Saturday, June 28, 2014

Saltwater Room 3

 By: Travis


 Part 1 | Part 2


Dumating na ang araw ng Graduation. Napagkalooban ako na magbigay ng Speech sa buong batch. Nakita ko si Xander na nakatayo sa likuran ng mga upuan at nakangiti sya sa akin, muntik na kong madistract pero nabawi ko naman agad. Nabanggit ko si Rob sa aking speech, na umattend katabi ang Parents ko at alam kong narinig ito ni Xander. Nung tinignan ko ulit si Xander ay wala na sya dun. Pagkatapos ng ceremony ay tinext ko sya kasi gusto kong ibigay ang gift ko sa kanya. Nagtextback naman ito na nasa loob lang sya ng kotse nya at hinanap ko ito. Nagpaalam ako saglit sa mga magulang ko at kay Rob.

Kinatok ko ang bintana at pumasok ako sa kotse nya.

"Congrats Xander, eto gift ko sayo"

At binuksan nya ang regalo ko, isang set ito ng Paintbrush.

"Ituloy mo yan Xander"

At nakita ko ang pinakamatamis na ngiti nya.

Kinuha nya ang braso ko at may kinuha sya sa bulsa nya at sinuot nya ito sa akin.

"Yan ang bangle na bigay sa akin ng Lolo ko nung nag-18 ako, importante yan sa akin at iiwan ko yan sayo kasi importante ka para sa akin, habang wala ako maging sign sana yan na lagi kitang hawak"



Naiyak ako sa sinabi nya at nagyakapan kami.

"Wag ka na umiyak, baka akalain nila pinaiyak kita, Trav pwede ba tayong magkita bukas sa Park? Mga 6pm?"

"Oo naman sige"

"Sige bukas na lang ha? Congrats ulit and thank you"

"Thanks din"
Sa pagkakataong iyon tinitigan kong mabuti si Xander, tumatak sa isip ko ang itsura nya nung gabing iyon.

Pagkatapos ng Ceremony ay nagkaroon ng salo salo sa bahay namin sa Bulacan. Doon na din nag-overnight si Rob at nakilala din nya ang mga kapatid ko. Naging masaya ang gabing yun para sa akin at sa pamilya ko, pero mas masaya siguro kung kasama ko si Xander, pero masaya din naman kasi nandoon si Rob.

Kinabukasan ay bumalik na kami sa Manila, nangako kasi ako kina Zoey, Sam at iba ko pang kaibigan na maglulunch kami. Ngayong graduate na kami ay mamimiss namin ang Campus at ang mga experiences namin. Pero kahit na ganun ay magkakaibigan pa din kami.

Nang malapit ng mag 6pm ay nagpunta na ako sa Park. Naghanda ako sa maaring huli naming pagkikita ni Xander. Ilang minuto ang nagdaan wala pa si Xander, matiyaga akong naghintay. Lumipas ang ilang oras at nagbabadya na ang pagbuhos ng ulan.

10pm na nun nang magdesisyon na akong umalis. Hindi ako sinipot ni Xander. Naiiyak ako pero napigilan ko. Habang naglalakad na ako ay may umakbay sa akin - Si Rob. Alam nya kung gaano kasakit sa akin ang ginawa ni Xander at iniyak ko ito sa kanya. Ramdam ko na si Rob ang naging sandalan ko ng mga oras na yun at hindi nya ako iniwan sa pagkakataon na kailangan ko ng masasandalan.

Madaling araw na nun nang may kumatok sa dorm. Si Zoey kasama si Raf. Niyakap ako ni Zoey alam ko na alam nya kung ano man ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. May inabot sya sa akin na isang note na galing kay Xander.

"Trav,
Sorry, hindi ako nakapunta sa Park. Napaaga kasi ang flight namin papuntang Chicago. Mamimiss kita. Kung may pagkakataon lang ako na baguhin ang lahat gagawin ko. Pero nasa sitwasyon ako na wala na akong magagawa. Kung mabigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay ulit pipiliin ko na makilala kita muli at ipaglalaban ko ang dapat na ipinaglaban ko na noon. Mahal kita. Ingatan mo ang sarili mo.

-Xander"

Nakakalungkot man pero nagawa kong hindi umiyak, pinilit kong maging matatag dahil sa ito ang nararapat at kailangan ko na mag-move on.

Lumipas ang ilang linggo ay dun pa din ako nagstay sa dorm. Hindi naman ako laging malungkot pero hindi din naman maitatanggi na lagi ko pa din naiisip si Xander. Pinili ko na din kasing putulin ang communication namin. Lagi naman nandyan si Rob, Zoey, Sam at Raf at ang iba ko pang kaibigan para sa akin.

Nagpupunta pa din ako sa Park mag-isa sa same bench kung saan kami laging nauupo. Inaalala ko dun ang masasaya naming panahon ni Xander.

Minsan akong nagpunta ulit sa Park, ito na ang huli kong pagpunta doon dahil sa lilipat na ako ng tirahan, natanggap kasi ako sa Ospital sa Taguig City kaya kinailangan kong lumipat. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang buong Park. Ang naging saksi kung gaano kami kasaya ni Xander.

Ilang buwan ang lumipas at masasabi ko nang naka-move on na ako. Hindi ako iniwanan ni Rob kahit na alam ko na any moment ay maaring magkaroon na sya ng bagong love interest. Lagi nya akong sinasamahan at nagagawa namin ang mga bagay na ginagawa ng mga couples kahit na hindi kami mag-on, pwera lang sa sex dahil sa hindi naman ito dapat lalo na hindi kami committed sa isa't isa.

Nang matapos ko ang isa at kalahating taon na kontrata ko sa ospital ay naikuha ako ng Ninang ko ng employer sa Canada, sa Nursing Home ako magtatrabaho at ayos naman sa akin yun lalo na hindi naman gaanon katagal ang pagtatrabaho ko sa ospital. Nung binalita ko kay Rob na dun ako magtatrabaho ay natuwa sya dahil sa dun nagtatrabaho ang kapatid nya at madali syang maihanap ng trabaho dun dahil sa ang natapos nya na kurso ay Engineering.

Nauna pa makaalis sa akin si Rob papuntang Canada at ilang linggo ay ako naman ang sumunod. Siya ang sumundo sa akin sa airport sa Canada at inihatid nya ako sa bahay ng Ninang ko. Dun sya nakilala ng Ninang ko at ng pamilya nya. Hindi ako masyadong na-homesick dahil sa nandun naman si Rob at kampante ako na hindi nya ako iiwan dun.

Nagsimula na ako sa trabaho at may kalayuan ito sa bahay ng Ninang ko. Kaya naghanap ako ng bahay o flat na mauupahan. Nakakuha naman ako ng flat at dun na nagsettle. Lagi akong binibisita ni Rob at hindi nawala ang pagbobonding namin kahit na alam nya na walang pag-asa na maging kami.

"Pag 27 years old ka na at wala ka pa ding boyfriend tayo na lang. Pakakasalan mo ko. Deal?"

Kung dumating man ang panahon na wala ng ibang magmamahal sa akin ay pipiliin ko si Rob. Dahil sa pagkakaibigan namin ni Rob ay alam ko na magiging mabuti naman syang boyfriend at sumang ayon na din. Tutal madali namang turuan ang puso at hindi naman na ibang tao sa akin si Rob.

"Ok sige deal!"

At nagyakapan kami.

Ilang buwan ang lumipas at naging taon ito. Ibinuhos ko ang panahon ko sa pagtatrabaho. Mabilis ang panahon. Hindi ko namalayan na tatlong taon na pala ang lumipas. Sa tatlong taon na yun ay inaamin ko na hindi naalis sa isip ko si Xander at umasa pa din ako na magkikita kami ulit. Sa tuwing birthday nya ay may binibili akong regalo at umaasa na kung magkita man kami ulit ay ibibigay ko sa kanya ang mga naipon kong regalo para sa kanya. Pero unti unti ko nang bumabalik ang dating nararamdaman ko para kay Rob.

Hindi pa ako ulit nakakauwi ng Pilipinas pero nakaplano na uuwi kami ni Rob next year para na din dun mag-celebrate ng Christmas at para makaattend sa kasal nina Raf at Zoey.

Bestfriend pa din ang turingan namin ni Rob at may tawagan pa kami. Tawag nya sa akin ay GF ibig sabihin ay great friend at BF naman ang tawag ko sa kanya na ibig sabihin ay best friend. Hindi sya nahihiyang tawagin akong GF sa public kahit na akala ng ibang nakakarinig ay girlfriend ang ibig sabihin nito.

November 3 noon tandang tanda ko ang flight namin pabalik ng Manila. Matapos ang ilang taon ay nakabalik na ako. Magkasama kami ni Rob pag-uwi at sa pagbalik namin sa Canada ay magkasama pa din kami.

"Rob, gusto mo pasamahan kita kay Sam na gumimik? Para naman may makilala kang iba, baka magsawa ka na sa akin"

"Naku wag na. Kung hindi man tayo magkatuluyan mag-aasawa na lang ako ng babae. Ikaw ang huling Bi sa buhay ko. Basta tandaan mo yung deal natin ha? Pag 27 years old ka na. May 2 years ka pa"

At kumikindat sya sa akin at natawa kaming pareho.

"Oo naman basta deal natin yun"

Nagkita kita kami ng mga kaibigan ko sa isang hotel. Magdidinner kami at pupunta ang lahat ng mga kaibigan namin. Habang naghihintay ako sa labas ay unang lumabas ng sasakyan si Xander. Makalipas ang ilang taon ngayon lang kami ulit nagkita. Ibang iba na ang itsura nya ngayon mas lalo syang gumwapo. Natulala ako at hindi nakapagsalita. Karga karga ni Xander ang isang batang lalaki, malamang ay anak nya yun.

"Trav! Kamusta?"

At niyakap nya ako, napayakap din ako sa kanya.

"Eto ayos naman. Ikaw?"

Ang nahihiya kong tanong sa kanya. Hinihintay ko ang girlfriend nya o ang asawa nya marahil nagpakasal na sila sa States pero walang dumating.

"Ayos naman ako"

At kinarga nyang muli yung bata at ipinagbless sa akin.

"Bless sa Tito Travis"

natuwa naman ako sa bata at bibong bibo ito.

"What's your name?"

"Mike po"

ang magalang na sagot ng bata na sa tantsa ko ay nasa 3 or 4 years old na.

Aliw na aliw ako kay Mike nang biglang dumating ang mga kaibigan ko. Nagkayakapan kami at naiyak ako kasi namiss ko din sila. Napag usapan ang kasal nila Zoey at Raf na gaganapin next month. Dun na din nya ibinigay ang mga invitation at lahat kami ay kasali sa Entourage. Muli naming sinariwa ang dati naming samahan.

Naging masaya ang pagbabalik ko sa Pilipinas at nakasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko. Dumating ang araw ng kasal ni Zoey at Raf at naging masaya ito. Naalala ko parang kelan lang nung nasa College pa kami at nililigawan pa lang ni Raf si Zoey. Masayang masaya ako nung kinasal na sila at alam ko na para kay Raf talaga si Zoey.

Nang matapos ang kasal at reception ay nagkakwentuhan pa kami sa Pool sa hotel na pinagdausan ng reception. Inusisa nila ako tungkol sa love life ko. At inamin ko sa kanila na si Xander pa din ang nasa puso ko. Buong akala nila na boyfriend ko si Rob, na hinanap ni Zoey dahil inimbita din nya ito sa kasal.

"Asan si Rob? Parang hindi ko sya napansin kanina?"

"Hindi na sya nakaattend may lakad din kasi sila eh"

Biglang sumingit si Xander.

"Bakit nyo pa hinahanap si Rob, andito naman ako"

At natahimik ako pero napangiti din.

Natapos ang gabi ng masaya. Pero parang gusto ko pa makasama si Xander nang mas matagal, gusto ko syang makakwentuhan, kumain na magkasama at magtawanan pero alam ko na hindi na iyon pwede dahil sa may pamilya na sya at ayokong mabigyan ng malisya ito.

Ilang araw matapos ang kasal ay magkasama kami ni Rob sa mall nang magtext si Sam na kung pwede ko daw ba syang samahan sa isang art exhibit mga 7pm ang oras na tinext nya. Pinabasa ko kay Rob yung text at sinabi nyang pumunta daw ako.

"Sumama ka ha?"

"Hindi na, moment mo yan, alam ko yan na yung pinakahihintay mong pagkakataon"

"Anong ibig mo sabihin?"

"Basta believe me Trav"

"Rob, paano ka? Gusto ko kasama ka"

"But not this time. Ok lang ako, promise. Ihahatid na lang kita ok?"

"Sige"

Inihatid ako ni Rob sa venue at niyakap nya ako ng mahigpit, this time hinalikan nya ako sa pisngi. Alam kong hindi na bago ito pero may meaning ang bawat ginagawa nya nung mga panahon na yun.

"Have fun, you deserve it"

"Ingat ka Rob, text mo ako pag nakauwi ka na"

"Sure"

At bumaba na ako ng sasakyan. Nakita ko agad si Sam at nilibot namin ang gallery. Maganda ang mga painting na nandoon pero humanga ako sa isang painting na dalawang lalaki na magkahawak ang kamay. Medyo controversial ang tema nito pero maganda habang tinitignan ko ito nagpaalam si Sam.

"Friend, CR lang ako"

"Sige, bilisan mo lang, dito lang ako"

Manghang mangha ako sa painting at di ko maalis ang tingin ko. Biglang may kumausap sa akin.

"Nakikita mo ba ang sarili mo sa painting?"

Paglingon ko si Xander nakatayo sa tabi ko at nakangiti sa akin naghihintay ng sagot.

"Hmmm. Pwede"

at naisip ko na si Xander ang gumawa ng painting.

"Ikaw ang gumawa nito?"

"Yup. Actually para sayo talaga yan"

"Uy wag kang ganyan Xander baka dumating ang wife mo kung ano pang isipin nun"

"Wife?"

"Oo wife di ba nagpakasal kayo ni Mimi sa States at anak nyo yung batang karga mo nung magdinner tayo nila Zoey dati?"

Natawa si Xander sa mga sinabi ko.

"Hindi ako kinasal, hindi pala ako ang ama nung pinagbubuntis nya. Nalaman ko lang kasi sumunod sa amin yung ex bf ni Mimi sa Chicago at inamin na sya ang nakabuntis sa kanya, hindi daw nya kaya na lumaki ang anak nya na hindi sya ang kinikilalang ama kaya nya ginawa yun"

At nagulat ako sa mga inamin ni Xander.

"Sino yung bata, si Mike, kaninong anak yun?"

"Anak yun ng kuya ni Raf"

"Ahhh"

Parang naubusan ako ng sasabihin ng mga oras na yun at parang sumigla ang puso ko nang malaman ko na malayang malaya pa si Xander.

"Actually gusto kong magsimula ulit tayo, from scratch kung bibigyan mo pa ako ng chance na ipagpatuloy ang nasimulan na natin"

Napangiti ako at sinabing

"Oo naman, why not? From scratch? Sige mag iintroduce ako sayo"

Nginitian ko ni Xander at sinabing

"My name is Travis, and you are?"

"Xander, your soon to be Husband"

napangiti ako nung mga oras na yun at tila tumigil ang oras para sa amin. Kakaiba ang kislap sa mga ni Xander na para akong inaakit. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan nya ito ng matagal. Wala syang pakialam kung may makakita sa amin at damang dama ko ang pagmamahal nya. Niyakap ko si Xander nang mahigpit na mahigpit.

Naging saksi ang painting ni Xander nung gabing iyon sa aming pagmamahalan. Masaya kong tinignan ang painting nya habang magkahawak kami ng kamay.

"Mahal na mahal kita"
ang sabi ni Xander sabay halik sa pisngi ko.

At sinuklian ko ito ng halik sa pisngi nya.

Napansin ko na may nakakita sa paghalik ko kay Xander at nung tinignan kong mabuti ay si Rob pala iyon. Halatang hindi sya masaya sa nakita nya. Gusto ko man syang i-cheer up ay alam ko na hindi pwede. Baka kasi kung ano pa ang isipin ni Xander at magkagulo pa. Masasabi nyo na mahaba ang buhok ko dahil sa merong dalawang lalaki sa buhay ko pero hindi ito talaga nakakatuwang parte ng buhay ko. Mahirap tumimbang ng dalawang tao na ang halaga nila sayo ay pareho lang.

Biglang umalis si Rob nang hindi nagpapaalam. Hindi din ako mapakali nung mga oras na yun at nahalata ito ni Xander.

"Ok ka lang?"

"Oo naman, si Rob kasi nakita ko kanina hindi man lang nagpaalam nung umalis na sya"

"Tawagan mo na, ok lang hindi ako magseselos"
sabay ngiti ni Xander.

Tinawagan ko si Rob pero hindi nya ito sinagot, nagtext din ako pero walang reply. Hindi ko alam kung galit ba sya sa akin dahil sa nakita nya. Nag alala ako nung mga oras na yun, hindi kasi ganun si Rob at kung hindi man nya masagot ang mga tawag ko ay tumatawag naman ito agad kapag hindi na sya busy.

Nagdinner kami nila Sam at Xander. Naging masaya naman ang dinner namin pero hindi ko maitatanggi na iniisip ko pa din si Rob at nag aalala sa kanya. Bigla kong naalala na mag-isa nga lang pala si Rob sa Condo na tinutuluyan nya dahil ang magulang nya at kapatid ay nasa Laguna at kinabukasan pa babalik. Nag order ako ng carry out food para sa kanya at nagpaalam kay Xander na pupuntahan ko sya pagkatapos namin magdinner.

"Xander, pupuntahan ko si Rob mamaya, baka kasi hindi pa yun kumakain"

"Bakit yaya ka ba nya?"
halatang may bahid ng pagseselos ang sinabing yun ni Xander.

"Ikaw naman, ilang taon kong kasama si Rob, hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang sya porket nandito ka na"

"Hmmm sige, pero sasamahan kita"

"Wag na, maiilang lang yun. May tiwala ka naman sa akin hindi ba? Tsaka hindi pa tayo official hindi mo na ako madadala sa paghalik halik mo, naglevel up na kaya ako"

"So, manliligaw pa pala ako sa baby ko?"
sabay ngiti.

"Pati sa parents ko. Baka naman sabihin mo talo ko pa ang babae"

"Medyo lang"
at nagtawanan kaming tatlo.

Pagkatapos namin magdinner ay nagpahatid ako kay Xander sa Condo ni Rob. Kinatok ko ito at hindi ako nagkamali na nandun sya.

"O bakit andito ka?"
ang pambungad sa akin ni Rob.

"Syempre hindi ko naman papabayaan ang BF ko. Alam kong hindi ka pa kumakain"

"Kamusta na ang.. Kayo ni Xander"

"Ok naman ganun pa din"

"You mean?"

"Hindi ko din masagot yan. Hindi pa naman kami official"
at pumunta ako sa kitchen para ayusin ang kakainin ni Rob.

"Kain na"

"Ano ka ba naman pang Canada lang yang pag-aasikaso mo sa akin, mamaya magalit pa si Xander nyan"

"Bakit naman wala naman masama dun. Sige na kain ka na"
at kumain na si Rob.

Napansin ko na medyo matamlay sya kaya inisip ko na may sakit sya.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"
at sinalat ko ang noo nya.

"Baka, siguro"
ang tanging naisagot ni Rob na parang nagbibiro.

"Gusto mo pacheck up tayo bukas?"

"Wag na, ok lang ako, wala naman akong sakit"

Pagkatapos nyang kumain ay niligpit ko ang pinagkainan nya at naupo sa sofa. Tahimik lang kami na nanood ng TV hanggang sa nakatulog ako. Paggising ko kinabukasan ay nasa kama na ako at iba na ang suot ko. Binuhat nanaman ako ni Rob papunta ng kama sabagay kayang kaya naman nya ako dahil sa mas matangkad at mas malaki sya sa akin.

"Gising na, brekky na"
ang pambungad nya sa akin. 'Brekky' ang tawag namin sa breakfast kahit na nung nasa Canada pa kami.

Nagkekwentuhan kami nang biglang magring ang cellphone ko. Napatingin ako kay Rob dahil ayaw nya naiistorbo ang pag-kain namin.

"Sige na sagutin mo na yan, Si Xander yan i'm sure"
at tumayo ako at sinagot ang tawag.

"Hello Xander, bakit?"

"Bakit wala ka sa inyo? Galing ako dun pauwi na ko ngayon"
Halatang galit si Xander habang kausap ko.

"Nakatulog kasi ako dito kina Rob"

"Ah ganun ba, nag-enjoy ka ba?"

"Ha?"

"Wala, bad trip"

"Pauwi na ako mamaya"

"Tawagan na lang kita mamaya nagdadrive ako. Bye"

Pagkabalik ko tinanong agad ako ni Rob.

"Ano, nagalit?"

"Di ko din alam. Pero sabi nya bad trip so baka galit, pero okay lang yun. Wala namang dahilan para magalit. I got you"

"Gusto mo kausapin ko?"

"Naku wag na hindi usap ang gagawin nyo, boxing lang mauuwi yan. Hindi pala boxing bugbugan pala"
at nagtawanan kami.

Maya maya pa ay biglang naging seryoso ang usapan namin.

"Rob, alam mo naman bestfriend kita, pero mukhang hindi pa kita maiiwan mag isa, kailangan mo magkaroon ng girlfriend. As in girl"

"Bakit ikakasal ka na ba kay Xander?"

"Hindi naman, ayoko lang yung tipong wala kang kasama habang ako, kasama ko si Xander"

"Ano ka ba kaya ko na ang sarili ko. Masyado mo lang kasi ako inii-spoil kaya naiisip mo yan"

"Wala lang, alam mo naman kung gaano ako nag-aalala para sayo"

"I'm a man, GF. You don't have to worry about me"
at natawa ako sa sinabi nya at ganun din naman sya.

---

Pagkatapos namin magbreakfast ay umalis na ako. Pumunta ako sa mall para bilhan ng cake si Xander. Para mawala ang kung anu mang sama ng loob na meron sya sa akin. Umuwi ako sa bahay sandali para makapagpalit ng damit at pumunta kina Xander. Natutulog sya nung dumating ako pero ginising ko din dala ang cake na paborito nya.

"Galit ka? I'm sorry"
at inabot ko sa kanya ang Cake.

"Hindi naman, may tiwala naman ako sayo. Ayoko lang yung natutulog ka kasama si Rob, dun ako nagseselos"

"Hindi naman maiiwasan yun since matagal kami magkasama ni Rob, pero kung yun ang kinagagalit mo, titignan ko ang magagawa ko"
at nginitian ko sya. Sinimulan nyang kainin ang cake.

"Ang sarap ng cake, just like you"
ang compliment ni Xander.

"I know"
at nagtawanan kami. Binuksan ko ang TV at nanood kami samantalang si Xander ay naligo. Paglabas nya ay wala syang suot pang itaas at nakaboxers lang sya.

Tumabi sya sa akin at umakbay, maya maya pa ay naramdaman ko ang mga halik nya sa leeg ko, nasarapan ako nun at hindi ko sya pinatigil nung gumapang na ang mga halik nya papunta sa labi ko ay bigla akong kumalas sa paghahalikan namin.

"What's wrong?"
ang tanong sa akin ni Xander

"I'm sorry, wala ako sa mood"

"Fine!"
at pumunta si Xander sa banyo para magsuot ng pang-itaas.

Halatang galit si Xander ng mga oras na yun. Tila ba parang napakalaking issue na hindi ko sya napagbigyan sa sex. Kaya nagpasya na ako umuwi.

"Uuwi na ko"
Sabay hawak sa cellphone ko.

"Ayan, tatawagan mo nanaman si Rob, bakit hindi ba kita kayang ihatid?"

"Hindi si Rob ang tinatawagan ko. Tsaka kung sya man, may problema ba?"

"Wala! Lagi na lang si Rob. Pucha!"

"Non-sense na to. Matulog ka na lang para lumamig ulo mo"
habang papalabas ako ng kwarto nya.

"Sya nga pala. Gusto ko lang ipaalala sayo Xander, hindi ikaw ang dahilan ng pag-uwi ko. Tsaka baka nakakalimutan mo, hindi tayo mag-on."

At tuluyan na akong umalis. Sobrang inis na inis ako nun dahil sa sagutan namin ni Xander. Tinawagan ko si Rob para magpasundo at naghintay ako. Natatakot ako nung mga oras na yun baka sundan ako ni Xander at mag-abot sila ni Rob. Paniguradong magagalit si Xander pag nakita si Rob. Mabuti ay hindi na sumunod si Xander at dumating na si Rob.

"Ano bang nangyari? Nag-away nanaman ba kayo?"
Hindi ako umiimik nung mga panahong iyon.

"Sabi na nga ba eh! Gago talaga yang Xander na yan. Pag nagkita kami sisitahin ko yan"

"Wag na, gulo lang yan"

"Wala akong pakialam. Ayoko ng ginaganyan ka. Ilang taon kitang inalagaan sa Canada tapos gaganyanin ka lang nya"

"Kaya pala walang nakikipagdate dati sakin sa Canada kasi bantay sarado ka"
at nagtawanan kami.

"Syempre"
habang nagtatawanan kami ay naalala ko si Xander. Bakit kaya parang hindi ko na kilala si Xander? Ano kaya ang nangyari kung bakit tila bumabalik ang dati nyang ugali.

Bigla akong nakonsensya sa mga ginagawa ko kay Rob. Lagi ko syang iniistorbo sa tuwing magpapasundo ako.

"Rob, sorry ha lagi na lang kita naabala sa mga ganito. Pero promise ko babawas bawasan ko na. Kasi naiistorbo na kita. Wala lang kasi akong ibang matawagan eh"

"Magagalit ako sayo kapag tinigil mo 'to. Kaya nga ako ang bestfriend mo diba? Masaya ako na ginagawa ko ito, so please wag maging damp blanket"
at nagngitian kami.

Sa totoo lang naisip ko na parang sa akin lang umiikot ang mundo ni Rob. Sa tuwing kailangan ko sya lagi syang nandyan para sa akin. Hindi sya nagdadalawang isip na unahin ako. Minsan nahihiya na din ako dahil sa kung anuman ang gusto ko ay nasusunod. Kaya minsan hindi ko na lang sya tinatawagan o text dahil gusto ko din naman na magkaroon sya ng time para sa pamilya nya.
Pagkadating sa bahay ay inaya ko pa syang kumain. Alam ko na hindi pa sya kumakain nun kaya hindi ko sya pinaalis agad at kumain muna kami ng late dinner. Natuwa naman sya dahil favorite nya yung ulam sa bahay. Muli kong nakita ang mga ngiti ni Rob na parang unti unti nang nawawala simula nung umuwi kami sa Pilipinas at nagkasama kami ni Xander.

Pagkatapos namin kumain ay pinadalhan ko sya ng suman. Paborito kasi ni Rob yung suman na piniprito tapos nilalagyan ng condensed milk. Bilang ganti sa mga ginagawa nya sa akin ay inaya ko na magbonding kami kinabukasan.

"Rob, may lakad o may gagawin ka ba bukas?"

"Wala naman. Bakit? May pupuntahan ka? Hatid kita"

"Kasama ka, kung gusto mo. Para makabawi man lang ako sayo, sa lahat"

"Ano ka ba hindi naman ako humihingi ng anumang kapalit eh. Basta masaya ka dun din ako"

"Naguiguilty kasi ako, lagi na lang kita naiistorbo. Ano mapagbibigyan mo ba ako? Kahit ilang oras lang. O kaya lunch lang. Please?"

"Tsk. Ikaw pa! Kahit isang linggo pa pwedeng pwede ako basta ikaw"

"Thank you! Bukas ako magdadrive ah ako naman"

"Nakapagrenew ka ba ng driver's license?"

"Oo naman after yata ng one week natin dito, sumabay ako ng pagrenew kay Macky (pinsan ko)"

"Ah ganun. Kaya lang ayoko kasi pinagdadrive ako ng prinsesa. Ako ang dapat magsilbi tutal ako ang prinsipe"

"Rob, hindi ako si Cinderella!"
at nagtawanan kami

"Sige, ok na yun. Payag na ko na ikaw ang magdadrive bukas"
ang sabi ni Rob.

"Bukas before 9am na kita dadaanan. Wag ka na masyadong kumain ng breakfast kasi sa labas na tayo kakain hanggang dinner"

"Okay sige. Uuwi na ko para maaga akong magising"

"Sige hatid na kita"
Pagkahatid kay Rob ay natulog na din ako. Makalipas ang ilang minuto ay nagtext sya sa akin na nakauwi na daw sya. At nireplyan ko ito ng good night. Excited ako para bukas dahil sa makakabonding ko ang bestfriend ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagprepare para sa "bonding" o "date" mang maituturing nung araw na iyon. Dinaanan ko si Rob at mukhang excited din naman sya.

"Tara na BF! Bilis!"

"Eto na"
at sumakay na sya. Kumain kami sa Pancake House at pagkatapos nun ay nanood kami ng sine sa Resorts World. Gandang ganda ako dun dahil first time ko din makapunta doon. Nakadalawang sine kami ni Rob. Halatang enjoy naman sya sa bonding namin. Kumain kami ng lunch bandang 3pm na. Masayang masaya ako nung araw na yun. Marahil ay ganun talaga pag gusto mo din ang kasama mo. Walang negative vibes nung araw na yun. Lahat ng moment masaya, hindi katulad nung minsan kaming lumabas ni Xander na nauuwi pa sa pagtatalo. Lahat ng minuto na kasama ko si Rob ay enjoy na enjoy ako. Hindi ko din maipaliwanag pero ibang kasihayan ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Mahilig umakbay si Rob at hindi sya nahihiya na gawin yun, kahit na nagmumukha na kaming mag-syota ay ayos lang sa kanya. Pinagtitinginan din kami ng bawat lalaki at babae na nakakita sa amin. Malamang inisip nila na kami nga.

Pagkatapos namin manood ng sine ay pumunta kami sa Manila Ocean Park. Sobrang nag enjoy kami doon dahil sa maganda naman talaga ang pasyalang iyon. Nung kinagabihan ay kumain kami sa isang restaurant na malapit dun.

"Thank you Rob kasi pinayagan mo akong i-treat ka"

"Ikaw pa, kelan ba ko tumanggi sayo? Wala yun. Nag enjoy ako, sobra. Thank you GF. Sana hindi ito yung huli"

"Bakit naman magiging huli?"

"Pag sinagot mo na si Xander at naging kayo na, hindi na natin magagawa ito"

"Rob, kahit anuman ang mangyari mauulit at mauulit pa din 'to"

"Thank you"

"Naku wala yun, so paano uwi na tayo?"

"Inaantok ka na ba GF?"

"Hindi pa nga eh"

"Good! May pupuntahan tayo, this time ako na magdadrive"

"Okay sige. Let's go?"
at umalis na kami sa restaurant.

Dumaan kami sa isang simbahan na malapit dun kahit gabi na ay natyempuhan naming bukas pa dahil fiesta dun kinabukasan. Kumpara kay Xander, mas religious si Rob at kami ang madalas magsimba pareho. Nagdasal si Rob at ganun din naman ako. Pinagdasal ko na sana wag Nya ako pabayaan at ang pamilya ko. Na sana mahalin ako ng tunay kung sino man ang nakatakda para sa akin. Sa puntong iyon parang nagiging mas malinaw na sa akin ang lahat at parang alam ko na ang sagot sa mga pinagdadasal ko.

Pagkatapos nun ay dumaan kami sa Starbucks at binilhan ako ni Rob ng frappe. Masaya kaming nagkwekwentuhan habang nasa sasakyan. Maya maya pa ay nasa Manila Bay na kami. Manonood pala kami ng fireworks display at may dala syang tickets para sa amin.

"So pinaghandaan mo 'to ganun?"

"Of course! Alam ko naman kung gaano mo kagusto ang mga ganyang show. If I had time and enough space, Bibili ako ng mga fireworks para mapanood mo na tayong dalawa lang. Pero alam ko naman na magugustuhan mo din ito kaya okay lang kahit madaming tao"
at nginitian nya ako.

"Alam mo Rob, actually this is too much. But thank you talaga sa lahat. You know how much I love you"

"I know. Tara na, na para makaupo na tayo"

Ilang minuto pa lang ay nagsimula na ang show. Gandang ganda ako sa mga fireworks at hindi ko mapigilang mapangiti. Napansin ko din na tumitingin sa akin si Rob at napapangiti sya kapag nakikita nya akong tuwang tuwa sa mga fireworks.

Nang matapos ang show ay umuwi na kami.

"Sana nag-enjoy ka GF"

"Kung alam mo lang. Sana ikaw din nag-enjoy"

"Syempre naman! Basta kasama kita okay na okay na ko kahit saan pa yan"
at kiniliti ko sya ng konti. Habang nagkwekwentuhan kami ay tumawag ang Tita ko from Canada.

Pinapanood ako ni Rob habang kausap ko ang Tita ko hanggang makarating kami sa bahay ay tsaka pa lang natapos ang usapan namin ng Tita ko.

"Tara Rob pasok ka muna kain tayo ng snack"

"Okay"
at pumasok na kami. Pagbukas ko ng bahay ay nandoon ang parents ko at ang mga kapatid ko. Nagmano naman agad si Rob na ikinatuwa ng parents ko. Binati din ni Rob ang mga kapatid ko.

"Ang gwapo mo talaga Rob hijo, kamusta ka na? Thank you nga pala sa pag-aalaga mo kay Travis ah? Lagi ka kasing nakwekwento nya sa amin.."
ang pagbati ng Mommy ko at bigla din akong nahiya.

"Mom!"
ang sabi ko sa Mommy ko.

"What's wrong? Hay naku Rob, wag mo pansinin yan si Travis"
at parepareho silang natawa nila Dad.

"Ay Mom, kakatawag lang ni Tita Denise, ang sabi nya cancelled na daw yung honeymoon nila sa Baguio kasi sawa na daw si Uncle Bob sa malalamig na lugar. Ang concern lang ni Tita is that bayad na yun and tayo na lang daw gumamit. 2 persons lang daw kasi Honeymoon Suite daw yun. So kayo na ni Dad ang pupunta?"

"Ay hindi kami pwede ng Daddy mo may lakad kami"
Sabi ng Mom ko at nagngitian sila ng Daddy ko.

"Eh di kaw na lang Jake (kapatid ko) sama mo girlfriend mo"

"Trav, may pasok kami. Tsaka di papayag si Mom nakita mo namang takot yan ng magkaanak kami ng maaga"
at nagtawanan kami.

"Ikaw na lang kaya Trav, sama mo si Rob"
"Rob, may lakad ka ba nun anak? Baka pwede kayo na lang ni Travis magpunta sayang naman yun anak sige na kayo na lang"
Ang sabi ng Mom at napangiti sila na hindi ko mawari kung bakit.

"Si Mommy kung makapaghiling kay Rob, baka may lakad yung tao maabala pa"

"Okay po Tita kami na pong dalawa ni Trav ang pupunta dun. Thank you po ah!"

"Anything for you hijo, parang anak ka na din naman namin, or soon to be?"
nahiya ako sa sinabi ng Mom ko at sinaway ko ito agad.

"Mommy!"

"Joke lang naman"
ang sabi ng Mommy.

"O paano, maiwan na muna namin kayo ah, Rob, anak. Welcome to the family"
nagulat ako sa sinabi ng Daddy ko at napatulala ako ng ilang segundo.

"Sige po Tito, Tita good night po! Jake! Basketball na lang minsan"

"Good night din"
ang pagbati ni Mom.

"Sige Kuya Rob"
at ang sabi ni Jake, ang kapatid ko.

Nahalata ni Rob na nagulat ako at agad naman nya akong tinanong.

"Okay ka lang?"

"Oo naman, slight"
at nagngitian kami.

"Sorry ha, nakakahiya, napilit ka pa tuloy ng Mommy na sumama sa Baguio. Ang iniisip ko kasi baka may lakad ka nun"

"Wala yun, matagal ko na nga gustong pumunta ng Baguio eh kaso hindi ako makatyempo sayo, kaya eto na yun"

"Okay lang talaga ha? Pwede ka pa namang bumawi kung hindi mo talaga gusto pumunta"

"Gusto gusto ko lalo na ikaw ang kasama ko. Mas okay pa sa okay"

"Hmm. Bola. Tara kain muna tayo, ano gusto mo may tokneneng dito, pinaluto ko kanina nung pagkadating natin"

"Wow ah, lahat ng favorite ko talaga ha"

"Syempre, tara na"
at nagsimula na kami kumain. Kahit buong araw na kami magkasama ni Rob ay hindi kami nauubusan ng topic na pagkwekwentuhan. Hindi namin namalayan na malakas pala ang ulan kanina pa at bumaha na sa kanto papuntang Edsa. Biglang bumaba ang Mommy ko para kausapin kami.

"Rob, anak ang lakas ng ulan, wag ka na umuwi dito ka na matulog. Delikado nang umuwi baka maabutan ka pa ng baha. Tatawagan ko na lang si Mare ako na magsasabi na dito ka matutulog"

"Ma, pwedeng tanungin nyo po muna si Rob kung anong gusto nya? My God naabala nanaman sya! Tsaka Mom, Mare talaga ang tawagan nyo ni Tita?"

"Trav, okay lang, nagtext naman na si Mommy ko baha na daw sa dadaanan ko"
"Tita okay lang po"
ang sabi ni Rob.

"Tignan mo Travis masyado kang kontra talaga, Mare tawagan namin ng Mommy ni Rob kasi diba nagkita na kami dati nung nagpadala kami para sayo nung pabalik na ng Canada yung kuya ni Rob"
ang sabi ni Mommy.

"Wow ah!"
Kahit na ganun ay parang magkaibigan lang kami mag usap ng mommy ko pero may paggalang pa din naman.

"Sige aakyat na ko tatawagan ko pa si Mare"
"Travis ikaw na bahala sa boyfriend mo"

"Mom!"
ang pagsuway ko sa Mommy ko. Natawa naman silang dalawa ni Rob.

"Rob, anak bahay mo na din 'to. Alam mo na yun ha, Good night na"
at umalis na ang Mommy ko.

"Ang sakit sa ulo Rob, bakit nila trip na trip nila ko ngayon. Nakakabaliw! Ano bang meron? May hindi ka ba kinikwento sa akin?"
at nginitian at kinindatan ko si Rob.

"Syempre wala! Gusto lang siguro nila ako"

"Anong siguro? Gusto ka talaga nila, pasensya ka na sa sinabi ni Mom"

"Saan sa boyfriend?"
at tumango ako.

"I like it"

"What?"

"I like it. I like it nung sinabi ni Tita na Trav, ikaw na bahala sa boyfriend mo"

"Alam mo I like it din, na matulog kasi late na"
at nagtawanan kami. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kwarto.

Una akong naligo at sumunod naman sya. Pinahiram ko sya ng towel at bagong boxers pati sando. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na sya ng C.R. Napatingin ako sa magandang katawan ni Rob. Sobrang defined ng mga cuts sa body nya, halatang batak sya sa gym.

"GF, eto na yung sando, alam mo naman na boxers lang sinusuot ko pag natutulog, hindi ako kumportable pag may isuot na pangtaas"

"Alam ko naman yun, binigyan lang kita in case"

"Okay lang ba tumabi sayo? Or sa sahig na lang ako?"

"Naku naman si BF nagpaawa pa. Nagtatabi naman tayo sa kama nung nasa Canada tayo, so what's wrong kung magtabi tayo ngayon?"

"Wala lang, baka nacoconscious ka lang kasi nandyan na si Xander eh"

"Never! Tulog na BF. Good night!"

"Good night!"
at natulog na kami.

---

Late na akong nagising kinaumagahan. Nakita ko na wala na si Rob sa tabi ko. Akala ko nasa cr lang sya at hinintay ko syang bumalik. Nakatulog ulit ako kakahintay sa kanya at nung magising ako at tumayo na ay nakaalis na pala sya. Nalaman ko lang nung nagtext sya sa akin na maaga syang umuwi para ayusin ang mga gamit nya para sa aming trip papuntang Baguio. May dalawang araw pa bago kami pumunta dun pero nakita ko sa kanya ang excitement na makasama ako.

Hindi nagtetext si Xander pagkatapos namin mag-away. Nagtaka ako kasi si Xander yung tipong hindi pinapatagal ang pagsosorry lalo na kung kasalanan naman nya. Ilang araw na ang lumipas pero parang wala lang sa kanya. Hindi na din ako nag-expect na magsosorry sya dahil para sa kanya kasalanan ko na hindi makipagsex sa kanya.

Dumating ang araw na pagpunta namin sa Baguio ni Rob. Sya ang nagdrive at ako naman ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin namin. Mabilis magpatakbo si Rob ng sasakyan pero kampante naman ako na walang mangyayari sa aming masama. Nagstop over kami ng dalawang beses para kumain sa Jollibee at sa Mcdonald's. Paborito kasi ni Rob yun at para syang bata na madaling i-please.

Malapit na kami sa Baguio nung nakatulog ako sa sasakyan. Makalipas ang ilang minuto ay nagising ako pero hindi ako dumilat agad. Pinakiramdaman ko si Rob. Hininto nya ang sasakyan at bumaba, pumunta sya sa pwesto ko, nirecline ang upuan at nilagyan ako ng unan. Sobrang kinilig ako sa ginawa nyang iyon pero hindi ako nagpahalata. Makalipas ang ilang minuto ay gumising na ako at nagkunwaring hindi alam ang ginawa nyang pag aalaga sakin.

"O, bakit may unan na ako tsaka nakarecline yung upuan?"

"Nakatulog ka kasi, gusto ko komportable ka kaya yan"
at nginitian nya ako.

"Thank you, ang sweet mo ha. Teka, malapit na ba tayo?

"Yep malapit na"

"Good!"
at binaba ko ang bintana ng sasakyan. Damang dama ko ang malamig na hangin at nakita ko kung gaano kaganda ang Baguio.

Maya maya pa ay narating na namin ang hotel. Naabisuhan naman ang staff na kaming dalawa ni Rob ang pupunta kaya hindi naman nagkaroon ng problema. Hinatid kami ng Bellboy sa kwarto at nagandahan kami pareho ni Rob sa kwarto. Pang honeymoon suite nga ito at talagang kahit sinong couple na matulog sa kwartong iyon ay mamamangha sa ganda. Napakaromantic ng ambience.

"Wow, this is great. Ang ganda ng taste ng Tita mo mamili ha"
ang sabi ni Rob.

"Oo nga eh, I wonder kung magkano per night dito but wag na natin isipin yun tutal bayad naman na eh. Enjoyin na lang natin"

"Exactly, gutom ka na ba? Come on let's eat"
at hinawakan ni Rob ang kamay ko at inaya ako sa baba.

May sariling restaurant ang hotel kaya hindi na din kami lumayo. Maganda ang restaurant kasi yung pinili ni Rob na pwesto namin ay tanaw mo ang mga Pine Trees. Ang ganda ng view. Pero masasabi ko na nagpadagdag ng ganda ng view ay ang kasama kong si Rob.

Nag dinner for two kami ni Rob. Literal. Dalawa lang kasi kami. Kung titignan kami ay parang nagdedate kami. Hindi ko maiwasan pero kinikilig ako na kasama ko si Rob ng mga panahong iyon. Nakita ko din na masaya syang kasama ako. Habang kumakain ay tuloy tuloy ang aming kwentuhan. Nang matapos na kami ay nag-ayang lumabas si Rob.

"Pagod ka na ba GF?"

"Hindi pa naman, bakit? Ikaw ba?"

"Hindi pa din, labas tayo?"

"Sure, tara"
at umalis na kami ng Restaurant.

Pumunta kami ni Rob sa SM Baguio, nag ikot ikot at nung mapagod na ay nagpunta kami sa aming favorite coffee shop. Doon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-usap ng masinsinan.

"GF, Yung deal ba natin intact pa din ba?"
tinignan ko ang mata ni Rob na tila nagsasabi na umoo ako.

"Oo naman. Intact pa din yun"
at nginitian ko sya.

"I hope hindi ito yung last na out of town natin baka hindi ka na sumama sa akin pabalik ng Canada lalo na nandyan na si Xander, hindi din natin kasi natin alam kung ano pa ang pwedeng mangyari"

"Don't worry, Rob"

"Thank you, for the love sana nagawa ko ang lahat para mapasaya ka.."
pinutol ko ang pagsasalita ni Rob.

"Ang dami mo nang nagawa para sa akin. Kung alam mo lang"
at napangiti ko din si Rob.

"Oh well, what can I do. Talagang hooked na hooked lang ako. Ganun talaga siguro pag inlove"

"True. Very true"
at nagtawanan kami. Pagkatapos nun ay naging masaya na ulit ang aming kwentuhan.

Medyo late na nung nagpasya kaming bumalik ng Hotel. As usual naligo si Rob at pagkatapos nya ay ako naman. Dahil sa pagod ay nakalimutan kong kunin ang twalya ko. Kaya kahit na basang basa ako ay tinawag ko si Rob habang nasa loob ako ng banyo at nagtakip gamit ang pinto ng CR.

"Rob! Yung towel ko pakikuha naman please?"

"Coming!"
pagkalapit ni Rob sa pinto ay kakaiba ang tingin nya sa akin. Tila nadadala ako sa bawat tingin nya pero alam kong bugso lang iyon ng damdamin. Alam kong kahit kelan ay hindi magtetake advantage si Rob sa akin. Dahil sa pagmamadaling makapagbihis ay nakalimutan kong ilapat ang pinto. Alam ko nakita ni Rob ang buong likod at pwet ko pero para sa akin balewala na lang yun.

Paglabas ko ay nakaboxers na pantulog si Rob. Halatang giniginaw sya dahil wala syang suot na pang-itaas.

"Giniginaw ka? Pahiramin kita ng sando gusto mo?"
at nginitian ko sya.

"Mas okay na sa akin yung Human Blanket, Canada style. Namimiss ko na yun eh"

"Sure! Yun lang naman pala eh"
Natuwa ako kasi muli kong mayayakap sa pagtulog si Rob. Nakagawian namin kasi ito sa Canada. Pag malamig dun at sa unit natutulog si Rob ay nagyayakapan kami sa pagtulog. Pero bilang magbestfriend ay hindi namin ito nilalagyan ng malisya, dahil una ayokong mailang si Rob at pangalawa, ayaw ko ding matigil yun.

Nagpasya na kaming matulog na.

"Good night BF"

"Good night GF, hug mo na ako giniginaw na ako eh"
at niyakap ko si Rob habang ang ulo ko ay nasa braso nya. Parang mag-asawa kami ni Rob ng mga oras na yun. Damang dama ko ang laki ng biceps nya at ang abs at chest nya. Hindi ko maintindihan pero parang nakukuryente ako sa pagyakap kay Rob. Kuryente na nagbibigay sakin ng kakaibang init at mas napapahigpit ang yakap ko sa kanya. Tila namagnet ako ng mga oras na yun at pakiramdam ko ay walang may kayang manakit sa akin habang yakap ako ni Rob. Safe and Sound yan ang estado ko nung mga oras na yun. Amoy na amoy ko si Rob, ang kanyang amoy na parang kumakapit sa akin, ang paghinga nya ay ramdam ko din. Kahit na ganun ay hindi gumawa ng kahit ano sa akin si Rob. Ginagalang daw nya ako at hindi kami aabot sa sex. Gagawin lang daw namin yun kapag nasa tamang panahon na kami para gawin yun.

Maya maya pa ay nakatulog na kami. Nagising ako ng bandang 3:00 AM dahil sa naiihi ako. Hindi na nakayakap sa akin si Rob kaya madali akong nakabangon sa kama.

Pagbalik ko ay naghahanap ako ng tissue pamunas ng kamay ko dahil kakahugas ko lang ng kamay. Pumunta ako sa side table ni Rob, kumuha ng tissue at sa side na yun sya nakabaling. Habang nagpupunas ng kamay ay napatitig ako sa mukha ni Rob. Doon masasabi kong sobrang gwapo nya para sa akin at di hamak na mas lamang sya sa panlabas na anyo kumpara kay Xander. Tuwang tuwa ako habang pinapanood ko matulog si Rob. Hinila ko pataas ang comforter nya at hinalikan ko sya sa pisngi at natulog na din ako. Maya maya pa ay yumakap na sa likod ko si Rob. Mahigpit ang yakap nya at damang dama ko ang paghinga nya sa leeg ko. Niyakap ko na lang din ang braso nya at nakatulog na ako.

Kinabukasan ay nauna syang magising sa akin. Nung dumilat ako ay parang pinagmamasdan nya din ako.

"Good morning BF, hindi ka ba masyadong gininaw?"
ang pagbati at tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, effective ang Human Blanket eh"
at nagngitian kami.

"Tara, get dressed na. Kain tayo"
at bumangon na kami sa kama at bumaba na kami.

Habang nagbebreakfast kami ay damang dama namin ang lamig ng Baguio. Talagang napakasarap gumising araw araw lalo na kung ganun kaganda ang lugar at kung gaano kagwapo yung makikita mo sa pagdilat ng mata mo.

"GF, may itinerary kang ginawa diba?, san tayo pupunta mamaya?"

"Ok na yung itinerary natin hanggang sa last day natin dito, mamaya sa Burnham Park tayo pupunta"

"Okay sige prep ko na yung camera natin pagdating sa kwarto"

"Ay Rob! Yung strawberries ha wag na wag mong kalimutan ipaalala. Madami tayong gagawin sa strawberry pagbalik natin sa Manila"
at sinagot ako ng thumbs up ni Rob.

Buong araw kaming nasa labas ni Rob. Pagtulog at paliligo lang ang ginagawa namin ni Rob sa hotel. Gabi na kami bumabalik sa hotel. Kahit na pagod ay sulit naman ang lakad namin. Sa loob ng pamamalagi namin dun ay nagustuhan namin ang Baguio ng sobra. Ayaw pa namin sana umuwi pero may dapat kaming sundin na plano kasi ilang araw na lang ay babalik na kami ng Canada.

Ang dami naming pictures ni Rob. Gabi gabi sya nag uupload, masaya syang pinapakita ito sa kanyang Facebook. Nung paalis na kami ay ang dami din naming nabiling pasalubong. Sobrang saya ng trip namin sa Baguio. Alam ko madami pang pwede mangyari at madami pa kami pwede puntahan in the future pero hinding hindi ko makakalimutan ang biyahe namin sa Baguio.

Bukod sa ganda ng tanawin, mga pictures at mga pasalubong na inuwi namin ay hindi ko inakala na may mas maganda pa palang nangyari sa Baguio. Yun ay ang realization na hindi ko pala talaga kayang iwanan si Rob.

Umalis kami ni Rob ng Baguio bandang hapon na. Nakarating naman kami ng Manila ng safe. Hinatid nya ako at umuwi na din sya sa Condo unit nila. Kahit na pagod kaming dalawa ay hindi naman sayang ang pagod namin.

Makalipas ang isang linggo ay pumunta si Xander sa bahay. Tinawag ako ng kapatid ko at may bisita daw ako. Pagkita ko si Xander pala at may dala syang isang maliit na box.

"O bakit napadalaw ka bigla?"

"I just want to say sorry"
Kitang kita ko ang sincerity ni Xander ng mga oras na yun.

"Sige na, okay na yun, ano 'to?"
sabay abot sa box na dala nya.

"Sylvannas. Peace offering ko"

"Kaw talaga"
At kinain ko ang dala nya. Naalala ko na hindi ko pa naibibigay sa kanya yung mga regalong naipon ko.

"Saglit lang, may kukunin lang ako sa itaas"
Pagbaba ko ay may kausap na si Xander, nagtataka ako kung sino yun. Iniwan ko syang mag-isa at ngayon ay may kausap na sya. Malabo naman na kapatid ko kasi paalis na sya nung dumating si Xander, kaya nagdahan dahan ako para makita kung sino ang kausap nya. Laking gulat ko na si Rob ang kausap nya at seryoso ang tono ng usapan nila.

Rob: Let's see kung sino ang pipiliin nya sa atin. Trav and I spent 3 years in Canada together. Hindi mo na mabubura yun bro.

Xander: I don't care. Alam ko naman kung sinong mas mahal nya sa atin.

Rob: Wow! Ang taas ng confidence mo brother!

Alam kong iba na ang pinag uusapan nila kaya nagpakita na ko at nagkunwaring walang narinig.

"Rob! Kanina ka pa?"

"Hindi naman, hinatid ko lang 'tong request mo na pastillas"

"Diba para bukas pa yan? Meron na agad?"

"Syempre pinapunta ko pa si James (driver nila) kahapon para makabili at maibigay ko sayo agad"
at napansin ko na tila inaasar nya si Xander.

"Thank you! Matagal na ko nagkecrave dito, ay Rob dito ka na mag-lunch"
pagkasabi ko noon ay parang nag iba ang mood ni Xander.

"Sorry, maglulunch kasi kami nila Mommy at Dad"

"Ah okay"

"Ah oo nga pala bago ko makalimutan, GF tomorrow ha sa bahay, dinner with the fam bam. Ikaw, Xander sama ka?"

"Hindi ako pwede bukas, may lakad ako"
ang sabi ni Xander na halatang naiinis na.

"Sayang naman. So, paano una na ako, wag mo na ko ihatid GF wag mo iwan si Xander."
ang paalam ni Rob

"Okay sige ingat ka ha?"

"Yeah sure. Hey Xander, Box tom"
nagtaka ako sa mga words na sinabi ni Rob, box tom ano kaya yun kaya pagkaalis ni Rob ay tinanong ko agad si Xander.

"Anong Box tom?"

"Manonood kasi kami ng boxing bukas"

"Bakit hindi ako kasama?"

"For boys lang yun"

"Girl ba ako? Pang lalaki pa din naman 'tong katawan ko ah"
at nagtawanan kami.

"Naalala mo yung barkada ko na si Bryan nung College?"

"Oo naman yung kabarkada nyo, Si Bryan"

"Pinsan pala sya ni Rob, kaya yun magkasama kami bukas"

"Ah talaga? Small world ha, bonding?"

"Maybe, tsaka nga pala bakit GF ang tawag sayo ni Rob?"

"Great friend ang ibig sabihin nun"

"Ah okay"

Inaya ako ni Xander na lumabas at manood ng sine. Pumayag ako dahil wala naman akong gagawin nung araw na yun. Habang nagbobonding kami ay parang iba ang pakiramdam ko. Hindi ako masyadong nag-enjoy at hindi ko ito pinahalata kay Xander. Yung pagmamahal na dati kong nararamdaman ay tila nawawala na. Dati nung hindi pa kami nagkikita ay hinintay ko ang pagkakataong magkita kami muli, pero ngayong nandito na sya ay parang hindi ko na naramdaman na mahal ko pa din sya. Parang isang kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya at parang si Rob na ang pumalit sa pwesto nya. Sa pagkakataong iyon naramdaman ko na parang hindi ko na kilala ang Xander na kasama ko ngayon, ibang iba na sya. Tila binago na sya ng tatlong taon na hindi kami magkasama. Madami akong hindi na alam tungkol sa kanya at nagkakaroon pa kami ng maliit na pagtatalo sa mall na ikinawala ng gana ko.

Habang nasa sasakyan kami pauwi ay napansin nya na tahimik lang ako.

"Okay ka lang?"

"Oo naman"

"Bakit ang tahimik mo?"

"Nag-iisip lang"

"About Rob? Come on"

"Alam mo wala na sa lugar ang pagseselos mo, lagi na lang si Rob"

"Hindi ako nagseselos. I know sa akin ka din naman mapupunta eh. So what's the point diba"

Hindi na ako kumibo nun. Maya maya pa ay nagring ang phone ko.

"Hello"
at biglang hinablot ni Xander ang phone ko.

"Hello, bro, Rob mamaya ka na lang tumawag kasi nasa biyahe kami pauwi.."

"Xander, give it to me"
at tinignan ko nang masama si Xander at binigay naman nya ang phone ko.

"Rob, I'm sorry. Bakit ka napatawag?"
habang kausap ko si Rob ay sumusulyap sulyap si Xander. At nang matapos ko sya kausapin ay tinanong nya ako agad.

"Ano yun?"
ang tanong ni Xander.

"Si Rob, nagpapagawa ng protein shake para daw bukas, dadaanan nya sa umaga"

"Ah okay, the nerve of that guy"
ang pabulong na sabi ni Xander. Narinig ko ito pero hindi ko na lang pinansin at ayoko na din makipagtalo at pagod na din ako nun.

Nang makarating sa bahay ay nagpahinga na ako. Dahil maaga pa akong gigising para sa protein shake ni Rob. Lagi ko itong ginagawa nung nasa Canada pa kami at iniinom ito ni Rob bago sya mag-gym. Ewan ko din ba kahit na marunong naman sya ay parang gustong gusto ko ito gawin palagi.

Maaga akong gumising kinabukasan. Ginawa ko ang protein shake ni Rob ito yung whey protein powder at isang banana na blinend. Nilagay ko ito sa tumbler at hinanda ko ito dahil anumang oras ay kukunin na ito ni Rob.

Maya maya pa ay may nag-doorbell at si Rob iyon. Nakasando lang sya at bakat na bakat ang well defined nyang chest. Napansin ko din na lumaki ang braso nya.

"Parang ang ganda ng katawan mo ngayon, anong meron?"
ang tanong ko kay Rob.

"Wala naman, dati pa naman diba kahit nasa Canada pa tayo, hindi mo lang napapansin kasi si Xander lagi nasa isip mo"

"Loko ka talaga, O ayan na ang protein shake mo, just the way you like it"

"Ewan ko ba kung bakit ang sarap mo gumawa nito"

"Naku nambola pa sya"

"May dala nga din pala ako para sayo"
at iniabot ang canister na three layers.

"Ano yan?"

"Breakfast mo"
at binuksan ko ito.

"Sorry ha kung medyo hindi pa perfect ang pagluto ko, pero pinag aaralan ko naman, para pag nandun na tayo sa Canada ako naman ang magsisilbi sayo, kung babalik ka pa dun kasama ako"

"Ano ka ba okay lang yun nag eenjoy naman ako sa pagluto at thank you kasi nag-effort ka pa talaga. Tsaka oo naman babalik pa ako dun bakit naman hindi"

"Syempre nandito si Xander"

"Hay naku saka na yang mga ganyan"
at nagtawanan kami.

"Alis na ako GF, thank you"

"Okay, sige, thank you din. Ingat ka ha? Magtext!"

"Alright"

Pagkatapos nun ay bumalik ako sa pagtulog. Kinagabihan ay nagdinner kami kina Rob. Naging masaya ang dinner namin. Puro kwentuhan kami ng parents nya at ng mga nakababata nyang mga kapatid. Napansin ko na may pasa sa panga si Rob pero hindi ko ito tinanong agad.

Nang matapos ang dinner namin ay nakapag usap kami ni Rob.

"Bakit may pasa ka sa panga"
at hinaplos ko ang paligid nito, pumunta ako sa kusina nila, kumuha ako ng yelo at binalot sa bimpo at pagbalik ay dinampi ko ito sa pasa nya.

"Sa sparring yan kanina"

"What? Sino naman? Don't tell me si.."

"Yep si Xander, mas malaki naman yung pasa na binigay ko sa kanya"

"Alam mo ayoko ng ganyang nagkakasakitan kayo"

"Bakit hindi ko sya bubugbugin eh may ginawa sya sayo"

"Ano naman yun?"
at tumitig sa akin si Rob.

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Syempre, Rob sabihin mo na"

"Diba kilala mo si Bryan, yung barkada nya na pinsan ko? Sinabi nya sa akin na pinagpustahan ka lang daw nila Xander"

"What do you mean?"
nag-iba ang mood ko ng mga oras na yun.

"Pag na-inlove ka kay Xander, bibigyan sya nila Bryan ng 50,000 pesos bilang premyo kung hindi naman ay si Xander ang magbabayad ng same amount, ang cruel diba"
hindi ako agad nakapagsalita ng mga oras na yun.

"Recorded ang lahat ng conversations nyo, sa cellphone nakarecord bilang ebidensya sa mga pag-uusap nyo. Pero sabi ni Bryan umayaw daw si Xander nung tinaasan na daw yung pustahan kasi mahal ka na daw nya. But the point is, minahal ka ba talaga nya?"

"I can't believe this Rob, may ganito pala in real life. Fuck! Akala ko pang soap opera lang to!"
Sobrang inis at galit ang naramdaman ko ng mga oras na iyon at napagbalingan ko si Rob.

"I doubt na magagawa sa akin yun ni Xander"

"So are you trying to tell me na gawa gawa ko lang ito?"

"I don't know, maybe para magkasira kami ni Xander. O that's your plan?"

"Sige nasa sayo naman yan, kung tingin mo ganun ako kadesperado para mapunta ka sa akin, eh di yun ang paniwalaan mo. Simula nung nakilala kita sinabi ko sa sarili ko na poprotektahan kita tapos ganito lang pala. Sana hindi ko na lang pala sinabi para hanggang ngayon nabubuhay ka sa kasinungalingan na minahal ka talaga ng Xander na yan, kahit kinuha nya ang fifty thousand"

"I'm sorry"

"No its okay. Sige na Trav, ipapahatid na kita sa driver, pagod na kasi ako"
pagkatalikod nya ay napansin kong tumulo ang luha ni Rob. Naguilty ako and at the same time naawa. Pero hindi ko maalis sa sarili ko na galit ako. Galit ako dahil baka totoong pinagpustahan lang talaga ako.

Pagkauwi ng bahay ay tinext ko si Zoey na kung pwede ay mag-usap kami bukas. Sinabi nya na sa bahay na lang daw nila ni Raf at para makapag-lunch na din kami.

---

Kinabukasan ay maaga ako nagpunta sa kanila. Gusto kong sabihin ang lahat ng sinabi sa akin ni Rob. Pagdating ko ay pinapasok ako ng kasambahay nila dahil kilala naman ako sa kanila. Tinext ako ni Zoey na padating na daw sya at may binili lang sya saglit. Pagdating ko sa kanila ay may nag-uusap na dalawang lalaki sa bandang likod ng bahay. Nalaman ko na si Raf at Xander ang nag-uusap. Pumwesto ako malapit dun para marinig ang pinag uusapan nila. Alam ko na masamang makinig sa usapan ng iba pero dahil sa narinig ko na binanggit ni Xander si Rob ay hindi ako nagdalawang isip na makinig.

Xander: Gago talaga yang Rob na yan binugbog ako, kaya pala nag-aya na manood ng boxing eh yun pala mag sparring kami ng tarantado.

Raf: Bakit ka naman bubugbugin ng tao, unless may ginawa ka?

Xander: Si Bryan kasi isa pang gago magpinsan nga sila. Inamin na pinagpustahan lang namin si Travis nung College.

Raf: What? Pinagpustahan nyo si Travis? Ikaw ang gago mas gago ka pa sa gago!

Xander: I know, kaya nga bumabawi ako ngayon eh.

Raf: Kelan mo sasabihin kay Travis?

Xander: Bakit ko naman sasabihin? Hindi nya kailangan malaman yun!

Raf: Tarantado ka! Ayokong maglihim sa asawa ko. Pag nalaman to ni Zoey masasampal ka pa nun, bestfriend ng asawa ko yung niloko mo!

Xander: Hindi naman nila ito malalaman diba?

Raf: Hindi pwedeng pagtakpan kita habangbuhay. Kailangan mong sabihin kahit na ano ang maging reaction nila tanggapin mo. Consequence yan ng kagaguhan mo.

Xander: Alright. But not now. Lalo pa na mas nagiging okay kami ni Trav.

Parang gustong sumabog ng ulo ko pagkatapos kong marinig ang lahat. Fifty thousand ang naging halaga ko kay Xander at sa paglalaro nila ng damdamin ko.

Pumunta ako sa CR at inayos ang sarili ko. Sa totoo lang ay hindi na ako naiyak sa mga nalaman ko. Dahil siguro sayang lang ang mga luha ko dahil sa ngayon na alam ko na sa sarili ko na mas mahal ko si Rob at mahal din nya ako. Sa tagal na magkakilala kami ni Xander ay parang nabuhay ako sa kasinungalingan. Nabuhay ako sa pantasya na minahal talaga ako ni Xander.

Lumabas ako ng CR at saktong pagdating naman ni Zoey.

"I'm home! Kanina ka pa?"
ang tanong sakin ni Zoey.

"Hindi naman masyado"
at pumasok na ng bahay sila Xander at Raf at agad naman akong binati ni Raf.

"O Trav andito ka na pala. Kadarating mo lang?"
ang tanong ni Raf.

"Nauna ako kay Zoey. Nag CR lang ako pagdating ko dito. San ba kayo galing?"

"Ah nasa likod lang kami ni Xander"
Tinignan ko si Xander, mukhang hindi sya mapakali. Hindi nya alam kung may narinig ako sa usapan nila o wala. Mas madaming pasa sa mukha si Xander kumpara kay Rob. Dahil siguro sa mas malaki si Rob kay Xander ay madali nya itong nabugbog. May pasa si Xander sa pisngi, may black eye at putok ang labi. Habang nakaupo kami ay kakaiba ang kinikilos ni Xander. Hindi sya masyadong makatingin sa akin ng diretso. Halatang guilty.

Nang matapos na ang lunch ay may sasabihin lang daw sa akin si Xander,
Nag-excuse sya sa mag-asawa at sa labas kami nag-usap. Kontrolado ko ang sarili ko nun at sinabi ko na hindi ako magpapadala sa galit.

"Masaya bang manalo ng fifty thousand sa pustahan?"
tumingin lang sa akin si Xander. Natagalan bago sya nakasagot.

"I'm sorry. Alam mo na pala, dati pa yun Trav, nung immature pa ako, please forgive me"

"Sana dati pa lang sinabi mo na nang palihim na pustahan yun. Para naman naging madali ang task mo, pagbibigyan naman kita eh. O siguro ayaw mo ng may kahati sa fifty thousand, inisip mo siguro na hihingi ako sayo bilang bayad sa pagpayag ko na maging magkakutsaba tayo"

"It's not what you think. Tumanggi ako sa pustahan Trav"

"Oo tumanggi ka nung lumalaki na ang pusta. Pero kinuha mo pa din yung pera. Ibig sabihin lang nun pinagpustahan nyo lang talaga ako"

"I'm so sorry Trav, dati na yun. Ngayon ibang iba na ako. Tsaka mahal kita eh, totoo yun, alam ko na nararamdaman mo naman yun"

"Kung may pagkakataon ka noon, hindi mo din naman aaminin sa akin diba? Anong kasinungalingan pa ang hindi ko alam?"
Simula nun ay naiyak na si Xander sa sobrang guilty. Kahit na ganun ay nakuha ko pa din na maging kalmado kahit na umiinit na ang aming usapan. Inamin ni Xander ang isa pang bagay na hindi pa alam ng iba, kahit na ang pinsan nya ay walang alam tungkol sa kanyang bagong rebelasyon.

"Hindi totoong iba ang tatay ng pinagbuntis ni Mimi, anak ko yun Trav, iniwan ko kasi pakiramdam ko sayo talaga ako magiging masaya"
Nagulat ako sa sinabi nyang iyon. Muli ay nagsinungaling sya, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga hindi pa nakakaalam.

"Iniwan mo dahil sa akin? Sinungaling ka! Sa loob ng tatlong taon na hindi tayo nagkita hindi mo ko kinontak ni minsan tapos ngayon sasabihin mo dahil sa akin? Oh my God!"

"Gusto ko lang ibigay sayo ang time at space na kailangan mo kaya hindi kita kinontak"

"You're impossible. You know what hindi ko na alam kung ano ang totoo at hindi sa mga sinasabi mo. Napakawalang kwenta mong tao. Nakakahiya ka, hindi na ako magtataka kung pati ang anak mo hindi ka na kilalanin"

"I'm so sorry Travis, please patawarin mo ko"

"Wag kang pupunta sa bahay, baka makita ka ni Rob at bugbugin ka ulit, actually yung mga pasa mong yan, you deserve it, parang naiganti ko na ang sarili ko at si Mimi at ang anak mo"

"Sorry.."
Tumutulo ang luha ni Xander ng mga oras na yun. Naramdaman ko naman na nagsisisi sya sa mga ginawa nya. Pinag-ayos ko sya at baka mahalata kami ng mag-asawa. Ayoko munang malaman ni Zoey dahil magagalit ito at masasampal nya panigurado si Xander.

"Saka na lang tayo mag-usap. Please wag ka munang gumawa ng move. Bago kami umalis papuntang Canada mag-uusap ulit tayo"

"Thank you and I'm sorry"

At tumayo kami at pumunta sa living room. Halata ni Zoey na umiyak si Xander.

"What happened?"
ang nagtatakang tanong ni Zoey.

"Ah wala, nag heart to heart talk lang kami"
ang pag depensa ni Xander.

"Guys uuwi na din ako, wag nyo na ko ihatid ha, magtataxi na lang ako"
at umalis na ako sa bahay nila Raf at Zoey.

Habang papalabas na ng gate ng village nila ay may bumusina sa akin. Hindi ko masyadong napansin kung sino pero nung buksan nya ang window ay nakita kong muli si Josh, ang ex ni Rob.

"Travis! Pauwi ka na? Tara sabay ka na sakin"
nahiya ako at nag-alangan pero dahil kahit papaano ay may pinagsamahan din naman kami ni Josh ay sumakay na din ako, ayoko din naman tumanggi at baka mapahiya sya.

"Its been a long time na hindi tayo nagkita! Sa chat lang"

"Oo nga eh naging busy lang. Nareceive ko naman yung IM mo sakin yun nga lang nawala ko yung number mo kaya hindi kita macontact nung nandito na kayo"

"Kaya naman pala, namiss ko ang mga kwentuhan natin"

"Same here. Kamusta na kayo ni Rob?"

"Kami? Ok naman ganun pa din, wala naman bago"

"Ang bagal talaga nyang si Rob"
at natawa si Josh, parang nakuha ko na ang kanyang ibig sabihin ngunit tinanong ko pa din sya.

"What do you mean?"

"Mabagal in terms of panliligaw, alam mo naman na mahal na mahal ka nun"
at ngumiti si Josh sa akin.

"Okay lang sayo?"

"Of course! Bakit naman hindi, after nung breakup namin ay maayos naman namin napagusapan yun, tsaka walang bitterness nung nagkahiwalay kami, pareho naming desisyon yun. Nainlove ako sa iba habang kami pa at ayoko naman maging unfair sa kanya kaya napag-usapan namin na maghiwalay na kami. Alam mo naman na may communication pa kami hanggang ngayon diba?"

"Yes, nasabi nga nya, magbestfriend kaya kayo"

"Sakin sya laging humihingi ng advice tungkol sa mga dapat nyang gawin. Kung alam mo lang Trav kung gaano ka kamahal ni Rob, malamang pag-uwi mo ngayon sagutin mo na sya"
ang sabi ni Josh habang binabagtas namin ang kahabaan ng Edsa.

"Hindi pa nga pormal na nanliligaw eh!"
at nagtawanan kami.

"Ang sabi ko sa kanya dati na wag ka na nya pakawalan kasi kitang kita ko naman na masaya sya sayo, gusto ko ikaw na ang makatuluyan ni Bestfriend Rob"

"Thank you Josh, wow engagement ring?"
habang nakatingin sa singsing na suot ni Josh.

"No, wedding ring. Kasal na ako Trav"

"Wow! Kelan pa?"

"Last year, sa Spain kami nagpakasal ni Alfonso, uuwi sya dito para sunduin ako by next week nandito na yun, magkita kita tayo ha?"

"Oo naman, may 13 days pa naman kami dito"

"By next year dapat may suot ka na din na wedding ring ha? mag-promise ka Trav"

"Si Rob lang ang makakasagot nyan"
at nagkangitian kami. Nagpababa ako sa SM North Edsa. Nagpaalaman kami at nagpalitan ng mobile number.

"Thank you Josh! Next week ha."

"No problem, mag-ingat ka! Tatawagan kita okay?"
Tumango ako at kumaway kay Josh.

Sumakay ako ng Fx papuntang Bulacan at dun ako matutulog. Habang nasa biyahe ay tinignan ko ang phone ko. Walang text galing kay Rob. Nakakapanibago at medyo uneasy para sa akin. Kaya tinext ko sya ng sorry kasi alam ko nagtatampo pa din sya sa akin dahil sa sagutan namin nung nakaraan. Pero hindi pa din sya nagreply.

Doon ko lang narealize na si Rob pala talaga ang totoong nagmahal sa akin at hindi si Xander. Si Rob ang nandyan para sa akin kahit anumang oras ko sya kailanganin, kahit kaibigan lang ang turing ko sa kanya dati. Ni minsan ay hindi ako sinigawan ni Rob at ramdam ko ang pag-aalaga at pagmamahal nya sa akin. Si Rob ang matiyagang naghihintay at sumusundo sa akin kapag gabi na, Sya ang nahuhuling matulog kapag magkasama kami, gusto nyang makita na safe ako bago sya matulog. Lahat ng gusto ko ay binibigay nya. At ang huli, Sya yung tipo ng tao na mahal na mahal ako, kahit na galit ako sa kanya ay pinapakita nya na mahal nya pa din ako at ni minsan ay hindi ko naramdaman na nanlamig sya sa akin. Sa pagkakataong iyon nalaman ko din sa aking sarili na mahal ko pala talaga si Rob, hindi lang bilang kaibigan kundi bilang boyfriend. Masasabi ko ngayon na mas kailangan ko sya sa buhay ko, bilang partner.

Pagdating ko sa amin ay tinawagan ko ang Mommy ni Rob.

"Good Evening po Tita! Si Travis po ito. Kamusta na po?"

"Travis anak ikaw pala, ayos naman kami, ikaw kamusta na ba? Kelan ka pupunta dito sa Condo?"

"Okay naman po ako Tita, yun po ang gusto kong itanong sa inyo na kung okay lang po na pumunta sa inyo bukas?"

"Ay oo naman anak, ikaw pa welcome na welcome ka dito, tsaka kailangan mo talaga yata pumunta dito, parang matamlay si Rob eh, wala namang sakit"

"Ah sige po Tita bukas po punta ako"

"Kung gusto mo anak magstay ka muna ng ilang araw dito. Mawawala kami ng ilang araw, walang kasama si Rob, ayaw naman nyang sumama"

"Ah okay po Tita no problem po, thank you po Tita! Good Night po!"

"Okay. Good night din anak!"
Pakiramdam ko ng mga oras na yun ay kausap ko ang mother in law ko. Sobrang accomodating ng family ni Rob sa akin, tanggap na tanggap nila ako.

Kinabukasan ay pumunta ako sa condo nila Rob. Hindi ko na naabutan sila Tita pero nagkatext naman kami na iniwan nya yung spare key sa lobby at kunin ko na lang daw kasi panigurado ay tulog pa daw si Rob kapag dumating ako. Pagdating ko dun ay sumilip ako sa kwarto ni Rob, tulog pa sya. Hinayaan ko muna syang matulog at nagluto ako ng lunch namin, dahil 10:30am na din yun, paggising nya, tiyak tanghali na.

Nang matapos ako sa pagluluto ay naghanda na ako. Hinihintay ko na lang sya na magising. Umupo ako sa sofa at tinignan ko yung mga picture frame ni Rob. Natuwa ako kasi sino ba naman mag-aakala na yung lalaking gwapo, matangkad, mabait ay magkakagusto sa akin. Biglang pumasok sa isip ko na sana ay hindi na sya galit sa akin.

Maya maya pa ay lumabas na sya ng kwarto nya. Nakaboxers lang sya at walang damit pang-itaas. Nagulat sya na nandun ako.

"Good Morning BF!"

"O bakit ka nandito?"
at lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ayaw mo ba? Gusto ko lang mag-sorry, sana hindi ka na galit"
nginitian ako ni Rob.

"Kelan ba ko nagalit sayo sige nga? Kaya ko bang magalit sa mahal ko? Pero may konting tampo pa din ako"

"Pano ba mawawala yang konting tampo mo? Bati na tayo"

"Hug mo muna ko"
at niyakap ko ng mahigpit si Rob.

"I'm sorry na hindi ako kaagad naniwala.."
biglang pinutol ni Rob ang sinasabi ko.

"Okay na yun, tapos na yun GF, kalimutan na natin yun"
at hinalikan ko sa pisngi si Rob.

"Thank you BF"
at nagngitian kami ni Rob.

"Tara na kain na tayo mukhang masarap niluto mo ah"

"Ang favorite mong sinigang"

"Wow! Mahal mo talaga ako, GF"

"Sige na magsuot ka ng pang-itaas"

"Bakit ayaw mo ba ng view?"

"Baka hindi ako makakain ng maayos kasi baka mapako ang tingin ko sa view"
at nagtawanan kami. Puro kulitan kami habang kumakain. At nung matapos na kami ay nagligpit na kami at panigurado may matindi pa kaming pag-uusapan.

"Pano mo nalaman na totoo lahat ng sinabi ko sayo tungkol kay Xander"

"Narinig kong lahat, galing mismo kay Xander, nag-uusap sila ni Raf. Hindi din pala alam ni Raf"

"Kahit ganun ang ginawa sayo Trav, at the end of the day marealize mo na tao lang tayo at nagpapatawad din"

"I know, ilang araw na lang tayo dito, mag uusap pa naman kami"

"Alam mo dati okay yung sa akin yung idea na mapunta ka kay Xander kasi sya ang mahal mo, remember the Art Exhibit, planado lahat yun. pero nung nalaman ko na ginagago ka lang nya, ayoko na. Sabi ko ipaglalaban kita and I'm glad nagawa ko yun"

"Thank you Rob"
at hinawakan ni Rob ang kamay ko.

"How about us? Mapagbibigyan mo ba ako ng chance para manligaw?"

"Ayokong manligaw ka sa akin, Rob"
at naging malungkot sya.

"Ah okay, makakapaghintay pa naman ako pag ready ka nang mahalin ako"

"Ayokong manligaw ka, kasi gusto ko proposal agad, matagal ka nang nanliligaw sa akin, almost everyday."
at muling sumigla ang mukha ni Rob.

"I can't believe this, Really!? Tayo na? Pakakasalan kita pagbalik natin ng Canada agad agad! Mahal na mahal kita Trav"
at niyakap nya ako. Pagkatapos nun ay isang halik sa labi ang binigay sa akin ni Rob.

"Sa loob ng tatlong taon Rob hindi mo ko iniwan, kaya hindi mo na ko kailangang ligawan, ayaw na din kitang pahirapan. I love you my big boy!"

"I love you too! So officially tayo na?"
at hinalikan nya ko sa kamay, habang hawak pa din nya ito.

"Of course BF! Kaya lang pano ang family mo? Matanggap kaya nila?"

"Tignan natin"
at kinuha nya ang phone nya at may dinial. Alam ko Mommy nya yung tinawagan nya at nilagay nya sa speakerphone.

"Hello Mommy! Sinagot na ko ni Trav!"
kinakabahan at nagulat ako sa sinabi ni Rob.

"Wow anak! Congrats! I'm so happy for you! Sa wakas natupad na din!"
parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang marinig ko iyon. Ang approval ng family ni Rob.

"Thank you Mom, I love you all!"

"Mahal ka din namin anak, Hay naku narinig ng Dad at mga kapatid mo tuwang tuwa sila dito, pagbalik na lang daw namin tayo magcelebrate"

"Alright Mom. Tawag ulit ako mamaya, aasikasuhin ko muna 'tong girlfriend ko. Bye!"

"Okay, Bye anak!"
at binaba ni Rob ang phone

"See, tanggap na tanggap ka nila. Kaya lang pano yung family mo GF matanggap kaya nila ako?"

"Alam ng family ko ang lahat lahat. Last night I told them everything. Masaya sila kasi natagpuan ko na daw yung taong para sa akin, yung pagiging official na magkarelasyon na lang daw ang kulang. Alam mo kung gaano ka kafavorite ng parents ko at mga kapatid ko, pag hindi ka pumupunta ng bahay ikaw lagi ang hinahanap"

"Ang sarap pakinggan, now makakatulog na ko na hindi na unan ang kayakap ko, kundi ikaw na"

"If I know pantasya mo talaga yun"
at nagtawanan kami. Niyakap ako ni Rob sa mga oras na yun na mahigpit na mahigpit at damang dama ko ang pagiging boyfriend nya sa akin. Simula noon ay parang lahat ng hinihiling ko sa buhay ay napagbigyan.

Nakapagbakasyon pa kami ni Rob ng dalawang araw sa Boracay. Masayang masaya kami at wala kaming pakialam sa ibang tao na nakakita sa amin na magka-holding hands at magkayakap sa isang place. Hindi naman namin sinadyang mag PDA pero siguro ganun lang talaga kapag inlove ka. At sigurado ako mas madami pang natuwa kesa sa nainis at nairita nung nandoon kami.

Pagbalik namin ng Manila ay saktong naabutan namin ang Parents ko sa bahay namin. Hinayaan kong si Rob ang magsabi tungkol sa amin dahil sa gusto din naman sya ng pamilya ko at hindi naman sila tututol sa aming dalawa.

"Dad, Mom, may sasabihin po si Rob sa inyo"
tinignan ko si Rob at ngumiti sya sa akin.

"Tito, Tita, sinagot na po ako ni Trav"

"Wow! Ay ngayon Daddy at Mommy na din ang tatawag mo sa amin! Naku anak Rob gustong gusto kita talaga para kay Travis!"
ang sabi ng Mommy ko.

"Ay Mom, wag Daddy at Mommy, Papa at Mama na lang kasi Dad at Mom ang tawag ni Rob sa Parents nya baka magkalituhan pag nasa isang lugar lang tayo diba. Ganun kasi ang tawag ko din sa Parents ni Rob"

"Okay fine! Pero anak, Rob matagal na namin alam dito sa bahay kwinento agad sa akin ni Mare!"
ang sabi ni Mommy habang nakangiti.

"Kaya nga di mawala yung smile ng Mommy nyo nung pagdating nyong dalawa dito"
ang natatawang sabi ni Dad sa amin.

"Ah kaya naman pala"
ang sabi ko at nagtawanan kami.

"Tara na pasok na tayo at kumain na tayo ng snack"
ang pag-aya ni Mommy sa loob.

Pagpasok namin sa loob ay binati kami ni Jake, ang kapatid ko.

"Ayun o! Official brother in law na!"
at nag-apir sila ni Rob.

"Ano bayaw ayos ba?"

"Syempre naman Kuya Rob ikaw na eh!"
at nagtawanan sila.

Habang kumakain kami ay pinagmasdan ko kung gaano kasaya ang pamilya ko para sa akin. Bihira kasi yung mga ganyan na tanggap na tanggap nila na yung anak nilang lalaki ay may karelasyon na kapwa lalaki. Sobrang swerte ko sa pamilya ko at ganun din si Rob dahil walang humadlang sa aming dalawa. Alam namin na hindi pa ganun katanggap ng publiko ang same sex marriage pero para sa amin as long as na tanggap at masaya ang pamilya namin para sa amin ni Rob ay parang natanggap na din ng buong mundo ang konseptong iyon.

Nagtetext pa din ng "Sorry" si Xander at sinabihan ko syang mag uusap kami next week. Hindi naman tumutol si Rob, sa halip sya pa nga ang nagsabi sa akin na wag ko na daw patagalin. Para din daw magkaroon na ng Peace of Mind si Xander.

Maya maya pa ay tumawag sa akin si Josh, ang ex at bestfriend ni Rob.

"Hi Trav! Kamusta na?"

"Hey! Okay naman, ikaw?"

"Ayos naman, available ba kayo bukas? Nandito na kasi si Alfonso, yung husband ko, gusto nya kayong mameet."

"Ay oo naman sige tomorrow. Text mo na lang kung saan tayo magkikita"

"Sige Trav"

"Trav, congratulations nga pala ha"

"Ano ka ba, wala pa ngang kasal eh"

"Dun din naman papunta yun eh. Basta iinvite mo kami ha. Kahit nasa Spain kami pupunta kami sa wedding nyo sa Canada"

"Sure! Ikaw pa!"

"O sige na Trav, ikamusta mo na lang ako kay Rob, hindi ko na sya kakausapin baka nasa cloud nine pa yan dahil sinagot mo na sya"
sabay tawa.

"Alright sige! Thanks Josh! Bye!"

"Bye!"

Biglang nagtanong si Rob.

"Anong sabi?"

"Ah yung date natin bukas kasama si Josh and Alfonso"

"Ah okay"

"Diba natatandaan mo naman yun kasi tinext kita agad nung pauwi ako nun. Kaya lang di ka nagreply kasi galit ka sakin nun"

"Tulog ako nun kaya"
at kiniliti nya ako.

Kinabukasan ay nakipagkita kami kina Josh at ang kanyang husband na si Alfonso. Tuwang tuwa ako kay Alfonso kasi marunong sya magtagalog. Hanga ako dahil walang awkwardness sa pagitan nila Rob at Josh na kahit mag-ex sila ay napanaliti nila ang kanilang friendship. Masaya ang naging pagkikita namin, kung wala lang silang appointment ng kinagabihan ay malamang nandun pa din kami at magkakasamang nagdinner. Maayos kaming nagpaalaman at naghiwalay at nangako sila Josh at Alfonso na pupunta sa kasal namin sa Canada, basta daw magsabi kami 2 weeks bago ang date ng kasal namin.

Habang pauwi kami ay nagtext si Xander. Pinabasa ko ito kay Rob.

"Sige na GF, mag-usap na kayo wag mo na patagalin"
ang sabi ni Rob.

"Ok sige"
at tinext ko sya na magkita kami bukas.

Hinatid lang ako ni Rob sa bahay at umalis din agad. Dahil may get together sila ng mga barkada nya nung high school. Kahit na inaya nya ako ay hindi na ako sumama dahil kailangan din naman nya ng space at time para sa sarili nya. Malaki ang tiwala na ibinigay ko kay Rob kaya hindi ako nagseselos sa mga taong may ibang intensyon dahil alam ko naman kung sino talaga si Rob.

Habang nasa kwarto ako ay tinignan ko ang mga pictures namin dati ni Xander. Meron kaming dalawang picture dun na naka-wacky kami pareho. Natuwa ako at tinabi ko yung isa. Kasabay ng pagkuha ko sa iba pa naming pictures ay nakita ko ang bangle na ibinigay sa akin ni Xander nung graduation. Nasa maayos na kundisyon pa din ito pati na ang box. Sa totoo lang ay hindi ko iyon sinuot dahil natatakot akong mawala iyon at isa pa, hindi ito kelan man naging sa akin.

Tinext ko si Xander na sa Park na lang dati kami magkita. Yung park na malapit sa dorm ko dati. Natuwa ako nang makita ko ulit ang park. Wala naman itong masyadong pinagbago. Para akong bumalik sa isang tahanan ko dati. Hinanap ko ang bench na inuupuan ko dati at nandun si Xander, naghihintay.

Dala dala ko ang isang paperbag, lumapit ako kay Xander at ngumiti.

"Titignan mo na lang ba ako?"
at bigla akong niyakap ni Xander at napaiyak sya. Alam na nya na napatawad ko sya. Wala din naman masyadong nakakita sa amin dahil sa weekday noon at kung meron man ay wala na akong pakialam.

Umupo kami at nagsosorry pa din si Xander.

"I'm so sorry Trav"
napapaluha pa din si Xander.

"Okay na yun, kalimutan na lang natin and move on. Kahit papaano Xander, may soft spot ka sa puso ko kaya pinapatawad na kita"

"Thank you Trav, gusto ko sanang bumawi sa mga kasalanan ko pero alam ko wala na kong time"

"Mas gusto ko na bumawi ka kay Mimi at sa anak mo"

"Matatanggap pa kaya nila ako? Namimiss ko na din sila"

"I-try mo Xander, paano mo malalaman? Kung hindi ka man mapatawad agad at least nagtry ka. At kung hindi man ay try to win them back again and again kung kinakailangan"

"Baka next week pumunta na ako ng States, gusto ko na kasi silang makita eh"
ang naluluhang pahayag ni Xander.

"Magiging okay din ang lahat, Xander wag mo na ulit gagawin yun sa mag-ina mo"

"Hindi na talaga Trav. I'm sorry ulit"

"Hay naku ha paulit ulit na lang tayo sa sorry"
at napatawa ko si Xander.

"Eto nga pala pictures ng baby ko"
at pinakita sa akin yung mga picture sa cellphone nya.

"Ay ang gwapo kamukha ng Daddy nya! Ano nga palang name nya?"

"Syempre mana yan sa akin! Name nya Trevor Matthew"
ang sabi ni Xander.

"Talagang letter T ha?"
at nagtawanan kami.

"Xander, may ibibigay nga pala ako sayo"
at inabot ko ang box at ang picture frame.

"Ibigay mo itong bangle mo sa anak mo, para paglaki nya may gamit kang ipapamana sa kanya. At eto namang picture frame yung wacky shot natin, remembrance na minsang nagkakilala tayo at naging magkaibigan"

"Thank you"
at nagyakapan kami ni Xander.

"Basta ayusin mo yung mga dapat na matagal nang ayos. Hindi pa naman huli, madami ka pang time. Sana alam mo kung ano yung sinasabi ko"

"I will Trav. Thank you sa friendship at love, kahit na alam ko ikakasal ka na kay Rob sana maging magkaibigan pa tayo"

"Oo naman, alam naman ni Rob yun. Magkaibigan pa din tayo"

Maya maya pa ay nag-aya na si Xander, sakto namang padating si Rob dahil gusto din nyang magkaayos sila ni Xander. Bumaba ng sasakyan si Rob at lumapit sa amin.

"Xander, pasensya na ah sa mga pasa"
at inabot ni Rob ang kamay nya kay Xander.

"Ako nga ang may malaking atraso sa inyo eh, sorry pare"
at nagkamayan sila.

"Ayan na kasi sabi ko eh boxing boxing pa kayo ah"
at nagtawanan kami.

"Sige na guys una na kayo may dadaanan lang ako dyan, Rob, Trav, thank you! Ingat kayo"

"Ingat ka din Xander, balitaan mo na lang ako ha, sa Facebook or text"
at niyakap ko si Xander at nagngitian kami.

Pagkasakay namin ng sasakyan ay kumaway pa sa amin si Xander, tinignan ko sya sa side mirror habang papalayo kami. Natutuwa ako na may realization din si Xander ng kanyang pagkakamali at alam nya na dapat syang magbago. Kahit hindi kami ang nagkatuluyan ni Xander ay alam kong mas higit pa ang sayang maibibigay sa kanya ng kanyang anak kesa sa akin. Kahit na papaano alam ko na minsan sa buhay ko ay nakilala ko sya, nakapagbigay ng saya at pagmamahal sa kanya. Nagpapasalamat ako kay Xander dahil nalaman ko kung sino ang nagmahal at nagmamahal sa akin ng tunay - Si Rob.

Sulit na sulit ang natitira naming mga araw sa Pilipinas. Tatlong araw makalipas ang huli naming pagkikita ni Xander ay nagtext sya na aalis na sya papuntang States, napaaga ang flight nya papunta dun. Nagreply ako na mag-iingat sya at balitaan nya pa din ako. Maayos ang naging paalam ni Xander sa akin.

Dumating na ang araw na pagbalik namin sa Canada, malungkot na masaya. Malungkot kasi bibilang nanaman ng ilang taon bago ko makita in person ang pamilya ko at mga kaibigan. Masaya naman dahil alam kong may kasama na akong gigising tuwing umaga.

Sobrang sweet ni Rob sa akin, pinapasandal nya palagi ang ulo ko sa balikat nya habang nasa eroplano kami. Maayos ang naging flight namin pabalik ng Canada, dumiretso kami sa flat ko at dun na nagpalipas ng gabi. Hindi ko tinanong si Rob tungkol sa kasal hindi dahil sa wala akong interes, ayoko lang kasi na ma-pressure at ma-stress sya.

May dalawang araw pa kaming natitira bago bumalik ng trabaho. As usual namasyal kami at nag-inquire ng requirements sa kasal.

"Ako na ang mag-aayos ng requirements, don't worry GF ako ang bahala dito"

"Okay"
at hinalikan ko sya sa labi.

At lumipas na ang dalawang araw namin na off ni Rob. Bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho. Naging smooth naman ang pagbabalik namin at masaya kaming dalawa ni Rob sa Canada.

***At dumating na ang pinakamadilim na bahagi sa Love Story namin ni Rob. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako na isama ang part na ito dahil baka hindi ito paniwalaan ng mga makakabasa. Pero dahil sa mga naniniwala at sa kagustuhan ko na malaman nyo ang aming buong Love Story namin ay isinama ko na din. Iiwan ko na lang ang pagpapasya sa inyo kung ito ay paniniwalaan nyo o hindi***

Tuesday noon at Winter. Malakas ang snowfall nung araw na iyon. Bilang Engineer, si Rob ay kailangan nyang pumunta sa field para kausapin yung mga katrabaho nya, para sa kanilang bagong project. Nagpaalam sya sa akin.

"GF, punta lang ako sa field, baka gabihin ako ha?"

"Sure ka? Baka pwede mo namang ipagpabukas na lang? Madulas ang daan tsaka heavy yung snowfall"

"Hindi pwede eh. Kailangan talaga"

"Ah okay sige ingat ka, call me na lang, I love you!"
ang paglalambing ko kay Rob.

"Sige, I love you more, Bye"
at binaba ni Rob.

Usually mga 7pm ay natutulog na kami ni Rob. Pero sa hindi ko maipaliwanag ay hindi ako mapakali. Kahit na pagod ako ay hindi ako makatulog. Gusto ko na sanang tawagan si Rob pero ayoko namang makaistorbo sa trabaho nya. Kaya naghintay na lang ako ng tawag o text na mula sa kanya.

Past 8pm na nun ay wala pang text o tawag na nangagaling kay Rob. First time kong kabahan at hindi na maganda ang pakiramdam ko kaya naghilamos ako sa CR. Ilang saglit ay may nagriring na ang cellphone ko. Dahil sa akala ko si Rob ito ay nawala ang kaba ko, pero nung tinignan ko ay ang kuya pala ni Rob ang tumatawag, at kinabahan ulit ako.

"Hello Kuya"

"Trav, si Rob naaksidente"

"What? Saang ospital?"

"Magbihis ka na on the way na ko sa flat mo"
at binaba ni Kuya ang tawag at nanghina ako. Halos mapaupo ako sa sobrang kaba at nagsimula na akong umiyak. Nagmadali akong nagbihis at lumabas ng flat maya maya pa ay bumusina na si Kuya at sumakay na ko ng sasakyan. Iyak ako ng iyak sa sasakyan.

"Trav, kalmahin mo ang sarili mo, kakatawag lang ni Roger(Manager nila Rob) buhay pa si Rob, pero nasa operating room na ngayon kasi duguan sya at kailangan tahiin mga sugat nya"

Hindi na ako nakakibo habang nakatingin kay Kuya habang patuloy pa din ang pag-iyak ko. Pagdating namin sa ospital ay nag-abang kami sa designated area. Habang naghihintay sa doktor ay wala akong tigil sa pagdasal. Alam ko na hindi Nya pababayaan si Rob at alam ko na ililigtas Nya ito.

Ilang saglit pa ay lumabas na ang doktor at kinausap kami.

"The patient is fine, he's being transferred to Our Post Anesthesia Care Unit.."
Hindi ko na naintindihan ang ilang sinabi ng doktor dahil sa pag-aalala. Ligtas na daw si Rob at wala namang brain damage. May stitches lang daw sa forehead si Rob at ilang pasa. Abot abot ang pasasalamat ko noon dahil maayos si Rob, kahit na ganun ang nangyari ay hindi sya napahamak ng matindi.

Nagtext ako sa kasamahan ko na hindi ako makakapasok bukas dahil sa nangyari at naintindihan naman nila. Habang nakaupo kami ay kwintento sa amin ni Roger ang nangyari. Dahil daw gabi na ay gusto nang makauwi ni Rob, habang nasa high way ay may kasalubong sya na truck na nawalan ng preno, at dahil na din sa dulas ng kalsada ay nagkasalpukan sila.

Nakatulog na ako sa suite kakahintay kay Rob, kinabukasan ay dinala na sya sa kwarto nya. Gising na sya at mukha namang okay. Bukod sa tahi at ilang pasa ay maayos naman sya, naiyak ako nung makita ko sya at bigla kong niyakap.

"Ok ka lang? May masakit ba?"
at nakayakap pa din ako sa kanya

"I'm okay. Wait.."
ang sabi ni Rob.

"Ay sorry nasaktan ka yata"
at kumalas ako sa pagyakap sa kanya.

"Do I know you?"
at tinignan ako ng kakaiba ni Rob. Hindi ako nakapagsalita agad dahil akala ko ay babawiin nya ito agad.

"Rob, si Travis yan!"
ang sabi ng Kuya ni Rob.

"Sorry, Travis who? Ikaw ba yung nagdala sa akin dito sa hospital?"
at nagtinginan kami ni Kuya.

"Rob, nagbibiro ka ba?"
ang tanong ni Kuya.

"Hindi, kuya bakit naman ako magbibiro?"
dun na ako naiyak at alam kong hindi talaga sya nagbibiro.

"Teka tatawag ako ng doktor"
at lumabas na si Kuya. Habang kami lang dalawa ay kinausap ko ulit sya.

"Rob, ako 'to si Travis, yung partner mo, ako si GF"
nakatingin lang sa akin si Rob at pilit na nag-isip.

"I'm sorry pero hindi talaga kita maalala eh, ang alam kong huli kong partner si Josh, pero break na kami at hindi ikaw yun"
nasaktan ako sa sinabi nya pero alam kong hindi naman nya intensyon yun. Maya maya pa ay dumating na ang doktor at ineksamin si Rob. Lahat naman ng test ay normal, oriented sya sa time at place, lahat ng tao kilala nya at naalala nya, maliban lang sa akin. Sabi ng doktor ay nagkaroon ng Selective Memory Loss si Rob, maaring bumalik ito sa mga darating na araw, buwan o taon, pwede din daw na hindi na bumalik ang alala nya sa tungkol sa akin ang sabi ng doktor. Isa itong rare case ng memory loss o amnesia at nalungkot ako dahil sa kanya pa nangyari ito.

Pagkatapos nun ay nagpaalam ako kay kuya na uuwi muna. Iyak ako ng iyak pauwi dahil sa hindi ko matanggap na sa lahat ng tao na kilala nya, ako pa yung nakalimutan nya.

Tumawag sa akin ang Mommy ni Rob na papunta na daw sila ng Canada para maalagaan si Rob. Tinawagan ko din ang Mommy ko at kwinento ang nangyari. Pinilit kong ipaalala kay Rob ang tungkol sa amin. Pero wala talaga. Hanggang dumating ang Parents ni Rob at nag-iyakan kami nung nasa ospital kami.

"Mom, buhay pa ako, wag nyo ko iyakan"
ang sabi ni Rob na nagpatawa sa amin.

"Ok lang kami anak, masaya lang kami ng Dad mo at ni Trav na ok ka"

"Siguro ganun kayo kaclose nila Mom at Dad ano Trav?"
ang sabi ni Rob habang nakangiti sa akin. Nagtaka ang Parents ni Rob at pinaliwanag ko ang kondisyon ni Rob.

Nag-emergency leave ako sa trabaho para maasikaso si Rob. Lahat naman ay pwede nyang kainin kaya sa araw araw ko na pagpunta doon ay nagdadala ako ng mga paborito nyang pagkain at ilang pictures namin para makatulong sa pagbalik ng alaala nya sa akin. Halos umabot sa 3 weeks ang araw araw na pagpunta ko sa ospital, dun na din ako nakakatulog sa gabi. Pero dumating na kami sa point na nagalit na sya sa akin.

"You know what, nakakainis na. Naiilang ako sa tuwing nandito ka. I'm not rude pero why don't you get a life? Hindi naman kita yaya eh!"
hindi na ako nagsalita at lumabas na lang. Narinig pala ng Parents ni Rob yun at kinomfort ako.

"Everything will be okay, anak"

"Tita, sana po kahit maalala lang nya ako bilang ako kahit wala na po yung feelings nya para sa akin okay na po ako dun"

"Gusto namin ng Daddy mo ikaw ang makatuluyan ni Rob, tsaka ayoko ng Tita ang tawag mo sa akin, Mommy pa din ha"
at nagkangitian kami.

"Mommy, siguro po hindi ko na muna pupuntahan si Rob, lalo po syang naiistress kapag nandyan ako"

"Kung ano sa tingin mong makakabuti anak, okay lang sa amin. Sya nga pala, pag pinauwi na si Rob ay balak namin na dun na sa Vancouver sya dalhin, para makarecover sya. Sasama ka sa amin anak, gagawan natin ng paraan yung work mo para kasama ka namin"

"Mommy si Rob lang po ang makakasagot nyan kung gusto nya akong isama"
at biglang tumawag si Rob at pumunta ang Parents nya sa loob at naiwan ako sa labas. Nagugutom lang pala si Rob at gusto ng kumain.

Naghintay ako sa labas at pagkatapos kumain ni Rob ay nagpaalam na ako.

"Uuwi na po ako
Rob, pagaling ka ha"

"Sige anak ingat ka"
ang sabi ng Daddy at Mommy ni Rob

"Travis ingat ka and Sorry sa kanina"
ang sabi ni Rob.

"Okay lang yun"
at umalis na ako.

Ubos na ang luha ko kakaiyak. Pero sobrang malungkot ako ng mga panahong iyon. Pagdating ko sa bahay ay pinaprint ko yung mga memorable photos namin ni Rob. Nasa 300+ ang lahat ng photos na pinagpilian ko at bumili din ako ng 26 na makakapal na photo album. Pinagpuyatan ko ang paglalagay ng mga picture magdamag. Naalala ko yung mga masasayang moments namin ni Rob at di ko napigilang maiyak.

Kinabukasan ay tinawagan ako ng Mommy ni Rob, pwede na daw umuwi si Rob at may clearance na daw na pwedeng magtravel si Rob. Balak kasi nilang dumiretso na sa Vancouver para dun na magpagaling si Rob. Yung stitches na lang daw nya ay pwedeng ipatanggal sa OPD sa ospital sa Vancouver. Nagmadali akong pumunta sa ospital dahil maaring ito na yung huli naming pagkikita ni Rob. Dala dala ko ang 26 na photo album na nilagay ko sa box. Pagdating ko ay kinausap na ako ng Parents ni Rob.

"Trav, susunod ka sa amin after 3 days ipapaayos ko ang lahat ng papers mo para kasama ka namin ng Mommy at ni Rob sa Vancouver"
ang sabi sa akin ng Daddy ni Rob.

"Dad, hindi na po, mas okay na po yung hindi ako nakikita ng madalas ni Rob, naiilang na po sya sakin ngayon, baka po mahirapan syang maka-recover"

"You can visit us anytime, tawagan mo lang kami ng Mommy mo ha?"
at niyakap ako ng Daddy ni Rob.

Pagpasok ko ay inaayos na ng Mommy ni Rob ang mga gamit nya. Lalabas na sya ng ospital at nakangiti sya nung nakita nya ako, akala ko naalala na nya ako pero hindi pa din pala. Lumabas muna ang Mommy ni Rob para makapag-usap kami.

"Rob, dalhin mo 'tong mga photo album baka makatulong. Masaya ako na okay ka ngayon, pero kung hindi mo na talaga ako naaalala okay lang. Wag mo na pilitin. Sakaling nakalimutan na ako nito (sabay hawak sa ulo nya) pero alam ko kahit kelan hindi ako makakalimutan nito (at tinapat ko ang kamay ko sa puso nya)"
at niyakap ko sya. Niyakap din ako ni Rob at naramdaman ko yung pagyakap nya sa akin dati.

"Thank you Travis, I know very close ka sa akin I'll try hard na bumalik yung.."
at pinutol ko ang pagsasalita ni Rob.

"Wag Rob wag mo na pilitin"
at nginitian ko sya. Tinawag ko na ang Parents nya para makaalis na sila. Pero bago kami lumabas ng kwarto ay humiling ako na kung pwede magpapicture kami ni Rob na kaming dalawa lang at pumayag naman sya. Inakbayan nya ako at nagpapicture kami. Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng kwarto at ng ospital. Sa labas naghihintay ang Kuya ni Rob.

"Trav, susunod ka sa amin ha?"

"Hindi ko alam Kuya, pero I'll keep in touch"
at may inabot sa akin na box si Kuya.

"Trav, eto yung engagement ring tsaka wedding ring nyo, ibibigay nya sana sayo yan nung gabing nangyari yung aksidente"
naiyak ako habang hinahaplos ko yung mga singsing.

"Kuya kay Rob yan, hindi sa akin yan. Baka may paggamitan nyan in the future"

"Sayo 'to, ikaw na ang magtago"

"Hindi na Kuya, dalhin nyo na yan, mag-iingat kayo ha?"
at nagyakapan kami ni Kuya. Lumapit din sa akin ang Parents ni Rob at nagpaalaman na din. Kumaway lang ako kay Rob habang nasa loob na sya ng sasakyan at unti unti na silang papalayo.

Habang nasa cab ay naisip ko na baka hindi talaga para sa akin ang mainlove. Kahit na masakit ay pinilit ko na mag-move on. Sobrang mahal ko si Rob pero wala akong magawa. Siguro panahon na lang ang magsasabi kung gaano ko kamahal si Rob. Simula noon ay hirap ako kumilos. Lalo ko kasing naalala si Rob habang nasa flat ako. Sa tuwing may kakatok umaasa ako na sya iyon. Sa tuwing uuwi ako galing ospital umaasa ako na may bubusina sa akin at pagbubuksan pa ako ng pinto ng kotse. Sa tuwing naglalakad ako mag-isa ay umaasa ako na may aakbay at hahalik sa pisngi ko. Halos mamatay ako sakit na dinulot nito sa akin pero alam kong hindi naman ito pinili at hindi din ito kasalanan ni Rob.

Nung pauwi ako galing sa paghatid kay Rob ay may nakita akong green na journal. Natuwa ako at bumili ako ng limang piraso. May purpose pala ang pagbili kong iyon. Green ang paboritong kulay ni Rob at pinangalanan ko itong Conversations with Rob. Ginawa ko itong parang diary na ang kausap ko ay si Rob. Lahat ng pwede ko ikwento in person kay Rob ay nakasulat dito na parang nagkwekwento lang ako sa kanya habang magkatabi kami. Naglalagay ako ng picture kung kinakailangan. Eto ang first entry ko sa Conversations with Rob na naka-attach yung picture naming dalawa na kinunan sa ospital nung araw na lalabas na sya.

"Dear Rob,

Thank God magaling na ang big boy ko! Syempre naman super macho kaya ng big boy a.k.a BF ko kaya mabilis ang healing process parang si Wolverine lang. Hehe. Kidding aside. Magpeprepare ako ng mga foods na favorite mo para gumaling ka kaagad. Hindi muna ako hihiga sa braso mo kasi masakit pa yan. Ikaw muna ang baby ko sa gabi habang ang baby ko ay nagpapagaling. We will watch ng buong season 4 ng House M.D. kahit na magtanong ka nang magtanong about sa mga sakit ay sasagutin ko. Yun lang. I love you very much mwah!

-GF"

Lahat ng sinusulat ko sa journal ay masaya, hindi ako naglalagay ng malulungkot na thoughts. Nilagay ko din yung mga dapat na gagawin namin dahil binalak ko itong ipadala sa kanya. Lagi kami nag-uusap ng Mommy at Daddy ni Rob, binabalita sa akin ang kanyang progress, regular daw ang check up ng Neurologist at mukhang okay naman daw except lang yung sa part na hindi nya ako maalala. Habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa. Unti unti ko itong tinanggap.

Dumating ang birthday ni Rob. Tinawagan ko sya pero saglit lang. Wala din naman kaming mapag-usapan dahil awkward ang dating para sa kanya. Nagpadala din ako ng birthday gift at nagtext sya agad ng thank you nung makuha na nya. Sa journal naman ay vinideo ko ang sarili ko na nagbebake ng chocolate cake na favorite nya at nandun din kung paano ko sinelebrate ang birthday nya na mag-isa lang. Nung matapos ay binurn ko ito at nilagay ang CD sa tapat ng page ng journal.

Lumipas ang ilang buwan at hindi ko namalayan na halos anim na buwan na ang nakalipas. Alam ko na hindi na healthy kung patuloy ko pa din iiyakan ang nangyari sa amin ni Rob. Isa itong wake up call para sa akin at kinakailangan ko na ayusin naman ang sarili ko. Habang nandun ako sa lugar na kung saan ko laging naaalala si Rob ay hindi ako makaka-move on. Kaya napagpasyahan ko na mag cross country na lang. Inofferan ako ng ospital na magtrabaho sa sister hospital nila na nasa Los Angeles, nagdalawang isip din ako na baka sakaling bumalik ang alaala ni Rob at puntahan ako sa flat, pero naisip ko na wala na siguro talaga para sa amin.

Nagpaalam ako sa Parents at Kuya ni Rob na lilipat na ako sa Los Angeles. Nalungkot sila pero alam nila na kailangan ko yun. Nag-sorry din sila kasi daw mahirap ang pinagdaanan ko dahil kay Rob, pero sabi ko na wala naman may kasalanan nun at lalong hindi gustong mangyari ni Rob yun. Malungkot ako ng iwan ko ang Canada, pero akala ko na iniwan ko na dun ang lahat pero hindi pa din pala. Pagkaayos ng mga papeles ko ay pumunta ako agad sa Los Angeles. Na-inform ko na din ang pamilya ko sa Pilipinas at masaya naman sila para sa akin.

New life ang dating sa akin ng pagtira ko sa Los Angeles, pilit pa din nagmomove on. Habang naglalakad lakad ay may pamilyar akong mukha na nakita. Habang papalapit ay mas lalong naging malinaw kung sino ang kaharap ko, Si Xander.

"Trav!"
at nagyakapan kami.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba nasa Chicago ka dapat?"

"Nandito sila Mimi at ang anak ko, hindi pa din kami okay eh. Pero pinapayagan naman nya ako na makita ko ang anak ko. Mahal ko sila Trav pero hindi na yata kami makakapagsama sa iisang bahay"
ang sabi ni Xander.

"Wag ka mawalan ng pag-asa. Tutulungan kita"

"Thanks, bakit ka nandito?"
at kwinento ko ang nangyari sa amin ni Rob. Nalungkot din sya para sa akin pero sinabi ko na okay lang yun. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa apartment na tinutuluyan nya at namangha ako sa ganda ng apartment nya. Punong puno ito ng pictures ng baby at ng asawa nya. Kulang na lang dun ay ang asawa at ang anak nya. Kinuhanan ko ito ng picture at alam kong may paggagamitan ako nito.

Madali naman akong nakapag-adjust sa bago kong trabaho. Nagpaalam ako sa family ni Rob na kung pwede ay putulin na muna namin ang communication namin, hindi dahil sa ayoko na sa kanila kundi mas mahihirapan akong mag-move on. Naintindihan naman daw nila yun at pinadala ko ang address ko sa kanila, na baka sakaling sulatan nila ako. Sinabi ko din na kung sakaling makahanap si Rob ng bago nyang iibigin ay wag nilang pigilan at suportahan nila.

Lately lang ulit akong naging active sa Facebook at may message sa akin si Rob. Kinabahan ko at naexcite na basahin ito.

"Travis, hindi ko alam pero lagi kong naaalala ang pangalan mo. Close talaga tayo baka pwede mo naman ako kwentuhan? Lagi ko kasing tinitignan mga pictures natin sa bigay mong photo album. Baka makatulong sa pag-alala ko sayo yung mga kwento mo"

Hindi ako nagreply sa message ni Rob dahil ayokong bigyan sya ng stress sa pagpilit na maalala ako. Kahit na labag sa loob ko ay tiniis kong hindi replyan si Rob at nagpatuloy sa buhay kahit hindi ko na sya kasama.

Mabilis ang panahon at mag-iisang taon na simula nung naaksidente si Rob. Nakaka dalawang journal na din ako dahil araw araw pa din akong nagsusulat. Pero alam ko na balang araw ay titigilan ko na din ito.

Napag-alaman ko na umuwi na pala ang parents ni Rob sa Pilipinas at sila na lang ng Kuya nya ang nasa Vancouver. Okay na daw kasi si Rob at ayaw magpa-baby.

Mag-iisang taon na din kakasuyo si Xander sa mag-ina nya. Naawa ako sa kanya at napagpasyahang tumulong. Kung tutuusin ay pareho kaming malungkot ni Xander at kung gusto namin magpakasaya ay maaari naming gawin pero dahil na din sa respeto ay hindi na namin ito ginawa.

Pumunta ako sa bahay nila Mimi at natandaan nya ako. Alam pala nya ang tungkol sa amin at nagsosorry sya dahil sya daw ang sumira sa amin. Sinabi ko naman na wala na yun at tapos na at silang mag ina ang buhay ni Xander. Pinakita ko sa kanya yung itsura ng apartment ni Xander na puno ng pictures nila. Naiyak sya dahil narealize nya na mahal pala talaga sila ni Xander. Nakiusap ako na kung sana mapagbigyan nya na maging masaya ulit si Xander sa darating na birthday nya na kung pwede dun na sila tumira at magsama na silang pamilya sa isang bahay. Pumayag naman ito at tinulungan kong mag empake ng gamit nila at nung araw din na yun ay sinamahan ko sila pauwi sa apartment ni Xander. Nasurprise si Xander at napaiyak din nang malaman nya na dun na titira sa kanya ang mag-ina nya.

"Thank you Trav!"

"Ano ka ba okay lang yun"

"Makakabawi din ako sayo Trav"
ang sabi ni Xander.

"Wag ka sa akin bumawi, sa mag-ina mo ikaw bumawi"
at nagngitian kami.

Nagpaalam ako na aalis na at nagyakapan kami ni Mimi. Alam ko na simula na iyon ng kaligayahan nilang pamilya.

Hindi ko na napigilan ang paglipas ang panahon, Nabuhay ako ng wala si Rob, mahirap pero kinaya ko. May mga pagkakataong hinahanap hanap ko pa din sya pero hanggang dun na lang kami marahil. Pinilit kong maghanap ng bagong makakasama, pero nauuwi lang ako parati sa pagkabigo. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kung may dadating talaga para sa akin ay darating, kung hindi naman ay baka wala talagang nakatadhana sa akin.

Ilang buwan na din ang nakalipas, ilang buwan na lang magdadalawang taon na simula nung aksidente ni Rob. Wala na akong balita tungkol sa kanya. Pero naikwento sakin ng Mommy ko na balik trabaho na daw si Rob. Nalaman ng Mommy ko dahil nag-uusap pa din sila ng Mommy ni Rob.

Ikakasal na sa Church sila Xander at Mimi, tinanong nila ako kung pwedeng isali nila ako sa entourage at pumayag naman ako.

Huling sulat ko na sa Conversations with Rob journal. Ito ay yung birthday nya. Doon nilabas ko ang lahat ng sama ng loob at ang pag Goodbye ko sa kanya. Ayoko din naman kasing habangbuhay akong magsulat at umasa. Iyon na ang panglima at huli kong journal. Gusto ko sanang tignan ang iba pero pinigil ko ang sarili ko. Lahat ng yun ay ang mga magagandang nangyari dapat sa amin at sabi nga sa kasabihan All good things must come to an end at napagpasyahan ko itong itapon na.

Dumating ang araw ng kasal ni Xander at Mimi, masaya ang lahat at pumunta dun ang bestfriend kong si Zoey, Raf at ang anak nilang si Kiefer. Tuwang tuwa ako sa pamangkin kong ituring na si Kiefer. Pagkatapos ng reception ay nangakong magbobonding kaming mag-bestfriend sa mga susunod na araw. Naiwan ako sa venue at nalungkot ako kasi kailangan ng mawala ang mga journal. Tinitignan ko ito nang lapitan at nakita ako ng mag-asawa at kinomfort nila ako.

"Ano yang box na yan?"
ang tanong ni Xander.

"Ah mga journals ko, Conversations with Rob, alam mo yun di ba? Itatapon ko na kasi mamaya pag-uwi ko, Can you do me a favor, please?"
ang tanong ko kay Xander.

"Sure"

"Pwede ba ikaw na lang magtapon nito? I know masakit sa akin pag ako nagtapon nyan pero kailangan na kasi nyang mawala"

"Are you sure? Itatago ko na lang yan muna"

"No, itapon mo please?"

"Baka naman magsisisi ka Trav"

"Buo na yung decision ko. So please make me happy? Can you?"
tinignan ako ni Xander at ngumiti.

"Okay. Akin na yan"
at kinuha na ni Xander ang box.

"Aalis na ko, thank you!"
at hinalikan ko sila pati si Trevor ang anak nila Xander at Mimi.

"Xander, ayoko nang makita yan ha? Utang na loob, itapon ha?! Please!"

"Okay okay no problem! Bye!"

"Bye"
at umuwi na ako. Pagdating ko sa unit ko ay nakatulog agad ako.

Parang hangin na dumaan ang mga araw at malapit na ako mag-birthday. At 27 single pa din ako, kahit na may magandang trabaho ay hindi pa din buo ang pagkatao ko. Bigla kong naalala ang sinabi ni Rob na pag single pa din ako at 27 ay pakakasalan nya ako. Natuwa ako bigla at naalala ko din yung iba pa naming masasayang sandali. Hindi na ako naiiyak, ginagawa ko na lang na inspirasyon na ang nangyari sa amin ni Rob.

Hindi ako nakapagcelebrate ng 26th birthday ko dati, iyun kasi yung panahon na down na down ako. Nung nag 27th ako ay naghanda ako ng party. 5 days before ay tinawagan ko sila Xander para imbitahin at tinanong ko kung tinapon ba nya talaga ang mga journal.

"Xander, tinapon mo ba talaga yung mga journal?"

"Yes! why? You want it back? Sabi ko na sayo eh pagsisisihan mo"

"No. I'm just making sure. Baka kasi hindi mo tinapon. Alam ko naman na madami kang pasabog baka kung anong ginawa mo dun"
at nagtawanan kami. Sa totoo lang imbes na makaramdam ako ng lungkot sa pagkawala ng journals ay parang natuwa ako, hiniling ko naman ito na mawala kaya dapat wala akong pagsisihan.

Naiayos ko na mag 3 days off ko sa work bago dumating ang birthday ko. Kaya nakapagpahinga ako ng isang araw bago dumating ang birthday ko, this time alam ko wala nang dadating na Rob para i-surprise ako. Natanggap ko na din na wala na talaga. Nung kinagabihan ay hindi ako makatulog. Kaya lumabas na lang ako at naglakad lakad. Malamig ang weather nun at dahil sa hilig ko sa pagtambay sa park ay pumunta ako sa park na malapit sa unit ko at dun nagpalipas hanggang sumapit ang 12 AM - ang aking birthday.

Naupo ako sa isang bench na malapit sa post. Habang nagbabrowse ng mga pictures sa cellphone ko ay may tumawag sa akin.

"Travis!"
paglingon ko ay si Rob, sinundan nya ako sa Los Angeles. Natulala ako at parang gusto ko syang yakapin pero pinigil ko ang sarili ko.

"Yes?"
at naghintay ng sagot mula sa kanya.

"Simula nung nasa ospital pa ako ay tumatak ka na sa akin, hanggang nung umalis kami papuntang Vancouver ay naaalala ko ang pangalan mo pero hindi ko maalala kung anong meron tayo. Sa gabi napapaginipan kita, nahuhulog ang loob ko sayo habang tinitignan ko ang mga pictures sa photo album na binigay mo"
at naiyak si Rob.

"Sabi nga ni Kuya, ikaw ang partner ko, gusto ko man maniwala pero hindi ko talaga maalala, alam ko na dapat may kayakap ako, hinahanap hanap ko yung taong nag-aalaga sa akin pero hindi ko matandaan kung sino. Araw araw kahit nasa trabaho ako ay naiisip kita, hindi ko maipaliwanag pero mahal talaga kita kahit na wala akong maalala tungkol sayo, hanggang sa mabasa ko ito"
at ipinakita ni Rob ang limang green journals, ang aking Conversations with Rob na hawak mismo ni Rob. Nagtaka ako kung paano napunta yun sa kanya dahil ipinatapon ko na iyon kay Xander.

"Nabasa ko ang lahat ng mga nakasulat dito, ang mga pictures at napanood ko ang mga video na nasa loob. Trav, dahil dito bumalik ang alaala ko sayo. Sa loob ng dalawang taon, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Nadagdagan pa yun dahil sa araw araw kong pagtingin sa mga photo album. Trav, patawarin mo ako"
at lumuhod si Rob sa harap ko. Agad ko syang pinatayo at nagyakapan kami ng mahigpit.

"Rob, hindi mo kasalanan yun"
at tuloy kami sa pagyakap.

"Ako pa din ba ng prince, big boy at BF mo?"

"Oo, ikaw pa din"

"I love you Trav. I love you, babawi ako sa dalawang taon na nawala sa atin"
at hinalikan nya ako sa labi. Napakasarap ng halik nyang iyon. Hindi ko maipaliwanag pero tila nagdiwang ang katawan ko sa paghalik sa akin ni Rob.

"I love you too, Rob"
at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Nung bumalik ang alaala ko pinuntahan kita sa flat pero wala ka dun. Pumunta din ako sa ospital pero nalaman ko na lumipat ka na dito sa LA. Akala ko hindi na kita makikita hanggang sa kinontak ko sa Facebook si Xander at binigay nya ang address mo dito, sya din ang nagpadala sa akin ng mga journals"
ang sabi ni Rob.

"Si Xander"
at napangiti ako.

"Di ba may deal tayo na kapag 27 years old ka na at single pa din pakakasalan mo ako? Hindi mo yan naisulat sa journal pero natatandaan ko"

"Oo naman"

"So ngayon ay 12:12 AM na and officially birthday mo na, gusto ko sana ibigay 'to sayo, dapat noon pa ito eh pero kung tatanggapin mo"
at pinakita ang engagement ring na binili nya dati bago ang aksidente.

Naluha ako at hindi na nakapagsalita. Sobrang saya ko ng mga panahong iyon. Ito na yata ang pinakamagandang birthday gift na ibinigay sa akin. Lumuhod si Rob at sinabing:

"Will you marry me?"

"Of course"
at nagyakapan kami. Pinunasan ni Rob ang mga luha ko at naramdan ko ang pagyakap nya sa akin.

"I love you so much Trav"
habang hinahalikan nya ako sa noo.

"I love you too my big boy"
at hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.

Inaya ko sya sa unit at habang papunta kami dun ay nakaakbay sa akin si Rob. Tinawagan ko si Xander na parang alam na nya kung ano ang nangyari sa park kanina.

"Xander, thank you"

"Ngayon alam mo na, hindi ko itinapon ang journals mo, pinadala ko kay Rob, kanino pa ba dapat mapunta yun kundi sa kanya lang"

"Thank you talaga"

"Di ba sabi ko sayo babawi ako sa pagtulong na ginawa mo sa akin sa pagpapauwi mo dito ng mag-ina ko. Yan na yun. Sige na magmoment na muna kayo, alam ko namiss nyo ang isa't isa"

"Okay, bye!"

"Alright"
at binaba ni Xander ang tawag. Nang makarating kami sa unit ay kumain muna kami ni Rob. Tuwang tuwa sya dahil sa wakas nahanap na nya ako. May nangyari sa amin ni Rob ng gabing iyon. Nadala kami ng mga damdamin namin at masaya akong ibinigay ang sarili ko sa kanya. Puro sarap lang ang naramdaman namin ni Rob ng gabing iyon. Alam namin na kami talaga ang para sa isa't isa. Nakatulog ako sa braso ni Rob, habang yakap ko sya.

Paggising namin ay nagluto ako ng paborito nya. Pagkatapos nun ay pumunta sya sa hotel na tinutuluyan nya, nag-check out sya at lumipat sa unit ko. Kinagabihan idinaos ang Party ko. Ibang saya ang meron ako noon dahil buo na ang pagkatao ko. Nung araw din na yun pinaalam ni Rob sa pamilya namin, mga kaibigan at mga kakilala na ikakasal na kami at masayang masaya sila para sa amin.

Kinasal kami ni Rob sa Canada, nakapunta ang parents namin pareho pati na din sila Josh at Alfonso. Pagkatapos ng dalawang araw ay bumalik kami sa Los Angeles at napagdesisyunan namin na dun na manirahan. Masaya kaming magkasama sa isang bahay. Hindi nahihiya si Rob na ipakita ang pagmamahal nya sa akin kahit may ibang tao. Kahit ako ay ganun din. Masaya kaming gumigising sa umaga at natutulog sa gabi nang magkatabi at magkayakap.

Pero naniniwala ako na hindi ito ang happy ending namin ni Rob, dahil naniniwala ako sa kasabihang
'True love has no happy ending because true love never ends'


Wakas.

1 comment:

  1. Thank you for sharing your life story. God Bless

    ReplyDelete