Enough is enough. Tama na yung mga pinagbayaran ko sa kanya. At isa pa, parang wala na rin naman siyang pakialam sakin eh. Bakit ako magpapakatanga na bumalik pa sa kanya? Mas masaya yung ganito. Simple, walang problema, walang sama ng loob. Iba talaga pag single. Sarili lang ang iniisip. Ayaw ko na ng complicated na mga situations.

Sa paglipas ng mga araw, masasabi kong nakapag-move on na ako. Yes, lagi ko pa ring naiisip ang kolokoy na yun. Si Chuck, sino pa ba? Pero hindi na dumadating sa point na napapaluha ako. No more tears. Sa totoo lang, parang naiinis pa nga ako sa kanya ngayon dahil sa mga pinagagawa niya sakin noon. Asar talaga ako kay Chuck ngayon. Hindi ko man lang mai-elaborate kung bakit.

Aral at libot lang ang inatupag namin ni Ken. Tapos napapadalas din ang hang-out namin ni Kiko. Sa bilyaran, sa canteen, sa skate part at sa kung saan-saan pa. Naging regular na rin ung paglabas-labas namin. Ewan ko kung date ang tawag dun. Pero unti-unti ko na talagang nae-enjoy ang company niya. Very vocal pa rin naman ako kay Ken. Alam niya ang lahat ng nangyayari sakin. Very happy naman siya para sakin. Natutuwa daw siya at ngayon ay nagiging masaya na ulit ako. Minsang magkasama kami ni Ken sa library ay nabanggit niya sakin si Chuck.
“Uy, alam mo, nakita ko si Chuck kahapon. Mukhang kawawa nga eh. Kinumusta ka niya sakin.” Biglang nag-iba ang timpla ko. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya. Medyo matagal ang lumipas na oras bago siya nagsalita ulit.
“Hoy Paul, talaga bang gusto mo yang si Kiko? Baka naman pagsisihan mo na naman yan?”
“Wala akong sinasabing mahal ko na si Kiko.” Seryoso ako nyan. “Ang sinasabi ko lang sayo is, masaya kami pag magkasama. Yun lang.” Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng reviewer ko.

“So mahal mo pa si Chuck?” Walang patumanggang taong ng bespreng pang-asar. Natahimik na naman ako. As usual, hindi ko na naman alam ang dapat sabihin. “Kung ganun pa lang mahal mo pa rin si Chuck, dapat siguro ay hindi ka mag-pretend na ni-inlove ka na kay Kiko.”
“Hindi ako nagpe-pretend no. Ayaw ko na kay Chuck at wala pang namamagitan samin ni Kiko.” Sagot ko sa kaibigan. Pero parang ayaw pa ring tumigil ng bruha na para bang bida ako sa commercial ng Safeguard! As in siya ung conscience ko.
“Ayaw mo lang na makasama ulit si Chuck pero hindi ibig sabihin noon ay hindi mo na rin siya mahal.
“Ken, ang pagkaka-alam ko, Biology ang course mo, hindi Psychology. Kaya tigil-tigilan mo na yang mga pinagsasasabi mo. Para kang ewan.”
“Ewan tayong dalawa. Tanga. Huwag mong gawing panakip-butas si Kiko. Baka ikaw din ang masaktan at pagsisihan mo na naman yan sa bandang huli.”
“Hindi ko siya ginagawang panakip-butas. At pwede ba, tigilan na natin ang usapang ‘to. Kailangan ko pang aralin ang mga lessons ko.” Sabay tayo at lipat ng mesa.

Kinabukasan, nagkita na naman kami ni Ken paglabas ko ng main gate ng school.
“Parang may lakad ah. Saan na naman kayo magkikita ni Kiko niyan?”
“Diyan sa Skate Park. Tara, sama ka.” Sabi ko.
“Hindi wag na. Napagod ako kanina at gusto ko nang umuwi para matulog. Sige, enjoy na lang kayong dalawa.” At tumalikod na siya sakin.
Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa sakayan ng tricycle at nagpahatid sa Skate park. Nandun na si Kiko at nakaupo na siya sa isa sa mga mesa. Umorder kami ng shawarma on rice saka fries at coke. Masaya kaming nagkukwentuhan nang makita ko si Chuck na papalapit. Shet, pagkakita ko sa kanya, narealize ko na kaagad ko gaano ko siya na-miss. Wala siyang kasama at nagtuloy-tuloy sa isang mesa at doon naupo. Maya-maya ay umorder din siya ng sarili niyang pagkain. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin kaya hindi ko na lang siya pinansin. Parang nakahalata naman si Kiko kaya tinanong niya ako.
“Okay ka lang?” Hindi ko pala naitago ang nararamdaman ko sa paningin ni Kiko.
“Uh, yes. Ayos lang ako.” Nagpatuloy kami sa pagkain. Parang nawala ang saya namin ni Kiko kanina. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi mawala ang composure ko. Hanggang sa matapos na namin ni Kiko ang pagkain. Nagprisinta siyang ihatid na ako sa sakayan pauwi. Pumayag naman ako.

Tumayo kami ni Kiko at nadaanan namin si Chuck na nakatitig sa pagkaing hindi pa man lang niya nagagalaw. Natuloy-tuloy kami ni Kiko sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa sakayan ng jeep. Nagpaalaman na kami ni Kiko sa isa’t-isa. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Iba pa rin talaga ang nararamdaman ko pagdating kay Chuck. Mahal ko pa rin siya.

Sumunod na araw, kasama ko na naman si Ken at sabay na nagpunta sa library. Nagpapatulong siya sa kanyang assignment. Nagtutulungan naman kami, kahit papano. Habang nagsusulat ay sinabi ko sa kanya na nagkita kami ni Chuck sa Skate Park kahapon.
“Talaga?! Anong nangyari?” Tanong ni Ken.
“Wala, hindi niya ako pinansin eh, siguro dahil kasama ko si Kiko or talagang wala na kami.” Sabi ko sa mahinang boses. Nasa library kasi kami at bawal mag-ingay.
“Uh, baka naman nagkataon lang yung pagkikita niyo?”
“Siguro nga.”
“Kase naman masyadong public yung pinupuntahan niyo ni Kiko pag nade-date kayo eh.
“Hindi kami nagde-date no. Nagkaayaan lang kaming sabay kumain bago umuwi kahapon.”
“May lakad ka na naman ba mamaya?” Tanong ni Ken habang nakatulala pa rin ako, malalim kase ang iniisip ko.
“Huh? Ah eh, magja-jollibee lang kami mamaya ni Kiko.”
“Sus, yan ba ang hindi date? Eh panay kaya ang labas niyo. Nag-eenjoy ka naman ba?”
“Okay lang naman, masaya.”
“Sigurado ka ha?”
“Naku, nagsisimula ka na naman.”

Pagdating ng uwian, nagpunta na ako sa Jollibee. Wala pa doon si Kiko nang dumating ako. Umupo ako sa isang bakanteng mesa na pang-dalawahan. Nagtext ako kay Kiko na hinihintay ko siya sa second floor ng Jollibee. Nag-textback naman siya at sinabing hintayin ko siya for 10 minutes. Hindi muna ako umorder. Hihintayin ko muna si Kiko. Nagulat na lang ako nang makita ko si Chuck na papalapit sa kasunod na mesang kinauupuan ko. Nagbaba ako ng tingin at kunwari ay nagte-text sa cellphone. Ibinaba niya ang kanyang bag sa ibaba ng mesa at muling bumaba ng ground floor. Pagbalik ni Chuck ay may dala na siyang tray ng pagkain. Mukhang kakain na naman siyang mag-isa. Pang-isang tao lang kasi ung inorder niyang food. Nagsimula siyang kumain. Magkaharap kami, may dalawang mesang nakapagitan saming dalawa. Parang hindi man lang niya ako napansin tulad kahapon. Pinilit kong huwag siyang tingnan hanggang sa dumating na si Kiko at umorder na kami. Tulad kahapon, wala rin kaming imikan ni Kiko at dahil yun sa pesteng si Chuck. Kainis talaga. Nag-aya tuloy si Kiko na ihatid ako agad pagkakain namin.

Nang mga sumunod na araw, lalong napadalas ang paglabas-labas namin ni Kiko. Mas napalapit ang loob ko sakanya at medyo nalilito na ako sa kung gusto ko na ba siyang maging boyfriend or what. Mabait naman kasi talaga siya at masarap kasama. Laging jolly at laging may bagong jokes. Napaka-thoughtful pa niya. Hindi siya nakakalimot na kumustahin ako kahit sa text lang. Hindi naman talaga mahirap mahalin si Kiko. Pero dahil nga sa kagagaling ko lang sa isang relationship, parang hindi pa ako handa para mag-entertain agad ng kasunod.

Sa mga paglabas namin ni Kiko ay lagi namang nagkakataon na nagkikita kami ni Chuck. Para bang natutunugan niya kami kung saan ba ang mga lakad naming.

One day, kasama ko si Kiko sa school canteen. Sabay kaming nagla-lunch.
“Oo nga pla. Ipinatatawag ka ng mga kabanda natin sa auditorium mamaya.” Sabi ni Kiko.
“Kung pababalikin lang nila ako sa banda, pakisabi na lang na wala na talaga akong balak na bumalik.” Sagot ko.
“Kung nag-aalala ka tungkol kay Chuck, nag-resign na rin siya sa banda.” Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata. Ayaw kong malaman ni Kiko na may feelings pa ako para kay Chuck. “Wala kasing guitarist para sa concert namin next month. Baka naman daw pwedeng tumugtog ka for the last time.”
“Ewan ko lang din.” Sabi ko habang nagpupunas ng panyo sa bibig.
“Please…” Sabi ni Kiko. Shet, paawa ang mukha ng loko. Gusto niya talaga akong patugtugin sa concert.
“Sige na, tutugtog na.” Sagot ko na lang. Gustong-gusto ko talagang tumugtog. Napapayag na rin ako ni Kiko kasi wala na rin naman si Chuck sa banda. Napaisip ako kung bakit nag-quit din siya. Masayang-masaya naman si Kiko sa pag-oo ko.

Two days after, inaya ko si Ken na manuod ng sine pero tumanggi na naman ang gago. Bwiset talaga yun. Ayaw na yatang dumikit-dikit sakin kaya naman si Kiko na naman ang naaya ko. Agad naman siyang pumayag at nagpunta kami sa Robinson’s para doon manuod ng movie. Nasa may Balibago na kami ng magtext si Ken.
“Hoy Paul, san ka manood ng sine? Sama ko.” Agad naman akong nagreply.
“Baliw ka kasi, inaaya na kita kanina eh. Robinson’s kami.”
“Ai, kasama mo na naman si Kiko? Wag na lang pala, out of place lang me dyan.”
“Hala, sunod kana dito.”
“Ayaw.”

Nakakainis talaga yang Ken na yan. Napakaraming arte sa katawan. Kaloka. Masaya naman ang naging panonood namin ni Kiko. Puro kulitan at kilitian. Pagkatapos ng movie ay lumabas na kami at naglakad-lakad sa loob ng mall. And guess what, andun na naman ang lintek na si Chuck. Nakita ko siyang kinakausap ang saleslady ng mga slippers. Nagtataka na ako. Hindi ko na alam kung paanong nagkakataon na nagkakatagpo kami sa iisang lugar. Parang hindi naman niya kami napapansin kaya binalewala ko na lang din ang presence niya. Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa napagpasyahan naming umuwi na.

Minsan namang nasa isang computer shop kami ni Kiko ay nakita na naman namin si Chuck. Naiinis na talaga ako sa pagsunod-sunod niya samin. Hindi man niya aminin, alam kong hindi nagkakataon lang na lagi siyang sumusulpot sa mga lugar kung nasaan kami ni Kiko.
“Nandyan na naman siya.” Sabi sa akin ni Kiko. Nakaupo kami nun nang magkatabi. Umupo si Chuck sa katabing computer. Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang aking sarili.
“Hayaan mo nga siya at wala lang yang magawang matino sa buhay.” Sabi ko, sinigurado kong maririnig niya iyon. Nakakaasar na talaga siya. Hindi ko malaman kung ano ba ang gusto niyang palabasin or talagang nang-iinis lang siya. Hindi naman ako pinansin ng walang hiyang si Chuck. Nagpatuloy lang siya sa pagta-type sa keyboard at ang lalo ko pang ikina-inis ay nang magsuot pa siya ng earphones pagkarinig niya sa sinabi ko! Peste talaga.

Nasundan pa nang nasundan ang pagbuntot samin ni Chuck. Lagi na lang siyang ume-eksena sa mga lakad namin ni Kiko. Minsan ay nagpunta kami ni Kiko sa El Potro, at hindi na ako nagulat nang makita ko si Chuck na pababa ng hagdan at pumwesto ng upo sa sulok ng warehose. Enjoy na sana namin ni Kiko ang pagpunta namin doon dahil sa magaling ang bandang tumutugtog. Kaya lang panira na naman ang presence ng tarantadong si Chuck. Sa inis ko ay hindi ako napigilan ni Kiko na paringgan si Chuck.

“As usual, nandito na naman siya. Panira ng gabi.” Sabi kong may pagka-mataray ang tono. As usual din, hindi na naman ako pinansin ni Chuck. Lalong tumindi ang asar na nararamdaman ko. Tumataas na naman ang blood pressure ko. Sa inis ko, tumayo ako at lumapit sa kinauupuang mesa ni Chuck. Naupo ako sa upuang nakaharap sa kanya at ibinaba ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa.
“Ano pa bang gusto mo? Kung wala ka nang kailangan sakin, pwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagsunod-sunod samin. Nakakawala ka ng gana. Para kang aso.” Galit nag alit ako habang sinasabi ko ang mga katagang ito.

---

Pagkatapos ba naman ng lahat ng pagpapahirap na ginawa niya sakin. Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob, guguluhin pa rin niya ang buhay ko? Sinusubukan ko na nga siyang kalimutan pero ayaw pa rin niya akong tigilan. Nanatili lang siyang nakayuko at hindi ako pinapansin. Talagang nang-iinis nang todo. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang nag-angat ng tingin. Nanatiling nakabukas ang bibig ko dahil sa pagkagulat sa nakita ko. Naputol ang balak kong pagsasalita. Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya. Si Chuck? Iiyak? Ganun ko ba siya nasaktang sa mga sinabi ko? Nakaramdam ako ng kalungkutan pagkakita ko sa kanyang mukha. Naalala ko na mahal na mahal ko pa rin siya sa isang iglap.

Aktong hahawakan ko ang kanyang mukha nang bigla siyang tumayo. Tumulo ang mga luha niya na agad naman niyang pinunasan. Tumalikod siya sa akin at nagtuloy-tuloy na lumabas umakyat sa hagdan papalabas ng El Potro. Naiwan akong nakatulala.

Nagulo ang aking isip pagkatapos ng gabing iyon. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko. Ang akala ko ay nagsisimula ko nang magustuhan si Kiko. Pero bakit ngayon ay si Chuck na naman ang nararamdaman kong mahalaga sa akin? Nakakalito. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Nagi-guilty ako kay Kiko dahil napagtanto kong ginagamit ko lang pala siya para makalimutan ang taong talagang minamahal ko. Napaka-unfair para kay Kiko. Napakagago ko.

Nagpatuloy ang paglabas-labas namin ni Kiko pero hindi mawala-wala sa akin ang makaramdam ng guilt. Feeling ko kasi ay napakasama ko. Wala naman ako sa lugar para gawin ito. Hindi ako ganun ka-special. Bakit kung umasta ako ay para bang napaka-espesyal kong tao. Nanggagamit ako para lang makaiwas sa mga problema ko. Kawawa naman si Kiko. Ang bait-bait pa naman niya.

Simula rin ng gabing iyon, hindi na muli pang nagpakita samin si Chuck. Sa mga lakad namin ay hindi na siya sumusulpot. Siguro iisipin ng iba na sira na ang tuktok ko, pero parang nami-miss ko si Chuck. Para bang hinahanap-hanap ko ang presence niya. Para bang nasanay ako na lagi siyang nandiyan. Mahal ko pa talaga siya. Ang masakit nga lang doon, pinaalis ko pa siya. Ipinahiya ko siya sa harap ng maraming tao. Sinaktan ko siya at dahil dun, hindi na siya babalik pa. Hindi na siya magpapakita pa sakin. Hindi siguro talaga kami para sa isa’t-isa. Masyado nang marami ang aming pinagdaanan pero hindi naging maayos ang relasyon namin. Hindi na ako umaasa pa na kaming dalawa pa rin sa bandang huli pero patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Oo, mamahalin ko pa rin siya. Mukha akong tanga no? Wala eh, ganun talaga. Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat. Tanga pala talaga ako. Sinira ko ang lahat. At sigurado akong wala na akong magagawa pa para maibalik ang dati. Ang sakit isipin na mahal ko siya at siguro ay mahal pa rin niya ako pero nang dahil sa kahangalan ko ay wala na ngayong pag-asa ang pag-ibig namin.

Naging busy kami nina Ken at Kiko dahil sa papalapit na concert. Binabalak ko na rin na sabihan si Kiko na tigilan na namin ang paglabas-labas nang magkasama dahil sa gusto ko nang maging fair sa kanya. Ayaw kong palakihin pa ang pagkakamali ko. Nitong huli at nararamdaman ko rin na parang unti-unti nang dumidistansya si Kiko sa akin. Hindi na kami ganun kadalas magkasama tulad ng dati.

Palapit na ang concert at puspusan na ang practice namin. Minsan ay ginabi kami sa pagpa-practice. Hindi kasi namin napansin agad ang oras kaka-practice. Maya-maya pa ay nagpaalam si Ken sa akin.
“Paul, mauna na ako sayo, may dadaan pa kasi ako sa bahay ng Tita ko eh.”
“Sige, ingat ka na lang.” Sabi ko habang nag-aayos ng gamit sa bag. Naghahanda na akong umuwi. Natapos na ako sa pag-aayos ng gamit at hinihintay si Kiko para ayusin din ang mga gamit niya. Ihahatid daw niya kasi ako sa sakayan ng jeep kaya naman pinauna ko na ang mga kasamahan namin. Kami na lang ni Kiko ang naiwan sa auditorium. Maya-maya ay may limang kalalakihan na lumapit kay Kiko. Kinausap siya ng mga ito. Matagal-tagal din ang kanilang pag-uusap kaya naman inip na inip na ako. Hinintay ko pa rin na lapitan niya ako sa aking kinauupuan. Pero habang tumatagal ay parang hindi na niya napapansin na nandun pa ako at naghihintay sa kanya. Patuloy ang pagku-kwentuhan nila. Naiinis na ako dahil gustong-gusto ko nang umuwi dahil pagod na ako. Nais ko nang magpaalam sa kanya na mauuna na ako pero maya-maya lang ay lumapit na siya sa akin.

“Ah, Paul. Pasensya ka na, hindi na pala-…”
“Okay lang, sige, bye.” Putol ko sa sinasabi niya at agad akong tumalikod para umuwi nang mag-isa. Sobrang nainis ako sa kanya. Nilapitan lang siya ng mga kaibigan niya ay binalewala na niya ako. Bwiset. Wala pala siyang kwenta. Hindi ko akalaing ganun siya. Siguro ay nagsawa na siya sakin at ngayon ay wala na akong halaga sa kanya. May halaga nga ba ako sa kanya? Hindi ba ang sabi lang niya sa akin noon ay gusto niya ako. Hindi niya ako mahal. Kahit kailan ay hindi ko narinig sa kanya na mahal niya ako. Ang engot ko talaga. Naiinis ako kay Kiko pero mas naiinis ako sa sarili ko. Todo pretend ako na love niya ako. Pero okay na rin ang ganito, balak ko na rin naman na layuan siya. At least hindi ko na kakailanganin pang magpaliwanag sa kanya. Tuloy-tuloy na ito. As in plain na lang ang buhay ko simula ngayon.

Naglakad ako papalabas ng school at agad na pumara ng tricycle. Gabi na noon at nakakatakot nang maglakad sa daan. Malayu-layo kase ang school sa sakayan ng jeep pauwi sa amin. Naalala ko si Chuck. Naisip na sana ay nasa mabuti siyang kundisyon. Bumalik na naman sa isip ko yung masasayang sandaling pinagsaluhan naming. Para bang napakatagal na ng mga lumipas na panahon. Para bang ang layo ng nga mga ala-alang iyon sa akin. Lumilipad ang isip ko habang nakasakay sa tricycle. Nagulat na lang ako ng biglang inihinto ng driver ang tricycle sa parteng walang tao. Lalo akong nagulat nang makita ko ang isang patalim sa kanyang mga kamay. Nakatutok iyon sakin.

“Akin na ang cellphone mo.” Sabi ng driver na napansin kong medyo bata pa. siguro ay nasa 23-26 na taon na siya. Ganun pa man ay agad na lumukob sa akin ang matinding takot. Hindi ako agad nakagalaw.
“Yung cellphone mo sabi eh!” Sigaw sakin ng holdaper. Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha sa loob ng bag ko ang aking cellphone. Hindi ako nanghihinayang sa cellphone ko. Ayaw ko yatang masaksak ng patalim no. Masakit kaya iyon at alam na alam ko ang mangyayari sa akin sa hospital once na saksakin ako ng walang hiyang ito. Baka maoperahan pa ako at tuluyan din naman palang mamamatay. No! Goodbye cellphone na lang talaga. Mag-iipon na lang ako ng pera para makabili ng bago. Iniabot ko ang cellphone ko sa driver.
“Yung pera mo naman. Lahat!”

Kainis ‘tong driver na ‘to ah. Gusto yatang kunin ang lahat-lahat sakin. Wag naman sana ang puri ko! Ahahahah! Pero ang totoo niyan ay takot na takot ako. Lahat ng sabihin ng driver na iyon ay susundin ko, iwanan lang niya ako nang may buhay. Medyo natagalan ako sa pagkuha ng pera ko dahil napailalim iyon sa mga gamit ko sa bag. Ang tanging nasa bulsa ko lamang ay ang saktong pamasahe ko. Ako namang si tanga ay hindi na naisipang sabihin na wala akong pera. Kainis no.

“Bilisan mo diyan!” Sigaw ulit ng driver na may gimik pa yata pagkatapos ng pangho-holdup niya sakin. Lalo naman akong natagalan sa paghahanap. Ang dami ko kayang gamit sa bag at napakahirap hanapin ang wallet ko na nasiksik yata sa mga damit. Takot na takot talaga ako sa mga mangyayari sakin. Nasisi ko pa tuloy sa isip ko ang hinayupak na si Kiko. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako gagabihin ng ganito at hindi ang kumag na holdaper na ito ang masasakyan ko. Kainis talaga siya.

Ang bwiset namang wallet na yun ay ayaw pang magpakita sakin. Sobrang natatagalan na talaga si Manong Driver at panay na ang sigaw niya sakin. Maya-maya pa ay nakita ko na ang long lost wallet ko. Sa wakas, mapapasakamay na ng Manong Driver ang kayamanan ko. Iniabot ko na sa driver ang aking wallet pero sa laking gulat ko na wala na siya sa tricycle. Natakot naman ako na baka lilipat ng pwesto ang manong at pagsasamantalahan na nga ako! HAHAHA!

Pero natakot talaga ako dahil baka dikitan na ako nung mama at tuluyan na akong saktan. Pero namuti na ang mata ko sa kahihintay sa kanya ay hindi pa rin niya ako nilalapitan. Sumilip ako sa likod ng tricycle at todong pagkagulat ako sa nakita ko.

Si Chuck, kasuntukan ang Manong Driver na holdaper! Anong ginagawa ni Chuck dito? Masyado ang kaba ko habang nakikita ang pagsusuntukan ng dalawa. Basta basag-ulo, maasahan yata talaga si Chuck diyan. Nakita ko ang patalim na itinutok sa akin ng mama kanina sa gitna ng kalsada. Kinuha ko iyon. Mahirap na, baka makuha ulit ng Manong Driver ay masaktan pa ang savior ko. Sandali lang at napabuwal na ni Chuck ang bwiset na holdaper. Kinuha niya ang cellphone ko sa bulsa nito at iniabot iyon sa akin. Agad na tumakbo palayo ang bugbog saradong holdaper. Bilib talaga ako kay Chuck at lalo akong napamahal sa kanya. Actually umiiyak na ako niyan. Hindi ko akalain na nalagay sa peligro ang buhay ko. Mabuti na lamang at nandun si Chuck.

“Wala talaga akong katiwa-tiwala diyan sa Kiko na yan. Mabuti na lang pala at lihim ko pa ring ipinagpatuloy ang pagsunod ko sa inyo kung hindi ay baka napano ka na.”
Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak habang kinukuha ni Chuck ang plate number ng tricycle. Pumunta kami sa Munisipyo para i-report ang pangyayari at para na rin mahuli ang may-ari nung tricycle na si Manong Holdaper. Inihatid ako ni Chuck sa sakayan ng jeep.
“Salamat sa pagliligtas mo sa akin.” Sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanyang mukha.
“Wala iyon, sige. Umuwi ka na at masyado ka nang ginabi. Baka mapagalitan ka pa niyan sa inyo.” Napakabait talaga niya. Nakakainis. Wala siyang katulad. Niyakap ko siyang nang mahigpit bago ako sumakay sa jeep. Pagkasakay ko ng jeep ay nakareceive ako ng message mula sa isang number na hindi naman naka-save sa phonebook ko.

“Dalhin mo na ulit ung mga gamit mo sa boarding house bukas. Agahan mo ang punta ha. Wait kita. – Chuck.”

Habang nasa jeep ako ay todo ang pagkakangiti ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Kanina lamang ay sobra ang inis ko nang dahil kay Kiko. Tapos, sobra naman ang naging takot ko nang dahil kay Manong Holdaper. At ngayon ay sobrang happy naman nang dahil kay Chuck. Haay.

Walang pasidlan ang ligaya ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa boarding house ni Chuck. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad na niyakap. Sobrang higpit. Para bang ayaw na niya akong pakawalan.
“Sandali lang, hindi ako makahinga.” Sabi ko, ang laki ba naman kasi ng katawan niya no. Agad naman niya akong pinakawalan.
“Grabi, akala ko papatayin mo na ako eh. Akala ko galit ka pa rin sakin. Ehehehe.”
“Hindi, na-miss lang talaga kita.” Sabi ng mokong habang sobrang lapad ang pagkakangiti. Hindi ko naman pinansin ang paglalambing niya. Iniikot ko ang aking paningin sa buong bahay. Ganun pa rin, walang pagbabago. Katulad lang din nung dati na dito pa ako namalalagi.

“Isang tanong muna, paano mo nalalaman kung saan ang mga lakad namin ni Kiko?” Kagabi pa naglalaro sa isip ko ang tanong na ito. Nakalimutan ko naman kasing itanong sa kanya kagabi dahil sa bilis ng mga pangyayari.
“Si Ken.” Simple sagot niya.
“Talaga nga naman yung bruha na yun. Pakialamero.” Sagot ko.
“Wag ka nang magalit sa kanya. Ako naman kasi ang namilit sa kanya na tulungan ako eh. Saka ayaw mo ba yun, nagka-ayos tayo.” Ehehe, ang totoo niyan ay thankful ako kay Ken. Alam niya talaga ang mga nararamdaman ko. The best talaga ang bruhang yun.

“Kumain ka na ba? Naghanda ako ng breakfast.”
“Hindi pa nga eh. Nagmamadali kasi ako sa pagpunta dito kaya nakalimutan ko nang kumain ng agahan.”
“Sige, kumain muna tayo, mamaya na natin ayusin ang mga gamit mo sa kwarto natin.” Parang gusto ko namang kiligin ng todo sa narinig ko. Habang kumukuha siya ng mga plato ay niyakap ko siya mula sa likuran. Aktong haharap siya sa akin pero pinigilan ko siya.
“Sana ay maging maayos na ang lahat simula ngayon.” Sabi ko habang nakapikit at mahigpit siyang yakap. Maya-maya ay humarap na rin siya sakin. Niyakap niya ako ulit nang buong higpit at hinalikan mula sa noo hanggang sa umabot ang kanyang mga labi sa akin. Sandali lang iyon pero napakasarap sa pakiramdam.
“Don’t worry Mahal, simula ngayon ay magiging masaya na ang bawat sandaling magkasama tayo.” Namiss ko pala ang pagtawag niya sa akin ng Mahal. Hinalikan niya ako ulit. This time ay hindi na namalayan kung gaano katagal.

Napakasarap ng pakiramdam na babalik na ako sa taong mahal ko. Sana ay maging maayos na talaga ang pagsasama naming this time. Mahal na mahal ko siya at din a ako makakapayag pa na masayang ang pagkakataon ito para muli naming maibalik ang dati naming pagmamahalan.


Wakas.




2 comments:

  1. Kilig sa umisa, Brutal sa gitna then kilig ulit sa katapusan. May iyakan pa. Thank you Mr Author.

    ReplyDelete