Saturday, June 28, 2014

Saltwater Room 2

By: Travis

Part 1


Pagkatapos namin kumain ay nag-aya si Xander na manood ng sine.

"Nood tayo ng sine, Trav"

"Wag muna ngayon may gagawin pa kasi akong paperworks"

"Next time ha? Ano uwi na tayo?"

"Ako gusto ko na sanang umuwi, ikaw baka may pupuntahan ka pa?"

"Wala naman, actually gusto kong makapunta sa dorm mo, diba solo mo lang yung kwarto?"

"Oo solo ko, maliit lang yun"

"Ayos nga yun may sarili kang place"

at pumunta na kami sa Parking Lot.

Habang papunta ng dorm napansin ko na nirerenovate ang Park na malapit sa dorm. Masukal ito at walang maayos na upuan dati pero ngayon inaayos na at meron na din akong pwedeng pagtambayan pag buryong buryo na ko sa dorm.
Nang makarating kami sa dorm ay pinapasok ko sya.



"Xander, pasensya ka na sa dorm ko, maliit lang to."

"Wala sakin to, hindi naman ako maarte"

"Gusto mo manood ng tv buksan mo na lang maliligo lang ako"

at tinignan nya isa isa yung mga DVD ko sa rack.

"Bilisan mo maligo Trav, nood tayo ng DVD, tsaka pwede din bang makiligo pagkatapos mo?"

"Oo naman kaya lang may baon ka bang damit o kahit underwear?"

"Meron ako sa kotse, kunin ko muna"

at kinuha nya ang gamit nya sa bag. Pagbalik nya may dala syang bag na hindi ko naman napansin na nasa loob ng kotse, malamang sa compartment yun nakalagay at for emergency nya yun.

Pagkatapos ko maligo ay sumunod na sya, nakaboxers lang sya nung lumabas ng banyo.

"O bakit nakaboxers ka lang? Magdamit ka"

"Bakit naaakit ka nanaman ba sa akin?"



at nginitian nya ako na tila nang-aakit.

"Asa ka naman!"

"Diba eto lang naman ang suot ko pag natutulog ako, at ngayon dito ako makikitulog sayo, ayoko muna umuwi wala naman si Raf sa bahay"

"Sige ayos lang naman sa akin pero sana nagsabi ka para nakabili man lang ako ng pagkain"

"Wag mo na intindihin yun at ako na ang bahala dyan"

at inaya na nya ko maupo sa sofa. Sya na mismo ang nag on ng DVD player at kahit na nakakatakot yung sinalang nya ay nagtapang tapangan na lang ako kasi panigurado ay pagtatawanan nya ako pag nakita nyang natatakot ako. Ilang saglit pa ay may biglang kumatok sa pinto.

"Ay shit!" ang sigaw ko at tawa ng tawa si Xander kasi nagulat ako sa may kumakatok. Tumayo si Xander at pinagbuksan ang kumakatok at nagpadeliver sya ng pagkain.

Nag order sya ng sa fastfood, hindi ako masyadong kumain kasi simula nung pumayat ako ay naging maingat na din ako sa mga kinakain ko, ayoko na kasing bumalik sa dati kong hugis na bilugan. Kitang kita ko naman na nag eenjoy si Xander sa pinapanood namin. Ilang saglit pa ay nakatulog na pala ako sa sofa, nang matapos ang pinapanood namin ay nagising ako habang buhat ni Xander papuntang kama ko. Hindi ako nagpahalatang nagising kasi gusto ko din ang ginagawa nyang pagbuhat sa akin. Hindi sya nahirapan sa akin sa pagbuhat. Nang mailapag nya ako sa kama ay nakiramdam ako at napansin kong bumalik sya sa sofa at dun natulog. Gumising na ako para siya ang patulugin ko sa kama. Halatang hindi kasya si Xander sa sofa dahil sa matangkad siya.

"Xander, dun ka na sa kama wag ka dyan sa sofa hindi ka kasya mahaba ka, tsaka bisita kita"

"Ayos na ko dito sige na tulog ka na"

"Sige na Xander wag na makulit dun ka na, pag di ka tumayo dyan di ako aalis dito"

"Sige na nga para matahimik ka tabi na tayo, o ayan masaya ka na nyan panigurado"

at tumayo na sya at hinila ako papuntang kama at nahiga kami. Kinakabahan ako sa maaring mangyari pero hindi ko na lang inisip yun at tumalikod na lang sa kanya at nakatulog na din ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, may mabigat na nakadantay sa hita ko, yun pala hita ni Xander. Bigla akong napatingin sa kanya at nasabi ko sa sarili ko na kung ganyan lang kagwapo ang lagi mong makikita tuwing umaga ay isang blessing talaga. Tumayo na ako at nagluto ng breakfast. Hotdog at Itlog lang ang naprepare ko at hinintay ko magising si Xander para sabay kaming kumain.

Habang kumakain kami ay biglang nagkwento si Xander.

"Namiss ko 'to yung nag aalmusal ng may kasama, simula nang maghiwalay ang mga magulang ko lagi na lang ako mag isa kumakain, buti na nga lang andun si Raf sa bahay kahit papaano may kasama na ako"

At nakita ko sa mukha nya ang lungkot ng nag iisa sa buhay.

"Wala ka bang kapatid?"

"Meron, sa mother's side tsaka sa daddy ko kaya lang hindi kami ganun ka-close. May sari-sariling pamilya na ang mga magulang ko, nagpapadala na lang sila ng allowance sa akin"

"Ah ganun ba, andito naman kami ng mga kaibigan mo, pag nag iisa ka lang sa inyo at nalulungkot ka puntahan mo lang kami"

"Salamat Trav"

at nginitian nya ako. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganon si Xander dati, ang pagiging salbahe nya ay may pinaghuhugutan pala. At ngayong mas nakikilala ko na sya ay mas lalo ko syang gustong mapasaya, gusto ko iparamdam sa kanya na may kasama sya at may pamilya sya sa piling ko.

---

Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na si Xander na umuwi.

"Salamat Trav, hindi ko to makakalimutan"

"Ano ka ba parang yun lang eh"

"Sa uulitin ah?"

"Oo naman"

at hinatid ko sya sa sasakyan nya. Doon ko lang nakita na masayang masaya si Xander, kahit na simple lang ang mga ginawa ko nakita ko naman na na-appreciate nya ang mga yun at alam ko mauulit pa ang pag-over night ni Xander sa dorm.

Lumipas ang isang linggo na hindi pa ulit kami nagkikita. Martes yun wala akong pasok at napagpasyahan ko na pumunta sa parke na malapit sa dorm. Nagdala ako ng Chocnut at biskwit pati na din ang libro ko sa isang subject kasi balak kong magbasa basa doon. Maayos naman ang Park, maaliwalas na ito kumpara sa dati na parang gubat sa sukal. Bago ang mga benches kaya nakakaenganyo na mag-stay dun. Mga dalawang oras na lumipas ay may kumakalabit sa akin at si Xander pala.
"O bakit ka nandito? Tsaka paano mo nalaman na nandito ako?"

"Ayan o kitang kita ka sa kalsada"

sabay turo sa kalsadang katapat ng inuupuan ko. Totoong kitang kita ako dun kaya nung nakita nya ako ay pinuntahan nya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

ang tanong ni Xander sa akin.

"Eto nagbabasa basa lang"

"Ah ganun ba, Naku, baka naman nag-eemo ka kasi naalala mo si Aaron"

"Bakit ko naman sya iisipin?"

"Mukha ka kasing malungkot eh akala ko iniisip mo sya"

"Naku wala na kong panahon sa mga ganyan"

"Naisip ko lang, bakit hindi mo sila gantihan? Yung tipong iinisin lang"

"Hayaan mo na sila, masaya naman na sila eh"

"Sa akin kasi parang hindi ayos eh, ginanun ka lang nila"

"Tandaan mo Xander, digital na ang karma ngayon"

sabay tawa

"Xander, kumakain ka ba nito?"

sabay pakita sa kanya ng dala kong Chocnut at biskwit.

"Paborito ko 'to eh. Penge!"

at inagaw nya ang dala ko. Natuwa naman ako kasi kahit mayaman sya ay kumakain sya ng mga ganun.

Ilang saglit pa ay umalis na kami. May sumalubong sa amin na mga street children, binigay ko ang natitirang pagkain na dala ko, akala ko ay susungitan nya ang mga bata pero nagulat ako kung paano makihalubilo sa mga bata si Xander at binigyan pa nya ito ng pera.

"Sa pagkain lang yan ah wag sa kung ano anong bisyo, wag kayong mag aaway"

ang paalala ni Xander sa mga bata. Lalo akong humanga sa ipinakita ni Xander, talagang nagbago na sya at masayang masaya ako dun.

Dumating ang araw ng birthday ni Aaron, pero walang dumating na invitation. Naisip ko na dumaan na lang saglit sa venue at inabot ko sa kanya ang regalo ko, ayoko kasing isipin na ipinasawalang bahala ko ang imbitasyon na kahit na walang invitation na dumating sa akin. Tinext ko si Xander na kung pwede nya ako samahan at pumayag naman sya. Pagdating doon ay madami ng tao. Nakiusap ako sa security na kung pwede ay papasukin ako kahit sandali lang para iabot ang regalo ko, pero hindi ako pinayagan. Nagpasya na lang ako na umalis ng may tumawag sa akin.

"Travis! Travis! Sandali!"

at paglingon ko si Aaron pala at hinahabol ako.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob? Tara"

at hinila nya ako papasok pero pumiglas ako ng konti.

"Hindi din ako papasukin wala akong invitation na dala"

"Ah naiwan mo? Sige ako bahala tara na sa loob"

"Wala akong natanggap"

"Ha? Paano nangyari yun pinadalhan kita, sa dorm mo ang address imposibleng hindi dumating, si Clyde pa nga ang naghatid daw nun sayo"

at natigilan sya at napaisip na baka sinadyang hindi ibigay sa akin ni Clyde ang invitation.

"Ok lang Aaron, iaabot ko lang naman yung regalo ko, Happy Birthday! Sige pasok ka na baka hinahanap ka na ng mga bisita mo"

"Please Travis pasok muna tayo sa loob"

May biglang sumingit na boses.

"Aalis na din kami pare"

at pinuntahan ako ni Xander, hindi na nagpumilit pa si Aaron at pumasok na pagkatapos ko sabihin na pumasok na sya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Naisip ko kasi kung bakit ba talaga kami nagkahiwalay ni Aaron. May hindi kaya sya nagustuhan sa akin? O kaya mas magaling sa kama si Clyde kaya nya ako hiniwalayan, nanghihinayang man sa nasira naming relasyon ay naisip ko na lang na baka hindi pa panahon na ma-inlove ako at kung kelan kaya darating ang panahon na may magmamahal sa akin ng totoo.

Umuwi ako ng pagod na pagod, natulog na ako pagkauwi ko. Naisip ko na may extra na akong pera pambili sa ireregalo ko kay Xander, alam ko na magugustuhan nya yun.

Kinahapunan ay nagpunta ako sa mall at binili ang painting set. Tinext ko siya kung nasa bahay ba siya at kung pwede ba siyang puntahan at Oo lang ang naisagot niya.

Pagdating ko sa kanila ay nakita niya ang dala ko

"Ano yan?"

"Ah eto, regalo ko sayo"

"Regalo? Hindi ko naman birthday"

"Basta appreciate mo na lang" at dinala ko ang dala ko sa kwarto nya.

"Tara na Xander"

at inaya ko sya sa kwarto nya.

Nilabas ko ang Painting Set na dala ko, at binigay ko sa kanya ang brush at palette.

"Sige na Xander, simulan mo na"

at nakatitig lang sya sa inabot ko. Ilang saglit pa ay nagsimula na sya magpinta. Parang nabuhayan ulit si Xander ng mga oras na yun. Kitang kita ko sa mukha nya na masaya sya na nagpipinta sya ulit. Ayoko kasi mawala yung talento nya dun dahil lang sa walang nag-uudyok sa kanya na gawin ang mga bagay na dati na nyang ginagawa.

Inabot ng 35 minutes bago matapos ni Xander ang obra nya. Humanga ako sa ganda nito dahil sa alam ko na may katagalan na din na hindi sya nagpipinta pero nagawa nya pa din ito na maganda.

"Thank you Trav, thank you"

at binigyan nya ko ng halik sa pisngi at natulala ako.

---

At naulit pa ang paghalik ni Xander sa pisngi ko at alam nyang gusto ko yun.

"Tama na, Ok na yun, You're welcome"

ang pagpigil ko sa kanya at napangiti lang sya sa sinabi ko.

"Nung naghiwalay ang Mom at Dad nawalan na ako ng gana magpaint. Si Mom kasi ang nag-enganyo sa akin na magpaint"

"Ah ganun ba Xander"

"Kaya thank you ah kasi parang bumabalik na ulit ang interes ko sa pagpipinta"

Kahit na dun pa lang sya nagsimula magpinta ulit ay alam ko na naibalik ko ang interes nya sa pagpinta. Nakita ko kay Xander ang saya nung mga oras na yun. Marahil ay muling bumabalik ang dating Xander na nasira nung maghiwalay ang mga magulang nya.

Magagabi na noon at nagpasya na kong umuwi.

"Xander, uwi na ako"

"Hatid na kita"

At hinatid nya ako sa dorm. Bago ako bumaba ng sasakyan nya ay nag-thank you ulit sya sa akin at sinabi ko na ok na yun at nag-thank you din ako kasi naappreciate nya yung binigay ko sa kanya.

Ilang buwan ang lumipas ay matatapos na ang semester. Nasa 3rd year na kami nun at konti na lang ay gagraduate na kami. Naging center of attraction si Xander simula nung nagkaroon ng Art Exhibit sa Campus. Doon lang nila nalaman na nagpipinta si Xander at nadagdagan nanaman ang mga humahanga sa kanya. Bihira na din kami magkita dahil sa naging busy sya. Marahil nakalimutan na din nya ako.

Lagi kong tumatambay sa Park. Umaasa ako na isang araw ay may kakalabit sa akin na Xander pero naghintay lang ako sa wala. Lagi akong may dalang pagkain na paborito nya pero hindi sya dumadating. Malamang kasama nya ang new set of friends nya na nakilala nya nung minsang may Art Exhibit. Nagtetext din ako sa kanya pero hindi nya ko nirereplyan. Wala naman kaming pinag-awayan kaya naisip ko na lang na baka tapos na ang pagiging magkaibigan namin, marahil may nahanap na sya na kaibigan na mas nagkakaintindihan sila at pareho sila ng lifestyle. Nalungkot ako pero kung ganun ang gusto ni Xander ay wala naman akong magagawa.

Nagbirthday ang kaibigan kong si Sam sa isang club sa Makati. Andun lahat ng mga kaibigan namin. Dahil andun din si Raf ay himalang naisama nya ang pinsan nyang si Xander. Binati naman ako ni Xander nung nagkita kami pero saglit lang kasi pinakilala ako ni Sam sa mga kaibigan nyang mga Bi. Natuwa naman ako sa concern ng kaibigan ko at alam ko na gusto nya akong makahanap ng partner.

Sa lahat ng pinakilala sa akin ni Sam, si Rob ang tumatak sa akin. Sya ang typical na tall, dark and handsome na binata. Mas bata sa akin si Rob ng 1 taon pero kung titignan sya ay parang magkasing edad lang kami.

Umupo ako sa bar at umorder ng maiinom, wala kasi ako sa mood makipagsocialize lalo na nandun si Xander. Parang naging biglang awkward ang environment. Maya maya pa ay may tumabi sa akin, hindi ko tinignan kung sino pero bigla syang nagsalita.

"Hi, Travis right?"

"Yup. Rob?"

"Yes. Ang galing naman ng memory mo natandaan mo pa ako sa dami ng pinakilala sayo ni Sam"

"Ah natandaan ko lang"

at nginitian ko sya. Kung alam lang nya na sya lang ang bukod tangi kong natatandaan ko sa lahat ng pinakilala ni Sam.

Matagal kami nagkakwentuhan ni Rob. Hindi ko napansin pero nagkakasarapan na din kami sa kwentuhan habang umiinom. Matalino si Rob at may sense of humor kaya hindi naging boring ang pag-uusap namin at madali ko syang naka-gaanan ng loob. Ilang saglit lang ay pumunta ako ng Comfort Room para umihi. Nung naghuhugas na ako ng kamay ay pumasok si Xander.

"Hindi mo na ko pinapansin ah? Porket may bago ka na"

"Ha? Ok ka lang ba? Sino kaya yung hindi na nagpakita tsaka yung hindi na marunong magreply"

Medyo nainis ako nun kasi naalala ko ang pagbabalewala ni Xander sa akin.

"Yun ba? Sorry na naging busy lang"

"Ok lang yun Xander, wala kang dapat ipag-sorry sa akin, wala ka namang obligasyon sa akin"

At lumabas na ako ng C.R. At bumalik sa pwesto namin sa bar.

Pagbalik ko dun ay hinanap ko ang pwesto ni Xander at nung makita ko sya ay nakatingin sya sa amin ni Rob. Sinadya kong ipakita sa kanya na nag-eenjoy akong kasama si Rob at nakatingin lang sya sa amin. May instance pa na bumubulong ako kay Rob at alam ko na pinapanood kami ni Xander. Gusto ko syang magselos pero mukhang hindi effective ang mga ginagawa ko.

Nung 2 AM na ay nagpasya na akong umuwi. Nagpaalam ako kay Sam at lumabas na ng club. Sinundan ako ni Rob sa labas

"Tara hatid na kita"

Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay may sumingit na boses.

"Wag na pare, ako na maghahatid"

ang sabi ni Xander. Nainis ako nun kasi bigla na lang syang sumusulpot sa mga pagkakataong hindi naman kailangan.

"Wag na Xander, si Rob na lang. Good night"

at nung papunta na kami sa sasakyan ni Rob ay hindi nanaman napigil ni Xander ang sarili nya.

"Pare, lasing ka! Ayos lang kung ikaw lang ang madidisgrasya pero may kasama ka"

"Ano bang problema pare?"

ang sabi ni Rob.

"Ang problema? Nakikisawsaw ka pare, ngayon mo lang nakilala si Travis, anong karapatan mo?"

galit na si Xander nung mga oras na yun at umawat na ako kasi ayokong magkagulo.

"Xander wag ka na umeksena, hindi ko to birthday"

"Tara na Travis"

at hinila ako ni Xander

"Sorry Rob, mauuna na ako" at wala akong nagawa sa paghila sa akin ni Xander.

Habang nasa sasakyan kami ay tahimik lang ako sa sobrang inis.

"Bakit ba masyadong kang mabilis magtiwala? Ngayon mo lang nakilala yung tao magpapahatid ka na agad"

"Mabait si Rob, tsaka hindi mo naman kilala yung tao bakit ba ganyan ka?"

Hininto ni Rob yung sasakyan nya.

"Bakit ako ganito? Naiinis ako kasi ayokong makita ka ng may kasama kang iba, ayokong nakikipaglandian ka sa iba"

Natawa lang ako sa sinabi nya.

"Bakit ano bang meron sa atin Xander? Hindi ko nga alam kung kaibigan ang tingin mo sa akin eh. Ang alam ko lang pag kailangan mo ako hindi mo ko nakakalimutan, pero pag wala kang kailangan, wala, parang hindi kakilala"

"Ano bang ikinagagalit mo? Ang hindi natin madalas na pagkikita? Come on Travis, hindi kita girlfriend, diba nga sabi mo wala akong obligasyon sayo, kaibigan lang ang tingin ko sayo!"

Medyo inconsistent ang mga pahayag ni Xander at hindi related, ayaw nya daw akong nakikitang may kasamang iba at wala daw syang obligasyon sa akin, kung ganon bakit ayaw nya kong may kasamang iba? Nainis ako sa mga sinabi nya. Nasaktan din ako kasi nalaman ko na wala pala syang pagtingin sa akin. Masakit kasi akala ko matutumbasan nya ang pagmamahal na binigay ko sa kanya. Umasa ako na kaya nya akong mahalin pero hindi pala.

"Ibaba mo na ko, Xander kundi bubuksan ko ang pinto at tatalon ako"

tinabi nya ang sasakyan nya at bumaba na ako.
Sumakay ako ng jeep at inis na inis sa nangyari.
Habang nasa jeep ako ay napa-isip ako kung bakit laging ganun si Xander sa tuwing may makikilala ako na iba. Nung una sa beach kay Aaron at pangalawa sa club kay Rob. Balak nya yatang i-sabotahe ang mga attempts ko sa pakikipagkilala sa iba at ayaw nya ng ganun palagi. Nakakainis man pero parang nagiging possesive sya sa akin na hindi naman dapat.

Nang makarating ako sa dorm ay andun na sya inaabangan ako. Sinalubong nya ako at sinabing

"Sorry Travis wag ka na magalit please"

"Tigilan mo muna ako Xander kahit ngayon lang inaantok na ako"

ang mahinahon kong pakiusap sa kanya at tumalikod na ako sa kanya.

Hinawakan nya ako sa braso at sinabi

"Hindi ako makakatulog pag ganyan Trav ayoko ng galit ka sa akin"

"Sana hindi mo ginawa yun kanina para ok tayo ngayon"

"Hindi ko lang kasi kaya.."

at pinigil ko sya sa pagsasalita

"Dun na tayo sa kwarto ko baka kung ano akalain nila ang lakas kasi ng boses mo"

At umakyat na kami sa kwarto ko. Pagdating namin ay nag-usap kami agad.

"Ano bang problema Xander, alam mo lagi na lang ganyan nakakainis na lagi kang pumapasok sa eksena yung una kay Aaron tapos ngayon naman kay Rob, ano ganyan na lang parati pag may nakikilala akong bago lagi mo na lang aawayin?"

Nakatingin lang si Xander sa akin habang salita ako ng salita.

"Hindi ko alam kung ayaw mo lang ako maging masaya kasi lagi ka na lang humahadlang, napaka K.J mong tao alam mo yun"

"Pwede ako naman?"
at hinayaan ko syang magsalita

"Ayoko kasi ng nakikita ka ng may kasamang iba"

"Bakit? Bawal?"

"Parang mahal na kasi kita, oo nagsinungaling ako sayo, hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo, mahal kita"

at hinalikan nya ako sa labi. Nakailang segundo bago ako nagkalakas na pumiglas.

"Tama na, umuwi ka na please, bukas na lang tayo mag-usap"

at hinatid ko sya sa pinto at pinalabas. Ayoko na kasi magpadala kay Xander, alam ko pagkatapos nun ay hindi na ulit sya magpaparamdam kaya habang kontrolado ko pa ang sarili ko ay ako na ang lumalayo sa kanya, hindi dahil sa gusto ko na habulin nya ako, kundi gusto ko na mawala ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa mapupunta lang ito sa wala.

---

Magaan ang paggising ko kinabukasan, ewan ko din kung bakit pero siguro dahil nakahanap na ako ng bagong eye candy. Pagtingin ko sa cellphone ko ay may nagtext na hindi nakasave sa contacts ko.

"I had fun last night, Are you free tonight Thanks -rob"

Si Rob pala at napangiti ako nung mga sandaling yun, parang teenager na kinikilig.

"Hi Rob. Free ako mamayang gabi, kung ok lang sayo dito na lang sana sa dorm, I'll cook if you want"

ang reply ko sa kanya.

"No, ako na lang magdadala ng food. My treat. Yes ok lang sa dorm mo, text mo sa akin yung address mo and we're all set"

at tinext ko sa kanya ang address ng dorm. Naghanda ako kahit paano para hindi ako mapahiya sa bisita ko.

Maya maya pa ay may kumakatok na sa pintuan, dali dali ko itong binuksan at si Rob pala.

"Pasok ka Rob"

"Ang cool naman ng place mo, Trav"

ang pagbati nya sa dorm na tinitirhan ko.

"Ah thank you"

ang naging tugon ko.

"Tara na kain na tayo"

at hinanda ko ang mga dala nya at yung niluto ko.

Puro kwentuhan lang kami ni Rob magdamag. Sa ilang oras na yun ay tila isang interview at background check ang naging usapan namin ni Rob. Sa totoo lang wala naman akong maipipintas sa kanya. Mabait naman sya at simpatiko, in terms of Physical Appearance naman ay hindi din naman sya magpapahuli. Pakiramdam ko ay tanging pagiging magkaibigan lang ang gusto ni Rob, na ayos lang naman sa akin. Ayoko din naman mag-assume na may gusto sya sa akin dahil hindi din naman tama. Habang tumatagal ang kwentuhan ay mas lalong nagiging malalim ang topic. Napag-alaman ko na may nililigawan pala na bi si Rob, si Josh yung isang kaibigan ni Sam, inaamin ko nadismaya ako, akala ko sya na ang susunod na mapapaibig ko, pero wala din pala. Naisip ko na lang na hindi talaga ako dapat mag-expect lalo na sa mga bagay na ganun.

Mga madaling araw na yun at nagpasya nang umuwi si Rob. Medyo boring. Walang kiss, hindi romantic, pero on the other hand, nadagdagan nanaman ang listahan ng mapagkakatiwalaan kong mga kaibigan, kahit na bagong kilala lang kami ay nakagaanan ko na sya ng loob at masasabi kong komportable ako sa kanya.

Hindi na ulit nasundan ang pagpunta o pag-invite sa akin ni Rob. Pero tuloy tuloy naman ang communication namin. After 1 month muli kaming nagkita at this time kasama nya si Josh. Nasa mall ako nun at nakita ko silang kumakain sa isang fastfood chain. Nag-order kasi ako ng take out at nung palabas ako ay dun ko sila nakita. Kinawayan naman ako ni Rob at pinaupo sa table nila, bilang respeto na din ay umupo ako saglit upang ipakilala si Josh sa akin.

"Trav, si Josh nga pala partner ko"

May panghihinayang sa akin pero wala pa ding tatalo sa pagkakataon na makita ang gusto mong tao na masaya sa piling ng iba.

"Hi Trav, nagmeet na tayo diba? Nung birthday ni Sam? Ikaw yung bestfriend nya since childhood diba?"

"Ah oo nung birthday nya, oo parang magkapatid na nga kami nun eh"

At natuloy ang kwento nila, inalok nila ako na dun na lang kumain pero tumanggi ako. Umabot ng halos 20 minutes ang usapan namin na parang ayaw nilang maputol. Masayang masaya si Rob nung mga oras na yun. Nainggit ako kay Josh dahil nasa kanya si Rob, kung ako lang ang nasa kalagayan nya ay hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ipadama kay Rob kung gaano ko sya kamahal.

"Aalis na ko guys, its getting late"

"Ah sige ingat ka, Travis, keep in touch na lang"

"Kayo din!"

At umalis na ko. Masasabi kong happy couple sila at kahit na gusto ko si Rob ay mas masaya ako na makita syang masaya na kasama si Josh.

Nung papalabas na ako ay may pamilyar ako na mukhang nakita, may kasama itong babae at magka-holding hands sila. Nung papalapit na sila si Xander pala, binati ko sya.

"Uy Xander!"

Tumingin lang sya sa akin na parang hindi ako kakilala at sinabing

"Do I know you?"..

Nagulat at napahiya ako nung mga pagkakataong iyon wala akong nagawa kundi magpanggap na nagkamali lang ng pagkakakilala kahit na tama ang pangalan na binanggit ko.

"I'm sorry"

At dali dali akong umalis. Napaisip ako kung bakit ako ginanun ni Xander, pero kung ano man ang dahilan nya ay wala na akong pakialam, basta para sa akin ay hindi ko na sya kilala.

Pag uwi ko sa bahay nagtext si Xander.

"Sorry kanina, ayoko lang mapahiya sa nililigawan ko, I hope you understand."

Nagreply ako.

"Wala naman sa akin yun actually, di ko naman masyadong dinamdam pero isa lang ang malinaw sa akin nung ginawa mo yun, hindi na tayo magkaibigan, by the way di ko din naman alam kung kaibigan talaga ang turing mo sa akin. Good night stranger."

Maya maya pa ay tumatawag sya sa akin, hindi ko na sinagot at pinatay na lang ang cellphone ko.

Nagdaan ang mga araw, linggo at umabot ng ilang buwan ay wala na kaming communication ni Xander, marahil nagpalit na ito ng number, kahit sa Campus ay bihira na kami magkita pero mas ayos na din yun para matanggal din yung pagiging attached ko sa kanya. Masaya naman ako kay Rob at sa partner nya. Minsan nagpupunta sila sa dorm at kwentuhan kaming tatlo, wala na akong bitterness na nararamdaman tungkol sa kanila kasi natanggap ko na na hindi talaga lahat ng gusto mo ay makukuha mo.

December noon, kasagsagan ng isang bagyo na nakalimutan ko ang pangalan, wala akong pasok nun at napagpasyahan na maglinis na lang ng bahay nang mapansin ko na wala na pala akong ulam for lunch kaya nagpunta ako sa Store na malapit sa dorm. Malakas ang ulan at makulimlim pero hindi naman binabaha sa lugar namin kaya wala namang problema. Nang makarating ako sa Store ang daming tao at konti na lang ang mga tinda, tumigil ako saglit upang makipanood ng tv. Wala akong ka-ideidea na bumabaha na pala sa ilang parte ng NCR. Hindi kasi ako agad nagbukas ng tv sa dorm kaya hindi ko din alam na grabe na pala ang baha. Pagkabili ko ay umalis na ako at naglakad papuntang dorm.

Habang naglalakad ay may tumawag sa akin.

"Travis! Trav!"

Akala ko mga kadormmates ko pero si Xander pala, after 4 months ngayon lang sya nagpakita, bilang pakikisama na lang ay pinansin ko sya.

"O bakit ka nagpapaulan? Wala ka nanamang payong"

at sinilong ko sya sa payong na dala ko.

"Baha na sa daan ko pauwi, pwede bang magstay muna sa dorm mo kahit saglit lang? Pahuhupain ko lang yung baha tapos uuwi na din ako, kung ok lang?"

"Oo naman"

At naglakad na kami, napansin ko na mugto ang mga mata ni Xander nung mga oras na yun pero hindi na ako nag-usisa pa.

Nang makarating kami sa dorm ay pinagpalit ko sya ng damit.

"Xander, maligo ka muna at magpalit ng damit basang basa ka"

At inabot ko ang damit at tuwalya at ang underwear nya na iniwan nya sa dorm na pang emergency use daw nya. Nilagay ko na din ang ibang damit nya sa bag na iniwan nya sa dorm na ginamit nya nung nag oovernight pa sya sa dorm, iaabot ko ito pag alis nya dahil alam ko ay hindi na sya ulit makakapag-overnight sa dorm dahil sa iba na ang pakikitungo namin sa isa't isa noon.

Napansin ko na basang basa din ang wallet nya pati ang cellphone nya kaya nilabas nya agad ito at kinalas upang matuyo. Pagkatapos nun ay nagpunta na sya sa banyo at nagluto na ko ng lunch namin.

Paglabas nya ng banyo ay mas lalong naging mugto ang mata nya.

"Ano bang nangyari sayo Xander bakit ka nagpaulan?"

"Sobrang sama kasi ng loob ko Trav, hindi ko napansin na yung dinadaanan ko baha na buti naitabi ko pa yung kotse sa mataas na lugar dun sa kabilang street tapos lumusong na lang ako sa hanggang bewang na baha para makapunta dito"

"Bakit naman masama ang loob mo?"

at dun na inamin sa akin ni Xander.

"Trav, nabuntis ko ang girlfriend ko at gusto ng pamilya nya na magpakasal kami agad"

Medyo nalungkot ako kasi kahit papaano ay hindi ko maitatanggi na mahal ko pa din sya at tuluyan na syang mawawala sa akin, bubuo na ng sarili nyang pamilya, pero masaya din ako para sa kanya kasi alam ko yun talaga ang gusto nya.

"Dapat nga maging masaya ka, magkakaroon ka na ng baby"

At tumayo ako para maghanda ng kakainin namin. Bigla nya akong niyakap patalikod at umiyak sya.

"Masamang masama ang loob ko kasi hindi kita pinaglaban, instead nag-girlfriend ako para mapagtakpan ang nararamdaman ko sayo, at nagawa ko na saktan at pahiyain ka kaya I'm sorry Trav, sobrang nagsisisi ako"

Gustuhin ko mang maiyak din pero dahil sa kailangan ko din ipakita na matatag ako ay hindi na ko naiyak. Humarap ako sa kanya habang pinupunasan ang luha nya.

"Xander, napatawad na kita matagal na, tsaka dapat maging masaya ka kasi magkakaroon ka na ng pamilya, hindi ko yun maibibigay sayo at alam mo na wala kang mapapala sa akin"

"Mahal kita Travis, mahal na mahal"

Tuloy tuloy pa din ang pagluha ni Xander.

"Mahal din kita Xander, pero hanggang dun na lang yun, mag move on na"

At niyakap ko ulit sya.

"Tara na kain na tayo, alam mo naman na ayaw kitang nagugutom"

At natawa sya sa sinabi ko. Pagkatapos namin kumain ay nanood kami ng tv at nakatulog sya sa sofa. Habang tinititigan ko si Xander, naalala ko kung paano nabuo ang pagkakaibigan namin at ang naudlot naming Love Story. Naisip ko na lang na mas mabuti nang mapunta si Xander sa babae kesa naman sa akin na wala naman syang mapapala, hindi ko sya mabibigyan ng anak dahil sa hindi naman ako babae. Habang natutulog sya ay kinuhanan ko sya ng picture gamit ang cellphone ko. Ang aking remembrance kay Xander.

Bandang mag-5pm nun nang magising sya. Tumulong sya sa akin sa pagprepare ng dinner.

"Xander, bukas ka na ng umaga umuwi, dito ka na matulog"

"Ok lang ba, Trav?"

"Syempre, ikaw pa. Tsaka madilim na din kasi delikado na tsaka baka hindi pa humuhupa yung baha sa daan"

"Oo nga eh. Thank you ha"

"No problem"

Pagkatapos namin magdinner ay naligo na ako habang nanonood sya ng tv. Pagkatapos ko ay tumabi ako sa kanya sa sofa.

"Xander, dun ka na sa kama ha"

Hindi sya kumibo pero tinignan nya ako ng diretso sa mata. Lumapit sya ng konti sa akin at hinalikan nya ako sa labi, gusto kong pumiglas pero hindi ko na nagawa dala na din ng mga emosyon at libog.

"Ok lang ba Trav, kahit ngayon lang? Maramdaman ko manlang yung pinakawalan ko"

At hinila ko sya papalapit sa akin at tuluyan kaming naglaplapan.

Tinanggal ko ang sando na suot nya at hinimas ang kanyang ripped na katawan, dahil sa laki ng katawan nya ay nabuhat nya ako at dinala sa pader, sinandal ako sa pader habang nagtatanggal kami ng damit. Nang wala na kaming saplot ay diniin nya ako lalo sa pader at ramdam na ramdam ko ang matigas nyang alaga. Tinaas nya ang hita ko at tinutok ang alaga nya nakuha ko ang gusto nyang gawin kaya kumuha ako ng lubricant at pinahiran ang etits nya. Tinaas nyang muli ang hita ko para maitututok nang mabuti sa butas ko, pakonti konti ay pinapasok nya ang alaga nya, masakit ito pero parang nawawala din dahil sa ginagawang paghalik sa akin ni Xander.

"Sige isagad mo na"

Ang utos ko sa kanya na sinunod naman nya. Unti unting bumabayo si Xander habang wala pa din kaming tigil sa paglalaplapan. Nakakakiliti ang pagbayo nya sa akin na ikinaungol ko at tila may sariling isip ang butas ko dahil sa pagsikip nito sa tuwing bumabayo si Xander na halos ikabaliw nya sa sarap.

"Ahh sarap"

Ang tanging nasabi ni Xander habang binabayo nya ako. Nang bigla nyang hinugot ang etits nya at humiga kami sa kama, patagilid ang posisyon namin at tuloy pa din kami sa sex. Maya maya pa ay ako naman ang pinaibabaw nya at ramdam ko ang laki ng etits nya sa butas ko, puro ungol lang ang maririnig kay Xander.

"Aaaahh sarap ang sikip uhhh uhhh"

At mas lalo ko pang pinagbuti ang pagtaas baba. Pagkatapos nun ay ako naman ang hiniga nya at pumatong sya sa akin at pinasok ang etits nya sa butas ko. Sarap na sarap ako nun dahil sa paglalaplapan namin at ang kakaibang pakiramdam ng may nakapatong sa akin. Mahigpit ang yakap ko kay Xander ng mga oras na yun at damang dama ang bawat pagbayo nya sa akin.

"I'm coming, puputok ko sa loob mo tutal ako naman nakauna sayo, para magkababy na tayo"

Ngumiti ako at hinila pababa ang ulo nya para makapaghalikan ulit kami. Bumilis ang pagbayo ni Xander at sagad na sagad ito tanda ng malapit na syang labasan.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na may mainit sa loob ko at nilabasan na si Xander, madami iyon na halos lumabas na yung ibang tamod nya. Hindi nya ito agad hinugot at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos nun ay humiga sya sa tabi ko.

"Ligo tayo"

At hinila nya ako papuntang banyo at nasundan pa ng Round 2 sa banyo.

Pagkatapos nun ay nahiga kaming dalawa sa kama.

"Alagaan mo ang baby natin ha"

habang hinihimas ang tiyan ko.

"Sira ka talaga"

at nagtawanan kami.

"Salamat kahit na sa huling pagkakataon ay napagbigyan mo ang pangarap ko na maging asawa kita kahit ngayon lang"

"Basta Xander tandaan mo na maging mabuti kang asawa at daddy sa anak mo, dun lang masaya na ko, hindi lang masaya, masayang masaya"

"Ayoko nang matapos 'to"

Ngumiti lang ako at nakatulog na din habang yakap ni Xander.

---

Kinaumagahan ay nagising na ako, wala na si Xander sa tabi ko pero nag-iwan sya ng Note sa side table

"Trav, hindi na kita ginising kasi ayokong maistorbo ang pagtulog mo. Thank you ng madami and sorry sa lahat. Mamimis ko ang mga ginagawa natin sa dorm mo. Sana one day magawa ulit natin yun. Kita kits na lang.
-Xander"

Napangiti ako sa sulat nya at itinago ito. Malamang ay ito na ang huling sulat na matatanggap ko sa kanya.

Tumambay ako sa Park na malapit sa dorm. Dahil December na nun ay tila naging Wonderland ang park sa dami ng palamuti, Christmas Lights at mga nagtitinda. Walang kasing ganda ang Park noon, madami na din nagpupunta doon, malayong malayo sa Park dati na halos walang pumupunta. Bigla kong naalala yung mga panahong kasama ko si Xander na kaming dalawa lang.

Habang nakaupo sa bench at nagmumuni-muni ay may bilang umupo sa tabi ko.

"Bakit kaw lang mag-isa?"

Pagtingin ko si Rob pala.

"Uy anu ka ba nagulat naman ako akala ko naman kung sino"

At natawa kami.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Galing ako sa dorm mo, walang tao sabi nung dormmate mo baka daw nandito ka. Trav, pwede ba tayo mag-inuman sa dorm mo?"

"May problema ka ba?"

"Wala naman, kailangan ko lang ng lakas ng loob, boost ganun"

"Sige ok lang naman, itago na lang natin pag akyat natin"

"Tara na"

At umalis na kami. Pagkabili namin ay umuwi kami agad para masimulan na.

Pagdating sa amin ay nilabas nya agad yung mga pinamili namin at binuksan ang bote ng vodka, tig-isa kami.

"May sasabihin ka ba? Alam ko may purpose 'to"

"Wala na kami ni Josh"

"Bakit? Don't tell me may ginawa ka?"

Matagal bago sumagot si Rob, hinihintay ko ang sagot nya habang nakatitig sa mukha nya, naghanap ako ng non-verbal clues ngunit wala.

"Mutual naming desisyon yun, pareho naming pinag-usapan"

"Bakit? Hindi ko maintindihan"

"Wala eh, hindi nag-work. Alam kong may ibang mahal si Josh at ganun din ako, I'm in love with someone"

Hindi ako agad nakapagsalita nung mga oras na yun.

"Kung mahal mo talaga si Josh, try to win him back"

"Hindi na siguro, ok na yung ganito na nagbreak kami"

At hindi na ako muling nagtanong pa.

Makalipas ang ilang oras ay nalasing na si Rob, hindi naman nya ako pinilit uminom ng madami kaya hindi ako nalasing masyado.

"Alam mo ba kung bakit ako pumayag makipagbreak? Kasi ikaw yung mahal ko, nafall ako sayo Trav, sa tuwing magkasama kami ni Josh ikaw ang nasa isip ko, sa tuwing magsesex kami ikaw ang nasa isip ko, mahal kita"

ang sabi ni Rob, halatang lasing na lasing na sya kasi mapula na sya at halata sa itsura at kilos nya. Hindi na lang ako kumibo pero alam ko na may pinaghuhugutan ang mga sinabi nya. Pero hindi ako nagtake advantage sa sitwasyon at hinayaan lang sya. Nung mapansin kong nakatulog na sya sa sofa ay tinayo ko na sya.

"Rob, dun ka na sa kama matulog"

Dumilat sya at nasuka. Nasukahan ako pati na din sya. Nagsasalita pa si Rob habang lasing na lasing na sya.

"I'm sorry mahal ko nasukahan kita"

"Ssshhh wag ka na magsalita"

At tumayo ako para kumuha ng bimpo para malinisan ko sya at makapagpalit ako ng damit.

Pagkatapos ko syang palitan ng damit ay inakay ko sya papunta sa kama. Ang bigat ni Rob na halos mabali na ang buto ko sa kakaakay sa kanya. Nung naihiga ko sya sa kama ay lumabas na ako at naglinis ng pinaggamitan namin. Pagkatapos nun ay sa sofa ako natulog.

Maaga akong nagising at nagluto ng almusal. Hindi ko na muna ginising si Rob at baka sumakit ang ulo at mabitin sa tulog. Maya maya pa ay lumabas na sya ng kwarto.

"Bakit hindi ka sa kama natulog?"

"Bisita kita ikaw dapat talaga dun"

"I'm sorry, alam ko nalasing ako kagabi at nagsalita ng kung anu ano, basta alam mo naman dun kung ano yung totoo"

"Ha?"

"Basta"

Alam ko yung tinutukoy ni Rob, yung nagtapat sya sa akin kagabi. Naramdaman ko naman na totoo yun sa mga pinapakita sa akin ni Rob, kahit gustuhin ko man ay hindi ko na sya ganun ka-gusto. Mas gusto ko syang maging kaibigan kesa maging boyfriend. Marahil noon pa man ay natanggap ko na na hanggang magkaibigan na lang talaga kami.

"Rob kain na tayo"

"Teka, paano nga pala ako nakapagpalit ng damit? Hmmm"

At ngumiti sya sa akin.

"Don't worry Rob, hindi ko naman nakita yan, ako pa? Never naman akong magtake advantage"

"Oo naman jinojoke lang naman kita eh. Thank you ah"

"Wala yun. Nevermind"

At nagtawanan kami.

"Rob yung mga damit mo nilabhan ko na kagabi mukhang matutuyo naman na sya paplantsahin ko na lang"

"Wag mo na galawin yun, dapat hindi mo na nilabhan eh"

"Nasukahan mo kaya"

"Eh di iuuwi ko na lang sana sa bahay at dun na lalabhan"

"Naku wag na tsaka nalabhan ko naman na eh"

"Tsk. Nakakahiya na tuloy"

"Bakit ka naman mahihiya? Ganyan talaga pag magkaibigan"

"Magkaibigan lang?"

"Ha?"

"Wala. Pero kung anu man ang nasabi ko kagabi totoo yun Trav"

"Sige na kain lang"

Sinadya kong ibahin ang topic namin para hindi na mapag-usapan.

Pagkatapos nun ay nagstay pa sandali si Rob. Naglaro kami ng cards at kung sino ang matalo ay papahiran ng pulbos sa mukha. Nagkakatuwaan kami sa laro at halos pumuti na ang mukha nya sa dami ng pulbos nung akmang lalagyan ko ulit sya ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at napatigil din ako. Yun pala ay kikilitiin nya ako at nahulog kaming dalawa sa sahig. Tawa kami ng tawa noon at halatang masaya sya sa amin. Bigla akong hinalikan ni Rob sa labi, at ngumiti sya.

"Ay"

"Sorry!"

habang nakangiti sya at napangiti na din ako.

Kinahapunan ay umalis na din si Rob. Isang araw ang nagdaan na puro harutan at tawanan kaming dalawa. Mas na realize ko na kailangan ko pala si Rob sa buhay ko, bilang kaibigan.

Naging busy ako pagkatapos ng New Year. Dahil sa last semester na yun ay busy kami sa Thesis at Final Exams. Halos hindi na kami magkita ni Rob pero nagkakatext pa din kami. Dumadaan sya sa dorm para magbigay ng pagkain at kung anu ano pa pero hindi din sya nagtatagal kasi may mga inaasikaso din sya.

Habang nagpapalipas oras ako sa quadrangle sa school ay nakita ko si Zoey.

"Travis!"

"O Zoey bakit?"

"Wala lang namiss lang kita, nasaan si Xander?"

"Nasaan si Raf?"

"Ano 'to tanong ko sagot ko?"

At nagtawanan kaming dalawa.

"Friend, kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong may pinagdadaanan ka"

"Ha?"

"Kayo ni Xander"

At natahimik ako at naging seryoso ang usapan namin.

"Ganun talaga Zoey, wala na kong magagawa dun"

"Hayaan mo Trav, madami pa naman dyan, hindi ka mauubusan, swear!"

Ilang saglit pa ay dumating si Raf, kasama ang isang babae na parang hindi ko kilala, nung lumapit sya parang pamilyar ang mukha nya at tama nga ang hinala ko, sya ang babaeng kasama ni Xander sa mall.

"Guys, this is Mimi, Xander's Girlfriend,

Ahh Mimi, my girlfriend si Zoey"

At nagkamayan sila

"And our friend, si Travis"

"Hi Mimi"

At nakipagshake hands din ako. Inoffer ko na maupo sya sa tabi ko. Mukhang hindi naman nya ako namukhaan kaya ok lang.

"Matagal pa ba si Xander, Raf? Baka kasi mahuli kami sa check up namin sa OB"

At nagulat ako sa sinabi nya, kahit na aminado akong naka move on na kay Xander ay deep inside nasasaktan pa din pala ako. Yun pala ay pinipilit ko lang paniwalain ang sarili ko na ok na sa akin na magpapakasal na sya pero hindi din pala. Ramdam ko ang kirot nun at nahalata ni Zoey na bigla akong naging matamlay kaya nginitian nya ako.

Ilang saglit lang ay dumating si Xander, hindi nya alam ang gagawin nya nung nakita nyang magkatabi kami. Nung magkiss sila nakatitig lang sya sa akin tila may mensahe ang pagtitig nyang iyon na parang nagsasabi na, "I'm sorry"

Hindi ako nagpahalata na affected ako, kahit na sa totoo naman ay affected ako talaga ay wala akong karapatan na umasta ng ganun sa harap nya.

"Guys una na ako ha"

At umalis na din pagkatapos kong magpaalam. Naisip ko paano kaya kung nagtapat na ako kay Xander dati pa? May mangyayari kaya? O pinalagpas ko lang ang pagkakataong maging kami. Sa totoo lang ay hindi ko din alam ang mga sagot, ayoko na din umasa pa lalo na't buntis ang girlfriend nya at magiging ama na sya.

Itinuon ko ang lahat ng oras ko sa school. Dahil sa ilang buwan na lang ay gagraduate na kami ay kailangang magfocus na muna. Sa panahong yun ay parang walang Xander sa buhay ko. Hindi na din sya dumalaw sa dorm, tanging si Rob na lang ang bumibisita sa dorm at nakakakwentuhan ko. Marahil busy din sya kasi gagraduate na din sya at mas mauuna silang magdaos ng Graduation Rites.

Naging mabilis ang panahon, hindi ko namalayan na Finals na at ibinigay ko naman ang lahat ng best ko, para sa pamilya ko ang lahat ng yun at sa Ninang ko na walang sawang sumuporta sa akin. Hindi naman ako nabigo at nakuha ko ang pinaka-aasam ko na Latin Honors. Tuwang tuwa ang pamilya ko pati na din ang Ninang ko. Pati na din ang mga kaibigan ko.

Nung kuhanan na ng toga ay muli kong nakita si Xander, ibang iba na ang itsura nya, para sa akin ay mas lalo syang naging gwapo sa hindi ko din maipaliwanag na dahilan.

"Congrats Trav alam ko naman na para sayo talaga yan"

"Thank you, ikaw din Congrats din, gagraduate na tayo"

"Oo nga eh. Ang bilis ng panahon talaga, tara samahan mo ko mag coffee, libre ko, Please?"

"Sige hintayin mo na lang ako sa quad"

Pagkatapos nun ay nag-coffee kami. Nagkakwentuhan ng mga nangyari nung dati pa, the first encounter at nung sinagip ko sya nung nangodigo sya.

"Xander, kung hindi kita sinagip noon malamang nag aaral ka pa din ngayon"

At nagtawanan kami. Biglang nag-iba ang topic at naging seryoso na. Dahil sa konti pa lang ang tao sa Coffee Shop ay hindi sya nahiyang magtanong.

"Trav, minahal mo ba ako? Yung more than friend na pagmamahal?"

Hindi ako agad nakasagot pero ginather ko ang lahat ng lakas ng loob para sagutin ang tanong nya.

"Oo, pero hanggang dun na lang yun siguro. Umasa ako na mamahalin mo din ako pero wala eh, hindi nagwork"

Nginitian ko sya at nakita kong nanggilid ang mga luha nya.

"Xander, i'm trying to move on kasi yun na lang ang option ko. Ikaw may future na naghihintay sayo, hindi man tayo naging ngayon, who knows baka sa second life magkita tayo ulit at maging tayo na"

Biglang naiyak si Xander pero naagapan naman nya ang pagpatak ng luha nya kaya walang nakapansin sa amin.

"Mahal kita Trav kasi binalik mo yung dating ako, alam kong gago ako pero nung nakilala kita napagbago mo ako. Naramdaman ko na may pamilya ako pag kasama kita"

"Andito pa naman ako, hindi ako mawawala"

"Gusto kasi ni Mimi (Gf nya) na sa States kami ikasal at dun na magstay"

"Xander sya na ang priority mo ngayon, isipin mo na lang na para sa future nyo din yun, kelan ang flight nyo?"

"Next week"

"Wag ka na malungkot, ienjoy na lang natin ang ilang araw mo pa dito. Let go of what's inside Xander, minsan sa buhay mo maalala mo na minsan na may nagmahal sayo na kagaya ko"

"Cheesy!"

at napangiti ko din sya.

Pagkatapos noon ay hinatid nya ko sa dorm.

"Thank you Trav sa lahat"

"Ikaw pa!"

At niyakap ko sya ng mahigpit.

"Sana lagi tayong ganito, hindi ako magsasawa"

habang yakap nya ako.

"Sige na Xander uwi ka na, thank you"

At bumaba na ko ng sasakyan at umakyat na ako papuntang dorm.

Masasabi ko na hindi naging perfect ang samahan namin ni Xander, pero kahit na ganun ay masaya ako kasi kahit papaano ay may nagmahal sa akin, higit pa sa ineexpect ko na taong magmamahal sa akin. Hindi nga lang napagbigyan ang aming Love Story.

-Itutuloy-

1 comment:

  1. Maganda ang stury mo tol, sorry ngayon ko lang nabasa. God Bless

    ReplyDelete