Monday, September 15, 2014

Ang Comforter

By: Paolo


Nakamulatan ko na ang pagiging relihiyoso ng aking pamilya. Kung lumiban man kami sa pagsisimba, siguradong may mabigat na kadahilanan iyon. Si Tatay kasi ay isang ministro sa church na pinupuntahan namin. Si Nanay naman ay laging nakasuporta sa kung anumang proyektong kailangang gawin sa simbahan na pinangungunahan ni Tatay. Dahil sa ganito kaactive ang aking mga magulang sa church, kaming lahat na magkakapatid ay lumaking responsible. Naging masaya ang aking kabataan dahil sa magiliw at mapagmahal ang aking mga magulang at masunuring mga anak kaming magkakapatid.

Parehong maasikaso ang aming mga magulang -- kaya siguro ang mga kakaiba kong inclinations noong bata pa ako ay nacontrol dahil na rin sa gabay at pangaral nila. Noon pa man ay napansin na nilang gustong gusto kong makipaglaro sa mga kaedad kong mga batang babae, suklayin ang kanilang mga manika, at maglaro ng luto-lutuan. Gumawa sila ng paraan para matigil ang pakikipaglaro ko sa kanila. Pero kapag pinapangaralan nila ako sa kung ano ang dapat na ikilos at laruin ng isang batang lalaki, ginagawa nila iyon ng may sincerity at pagmamahal, kung kaya wala akong natatandaang sakit ng loob sa kanila kahit na pinigilan nila akong makipagkaibigan sa mga babae at kahit hindi ko natikman ang magkaroon ng mga manika at luto-lutuan.

Wednesday, August 20, 2014

Ang Kwento ng Isang Callboy

By: Anton

Nabasa ko ang kwento ni Dr. Geo sa site na ito, at talaga namang humanga ako sa kanyang katatagan sa pakikipag laban sa hamon ng buhay, kong papaano niya hinarap ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay simula pag kabata hangang sa maging isang ganap na Doktor.

Naisip ko, hindi pala ako nag iisa sa ganoong kalagayan, may mga kagaya ko din pala na nakakaranas ng hirap sa buhay sa piling ng kanilang pamilya, pag mamaltrato at pang aabuso sa murang kaisipan at kong ano ano pang pasakit sa katawan.
Kaya naman nag karoon din ako ng lakas ng loob na ibahagi ang aking karanasan, matagal ko itong pinag isipan kong itutuloy ko nga ba ang pag bahagi ng aking buhay dahil natatakot ako na baka may maka basa at makakilala sa akin, at isa pa ay natatakot din ako na baka may mga nakaka kilala sa akin at masabi nila sa tatay ko ang kanilang mababasa, dahil may iniingatang pangalan ang aking ama sa gobyerno.

Si Doktor Geo ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin upang gawin ko ito.

Simula pag kabata ay puro paghihirap na sa buhay ang aking naranasan, anak ako ng isang GRO, ang nanay ko ay dating GRO sa Subic Zambales, subalit ng mawala na ang mga base militar sa Zambales ay nawala na rin ang mga dating club doon, kaya naman naisipan ng nanay ko na dito na sa Baguio City manirahan kasama ng iba pang GRO na kasama niya sa subic Zambales, noon namang mga panahon na iyun ay marami ang nag susulputang mga club dito sa syudad ng Baguio, nauso ang mga Karaoke at sing along Bars. Saan ka man pumunta sa Baguio ay makakakita ka ng Karaoke at sing along Bar.

Friday, August 15, 2014

The Engineer

By: Anonymous

Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US.

Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan pa ng mga pupukan at ingay ng motor ng equipment na naghahalo ng semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng umuwi at matulog sa bahay namin. Gabi kasi ang klase ko kaya halos buong araw ay tulog ako kapag wala akong duty sa hospital.

Nang minsang nagising ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko kahit naka-aircon ako at sarado ang mga bintana ng silid ko ay galit na galit akong sumugod sa ginagawang bahay. Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na may nadisgrasya palang trabahador dahil bumagsak ang tinutuntungan nito habang naglalagay ng mga alambre sa mga nakatayong bakal. Medyo duguan ito kaya syempre dahil medical student ako ay ako na mismo ang nagbigay ng first aid sa naaksidente. Mabuti na lamang at sugat lamang sa mga braso ang natamo niya at tila wala naman bale sa katawan dahil nakatayo at nakapaglakad siya muli ng matapos kong bigyan ng first aid.

Sunday, August 10, 2014

Grow Old with You


By: Frank



Kami ay nasa simpleng pamumuhay lang, meron kaming paupahan 5 kwarto. May mga umuupa na tumatagal at bumibilang ng taon o di kaya ung iba naman buwan lang ang inilalagi..Taong 1997, nasa 3rd yr HS palang ako nun, 5:30pm pauwi na ako galing sa school, kasi that time sa school namin, lahat ng 3rd yr ay panghapon kaya ang uwi q gabi na. Habang binabaybay ko ang daan pauwi sa bahay naming nakita ko ang isang malaking truck. Nagtaka ako. Kanino kaya yung truck na yun bakit nakapark sa harap ng bahay naming, ang tanong ko sa sarili ko.


Dali dali akong tumakbo para magusisa, baka meron nanaman bagong appliances na binili si Mama.. Pero nung nakalapit na ako nakita ko bakit mga lumang gamit ang nandun, so naisip ko ay baka bagong lipat.. Natuwa ako kasi meron nanaman akong bagong makakalaro.. bagong makikilala. Dali dali akong umakyat sa bahay para magusisa.. Pagpasok ko nakita ko c Mama at c Papa na may kausap na Babae tansa ko eh nasa edad na 40 na yta.. Nung nakita ako ni Papa dali dali akong tinawag at pinakilala sa akin ang bago naming kapitbahay. Ito si Frank ang bunsong anak ko, Frank sya ang bago nating kapitbahay uupahan nya yung bakanteng kwarto sa tabing bahay natin, sya si Tita Marie mo sabi ng Papa ko bilang pagpapakilala sa Babaeng kausap nila. Bakit mga lumang gamit so naisip ko ay baka bagong lipat.. Ngumiti ako ng pagkasigla sigla, bibo kc ako nun at cute.. Maputi, mapupulang labi, mahabang pilik mata at kapag ngumiti ay lumalabas ang malalim na biloy sa akin pisngi na lalong ngpacute sa akin..

Thursday, July 31, 2014

My Most Beautiful Mistake

By: Kiros

Nagising ako sa tunog ng pag-bagsak ng sapatos sa sahig.

"Hey, I'm leaving soon. Just lock the room before you leave." Sabi sakin ng isang di ko kilalang boses.

Pagbukas ng mata ko, nakita ko ang isang lalake na nakabihis ng pantalon na slacks at walang damit. Maganda ang hubog ng katawan at medyo may itsura. Ang totoo, gwapo siya. Sinwerte yata ako kagabi.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya, kahit alam ko na.

"So you get amnesia on the day after?" sagot niya habang nagpupunas ng buhok.

"What time is it?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya.

"Quarter past two." Biglang nagising ang diwa ko. Naalala ko ang kasal ng kapatid ko.

"Shit!" Sabay bango ko sa pagkakahiga a dali-daling pinulot ang damit ko sa sahig at nagbihis. "Shit! Shit!
Shit!"

Sunday, July 20, 2014

Greatest Gift I Will Ever Have

By: Jericho

I was in Quiapo Church with my best friend Carla (she is so pretty, actually type nya ko kaso kapatid lang turing ko sa kanya kaya we end up as bestfriend). Every time na pupunta ako ng church isa lang ang hiling ko " na sana mag karon ako ng reason to live" I was thinking of having my own family that time. Bata pa lang kasi ako yun na ang pangarap ko. Ang mag karoon ng anak, di ko alam kung bakit. Siguro dahil di ako ganun ka close sa tatay ko despite of being uniko iho at gusto ko pag nag karoon ako ng anak maiparamdam ko sa mga anak ko ang mga bagay na di ko naramdaman sa tatay ko, I promise to myself to be a good father someday.

Habang ng wiwish ako sa Poong Nazareno nakita ako ng isang pamilya na naglalakad pauwi(ang saya nila), sa kabilang banda naman isang mag couple(same gender)...di ko na lang pinansin at nag dasal uli.
Time to go.
Umuwi na kmi ni bestfriend sa boarding house. That time nag rereview kami sa isang sikat na Review Center in manila preparing for our Nursing Licensure exam, kasama ko si bestfriend pati narin ang ibang tropa. 6 na lalaki at 2 babae.

Sunday, June 29, 2014

Bestfriend's Love Story

By: Jerome

Naniniwala ba kayo sa tadhana? Naniniwala ba kayo na pagkakasala ang pagmamahalan ng dalawang lalaki o dalawang babae? Kung ang pagibig ay para lamang sa isang lalaki at isang babae, bakit may may mga taong pareho ang kasarian na tila nakatadhana sa isa’t isa? Ito po ang kwento naming ng bestfriend ko.

2005. Yan ang unang taon ko sa kolehiyo. Kabado, takot, excited. Iyan ang nararamdaman ng halos lahat tuwing unang araw sa kolehiyo. Sino nga ba naman ang hindi kakabahan eh lahat ng nakapaligid sayo ay bago.

Ako nga pala si Jerome, pero Rom/Rome ang tawag nila sakin. 16 years old pa lang nung mga panahon na yan. Black hair, brown eyes, light skin, may eye glasses at chubby. Yeap! hindi ako yung hot na guy na lagi niyo nalang nababasa. Walang abs, walang muscles, wala ring hilig sa sports. Pero hindi naman ako obese or overweight. Chubby lang, as in may baby fats pero kung tatanungin naman sila, eh normal lang yung size para sa age and height ko.  Straight ako... dati. Ngayon? ewan ko. lecheng pagibig yan. (joke lang)

Nang marating ko na ang classroom na nakalagay sa registration form ko ay huminto muna ako sa may pinto at dinouble check kung tama. "room D321"
mahina kong bulong sa aking sarili. Pumasok na ako at napansin na konti na lang ang bakanteng upuan, at halos ng mga iyon ay nasa harap. Tahimik ang block nang tumingin sila sakin habang pumasok ako sa classroom.  Ang awkward kaya umupo nalang ako sa may harap, medyo gilid kasi pag sa gitna, baka lagi akong mautusan ng mga teacher. ganoon kasi samin nung high school. After 15 minutes, may group of students na pumasok sa room namin.